You are on page 1of 71

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3: Panahon ng
Kolonyalismo at Imperyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
Aralin 1-8

i
DO_Q3_AP7_MODYUL3_ARALIN1-8
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Una-Ikawalong Linggo
Binagong Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary Sara Z. Duterte-Carpio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Agnes M. Delos Reyes- Dalandanan NHS, Charlyn SR. Dela Cruz-CENHS,
Mary Rose D. Beranio-CENHS, Analyn A. Padamana-VPTNHS, Elsie Gerolaga-VPTHS,
Marites R. Java-BNHS, Angelica C. Lim-BNHS, Mhericon Jean L. Lorenzo-Malinta NHS,
Rosemarie D. Carreon- Malinta NHS

Tagasuri ng Nilalaman: Dr. Nevelyn S. Adoracion, Head Teacher-CWNHS


Emalyn M. Malilay, Head Teacher-Dalandanan NHS
Gloria A. Bonifacio, Head Teacher- Polo NHS
Marites A. Suzon, Head Teacher-Malinta NHS

Tagasuri ng Wika: Gloria A. Bonifacio, Head Teacher- Polo NHS


Tagasuring Teknikal: Marites A. Suzon, Head Teacher-Malinta NHS
Tagaguhit: Jayson P. Delechos
Tagalapat: Raphael A. Lopez
Management Team:
MELITON P. ZURBANO, Schools Division Superintendent
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
MELVIN WILLY II B. ROQUE, PSDS, OIC LRMS
LEILANIE M MENDOZA, Ph.D.- Education Program Supervisor

Printed in the Philippines by ________________________


Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA
Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaral

1 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 1 at 2:
Mga Dahilan at Epekto ng
Kolonyalismo sa Unang Yugto
(Ika-16 at Ika-17 Siglo) ga
Dahilan at Epekto ng
KolYugtoonyalismo sa Unang Yugto
(Ika-16 at Ika-17 Siglo) (Ika-16 at Ika-17 Siglo)

2 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag -aaral ay naipamamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng
mga Kanluranin sa unang yugto (ika -16 at ika -17 siglo) pagdating nila sa Timog
at Kanlurang Asya.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang tinutukoy ng pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ilang ruta ng kalakalan ang dinadaanan ng mga produkto ng Asya upang
makarating sa Europa?
a. dalawa b. tatlo c. apat d. lima
2. Kailan nagsimula ang panahon ng eksplorasyon at pagtuklas ng mga Europeo?
a.Ika- 15 siglo b. Ika-16 siglo c. Ika-17 siglo d. Ika-18 siglo
3. Ano sa mga prinsipyong pang- ekonomiya na naniniwala na ang tunay na sukat
ng yaman ng bansa ay batay sa ginto at pilak ng pamahalaan?
a. Kapitalismo b. Komunismo c. Merkantilismo d. Sosyalismo
4. Sino ang nakadiskubre sa “Cape of Good Hope.”?
a. Ferdinand Magellan c. Bartolomeu Dias
b. Christopher Columbus d. Vasco da Gama
5. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang hindi agad nasakop ng mga
Kanluranin sapagkat ito ay pinaghaharian ng Imperyong Ottoman?
a. Hilaga b. Silangan c. Kanluran d. Timog
6. Alin sa mga kaganapan sa krusada ang di nakabuti sa mga bansa sa Asya?
a. paglulunsad ng kilusan ng simbahan upang mabawi ang banal na lugar.
b. Pagpapasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
c. Pagkakaroon ng interes ng mga Europeo dahil sa kagandahang taglay ng Asya
d. Pagbawi sa Jerusalem bilang banal na lugar ng Kristiyano.
7. Alin sa mga bansang kanluranin ang nakakuha ng malawak na sakop sa Asya
noong ika-16 na siglo?
a. France b. Netherland c. Portugal d. Spain
8. Alin sa mga bansang kanluranin ang di nakarating sa India upang
makapanakop ng lupain?
a. England b. France c. Portugal d. Spain

1 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
9. Sino ang mahusay na manggagalugad na mula sa Portugal na nag-organisa
ng malalaking eksplorasyong pandagat?
a. John Cabot b. Marco Polo c. Prince Henry d. Vasco da Gama
10. Ano ang paraan ng pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa mga
malalawak na lupain at sinasamantala ang mga likas na yaman nito?
a. Imperyalismo b. Kapitalismo c. Merkantilismo d. Kolonyalismo

Mga Dahilan at Epekto ng


ARALIN 1 Kolonyalismo sa Unang Yugto
AT 2 (Ika-16 at Ika-17 Siglo)

Balikan

Data Retrieval Chart


Panuto: Gamit ang data Retrieval chart, Isulat kung ano ang mga mahahalagang
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Piliin sa ibaba
ang sagot.
SINAUNANG KABIHASNAN MGA KONTRIBUSYON/ AMBAG
SUMER
INDUS
TSINA (SHANG)

MGA PAGPIPILIAN:
Ziggurat, Taj Mahal, sewerage system, cuneiform, calligraphy, pictogram, telang
seda, woodblock printing, phonetic alphabet, geometry

Kilalanin Mo!
Panuto: Suriin mo ang mga larawan at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Ano- anong bansa sa Europa ang kinakatawan ng bawat watawat?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng mga bansang natukoy sa mga Asyano?
2. Paano nakarating ang mga bansang ito sa Asya?
3. Aling bansa ang may pinakamalaking impluwensya sa atin?

