You are on page 1of 14

School FOURTH ESTATE ELEM.

SCHOOL Grade Level VI


GRADE 6 Teacher MARY JEAN A. DECRETALES Learning Area ARALING
DAILY PANLIPUNAN
LESSON Teaching Dates DECEMBER 05, 2022 Quarter SECOND
PLAN and Time (LUNES) QUARTER

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ngkolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan, epekto
at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ganap
na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang
nasyon at estado
C. Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
(Learning Competencies)
II.Paksang Aralin Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
(Subject Matter)  Nasusuri ang sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang epekto nito sa
kaisipan ng mga Pilipino.
A. Mga Pahina sa Gabay ng Guro  TM, TG, Curriculum Guide 6, AP 6 BOW 2017, Pictures, Charts

B. Mga Pahina sa Teksbuk AP6KDP-IId-3


Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Eleanor D. Antonio,
Emilia L. Banlaygas at Evangeline M. Dallo pp 121-134
LM
C. Karagdagang Kagamitan Mula sa Video lesson https://youtu.be/8D-twOQ92to
Portal ng Learning Resources
III. PAMAMARAAN
A. Balitaan Hayaan ang mga bata na maibahagi sa kalse ang balitang kanilang narinig o napanood sa
telebisyon.

B. Balik Aral Panuto: Suriin kungTama o Mali ang isinasaad ng mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
__1.Ang pagpapagawa ng mga tulay at daan ay nakatutulong nang malaki sa transportasyon
at komunikasyon sa bansa.
__2. Naging malaking suliranin ang ugnayan ng mga tao sa malayong lugar dahil sa mabagal
na sistema ng komunikasyon.
___3.Madaling makapaglakbay sa malayong lugar ang mga tao dahil sa mataas na uri ng
sasakyang panlupa, pandagatat panghimpapawid.

__4. Pinagwalang bahala ng mga Pilipino ang makabagong paraan ng transportasyon at


komunikasyon.
__5. Binigyang pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino.

C.Pagganyak Pagpapakita ng larawan


Sa iyong palagay, ano kaya ang kaugnayan ngsasakyan na ito sa ating aralin sa araw na ito?

D. Paglalahad ng bagong kasanayan #1 https://youtu.be/04iGINk5iO8


Pagpapanood sa mga bata ng isang video
E. Pagtatalakay RESULTANG PANG-EDUKASYON
Makikita at mararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa Sistema ng
Pampublikong Edukasyon na itinayo nito sa bansa matapos mapasakamay ng mga
Amerikano ang Maynila noong Mayo 1898.
Layunin ng mga Amerikano sa kanilang patakarang pang-edukasyon na:
- Turuan ang lahat na maging isang mabuting mamamayan ng isang demokratikong
bansa.
- Bigyan ng ganap na edukasyong pang-elementarya ang lahat ng may wastong
gulang
- Ituro ang wikang Ingles at ang Kulturang Amerikano
- Malinang sa bawat Pilipino ang damdaming Makabayan
- Turuan ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang pamumuhay

Taong 1903 itinatag ang Bureau of Education (Department of Education). Batay sa Sistema
ng Edukasyon ng Amerika ang ating paaralang pambayan. Binubuo ng Elementarya,
Sekundarya, Unibersidad at Kolehiyo.

Kahit na sinakop tayo ng mga Amerikano noon ay mayroon naman silang naidulot na mabuti
para sa mga Pilipino.
1. Naging matagumpay ang edukasyon kaya’t maraming magulang at anak ang
nagsakripisyo at nagkahilig sa pagaaral.
2. Ang mga Amerikano ang nagturo sa atin para matutong magsulat, magbasa at iba
pa. Mga sundalong Amerikano ang naglinang sa atin ng Wikang Ingles

Sa kabilang banda, mayroon din itong di-mabuting dulot.


