You are on page 1of 7

ST.

JOHN PAUL II COLLEGE OF DAVAO


Ecoland Drive, Matina, Davao City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN – BAITANG 6

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon


ng mga Amerikano.
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng limangpung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga aspetong pamamahala ng mga Amerikano sa bansa;

b. naipakita ang pag-unawa hinggil sa pamamahala ng mga Amerikano; at

c. napahalagahan ang mga naiambag ng mga Amerikano sa pagbabago ng


Pilipinas”.

II. NILALAMAN

A. Pamagat: Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas

B. Sanggunian: Lhhjklll. (n.d.). Mga naiambag ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Scribd. https://www.scribd.com/document/244576480/Mga-Naiambag-Ng-

Mga-Amerikano-Sa-Pilipinas/Prezi, R. R. O. (n.d.). ARALIN 6- ANG

PAMAMAHALA NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS. prezi.com.

https://prezi.com/jnbjapirmyoj/aralin-6-ang-pamamahala-ng-mga-amerikano-

sa-pilipinas/

C. Curriculum Code: AP6KDP-IIa-1

D. Materyales: Mga larawan, mga visual aid, papel, mga kolors, props

E. Mga Halaga: Pakikipagtulungan sa grupo, Pakikilahok, Pahalagahan ang


mayroon tayo ngayon
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pamamahala sa silid aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Balik Aral
 Ano ang paksang itinalakay kahapon?

7. Pagganyak

Nagpakita ng mga larawan ang Guro. Bawat larawan ay may katumbas na


katanungan.

B. Panlinang na Gawain

1. Aktibidad
 Hahatiin ang klase sa tatlong (3) grupo.
 Ang bawat grupo ay bibigyan ng bond paper, krayola, at isang
katanungan.
 Ang mga grupo ay sasagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagguhit.
 Irepresenta ang mga ginawa sa harapan kasama si Juan Pablo.
 Bibigyan lamang ng dalawang (2) minuto upang gawin ang aktibidad.
2. Pagsusuri
 Magtatanong ang guro sa mga sumusunod
1. Ano ang napansin niyo sa ating ginawa ngayong umaga? Simula sa
pagganyak hanggang sa ating aktibidad?
2. Ano sa palagay niyo ang ating paksa ngayong umaga?

3. Abstraksiyon
 Ipapabasa ng guro ang layunin sa mga mag-aaral bago mag simula sa
talayakan.
 Ang guro ay kukuha ng mga materyales para sa kaniyang talakayan.
 Ang mga napiling mag-aaral ay pupunta sa harapan upang sasabayan
ang gagawin ng guro.
 Ang lahat ay kakanta ng row, row, row your boat.
 Ang guro ay magtatanong sa kaniyang mga mag-aaral habang
nagsasalaysay sa pangyayari.
 Ang guro ay magpapabasa sa kaniyang mga mag-aaral hinggil sa
kanilang tatalakayin na paksa.
 Habang ang guro ay nagtatalakay ay mag tatanong siya sa kaniyang
mga mag-aaral.

Pamamahala ng mga Amerikano sa bansang Pilipinas

 Nagsimula ang pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas sa taong 1898.

1. Edukasyon – Itinaguyod ng mga Amerikano ang modernisasyon at


pormalisasyon ng Sistema ng edukasyon. Itinatag ang mga pampublikong paaralan.
Sistema ng edukasyon ng Amerikano ang ginamit na batayan sa pagtataguyod ng
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Thomasites ay dumating sa bansang Pilipinas noong ika-23 ng Agosto, 1901. Sila
ay tinawag na Thomasites dahil sa paggamit ng barkong S.S Thomas. Bukod sa
pagtuturo, nagtayo rin sila ng mga paraalan.

2. Wikang Ingles – Inilapat ang Ingles bilang pangunahing wika sa edukasyon.


Binago ang sistema ng pagsusulat mula sa tradisyunal na baybayin patungo sa
Alpabetong Romano.

ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

Let’s read together

 I like chocolate ice cream better than vanilla ice cream.


 They are going to the store with me today.

3. Infrastruktura – Nagdala ng mga proyektong pang-imprastruktura tulad ng mga


kalsada, tulay, at iba pa na nagbigay daan sa mabilis na transportasyon.

4. Modernisasyon sa Sistema ng Kalusugan - Nagdala ng modernisasyon sa


sistema ng kalusugan, kabilang ang pagtatag ng mga ospital. Isa sa mga ospital na
itinatag ng mga Amerikano noong kanilang pananakop ay ang Philippine General
Hosipital (PGH).
4. Aplikasyon

 Hahatiin ang klase sa dalawang (2) grupo.


 Ang bawat grupo ay bibigyan ng gawain.
 Ang unang grupo ay gagawa ng eksibiyon o tableau kung paano nag
simula ang mga Amerikano sa kanilang pag sakop sa bansang
Pilipinas.
 Ang ikalawang grupo naman ay gagawa rin ng tableau hinggil sa
naging epekto ng mga naiambag ng mga Amerikano sa Pilipinas
ngayon.
 Isa sa kanilang myembro ay magpapaliwanag kung tungkol saan at
ano ang ibig sabihin ng kanilang tableau.
 Bibigyan lamang ng tatlong (3) minuto upang pag-usapan ang
gagawin.
 Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang minuto upang irepresenta sa
harapan.

KRITERYA
Malinaw na pagpapakita ng mga ideya - 30
Kolaborasyon - 20

50

IV. PAGTATAYA

Panuto I. Tingnan mabuti ang mga larawan, ito ay noon at ngayon. Isulat ang inyong
sagot sa ½ crosswise kung ano sa palagay niyo ang importansya ng mga naambag
ng mga Amerikano sa ating buhay.
V. PAGTATAPOS
 Magtatanong ang guro sa kaniyang mag-aaral
 Mag balik tanaw sa mga tinalakay.

VI. TAKDANG GAWAIN


Sa isang mahabang papel, mag-print ng mga larawan na naiambag ng mga
Amerikano sa bansang Pilipinas na hindi nabanggit sa talakayan. Ipaliwanag kung
ano ang iyong napili at ipasa ito bukas ng umaga.

You might also like