2 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
SURI-TEKSTO
Panuto: Basahin at unawain ang mga impormasyon, pagkatapos ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong.

Tatlong Pangunahing Ruta ng Kalakalan sa Asya

HILAGANG RUTA –Nagsisimula sa Beijing, China, binabagtas ang mga disyerto ng


Samarkand at Bokhara, tianatawid ang Caspian at Black Sea at nagtatapos sa
Constantinople.
GITNANG RUTA- Mula sa India, dadaan sa Ormus ng Persian Gulf hanggang
Antioch ng Damascus
TIMOG NA RUTA – Mula India ay babagtasin ang Indian Ocean baybayin ang
Arabia sa Red Sea hanggang Cairo sa Egypt.
MGA SALIK SA PAGDATING
NG KANLURANIN SA ASYA
1.Krusada
2.Paglalakbay ni Marco Polo
3.Renaissance
4.Pagbagsak ng Constantinople
5.Merkantilismo
1. Krusada na naganap mula
1096 hanggang 1273. Ang mga
Krusada ay isang kilusan na
inilunsad ng simbahan at ng mga
Kristiyanong hari upang mabawi ang
banal na lugar, ang Jerusalem sa
Israel - ang nagpasigla ng kalakalan
sa pagitan ng Europa at Asya. - ito
din ang naging daan para
magkainteres ang malalaking bansa
sa Europa na sakupin ang ilang
lugar o bansa sa Asya.
2. Paglalakbay ni Marco Polo na isang Italyanong adbenturerong
mangangalakal na taga-Venice- marami ang nagkainteres sa mga lugar na
binanggit niya sa kanyang librong “The Travels of Marco Polo” kung saan
inilarawan niya ang magagandang tanawin at mga magagandang bagay hinggil
sa Asya.
3. Renaissance – kilusang pilosopikal na makasining at binigyang diin ang
pagbabalik ng interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece.
4. Pagbagsak ng Constantinople- ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa
kontinente ng Europa na nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa
patungong India, China at ibang bahagi ng Silangan na napasakamay ng mga
Turkong Muslim noong 1453. Ito ang teritoryong madalas daanan noong
panahon ng Krusada. Sinakop ang Constantinople noong1453 at ang naging

3 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng
kalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Ang mga Italyanong
mangangalakal na taga Venice, Genoa, at Florence ang pinayagan ng mga
Turkong Muslim na makadaan sa ruta.
5. Merkantilismo - umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may
maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at
makapangyarihan May tatlong motibo ang Kolonyalismo. Ang 3G’s o ang God,
Gold at Glory. Paghahangad ng Kayamanan, pagpapalaganap ng Kristiyanismo
at ang paghahangad ng Katanyagan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dahilan sa paglulunsad ng Krusada?
2. Sino si Marco Polo? Paano niya nahikayat ang mga kanluranin na puntahan
ang Asya?
3. Ano ang kahalagahan ng Italya sa pagkakaroon ng Renaissance?
4. Paanong ang pagbagsak ng Constantinople ang isa sa mga dahilan kung
bakit nagkainteres ang mga Europeo sa Asya?
5. Paano nakinabang ang mga Kanluranin sa Merkantilismo?

Data Retrieval Chart


Panuto: Punan ng angkop na datos ang bawat kolum. Isulat sa unang hanay ang
mga bansang nanakop at sa kabila naman ay ang mga bansang kanilang
nasakop.

Isaisip

Reflection Paper
Panuto: Sa pamamagitan ng pagguhit ng isang simbolismo sa bawat salik ng
pagdating ng kanluranin sa Asya, ipakita kung paano nakaapekto ang
pangyayari sa pagtuklas ng mga lupain sa Asya. Sumulat ng maikling
talata ukol dito.
1. Ang mga Krusada ______________________________________________________
________________________________________________________________________

4 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
2. Paglalakbay ni Marco Polo ____________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Renaissance _______________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Pagbagsak ng Constantinople________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Merkantilismo _____________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tree Diagram
Panuto: Isulat sa kahon ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya. Ipaliwanag ayon
sa pagkakaunawa ang bawat dahilan.

Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng


Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya (Ika-16- Ika-17 Siglo)

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng


tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Mahahalagang Konsepto

HANAY A HANAY B
_____1. Mga bansang nanguna sa pananakop A. Kolonyalismo
_____2. Pananakop ng isang malakas na bansa
sa mahinang bansa B. Treaty of Tordesillas
_____3. Kasunduan na naghati sa mundo gamit
ang imahinaryong linya.
_____4. Kilusang Pilosopikal na makasining na C. Renaissance
nagbibigay diin sa kaalamang klasikal D. Portugal at Spain
ng Greece
_____5. Kilusang inilunsad ng simbahan upang E. Krusada
bawiin ang banal na lugar, ang Jerusalem

5 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
B. Mga nabigador at manlalakbay

HANAY A HANAY B

_____ 6. Italyanong nakahiyat sa kanluranin A. Christopher Columbus


na puntahan ang Asya.
_____ 7. Mangangalugad na Portuges na B. John Cabot
nagpatayo ng Navigational school.
_____ 8. Manlalakbay na Portuges na C. Marco Polo
nakarating sa Calicut India.
_____ 9. Italyanong manggagalugad na D. Prince Henry the Navigator
sinuportahan ng Espanya upang
galugarin ang America.
____ 10.Nabigador na tumuklas sa E. Vasco da Gama
North America.

