You are on page 1of 3

Camille B.

Bucayan March 8, 2023

BSE- English 102-A Mrs. Bridget

Ilang dekadang taon nang malaking problema ng ating bansa ang kahirapan, na

tila hanggang ngayon parang Malabo na itong makamit. Dahil kahirapan ang punot dulo ng

lahat ng klase ng krimen dito sa Pilipinas, patindi ng patindi ang mga problema sa bawat

komunidad. Kung atingf iisa-isahin ang problema o sanhi ng bawat problema ng ating bansa

sa kaso ng kahirapan, malabong tayo ay matapos sa isang sanaysay na ito, ating pag

uusapan ang napapanahong at mainit na isyu ng ating lipunan sa transportasyon hinggil sa

kahirapan. Anon ga ba ang kahulugan ng “Jeepney Phaseout”? Bakit nga ba ito nagging

isan g dahilan ng kahirapan? At ano ano nga ba ang maidudulot nito sa mamamayan lalo’t

higit sa mahihirapan na mamamayan?

Ang Jeepney Phaseout ay ang pagsasama ng mga lumang Jeepney sa operasyon

na pagpapalit ito sa mas bago at modernong jeepneyna mas kaaya-aya at ligtas para sa

mga komyuter. Sa pagsasagawa nito malayangipinahayag ng ating gobyerno na ang bawat

modernong jeepney ay may sapat na aircon o malamig na hangin, maayos na upuan at

ligtas na transportasyon para sa mga komyuter. Ang pagsasagawa nito ay may magandang

layunin, dahil sa pagpapalit nito ng Sistema, ngunit ang benepisyo nito ay hindi para sa

lahat. Marami ang matutuwa dahil sa pag-unlad ng ating mga tradisyonal na jeepney, ngunit

marami ding mga jeepney driver ang aaray sa malaking kabawasan nito sa kanila. Ang mga

driver na magpapasada ng mga modernong jeepney na ito ay kakailanganin ng malaking

halagang pera para makabili o magkaroon ng modernong jeepney. At kung sila naman ay

walang malaking halaga para dito, mapipilitan ang ilang driver na umutang sa mga

malalaking bangko mayayamang tao o kaya naman, ang mas masakit na paraan, ay pipiliin

nalang nila na hindi pumasada kesa malubog sa utang. Ang tunay na magiging biktima ng
bulok na sistemang ito ay ang mga driver na naghahangad ng maayos na buhay.

Ang makikinabang lamang dito ay ang mga malalaking banko, may mga negosyo

dahil sila ang uutangan ng mga driver. Dahil sa malaking dagok na ito para sa ating mga

driver, mahihirapan sila na humanap ng alternatibong trabaho upang kumita. Kung ito man

ang mangyayari, malaking ang posibilidad na lolobong muli ang pursyento sa ating bansa

ang mga taong walang trabaho, o tambay. Sa paglobo ng bilang nito, madaragdagang muli

ang bilang ng mahihirap sa ating bansa. Mahirap solusyonan ang problemang

pangkahirapan. Kaya naman, mas mabuting unawain natin bakit nga ba ito mahalaga,

saliksiking mabuti ang solusyon na makagagan sa lahat at simulan nating tulungan ang

bawat isa na nahihirapan.

Bilang isang istudyante na isa ring komyuter, sa aking pag aaral mahalaga na aking

maunawaan na hindi lamang ang mga jeepney driver ang mahihirapan sa sitwasyong ito.

Hindi lamang sila ang dapat lumaban sa maling Sistema na ito, dahil bilang komyuter

kasama kaming tatayo at titindig sa laban na ito. Nais kong ipabatid sa lahat ng jeepney

driver sa pamamagitan ng sanaysay na ito na kasama niyo kami sa byaheng ito.

You might also like