1. Naging katuwang ng mga Amerikano ang edukasyon upang mapaamo at
mapasunod ang mga Pilipino.
2. Higit na binigyang halaga ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano kaysa sa sariling
bansa kaya nahubog ang kaisipang kolonyal sa mga Pilipino.
.
Noong Mayo 1898 nang itinayo sa Corrigidor ang unang paaralan matapos ang labanan sa
Look ng Maynila.

Ang kurso ng elementarya ay nagtatapos sa loob ng lamang ng pitong taon at apat na taon
naman sa sekondarya. Nabuksan din an mga paaralang normal, bokasyonal, pansakahan at
pangangalakal.

Ipinatayo ang 7 paaralan sa Maynila


1. Philippine Normal School (1901)
2. Siliman University (1901)
3. University of the Philippines(1908)
4. University of Manila (1914)
5. Centro Escolar University (1917)
6. Philippine Women University (1919)
7. Far Eastern University (1919)

F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalahat

H. Paglalapat ng aralin Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa edukasyon?

Panuto Isulat ang T kung tama ang ideyang isinasaad ng pangungusap at M naman kung hindi.
I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mabilis na natutunan ng mga Pilipino ang kultura at papapahalaga ng mga Amerikano


2. Ipinagwalang bahala ng mga Pilipino ang edukasyon noong panahon ng mga
Amerikano.
3. Nakapagtayo ng pantay na bilang ng paaralan sa iba’t- ibang bayan ang mga
Amerikano
4. Nahikayat ang mga magulang nap ag-aralin ang kanilang mga anak.
5. Noong Agosto 23, 1901 dumating sa Pilipinas ang 600 na na mga guro sakay sa
barkong SS Thomas na tinawag na Thomasites.
J. Karagdagang Gawain para sa Magtala ng mahahalagang aral na iyong natutunan.
takdang- aralin at remediation

V. MGA TALA.
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
School FOURTH ESTATE ELEM.SCHOOL Grade Level VI
GRADE 6 Teacher MARY JEAN A. DECRETALES Learning Area ARALING
DAILY PANLIPUNAN
LESSON Teaching Dates DECEMBER 06, 2022 Quarter SECOND
PLAN and Time (MARTES) QUARTER

II. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ngkolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan, epekto
at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ganap
na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang
nasyon at estado
C. Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
(Learning Competencies)
II.Paksang Aralin Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
(Subject Matter)  Natatalakay ang patakarang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano
A. Mga Pahina sa Gabay ng Guro  TM, TG, Curriculum Guide 6, AP 6 BOW 2017, Pictures, Charts

B. Mga Pahina sa Teksbuk AP6KDP-IId-3


Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Eleanor D. Antonio,
Emilia L. Banlaygas at Evangeline M. Dallo pp 90
LM
C. Karagdagang Kagamitan Mula sa Video lesson https://youtu.be/8XfVX9gRWGQ)
Portal ng Learning Resources

III. PAMAMARAAN
A. Balitaan Hayaan ang mga bata na maibahagi sa kalse ang balitang kanilang narinig o napanood sa
telebisyon.

B. Balik Aral

C.Pagganyak Pagpapakita ng larawan.


Paano kaya nila nilabanan ang epidemyang kumakalat noon?

D. Paglalahad ng bagong kasanayan #1


E. Pagtatalakay Itinatag ng mga Amerikano ang LUPON SA KALUSUGAN NG BAYAN (Board of Public
Health) noong 1901
Nagtayo ng mga ospital at klinikang pampubliko sa ating bansa at nagkaraoon ng
makabagong mga kagamitan at gamut. Isa sa mga ospital na pambubliko na naipatayo ay
ang Philippine General Hospital (PGH) noong 1910

Kolera at Bulutong
isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano sa Maynila dahil dito nagpatupad
qng pamahalaan ng mga paraan ng pagsugpo sa epidemya
Asidong Carbolic
ang solusyon na ibinabad sa mga damit at personal na gamit.
Kagawaran ng Sanitasyon at Transportasyon
ang nagpalabas ng iba pang nga impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit.
Panununtunan at Pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at Kalusugan
1. Paglilinis ng mga kalye at kanal
2. Tamang pagtatapon ng mga basura sa bahay at mga patay na hayop
3. Pangagalaga sa mga palengke ay hayop.

