You are on page 1of 6

CARLOS HILADO MEMORIAL STATE COLLEGE

KONSEPTONG PAPEL

sa FILDIS

Ipinasa ni:

Arcolas, Christian

Benemerito, Rezza Mae

Tiglao, Jhoanne

Udani, Arriana Marie

(GROUP 6 OF BSOA 1-A)

Ipinasa kay:

Prof. Patchito Moreno

(PROFESSOR)
Larangan: Edukasyon

Paksa: Modernisasyon: Pagtanggal ng Tradisyunal na Jeep sa Pilipinas

Rasyunal:

Ang mga dyip ay isang popular na paraan ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas.

Sila ay orihinal na ginawa mula sa mga jeep ng militar na natira mula sa Ikalawang Digmaang

Pandaigdig at kilala para sa kanilang nakakaakit na dekorasyon at masikip na upuan. Nang ang

mga tropang Amerikano ay nagsimulang umalis sa Pilipinas sa pagtatapos ng Ikalawang

Digmaang Pandaigdig, daan-daang mga surplus jeep ang ibinebenta o ibinigay sa mga lokal na

Pilipino. Ang mga lokal ay nakuha ang mga dyipupang tumanggap ng ilang pasahero, Idinagdag

ang mga bubong na metal upang maginglilim, at pinalamutian ang mga sasakyan na may

makulay na mga kulay at maliwanag na burloloy.

Ang jeepney ay mabilis na lumitaw bilang isang popular at malikhaing paraan upang

muling maitatag ang murang pampublikong transportasyon na halos nalaglag sa panahon ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kinikilala ang malawak na paggamit ng mgasasakyang ito,

nagsimula ang pamahalaan ng Pilipinas na maglagay ng mga paghihigpit sa kanilang paggamit.

Ang mga driver ay dapat na mayroong espesyal na mga lisensya, mga regular na ruta, at

makatuwirang maayos na pamasahe. Kahit ang orihinal na mga jeepney ay simpleng mga inayos

na mga jeep ng militar, ang mga modernong jeepney ngayon ay ginawa ng mga pabrika na mula

sa loob ng Pilipinas. Sa Central Philippine Island of Cebu, ang mga malalaking bahagi ng mga
jeepney ay binuo gamit ang pangalawang kamay ng trak ng Hapon, na orihinal na inilaan para sa

pag-angkat ng mga kargo kaysa sa mga pasahero.

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay linaw sa mga katanungan sa ating isipan kung ano

nga ba ang tunay na nangyayari sa Pagtanggal ng Tradisyunal na Jeep sa Pilipinas.

Madadagdagan ang ating kaalaman ukol sa kanilang mga pinagdadaananat maaring

makakapagbigay ito ng mga maaraming kasagutan o solusyon sa mga problemang malalatag.

Layunin:

A. Pangkalahatan

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri kung ano ang epekto ng pagtanggal ng

trdisyonal na mga dyip at palitan ng modernong bersyon. Ito ay naglalayon din na malaman kung

ano ang mga opinyon ng mga dyipni drayber at komyuters tungkol dito.

B. Tiyak

1. Epekto sa pampublikong transportasyon ng pagtanggal ng tradisyunal na mga dyip at

pagpalit ng modernong bersyon sa mga ito.

2. Opinyon at/o reaksyon ng mga dyipni drayber sa pag-alis ng tradisyunal ng mga

dyipni.

3. Opinyon at/o reaksyong ng mga komyuters sa pagpalit ng modernong bersyon ng mga

dyipni.

Panimulang Haka:
A. Marami sa ating ang tumututol sa pagpapatangal ng lumang pampasaherong jeep sa

lansangan, dahil naniniwala ang marami na nasa kanila ang pakakakilanlan ng mga sasakyan, na

kakaiba sa lahat.Kung ang pangunahing dahilan nila sa pag-phase out ay upang maibsan ang

problema sa trapiko at tanggalin ang diumano’y hindi magandang itsura ng mga lumang jeepney

sa lansangan ay dapat mayroon din silang alternatibong hakbang o kasagutan sa maraming

mawawalan ng ikakabuhay.Sana ay huwag nating kalimutan ang naiambag ng mga

pampasaherong jeepney sa industriya ng transportasyon at sa mga mananakay na Pilipino at

hindi naman masama ang modernisasyon hangga’t hindi naisasawalang-bahala ang isang bahagi

ng ating kultura, kasaysayan at pamana.

B.

1. Malaking kawalan ito para sa mga tsuper ng tradisyonal na dyip dahil maari silang mawalan

ng hanap buhay at mag-udyok ng pagtatapos ng paghahari ng isang simbolong pangkultura ng

Pilipinas.

2. Hindi makatarungan para sa mga dyipni drayber ang pag-alis ng tradisyunal na dyip.

Nababahala sila dahil pwedeng mawalan sila ng hanap buhay.

3. Mas napapamahal ang kanilang pamasahe dahil ito ay aircon. Nawawala na ang tatak Pilipino

kahit ang mga banyaga nga dumadayo sa ating bansa pinipiling sumakay sa dyip dahil ito ay

simbolo ng Pilipinas.

Sarbey ng Sanggunian:

A. Tesis
Tacderas, M. Y., Ngb, A. C. L., Tolentino, N. J. Y., Tiglao, N. C., & Herrera, C. E.

(2019). Examining the Implementation of the Public Utility Vehicle Modernization

Program (PUVMP) in General Santos City, Philippines: An Industry Perspective.

strategies, 4(1).

Andalecio, A. B. P., Aquino, K. E. C., Cruz, C. F. A., De Guzman, A., & Kiong, N.

T. C. (2020). Implementation, challenges and stakeholders perception of modernized

Jeepneys in Metro Manila. In Journal of Physics: Conference Series (Vol. 1529, No.

3, p. 032067).

Sunio, V., Gaspay, S., Guillen, M. D., Mariano, P., & Mora, R. (2019). Analysis of

the public transport modernization via system reconfiguration: The ongoing case in

the Philippines. Transportation Research Part A: Policy and Practice, 130, 1-19.

Malasique, A. M. P., & Rosete, M. A. L. (2022). Analyzing the Implementation of the

Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) to the Employment of PUV

Drivers in the Philippines. Journal of Industrial Engineering & Management

Research, 3(1), 45-62.

B. Internet Site

https://www.academia.edu/36011190/

ISANG_PAG_AARAL_SA_PAGPAPATUPAD_NG_MODERNISASYON_NA_JE

EPNEY_PARA_SA_HINAHARAP_NG_PAMPUBLIKONG_TRANSPORTASYO

N_NG_PILIPINAS

https://www.academia.edu/36099491/KONSEPTONG_PAPEL
https://www.studocu.com/ph/document/bulacan-state-university/purposive-

communication/questionnairesjeepney-modernization-1/11128004

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng survey na naglalaman ngmga katanungang nais na

mabigyang pansin at linaw. Ito ay isasagawa lamang sa loob ng buong lingo at makukuha ang

mga respondents sa pamamagitan ng pag-gamit ng stratified random sampling at

pagsasamasamahin ang mga color coding jeeps at pipili ng tig-5 respondents sa bawat grupo. Ito

ay isasagawa sa loob ng Lungsod ng Bacolod lamang. Ang lahat ng impormasyong makukuha ay

mananatiling confidential at gagamitin lamang para sa research.

You might also like