You are on page 1of 1

Jeepney Phaseout

Kahapon o Marso 6 2023 nagsimula na ang “jeepney phaseout”. Magtatagal ito ng anim
na araw mula Marso 6 hanggang Marso 12. Ginawa ito ng pamahalaan upang magsagawa ng
isang linggong welga para iprotesta ang sinasabing “phaseout” ng mga tradisyonal na jeepney.
Sinabi din na imbis na Hunyo imabot na sa Disyembre ang katapusan ng “jeepney phaseout”. Sa
madaling salita madaming tao ang maapektuhan dahil dito. Ngunit ano nga ba ang aking opinyon
patungkol dito?

Kung ako ang tatanungin ano ba ang masasabi ko patungkol sa jeepney phaseout na ito,
mayroon lang ako limang masasabi dito. Una sa lahat maraming pamilya ang maaapektuhan
halimbawa na dito ang kapitbahay namin dahil umaasa lang sila sa pasada ng kanilang tatay araw
araw, ang konti na nga lang ang sinusweldo nila. Pangalawa ay kung tatanungin mo ang isang
jeepney driver kung sang ayon ba sila sa modernisasyon sasagutin nila oo ngunit hindi sila sang
ayon sa pagbayad ng 1.5 – 1.8 milyon para sa modern na jeep ang hiling lang ng mga driver ay
lakihan ang tulong ng salapi ng pamahalaan upang makaya nil ana makabili o makabuo ng
modern na jeep. Pangatlo naman ay naging kultura na ito ng Pilipinas isa sa dahilan kung bakit
napunta dito ang mga turista upang makita ang kakaibang transportasyon ng Pilipinas. Pang apat
Maganda nga ang desisyong gawin modern ang bansa pero paano na ang mga jeepney driver na
mawawalan ng trabaho dahil hindi kaya magbayad upang mapaayos ang jeep. At pang huli lahat
ng tao ay maaapektuhan hindi lang ang mga jeepney driver kaya sana naman bigyan pansin ng
pamahalaan ang mga tsuper na magdudusa kapag nawalan ng trabaho.

Oo na sabihin na natin sa no to jeepney phaseout sana naman no to mausok na jeep na din


kasi kalikasan ang maaapketuhan susunod na tayo. Bilang konklusyon sa aking mga sinabi ayos
lang ang modernisasyon pero hindi ganon ka dali. Upang makamit ang modernisasyon dapat o
kailangan na may malaking halaga na pagkukunan Halimbawa, pagpopondo at imprastraktura.
Sa malapit na hinaharap, ang diskarteng pinakamahusay ay magiging tiyak sa konteksto ng bansa
at ang sistema ng transportasyon nito,.

You might also like