 
Programang Pangkalusugan noong Panahon ng Amerikano
 Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang paglitaw ng kolera at bulutong
sa Maynila dahil dito nagpatupad ang pamahalaan ng mgaparaan ng pagsugpo sa
epidemya.Sa epidemya ng kolera noong 1902, nagpatupad ng iba’t ibang paraan ang mga
kawani ng kalusugan upang hindi ito kumalat.
Binantayan ang mga lugar na apektado at inihiwalay ang mga taong may kolera. Ibinabad sa
isang solusyon na may asidong carbolic ang kanilang mgadamit at iba pang personal na
gamit. Ipinatapon din ang mga pagkaing nakahanda sa mga lugar na apektado at kung
kinakailangan, sinusunog pati ang mga bahayupang hindi kumalat ang sakit. May
nakaantabay na ilang trak ng bumbero na agad na agad na nagsasaboy ng disinpektant para
sa mga lugar na apektado.Nagpalabas din ang mga Amerikano ng mga leaflet at iba pang
impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Nagpatupad din ang Kagawaranng Sanitasyon at Transportasyon ng ilang mga panuntunan


sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at kalusugan tulad ng mga sumusunod:
1. Paglilinis ng mga kalye at mga kanal.
2. Tamang pagtatapon ng mga basura sa bahay at mga patay na hayop.3.

3. Pangangalaga sa mga palengke at katayan ng hayop;

4. Pangangalaga at pamamahala sa mga libingan.

5. Bahagi ring ng programang pangkalusugan ng mga Amerikano ang pagtatayo ng


mga klinika, pagamutan at sentrong pangkalusugan sa iba’t ibang panig ng bansa.
KALUSUGAN AT KALINISAN
Binigyan-pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino. Itinatag ng
mga Amerikano ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Public Health noong 1901.
Natuto rin ang kalinisan sa sarili at pagkain. Itinayo sa mga bayan ang mga sentrong
pangkalusugan tulad ng klinika at ospital.Pinakatanyag sa mga ito ang Philippine General
Hospital na itinayo noong 1910. Sa pamamagitan din ng mga makabagong medisina at
paraan ngpanggagamot nasugpo ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng ketong,
tuberkolosis, kolera at bulutong.
Quarantine
 –ginamit upang pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at upang limitahan din ang
pagkilos ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
Board of Health for the Philippine Islands
 –tagapangasiwa at tagapagpatupad ng patakaran at programa sa pagpapabuti ng
kalusugang pampubliko.
Nagpapadala ng mga nars at doctor sa iba’t
-ibang lalawigan upang magturo ng wastong pangangalaga sa kalusugan at katawan.
Culion Leper Colony
 –(1905)pagamutan ng mga may ketong sa PalawanMalaki ang naging pagbabago sa
kalusugan at pag-uugaling pangkalusugan ng mga Pilipino. Natuto sila ng wasto pag-uugali
sa kalinisan ng sarili at sapagkain. Nasugpo ng makabagong gamut ang pagkalat ng
nakahahawang sakit.

F. Paglinang sa Kabihasaan

Ano -ano ang mga ilang mga panuntunan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at
G. Paglalahat kalusugan?

H. Paglalapat ng aralin Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?

Panuto. Tukuyin kung ano ang hinihingi sa sumusunod na mga pangungusap


I. Pagtataya ng Aralin
1. Itinatag ng mga Amerikano noong 1901 upang -bigyang pansin ng mga Amerikano
ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino.
2. Pinakatanyag ma pampublikong hospital noong 1910.
3. Giinamit upang pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at upang limitahan
din ang pagkilos ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
4. Tagapangasiwa at tagapagpatupad ng patakaran at programa sa pagpapabuti ng
kalusugang pampubliko.
5. Pagamutan ng mga may ketong sa Palawan.
J. Karagdagang Gawain para sa Magtala ng mahahalagang aral na iyong natutunan.
takdang- aralin at remediation
V. MGA TALA.

