You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY JPLPC-Malvar


Malvar, Batangas
Tel. Nos.: (043) 778-2170/ (043) 406-0830 loc. 124
Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa


lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga
Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.

II. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa


konteksto,dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at
ng pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi
ng mga Pilipino namakamit ang ganap na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang
pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.

III. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

AP6KDP-IIa-1
1. Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano
1.3 Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mgaPilipino.

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon at


epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino;
2.Naipakikita ang pag unlad ng transportasyon at komunikasyon at epekto
nito; at
3.Napahahalagahan ang mga pagbabago sa sistema ng komunikasyon at
transportasyon sa Pilipinas.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagbabago ng patakaran ng kalakal, transportasyon, sistema ng


edukasyon
Sanggunian: AP6KDP-IIa-1
Mga Kagamitan: Litrato, Powerpoint Presentation, Flash Cards

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban sa klase at pag-aayos ng silid

B. Balik-Aral

1. Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ukol sa kanilang natutunan


sa huling paksang inaral. Gamit ang mga flash cards na may malaking
letrang PK at malaking letrang PE. Itataas nila ang flashcards na may
letrang PK kung ang pahayag na sasabihin ng guro ay patungkol sa
Patakarang Pangkalusugan at flashcards na may letrang PE naman kung
patungkol sa Patakarang Pang-edukasyon.

C. Pagganyak

- Ang guro ay magpapakita ng mga larawan. Tutukuyin ng mga mag aaral


kung ang nasa larawan ba ay para sa komunikasyon o para sa
transportasyon.
Trak Eroplano

Kotse. Telepono
Bus. Radyo

Barko. Cellphone

- Pagkatapos maidentipika ng mga mag-aaral ang mga litrato,


itatanong ng guro kung ano sa tingin nila ang kanilang tatalakayin
base sa mga larawan na nakita.

A. GAWAING PAGKATUTO

"Think-Pair-Share"
1. Ang mga mag-aaral ay hahanap ng kapareha para sa gawain na ito.
2. Pagkatapos magbagyuhang utak, magbibigay sila ng ideya tungkol sa
kanilang saloobin tungkol dito.
3. Pipili ang guro ng ilan sa mga magkakapareha upang magbahagi ng
kanilang nabuong ideya mula sa gawain na i.

Alam mo ba ang mga gamit pangkomunikasyon noon? Ano ang


pagkakaiba nito ngayon? Sa mga uri ng transportasyon, ano kaya
ang ginamit ng mga tao noon sa paglalakbay sa himpapawid,
pandagat, at panlupa?

C. PAGTATALAKAY SA ARALIN

 Kailangan ang mabuting paraan ng transportasyon at komunikasyon


para sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa ating bansa kaya nagpagawa ng
mga daan at tulay ang pamahalaan.
 Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng makabagong sasakyan tulad ng
otomobil, trak, bus, at trambiya. Pinalitan ng trambiya na pinatatakbo
ng koryente ang sasakyang hinihila ng kabayo sa panahon ng
Espanyol.
1903- Dumating sa Maynila ang kauna-unahang kotse.
1917 - Binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway sa mga
Ingles. Umabot ito sa La Union papuntang hilaga at sa Albay
papuntang timog. Pag-aari ito ngayon ng Philippines National
Railways.
 Nilinang din ang mga transportasyong panghimpapawid.
1911 - Ang unang eroplano ay dumating sa Pilipinas.
1930 - Nagsimula ang pangkomersiyong paglalakbay sa
himpapawid ng Pilipinas. Ang biyahe nito ay mula sa Maynila
patungong Baguio at Paracale.
1931 - itinatag ang Philippine Aerial Taxi Company.
1935 - ang China Clipper ng Pan American Airways ay dumating
sa Maynila galing sa California.
 Bumuti rin ang paglalakbay-dagat. Madaling narating ang
timog mula sa hilaga sa pamamagitan ng mga bagong
sasakyang pandagat.
 Naging maunlad din ang komunikasyon noong panahon ng
mga Amerikano sa Pilipinas.
 Ipinakilala ang makabagong kasangkapan sa komunikasyon,
tulad ng telepono, radio, radiophone , at telegraph.
 Naging maunlad din ang serbisyong koreo ng Pilipinas.
 Nagtatag ang mga Amerikano ng tanggapang pangkoreo
sa bawat munisipalidad.
 Pinangasiwaan nito ang lahat na i pina padala sa koreo
tulad ng mga sulat, telegram at salapi sa pamamagitan ng
koreo o money order.
 Naging maunlad ang pakikipag augnayan sa iba’t i bang
bansa. Transportasyon

D. PAGLALAPAT

(Pangkatang Gawain)

1. Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan


ng tig iisang tanong na sasagutin nila sa pamamagitan ng diagram,
graphic organizer at mind map base sa kung anong mapatapat sa
kanila. Ilalagay ito sa manila paper na ibabahagi ng guro.

Unang Pangkat:
Anu-ano ang mga transportasyon at komunikasyon na dinala ng mga
Amerikano sa ating bansa?

Panuto: Ilagay sa loob ng mind map ang inyong kasagutan.


Ikalawang Pangkat
Anu-ano ang naging epekto ng pagkakaroon ng mga pamamaraan ng
transportasyon at komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Komunikasyon

Panuto: Ilagay sa loob ng graphic organizer ang inyong kasagutan.


Epekto ng pagkakaroon ng
Komunikasyon

Epekto ng
pagkakaroo
n ng
Transportas
yon
Ikatlong Pangkat
Paano napadali ng mga Amerikano ang paglalakbay sa pamamagitan ng
sistema ng transportansyon at komunikasyon na kanilang itinatag?

Panuto: Ilagay sa diagram ang inyong kasagutan.


Transportasyo
n

Komunikasyon
B. PAGLALAHAT

Itatanong ng guro ang isang katanungan:

- Paano nakatulong ang mga pagbabago sa transportasyon at komunikasyon


sa panahon ng mga Amerikano? Isa-isahin mo ito at isulat sa sagutang-
papel.

C. PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat sa sagutang-papel kung ang pangyayari ay SANHI
o BUNGA.
1. Nagkaroon ng mabuting paraan ng transportasyon.
2. Nagpagawa ng mga daan at tulay.
3. Nagtatag ng mga tanggapang koreo.
4. Mabilis na nakapagpadala ng sulat.
5. Nagkaroon ng otomobil, trak, bus, at sasakyang panghimpapawid.

B. Panuto: Suriin kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap sa bawat


bilang. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
1. Ang pagpapagawa ng mga tulay at lansangan ay nakatulong ng malaki sa
pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.
2. Naging malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang pag-
uugnayan ng mga tao sa malayong lugar bunga ng sistema sa paghahatid ng
liham at telegram.
3. Madaling nakapaglalakbay sa malalayong lugar ang mga tao sa panahon ng
mga Amerikano dahil sa mataas na uri ng sasakyang panlupa, pandagat, at
panghimpapawid.
4. Naging madali at mas maunlad ang buhay ng mga Pilipino dahil ipinakilala
ang makabagong paraan ng transporasyon at komunikasyon.
5. Hindi pinansin ng mga Pilipino ang paggamit ng makabagong
transportasyon at komunikasyon dahil nais nila ang simple at payak na uri ng
pamumuhay.
IV. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Mangolekta ng mga larawan ng mga uri ng komunikasyon at


transportasyon. Gamit ang bond paper, gumawa ng picture collage.

Prepared by: Check and Noted by:

Mendoza, Margie F. Mr. Jaesser Rivera,


LPT.

You might also like