You are on page 1of 2

Beep Beep Ang Sabi ng Jeep: Isang Komparatibong Pananaliksik ng Makabago at

Makalumang Pampublikong Dyip

Ayco, Juan Miguel Nantes, Edmund

Bascos, Gabrielle Pamintaun, Mariann

Cabral, Sofia Realiza, Ghianne

Fernandez, Julia Reyes, Reiner

Sa mga panahon ng makabagong teknolohiya, nais ng bansang Pilipinas ang

makayanan sa panahong ito. Ang pagpapairal ng makabagong o modernong

transportasyon ay iisa lamang dito. Isang iminungkahing solusyon ay ang sinimulang

paggamit ng makabagong dyip kung saan inaasahang malalagpasan nito ang mga

makalumang modelo sa takdang panahon. Sinimulan muna ito sa mga piling lugar sa

bansa. Ngunit kung sa darating na panahon ay kakalat na ang populasyon ng

makabong dyip, mayroong mga katanungat suliranin ang nais masagot ng pananaliksik

na ito. Magiging epektibo ba ang pagpapatupad ng makabagong dyip? May mga

pagbabago bang naisakatuparan sa mga ito upang masabing pag-unlad ito sa mga

makalumang modelo ng dyip?

Ang gagawing pananaliksik ay gagamit ng kuwantitatibo na disenyo ng

pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik gamitin ang "Kuwantitatibo Komparatibong

Pananaliksik" upang maikumpara ang makalumang dyip sa makabagong dyip

pagdating sa carbon emission, bilis at kapasidad ng dyip sa pasahero at gasolina.


Layunin ng pananaliksik na ito ang ipagkumpara ang makalumang dyip at ang

mga electrical jeepney na gustong ipatupad ng sa kanilang panukala na Jeepney

Modernizaation Act. Mayroong mga maganda at masamang idudulot ang mga e-

jeepney. Ang mga e-jeepney ay sinasabing nakakatulong sa pagbawas ng carbon

footprint na iniiwan ng mga normal na dyip. Hindi lamang aaralin ang epekto nito sa

kalikasan ngunit pati na rin ang pagkakaiba nito sa pagbibigay serbisyo sa mga

pasahero kumpara sa lumang jeep.

Malaking epekto ang matatamo sa programang ito dahil ang pagmamasahe ay

parte na ng buhay ng mga tao. Ang mas maginhawa, mas maayos na pamamalakad ng

bayaran at magaan na kalalabasan sa kalikasan ay ilan lamang sa mga bagay na

inihahandog ng bagong dyip. Sa paglunsad rin ito ay pagantig sa libo-libong trabaho ng

Pilipino. Sa kabilang banda, ang makalumang dyip naman ay may tatak na sa ating

kasaysayan na kung saan ito na ang ating naging pambansang sasakyan. Dito tayo

naging kilala sa mga manlalakbay kahit na hindi maganda ang pamamalakad ng mga

dyip na ito. Kaya naman, sa pagsasaliksik nito, paghahambingin ang makabago at

makalumang modelo ng dyip.

Mga Susing Salita: Jeep, Komparatibong Pananaliksik, Modernisasyon

You might also like