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
School FOURTH ESTATE ELEM.SCHOOL Grade Level VI
Teacher MARY JEAN A. DECRETALES Learning Area ARALING
PANLIPUNAN
Teaching Dates and DECEMBER 07, 2022 Quarter SECOND
GRADE 6 Time (Miyerkules) QUARTER
DAILY LESSON
PLAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ngkolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan, epekto
at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ganap
na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang
nasyon at estado
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)
II. NILALAMAN Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
 Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon at ang epekto nito
sa pamumuhay ng mga Pilipino..
TM, TG, Curriculum Guide 6, AP 6 BOW 2017, Pictures, Charts
III. KAGAMITANG PANTURO AP6KDP-IId-3
Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Eleanor D. Antonio,
Emilia L. Banlaygas at Evangeline M. Dallo pp 121-134
LM
A. Sanggunian Video lesson https://youtu.be/8D-twOQ92to

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro  TM, TG, Curriculum Guide 6, AP 6 BOW 2017, Pictures, Charts
2. Mga Pahina sa Kagamitang  Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Eleanor D.
Pang- Mag-aaral Antonio, Emilia L. Banlaygas at Evangeline M. Dallo, pahina 108-111
 LM
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula https://youtu.be/DrrCkJVMNmc
sa Portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo  Laptop
 Video lesson
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Panuto. Tukuyin kung ano ang hinihingi sa sumusunod na mga pangungusap
at/o pagsisimula ng bagong aralin
1. Itinatag ng mga Amerikano noong 1901 upang -bigyang pansin ng mga Amerikano
ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino.
2. Pinakatanyag ma pampublikong hospital noong 1910.
3. Giinamit upang pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at upang limitahan
din ang pagkilos ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
4. Tagapangasiwa at tagapagpatupad ng patakaran at programa sa pagpapabuti ng
kalusugang pampubliko.
5. Pagamutan ng mga may ketong sa Palawan
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Paano kayo nakikipagkomunikasyon sa inyong malayong pamilya?
Kayo ba ay mahilig mamasyal sa iba’t- ibang lugar sa Pilipinas kasama ang iyong pamilya?
C. Pag-uugnay ng mga RESULTA SA transportasyon at komunikasyon
halimbawa sa bagong aralin Masasabi nating nagsimulang umunlad ang transportasyong Pilipino sa pagdating ng mga
Amerikano.
D. Pagtatalakay ng bagong Mga Sasakyang Panlupa mula sa karitela at kalesa
konsepto at paglalahad ng • 1903 Unang Auto o kotse sa Maynila. Isa itong BENZINE-FUELED FRENCH-MADE
bagong kasanayan #1 BRAZIER. Ang kotse ang nagungunang transportasyon partikular sa mga maykaya sa
buhay.Iginawad ng Maynila kay Charles M. Swift ang isang prangkisa upang
makapagpatakbo ng isang daang bakal na gumagamit ng kuryente at upang makapagtustos
ng elektrisidad sa loob ng 50 taon.
• 1917- Manila-Dagupan Railway ay binili ng Pamahalaang Amerikano mula sa mga Ingles.
Itinatag ito bilang Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang PNR o Philippine National
Railway. Mula La Union hanggang Albay ang ruta nito.

• De-kuryentengTranvia -ipinakilala ng Manila Electric and Railroad Co. o Meralco. Kaiba ito
sa Tranvia na hila- hilang mga Kabayo noong Panahon ng Espanyol. Masasabing ito ang
unang Mass Transport system dahil halos lahat ng bahagi ng lungsod ang sineserbisyuhan.