Karagdagang Gawain

Epekto ng Kolonyalismo
→ Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at Portuges ay
nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad
at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.
→ Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag.
→ Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
→ Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng
pagkawala ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
→ Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan
ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.

Panuto: Punan ng nawawalang letra upang mabuo ang salitang inilalarawan sa


bawat bilang.
1. _ _ I _ _ S - ginagamit na pampalasa ng mga Europeo na kadalasang hinahanap
hanap nila sa Asya.
2. _ _ R _ _ _ A _ - kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa
panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at
ginto.
3. A _ _ R _ _ _ V _ _ _ U _ _ _ - sa kanyang pangalan nanggaling ang America
4. _ A _ _ O _ _ _ A _ A - pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat na
naglakbay mula Portugal hanggang India noong 1497.
5. C _ _ _ _ _ _A_ I_ _ T _ _ N - pag-ikot sa mundo

6 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2) 7
TAYAHIN SUBUKIN
TUKLASIN
A. B. 1. B 6.C
1. D 6. C 1.Portugal
2.A 7.C
2. A 7. D 2.Spain
3.B 8.D
3. E 8. E 3.France
4.C 9.C
4. C 9. A 4.Netherlands
5. C 10.D
5. F 10. B 5.Great Britain
Blando, R.C et.Al (2014)Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa
Mag- aaral) Eduresources Publishing Inc. pp. 222-229

Samson, M.B.et.al (2015) Kayamanan (Araling Asyano) Batayan at Sanayang Aklat


sa Araling Panlipunan.Binagong Edisyon. Rex Printing Company, Inc. pp. 282-297

Lumabas, Danilo A. (2018) EnMAP, Manila


Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (DepEd Araling Panlipunan-Modyul para
sa Mag-aaral) Pahina 235-237, 243-252

Gabay sa Pagsasanay sa Kasaysayan ng Asya ni Cristina B. Cristobal, Ph. D


Pahina 144 at 152

Learners Module p. 259-264 Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, ASYA:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Yunit III, Department of Education, 2014)

Blando, Rosemarie C., et al., ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, (Modyul


para sa Mag-aaral), Eduresources Publishing, Inc., 2014.

Mateo, Grace Estela C., et al., Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan), Vibal Publishing House, 2008

Samson, Maria Carmelita B., et al.,Kayamanan: Araling Asyano, Rex Printing


Company, 2016

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba Modyul 2: Mga Sinaunang


Kabihasnan sa Asya,pahina 112-115

Department of Education, PROJECT EASE Effective Alternative Secondary


Education) Araling Panlipunan II Modyul 3: Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Online Sources
How did Britain Conquer India?-Animated History. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?reload=9&v=DzDwz18ng7w

Jallianwala Bagh massacre (movie gandhi)


https://www.youtube.com/watch?v=2LaoamJ3vbs

8 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 3: Nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya

9 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN1-2)
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag -aaral ay naipamamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo
ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Masaya bang isipin na ngayon ay maaari at malaya na nating nagagawa ng


may responsibilidad ang mga bagay na dapat nating gawin? Salamat sa kalayaang
naibigay sa atin ng ating mga lider na may matinding diwa ng nasyonalismo. Nabatid
mo sa ating nakaraang aralin ang naging karanasan ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya. Sa pagkakataon namang ito, ay pag-aaralan mo ang mga naging
reaksyon ng mga Asyano sa mga patakarang ipinatupad ng mga dayuhan, ang
kanilang pagpapakita ng nasyonalismo na nakatuon laban sa mga Kanluranin.

Situation Analysis
Nagdaos ng athletic meet sa inyong dibisyon, isa sa mga
makikipagkumpetensya ay ang iyong paaralan. Hindi ka kabilang sa mga manlalaro
ng inyong paaralan. Bilang isa sa mga mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong
pagsuporta sa iyong paaralan. Sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1.Ano-ano ang iyong gagawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa iyong
paaralan at sa inyong mga manlalaro?
2. Bakit kailangan mong suportahan at tulungan ang paaralan at mga manlalaro
kahit hindi mo naman sila kakilala?
3. Paano nahahawig ang ipinakita mong suporta at pagmamahal sa inyong
paaralan at mga manlalaro sa pagmamahal at pagmamalasakit sa isang
kababayan at sa mismong bayan?
4. Ano ang kahulugan ng Nasyonalismo? Paano nakatulong ang damdaming ito
sa paglaya ng mga bansa sa Asya sa kamay ng mga mananakop?
5. Ano-anong ebidensya ng nasyonalismo ang nalalaman mo?Ipaliwanag.
6. Anong konseptong may kaugnayan sa mga pagpapahalagang naipakita mo sa
pagsasagawang iyong mga hakbang sa pagtulong sa iyong paaralan at kapwa
mag-aaral?

10 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
Aralin Nasyonalismo sa Timog at
3 Kanlurang Asya

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng wastong
sagot sa patlang.

