You are on page 1of 1

Ashley C.

Cariaga SCNHS
10-Galileo Galilei 3/24/2023
State of the Nation Address

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, mga ating kababayan, ang paksa na ating pag-uusapan ay
patungkol sa pag palit ng ating mga jeepney o ‘phase out’ nito upang magbigay daan sa makabagong uri ng
jeep.

Ang ating mga ’traditional jeepney’’ ay mayroong negatibong epekto sa ating bansa lalo na sa
kapaligiran, ng hangin, na hindi maiiwasan sa patuloy na paggamit nito. Mahigit kumulang na 100,000 na
jeepney operators ang nasiyasat sa Manila at 250,000 na total na jeepney sa buong Pilipinas.

Nasimulan ito ng Duterte administration nang simula ng taong 2017, ipinahayag ang pag ‘phase out’ o
pagtanggal ng mga old jeepneys upang mapalitan ito ng bagong uri na mas maganda sa dating jeep sapagkat ito
ay mas nakakabuti o nabawasan ang epekto sa kapaligiran at humihigit ng dami ang maaaring maisakay na tao.

Ang plano ng gobyerno sa pagphase out ay ang 5-6-7-8: 5% downpayment, 6% na interes rate, 7 na
taon upang bayaran, at P80,000 na subsidy per unit. P2.2 bilyong piso ang nilaan ng gobyerno para sa proyekto
ng pagphaseout ng jeep.

Ang epekto ng magiging pagpalit ng jeepney para sa mordernisado na jeep ay marami rin ang tunguhin
ng ito tulad ng pagkamahal na presyo para rito at hindi ito tuluyan na eco-friendly. Habang ang prosessong ito
ay nangyayari marami rin ang mababahala tulad ng mga commuters o pasahero na mababawasan ang
masasakyan.

Ang posibleng pakinabang naman ng prosessong ito ay mababawasan ang ‘carbon emission’ ng dating
jeep at pagkakaroon ng bagong trabaho para sa ating mga mamamayan bilang operator ng modernisadong jeep.
Isa rin dito ang pagganda ng disenyo at ng daan natin sa bagong disenyo na ito, mayroong din puro electric ang
gamit na jeep.

Ang jeepneys at tricycle ay naging parte na ng ating buhay tulad ng ating kultura’t tradisyon na
nagsimula pagkatapos noong World War II at naiwan sa atin ang mga jeep na ito. Nasa kabuuan ng 158,000 ang
nagcocommute dito bilang nakasanayan na uri ng transportasyon na galing sa iba’t ibang uri ng pamumuhay,
may-kaya o wala man.

Lahat ng ito ay para sa modernisasyon ng Pilipinas patungkol sa transportasyon at pagtanggal ng


tradisyonal na jeepneys upang mapalitan ng moderno na jeepney, pwede rin na tinatanggal ito upang magbago
ng sasakyan na gagamitin sa pangsakay tulad ng mga PUVs, taxi, bus, at minibuses.

Samantala sa mga jeepney-operators ay magbabayad ng P20,000 at ang kanilang 15-year old


tradisyonal na jeep upang maipagpalit ito sa isang moderno na sasakyan. Magkaiba rin ang magiging basehan ng
mga kutsero sa pagpapasahero imbes na pagpuno ng jeep ay magkakaroon ng mga ‘automated fare collection’,
AC, at GPS-tracking na magiging ginhawa ng pasahero.

Para maibuod ito, madaming posibleng epekto ang pag-phase out masama at mabuti tulad ng
pagbabago ng transportasyon, ang proseso ng ‘phase out’, pagkawala ng kultura at kagawian ng pagpasahero, at
pagiging ‘green’ sa paligid. Ang aking maidedesisyon ay huwag ipilit ang pagpapalit ng jeep ngunit gawing
boluntaryo para sa mga jeepney drayber dahil sa madaming rason ngunit higit sa lahat ay ang kahirapan,
mahirap ang makisabay sa mundo at maiipapakita na wala tayong matinding rason upang ipilit ang proyektong
ito sa masa.

You might also like