• 1924 noong ipinakilala ng MERALCO sa Maynila ang mga Atlas- General Electric Trackless
Trolley Bus. Itoang nagpasimula ng bus transport system sa bansa at pormal na nagkaroon
ng serbisyong bus noong 1927. Nang lumaon mas tinangkilik na ng mga tao ang bus kaysa
mga tranvia

• 1930 Mga De-Metrong Taxi


• Lumaganap din ang paggamit ng trak, motorsiklo sa paglalakbay. Ang dyip pangmilitar ang
sinasabing pinagmulan ng pampasaherong dyip na lumaganap pagkatapos noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

Mga sasakyang pantubig- Ang mga mababagal na bangka, kaskos at batel na ginagamit
noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na bangkang de-motor,
lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer. Dumami ang nagbukas ng mga daungan
o seaports sa bansa. Isa narito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking daungan sa
Asya noong Panahong Amerikano
E. Pagtalakay ng bagong MGA SASAKYANG PANGHIMPAPAWID
konsepto at paglalahad ng 1911-Ipinakilala sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano na pinalipad ni Lucky
bagong kasanayan #2 Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City

1930- Philippine Aerial Taxi Co. o PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa. Dito
unangnaranasan ng mga Pilipino na maglakbay sa pamamagitan ng himpapawid sa iba’t-
ibang bahagi ng ating kapuluan.
1933 Pagtatag ng Iloilo- Negros Air Express Co. o INAEC

Mula sa isang simple, ito ay naging moderno at sopistikado. Bagama’t lagi itong pabago-
bago.
F. Paglinang sa Kabihasnan Pagtambalin ang mga pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B.
(Tungo sa Formative Assessment Hanay A. Hanay B
3 1. Ipinakilala ng Manila Electric and A. dyip pangmilitar
Railroad Co. o Meralco B Port of Manila
2. pinagmulan ng pampasaherong dyip C. De-kuryentengTranvia
3. Pinakamalaking daungan sa Asya D. Manila-Dagupan Railway
noong Panahong Amerikano E. Trackless Trolley Bus
4. Nagpasimula ng bus transport F. Philippine Aerial Taxi Co
system sa bansa
5. kilala ngayon bilang PNR o Philippine National Railway

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paano nakatulong ang pag-unlad sa transportasyon at komunikasyon sa ating pamumuhay?
araw- araw na buhay
H. Paglalahat ng Aralin  Dapat nating tandaan na ang pagkakaroon ng isang malawak at mabilis na sistema
ng transportasyon ay isa samga salik nanagbibigay-daan sa minimithing pag-unlad
ng isang bansa.
 Ang Estados Unidos ay nakapagpagawa ng 20,826 km. lansangan, 8100 mga tulay
at pinahaba pa ang daangbakal ng 1395km.
 Ipinakilala ang makabagong kasangkapan sa komunikasyon tulad ng telepono,
radio, radiophone at telegraph. Naging maunlad din ang serbisyo ng koreo ng
Pilipinas
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na mga pahayag.
1. Ang kotse ang nagungunang transportasyon partikular sa mga maykaya sa buhay.
2. Lumaganap din ang paggamit ng trak, motorsiklo sa paglalakbay.
3. Iloilo- Negros Air Express Co. o INAEC ang unang komersyal na eroplano sa bansa.
4. Ang Estados Unidos ay nakapagpagawa ng 20,826 km. lansangan, 8100 mga tulay at pinahaba pa
ang daang bakal ng 1395km.
5. Mabagal ang pag-unlad ng serbisyo ng koreo ng Pilipinas.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang- Mag-aral ng aralin
aralin at remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng
akingpunungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

School FOURTH ESTATE ELEM.SCHOOL Grade Level VI


Teacher MARY JEAN A. DECRETALES Learning Area ARALING
PANLIPUNAN
Teaching Dates and DECEMBER 08, 2022 Quarter SECOND
GRADE 6 Time Huwebes QUARTER
DAILY LESSON
PLAN
School FOURTH ESTATE ELEM.SCHOOL Grade Level VI
Teacher MARY JEAN A. DECRETALES Learning Area ARALING
PANLIPUNAN
Teaching Dates and DECEMBER 09, 2022 Quarter SECOND
GRADE 6 Time (BIYERNES) QUARTER
DAILY LESSON
PLAN

II. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ngkolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan, epekto
at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ganap
na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang
nasyon at estado
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)
II. NILALAMAN Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
 Natatalakay ang ilan pang mga pagbabago sa larangan ng pamumuhay ng mga
Pilipino sa panahon ng mga Amerikano (pananamit, panahanan, libangan, pagkain
at relihiyon).
TM, TG, Curriculum Guide 6, AP 6 BOW 2017, Pictures, Charts
III. KAGAMITANG PANTURO AP6KDP-IId-3
Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Eleanor D. Antonio,
Emilia L. Banlaygas at Evangeline M. Dallo pp 121-134
LM
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro  TM, TG, Curriculum Guide 6, AP 6 BOW 2017, Pictures, Charts
2. Mga Pahina sa Kagamitang  Kayamanan (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Eleanor D.
Pang- Mag-aaral Antonio, Emilia L. Banlaygas at Evangeline M. Dallo, pahina 111-114
 LM
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo  Laptop
 https://youtu.be/8D-twOQ92to

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Pagtambalin ang mga pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B.
at/o pagsisimula ng bagong aralin Hanay A. Hanay B
1. Ipinakilala ng Manila Electric and A. dyip pangmilitar
Railroad Co. o Meralco B Port of Manila
2. pinagmulan ng pampasaherong dyip C. De-kuryentengTranvia
3. Pinakamalaking daungan sa Asya D. Manila-Dagupan Railway
noong Panahong Amerikano E. Trackless Trolley Bus
4. Nagpasimula ng bus transport F. Philippine Aerial Taxi Co
system sa bansa
5. kilala ngayon bilang PNR o Philippine National Railway

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sa palagay Ninyo ano ano kaya ang mga pagbabago sa larangan ng pamumuhay ng mga
Pilipino sa panahon ng mga Amerikano? (pananamit, panahanan, libangan, pagkain at
relihiyon).
Alin sa mga ito ang patuloy ninyong nakikita o naoobserbahan nagyon?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasnan Pagtambalin ang mga pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B.
(Tungo sa Formative Assessment Hanay A.
3 1. Relihiyon na itinatag ni Felix Manalo Hanay B
2. Programa upang matugunan A. Homestead Law
ang suliranin sa pabahay B waltz
3. Patakaran bilang Sistema sa C. Iglesis ni Kristo
pagaari sa lupa D. Manila-Dagupan Railway
noong Panahong Amerikano E. Batas Torrenas
4. Relihiyong dala ng mga Amerikano F. Protestante
5. Isang sayaw mula sa mga Amerikano G. Modern dance

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paano nakatulong ang mga pagbabago ito sa pamumuhay natin ngayon?
araw- araw na buhay
H. Paglalahat ng Aralin Ano- ano ang mga pagbabago sa larangan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng
mga Amerikano (pananamit, panahanan, libangan, pagkain at relihiyon).
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na mga pahayag.
1. Unti- unting natatamasa ang mga nararapat na karapatan ng mga Pilipino.
2. Nagkaroon ng iba’t -ibang sekta ang Protestantismo
3. Nananatili ballot na ballot ang mga kasuotan ng mga kababaihan noong panahon ng
mga Amerikano.
4. Si Rev Jorge Barlin ang unang obispong Pilipino 1906.
5. Isa sa mga pagkain na namana natin sa mga Amerikano ay mga de lata tulad ng
corned beef.
J. Karagdagang Gawain para sa Gumawa ng Photo Collage ukol sa mga pagbabagong naganap sa lipunan sa panahon ng
takdang- aralin at remediation mga Amerikano sa bansa.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like