___1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na


magtungo sa Asya maliban sa __.
a. Paglalakbay ni Marco Polo c. Renaissance
b. Ang mga Krusada d. White Mans Burden
___2. Alin sa mga sumusunod na bansang Kanluranin ang nanguna sa
paggalugad at pagtuklas ng mga bagong lupain?
a.Portugal b. Spain c.France d.England
___3. Sa Europa umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung saan may
maraming ginto at pilak, may pagkakataon ang isang bansa na yumaman at
maging makapangyarihan.Ano ang tawag dito?
a.Merkantilismo b.Renaissance c.Sosyalismo d.Industriyalisasyon
___4. Ano ang bansang kanluranin na lubos na nakasakop sa bansang India at
lubos na nakinabang sa mga likas na yaman nito.
a. Great Britain b.Portuga c.France d.Spain
___5. Sila ang mga grupo ng mga kawal sa India na nag-alsa upang tutulan ang
pagsisimula ng mga impluwensiya ng mga British sa pananampalataya at
pamumuhay ng mga taga-India.
a. Sepoy b.Tapay c.Kekoy d.Katipon

Concept Cluster Ko!


Panuto: Ilagay mo ang mga kaalamang sa palagay mo ay may kaugnayan sa
nasyonalismo, sa kahon na may nakalagay na initial answer, ang tatlong
kahong natitira ay iyo lamang masasagot sa susunod nating gawain.

Initial Answer Final Answer


________________ ______________________
________________ Nasyonal ______________________
ismo sa
Timog at
Kanluran Epekto ng Nasyonalismo
g Asya sa mga bansa sa Timog at
Revised Answer Kanlurang Asya
________________ __________________________
________________ __________________________

11 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
Pagkatapos mong suriin ang iyong mga kaalaman tungkol sa pag-usbong
ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, natitiyak kong nais
mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Maaari mo lamang mabatid
ang tamang sagot sa pamamagitan ng iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain sa
susunod na bahagi ng aralin na ito.
Masusi mo ring suriin kung umayon ba ang iyong mga dating alam sa mga
bagong kaalaman na iyong natutunan sa araling ito.

Suri-Teksto

PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA: NASYONALISMO SA INDIA


Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay –daan upang magising
ang diwa ng nasyonalismo rito.
Si Mohandas Karamchand Gandhi kilala rin
bilang Mahatma Gandhi ang nangunang lider
nasyonalista sa India. Nakilala siya sa kanyang
matahimik at mapayapang paraan o non-
violent means sa pakikipaglaban para sa
kalayaan ng India. Naniniwala siya sa ahimsa
(walang karahasan) at satyagraha. Hinimok din
ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa
lahat ng produkto ng mga Ingles at lahat ng
mga may kaugnayan sa Ingles. Sinimulan din
niya ang civil disobedience o hindi pagsunod sa
pamahalaan. Nabaril at namatay si Mohandas
Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa
ang Hindu at Muslim sa ibang bansa.
1https://www.fearlessmotivation.com/2017/06/11/famous-mahatma-gandhi-quotes

SUTTEE o SATI Pinakinabangan nang husto ng mga Ingles ang


mga likas na yaman ng India. Dahil sa pananakop
ay naranasan din ng mga Indian ang mga
patakarang hindi angkop sa kanilang kultura,
tulad ng pagpapatigil ng sutee o sati
(pagpapakatiwakal ng biyudang babae at pagsama
sa libing ng namatay na asawa). Ipinatigil din ang
female infanticide. Naging dahilan din ng paglaban
ng mga Indian ay ang di-pantay na pagtingin sa
kanilang lahi (racial discrimination) Ito ang naging
dahilan upang maisagawa ang pag-aalsa ng mga
Sepoy. (Rebelyong Sepoy – ito ang pag-aalsa
ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang
pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimation.)
https://en.wikipedia.org/wiki/Sati_(practice )
Sepoy Mutiny in Hindi –Revolt of 1857 https://www.youtube.com/watch?v=stznbbg_KvY

12 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng
mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre
noong Abril 13,1919. Maraming mamamayang Indian
ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril
ng mga sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay
namatay ang may 379 katao at mayroong halos 1, 200
na katao ang nasugatan.
(panoorin Jallianwala Bagh massacre

(movie gandhi)https://www.youtube.com/watch?v=2LaoamJ3vbs

Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang


magkaibang pananampalataya. Naitatag ang All Indian National Congress sa
panig ng mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag
naman ang All Indian Muslim League nooong 1906.Pinangunahan ito ni Ali Jinnah
na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang pansin. Layunin ng mga
kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng


pagkakataong mamahala sa India. Subalit ang mga Indian ay hindi nasiyahan sa
pagbabagong ito kung kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang sa ito
ay makamtam noong Agosto 15, 1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at
pinamunuan ni Jawaharlal Nehru. Kaanlisabay nito ang pagsilang ng bansang
Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni
Mohammed Ali Jinnah.

PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA


Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong
naipakita ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa
Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil hawak sila dati ng malakas at matatag na
Imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong 1918.
Napasailalim sa sistemang mandato (nangangahulugan ito na ang isang bansa na
naghahanda upang maging isang malaya at isang nagsasariling bansa ay
ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo) ng mga Kanluranin ang
mga bansa sa Kanlurang Asya matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman.
Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na makamtan ang kalayaan mula
sa Imperyong Ottoman at maging sa mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa
Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian at mga Turko bago pa man
ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Pamprosesong Tanong:
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo sa inyong sariling pangungusap.
2. Anu-ano ang dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya?
3. Alin sa mga naging tugon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang naging
mabisa sa pagpapakita ng nasyonalismo?
4. Nakabuti ba o hind sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at Kanlurang
Asya ang pagpapakita ng damdaming nasyonalismo? Patunayan.

13 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
Gawain 1: Dugtong Salita
Panuto: Nasa ibaba ang 12 salita. Gamit ang mga salitang ito bumuo ng isang lipon
ng mga pangungusap na magsisilbing buod upang mailahad ang simula ng
nasyonalismo sa India.

Civil Mahatma Gandhi Muslim League Rebelyong Sepoy


Disobedience

Satyagraha Jawarhalal Nehru Jawa Pakistan

Ahimsa Mohammed Ali Indian National India


Jinnah Congress

Gawain 2: Positibo o Negatibo


Panuto: Lagyan ng krus (+) ang pahayag na iyong sinang-ayunan at ekis (x) ang
hindi sinang-ayunan. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
_____1. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa
pananakop ng mga Kanluranin.
_____2. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng
nasyonalismo ng mga Indian.
_____3. Magkatulad ang ipinakitang nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.
_____4. Racial discrimination ang nag-udyok sa mga Sepoy upang mag-alsa laban
sa mga Ingles.
_____5. Hindi napasailalim ng mga Kanluranin ang mga bansa sa Kanlurang Asya
dahil sa hawak sila ng malakas at matatag na Imperyong Ottoman.

Isaisip

LIFE APP!
Panuto: Buuin ang kaisipan na makikita sa loob ng kahon.

1. Ano ang iyong pipiliin na gawin: ang gawin ang isang bagay na hindi
magbubunga ng mabuti, ngunit ginagawa ng nakararami, o ang piliing gawin
ang tama, kahit na hindi ito ginagawa ng marami?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag: “ YOU MUST BE THE CHANGE YOU WANT TO SEE IN THE


WORLD”
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__

14 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
LESSON CLOSURE
1. Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
2. Sa kabuuan, napagtanto ko na
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Panuto: Basahin at unawain ang tinutukoy ng pangungusap. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa patlang.
_____1. Noong Agosto 15, 1947 ay ipinagkaloob ng mga Ingles ang tuluyang
paglaya ng India. Sino ang naging unang pinuno ng India?
A. Mohandas Gandhi C. Jawaharlal Nehru
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
_____2. Ito ay ang pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang
pagtutol sa pagtatangi ng lahi.
A. Rebelyong Boxer C. Rebelyong Nanjing
B. Rebelyong Sepoy D. Rebelyong Taiping
_____3. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi agad naipakita di gaya ng
sa Timog Asya. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi
agad nila ito naipakita?
A. Nasanay na sila sa pamamahala ng mga dayuhan kung kaya’t ayaw
na nilang lumaya.
B. Walang diwa ng pagkakaisa ang mga mamamayan sa Kanlurang
Asya sa simula pa lang ng pananakop ng mga dayuhan.
C. Malaki ang naitulong ng mga dayuhan sa kanilang pambansang
pagkakaisa.
D. Malakas at matatag ang Imperyong Ottoman na syang may hawak
sa kanila.
______4. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming Makabayan. Nagbigay
daan ito para ang mga Asyano noon na matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng Imperyalismong Kanluranin.
B. Maging laging handa sa pagdating ng mga dayuhan
C. Makisalamuha sa mga mananakop.
D. Pagiging mapagmahal sa kapwa.
______5. Ang sistemang pinairal sa mga bansa sa Kanlurang Asya matapos
makalaya sa Imperyong Ottoman. Kung saan sila ay pansamantalang
papasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
A. Culture System C. Resident system
B. Mandate System D. Sphere of influence

15 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
_____6. Siya ang nagpasimula ng pakikipaglaban ng mga Indian laban sa mga
Ingles upang makamtan ang Kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang
pakikipaglaban.
A. Mohandas Gandhi C. Jawaharlal Nehru
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
______7.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pakikialam ng mga Briton sa
relihiyon ng mga Hindu.?
A.Female Infanticide C.Pagpapatigil sa Suttee
B.Racial discrimination D. Rebelyong Sepoy
_____8.Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng nasyonalismo?
A.Pagkahilig sa imported C. Pagmamahal sa kapaligiran
B.Pagsunod sa batas D. Pagtangkilik sa produktong atin
_____9.Ito ay damdaming Makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal
at pagpapahalaga sa Inang -bayan.
A.Imperyalismo C.Nasyonalismo
B.Kapitalismo D.Merkantilismo
_____10.Ito ag naging tugon o reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismong
Kanluranin.
A.Imperyalismo C.Nasyonalismo
B.Kapitalismo D.Merkantilismo

Karagdagang Gawain

DATA RETRIEVAL CHART


Panuto: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolumn ng Data Retrieval Chart.
Pag-usbong ng Nasyonalismo za Timog at Kanlurang Asya
Rehiyon Bansa Dahilan ng Pamamaraang Manipestasyon Epekto
Pagpapakita ginamit para ng sa mga
ng matamo ang Nasyonalismo Bansang
Nasyonalismo Kalayaan Asyano

Timog
Asya

Kanlurang
Asya

16 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3) 17
TAYAHIN GAWAIN 2 BALIKAN
1. C 6. A 1. + 1. D
2. B 7. C 2. + 2. A
3. D 8. A 3. X 3. A
4. A 9. C 4. + 4. A
5. B 10.C 5. X 5. A
Susi sa Pagwawasto
Blando, R.C et.Al (2014)Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa
Mag- aaral) Eduresources Publishing Inc. pp. 222-229

Online Sources
How did Britain Conquer India?-Animated History. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?reload=9&v=DzDwz18ng7w

Jallianwala Bagh massacre (movie gandhi)


https://www.youtube.com/watch?v=2LaoamJ3vbs

18 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 4: Pag-usbong ng Nasyonalismo at
Paglaya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang
Asya

19 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN3)
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag -aaral ay naipapamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag -
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
1. Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano
2. Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng
nasyonalismo at kilusang nasyonalista (Week 4)
Mga Tiyak na Layunin:
• Nailalahad ang mga karanasan at mga naging epekto ng digmaang pandaigdig
sa pag-unlad ng nasyonalismong Asyano ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya
• Nasusuri ang iba’t ibang ideolohiya na nakaapekto sa pagkakaroon ng
kilusang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
• Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang personalidad na nanguna sa paglinang ng
iba’t ibang ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya
• Nakabubuo ng kaisipan sa naging epekto ng iba’t ibang ideolohiyang nalinang
sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Damdaming makabayan na maipakikita sa pamamagitan ng matinding
pagmamahal sa Inang Bayan.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Sosyalismo
2. Nakilala ang personalidad na ito dahil sa mapayapang paraan o non-violent
means na pakikipaglaban.
A. Ibn Saud C. Mohamed Ali Jinah
B. Mohandas Karamchad Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk
3. Alin sa mga bansa ang hindi kabilang sa Triple Entente?
A. Britain B. France C. Germany D. Russia
4. Anong idelohiya ang nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga kilusang
nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Demokrasya B.Komunismo C. Pasismo D. Sosyalismo

20 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
5. Ang bansang ito ay kinilala bilang “Republika ng Takot” dahil sa nauuwi sa
karahasan ang nais na pagbabago sa pamahalaan.
A. India B. Iraq C. Pakistan D. Saudi Arabia
6. Ito ay isang sistema ng malawakang pagpatay ng Alemang Nazi sa mga Hudyo
na nasa Europa na tinatayang umabot sa anim na milyon.
A. Death March B. Holocaust C. Infanticide D. Pesticide
7. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong
Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan
B. Pagkamulat sa kanluraning kaisipan
C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
8. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
A. Dahil sa pananakop ng ibang lupain
B. Dahil sa layuning palakasin ang Judaism
C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D. Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo
9. Ano ang naging epekto sa katayuan ng bansa at mamamayan ng India at
Pakistan ang pagkakahati nito?
A. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
B. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Indian
C. Nahati ang simpatya ng mamamayan sa dalawang estado
D. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa
10. Sa anong bansa naibigay ang mandato sa mga bansang Syria at Lebanon
matapos madiskubre ang mina ng langis?
A. Alemanya B. Ingles C. Olandes D. Pransya

Aralin Pag-usbong ng Nasyonalismo at


4 Paglaya ng mga Bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

Data Retrieval Chart


Panuto: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolum ng Data Retriveal Chart.
Mga Patakarang Pinairal ng mga Mananakop sa Timog at Kanlurang Asya
Pamamahala Edukasyon Wika Relihiyon
(May (Bukas ba (Itinuro (May
Mananakop Nasakop partisipasyon ang ba ang kalayaan
ba ang mga Edukasyon wika?) ba sa
katutubo sa sa lahat?) relihiyon?)
pamamahala?)
Ingles
Pranses
Dutch
Amerikano

21 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
Pagbuo ng Konklusyon
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Masalimuot at napakalaking pinsala ang dulot ng World War 1 at World War II,
subalit kung uugatin, simple lamang ang istorya nito. Ito ay ang patuloy na
pananakop ng mga kolonya ng mga bansang kanluranin at nang umusbong na
kapangyarihan ng Japan.

Gawain 1: Suriin ang tsart sa ibaba at punan ng angkop na paghihinuha upang


makompleto ang mga ideya.
Iba Pang Mga Hinuha
Digmaang kasangkot at (Ano ang
Pandaigdig Mga Bansang ang kani- ipinapakita ng
Kasangkot kanilang panig mga listahan ng
mga bansang
kasangkot)
World War 1 Triple Alliance o Panig sa Central
(1914-1918) Central Powers Powers
1. Germany
2. Austria – Hungary
3. Italy
Laban sa:
Triple Entente o Panig sa Allied
Allied Powers Powers
1. Russia
2. France
3. Britain
World War II Axis Powers Panig sa Axis
(1939-1945) 1. Germany Powers
2. Italy
3. Japan
Laban sa:
Allied Powers Panig sa Allied
1. France Powers
2. Britain
3. Netherlands

Gawain 2: Ayos-Salita
Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang mga salitang nag-
uugnay sa iba’t ibang ideolohiyang nalinang sa Timog at Kanlurang Asya.
1. 2.
AYSARKOMED LISMOSOSYA
________________________________________ _______________________________

22 (DO_Q3_AP_7_MODYUL
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
3_ARALIN 4)
UNISKOMMO
3.
____________________

Pamprosesong tanong:
1. Magbigay ng sariling interpretasyon mula sa nabuong salita.
2. Sa inyong palagay, nakaapekto ba ang mga ideolohiyang ito sa pagkakaroon
ng mga kilusang nasyonalismo sa rehiyon?

Sa bahaging ito ay mapapaunlad ang inyong kaalaman sa iba’t ibang ideolohiya


at sa Malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.

Iba’t ibang Ideolohiya at ang mga Malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog


at Kanlurang Asya

Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at


pangangailangan ay ipinapahayag ng ideolohiya.
Iba’t ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya. Ito ang Demokrasya, Sosyalismo,
Komunismo, at Pasismo. Higit ang naging impluwesya ng demokrasya sa mga
kilusang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

Timog Asya
India, Pakistan, Sri Lanka, at Maliliit na Estado sa Timog Asya
Swarmi Dayanand Sarawasti, isang nasyonalista na humimok sa mga Indian
sa muling pagbasa ng mga veda upang maging batayan ng pang-araw-araw na buhay
ng mga Indian, matapos na hindi nila matanggap ang pagbabalewala ng mga British
sa kanilang nakagisnang kultura. Nagpamalas naman ng moderatong nasyonalismo
si Mohandas Gandhi na naging pangulo ng All India National Congress na
naitatag noog 1885. Pinangunahan naman ni Muhammad Ali Jinnah ang Muslim
League noong 1906, upang mabigyan ng proteksyon ang mga karapatan at
kapakanan ng mga muslim matapos na tutulan ang pagkakaroon ng mas malaking
kontrol ng mga Hindu sa ipinagkaloob na isang bagong konstituyon ng mga Briton.
Noong 1947 ay hiniling ni Jinnah ang isang hiwalay na bansang Muslim na
nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay
ng India noong Agosto 14,1947. Sa Sri Lanka pinamunuan ni Don Stephen
Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka” ang
pakikipaglaban para sa kanilang kasarinlan. Sa Nepal naman naganap ang isang
mapayapang rebolusyon noong 1990. Nagsilbing inspirasyon nito ang EDSA
Revolution sa Pilipinas na naganap noong 1986.

Kanlurang Asya
Sumibol ang pagkilos upang ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang
lupain. Itinatag ang Zionismo sa pangunguna ni Theodor Herzi. Nagsimula ang
kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang “Lupaing Pangako”. Sa Iraq

23 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
naman sumibol ang kilusang makabayan dahil sa hindi maayos na pamamahala ng
mga Ottoman. Nakilala naman ang Iraq na “Republika ng Takot” dahil ang mga
pagbabago ng pamahalaan ay madalas na humahantong sa karahasan. Bunga ng
labis na kalupitan at paniningil ng buwis ay naghangad ang mga Arab ng kasarinlan
sa mga Turk. Ang modernong kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul
Aziz Ibn Saud, ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang Makabayan ng mga Arab.
Noong 1932, inihayag ang sarili na maging hari ng Saudi Arabia, isang bansang
walang demokrasya.

Pamprosesong tanong:
1. Paano nakaapekto ang iba’t ibang ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya sa ng
malawakang kilusang Nasyonalista?
2. Sa iyong palagay, anong ideolohiya ang higit na pagkakaroon nagbunga sa
pagkakaroon ng malawakang kilusang nasyonalista? Ipaliwanag ang sagot.

Tsart ko, Punuan mo!


Panuto: Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon.
A.
Mahahalagang Pangyayari

Rehiyon Unang Digmaang Ikalawang Epekto


Pandaigdig Digmaang
Pandaigdig

Timog Asya

Kanlurang Asya

B.
Bansa Ideolohiya Kilusang Namuno sa Epekto
Nasyonalista Kilusan
India
Pakistan
Israel
Sri Lanka
Iraq
Saudi Arabia

24 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
Panuto: Ilarawan ang iba’t ibang ideolohiyang nalinang sa Timog at Kanlurang Asya
at ipaliwanag ang mahahalagang katangian ng bawat isa.

• Demokrasya _____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
• Sosyalismo ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
• Komunismo_______________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Sanaysay-larawan
Panuto: Magsaliksik at bumuo ng photo essay ng mga kilalang personalidad sa
Timog at Kanlurang Asya noon hanggang sa kasalukuyang panahon at ang
kanilang inilunsad na gawain na naging instrumento ng pagbabago sa
kanilang bansa.

Rubric sa Pagmamarka ng Photo Essay


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Wasto at angkop ang mga 10 Puntos
ginamit na larawan na nagbigay
ng malinaw na mensahe.
Organisasyon ng mga Maayos ang pagkakagawa at 5 Puntos
ideya pagkakaugnay ng mga larawan
Pagkamalikhain Napakamasining ang 5 Puntos
pagkakagawa
Kabuoan 20 Puntos

Identipikasyon
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Sistema ng pamamahala kung saan ang taong bayan ang may kapangyarihang
magluklok sa pwesto ng magiging pinuno ng bansa.
2. Ito’y mga kaisipan at mga pagpapahalaga na nagsisilbing gabay sa pagkilos ng
tao.
3. Isang kalagayan ng lipunan na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay,
pagtutulungan at pag-unlad
4. Kasunduan na naging hudyat ng pagtatapos ng unang digmaang pandaigdig.
5. Dalawang alyansa ng mga bansa ang nabuo noong unang digmaang
pandaigdig. Ang isang alyansa ay binubuo ng Germany,Austria-Hungary, na

25 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
tinawag na _____________.
6. Nanguna sa pagtatag ng Muslim League at sa pagkakaloob ng kasarinlan ng
Pakistan kasabay ng India noong August 14, 1947.
7. Tinaguriang “Ama ng Kasarinlang Sri Lanka” dahil sa kanyang pakikipaglaban
sa kasarinlan ng bansa.
8. Kilusang nabuo na may layong makabalik ang mga Hudyo sa kanilang lupain.
9. Nakasaad dito na bubuksan sa mga Hudyo ang Palestina upang kanilang
maging tahanan, naging sanhi ito ng kaguluhan sa pagitan ng mga Hudyo at
Muslim
10. Kasunduan na pinangunahan ng Estado Unidos noong 1942 na nagsasaad
na kapwa lilisanin ng Russia at Gran Britanya ang Iran upang makapagsarili at
maging Malaya na ito.

Fact o Opinion
Panuto: Isulat sa iyong worksheet kung ang mga pahayag ay Fact o Opinion at
tukuyin ang dahilan kung bakit ito ang iyong sagot.
Statement tungkol sa Ideolohiya Fact o Dahilan
Opinion

1. Ang ideolohiya ay lipon ng mga kaisipang


pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng maraming tao
na kumikilos ayon sa mga ideya, simulain, prinsipyo o
paniniwala na napapaloob dito.

2. Ang Ideolohiyang pampolitika ay nakasentro sa


paraan ng mamamayan.

3. Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakasentro sa


mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan
nang paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.

4. Sinasabing paraan ng pamumuhay ang demokrasya


at maaaring ipahayag sa iba’t ibang anyo tulad ng
aspektong politikal, pangkabuhayan at panlipunan.

5.Sinasabing sa ilalim ng komunismo, puno ng


kasaganaan ang isang lipunan, walang pag-uri ang
mga tao at mga batas at walang pamimilit.

26 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4) 27
Tayahin
1.Demokrasya
2.Ideolohiya Pagtataya
3. Sosyalismo
4. Treaty of Versailles 1. C
5. Alyansang Sentral 2. B
6. Muhammed Ali Jinah 3. C
Karagdagang
7. Don Stephen 4. A
Gawain
Senanayake 5. B
8. Zionismo 1. Fact 6. B
9. Balfour Declaration 2. Fact 7. D
10. Tehran Conference 3. Fact 8. D
11. Ideolohiyang 4. Opinion 9. C
Politikal 5. Opinion 10.D
12. David Ben- Gurion
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (DepEd Araling Panlipunan-Modyul para
sa Mag-aaral) Pahina 188-252
https://www.slideshare.net/semanaraymund/asya-at-ang-ikalawang-digmaang-
pandaigdig
https://philnews.ph/2020/11/18/ano-ang-demokrasya-kahulugan-at-halimbawa-
nito/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Ideolohiya
https://www.slideshare.net/joshua0978/joshua-kabanata-13

28 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 5: Mga Samahang
Pangkababaihan at mga Kalagayang
Panlipunan

29 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa
sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal
at Makabagong Panahon (Ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang karanasan at
bahaging ginagampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-
pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika.
1. Nauunawaan ang mga samahang pangkababaihan at mga kalagayang panlipunan
tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang
pampolitika ng Timog at Kanlurang Asya.
2.Natutukoy ang mga samahang pangkababaihan at mga kalagayang panlipunan ng
mga kabababihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya,
at karapatang pampolitika ng Timog at Kanlurang Asya.
3. Napahahalagahan ang mga samahang pangkababaihan at mga kalagayang
panlipunan ng mga kabababihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong
pang-ekonomiya at karapatang pampolitika ng Timog at Kanlurang Asya.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at pahayag. Piliin at isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.
A. Mahila Parishad B. Collective Womens Platform
C. Susan Mubarak D. Women for Peace
E. Sarojini Naidu F. Indian Factory Act
G. Syed Ahmed Khan H. Women’s Front of the Liberation Tigers
I. Arab Women Connect
J. Kampanya laban sa child marriage, poligamya, at pagpili ng asawa
1. Sino ang namuno sa Women’s India Association upang mabigyan ng karapatang
bumoto ang mga kababaihan?
2. Ang Women’s Action Forum ay nangangalaga sa karapatan ng kababaihan sa
Pakistan at dahil sa impluwensiya nito sa Sindhian Tehrik isang Partido politikal
ay napagtagumpayan ng mga kababaihan ang_____________.
3. Ito ay tumutukoy sa organisasyon na nagsilbing bantay sa militarisasyon ng Sri
Lanka.
4. Ito ang samahang naitatag sa Bangladesh na pumipigil sa anumang uri ng
karahasan sa mga kababaihan.
5. Namuno sa Egypt upang baguhin ang batas pampamilya at pagbabawal sa
pagkakapon ng babae.
6. Noong 1970 ay itinatag sa Bangladesh ang itinuturing na pinakamalaking
samahan ng kababaihan na __________.

30 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
7. Tumutukoy sa samahang pangkababaihan na nagbigay-pansin sa hindi
makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng mga kababaihan sa India.
8. Sino ang namuno sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon sa Pakistan?
9. Ano ang samahang pangkababaihan ang itinatag ng Liberation Tigers of Tamil
Ealam na naging aktibo sa pagkalat ng propaganda, paggagamot at pagahahanap
ng ponding pinansiyal at kalaunan ay naging aktibo na rin sa pakikipagdigma
tulad ng kalalakihan?
10. Tumutukoy sa isang pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan ng
kababaihan tungkol sa kanilang dapat na taglaying mga Karapatan

Aralin Mga Samahang Pangkababaihan at


5 mga Kalagayang Panlipunan

Balikan

Gawain : Sagutin ang Tanong: Tukuyin ang ideolohiyang isinulong ng mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya? Magbigay ng naging epekto nito

Ideolohiya mula sa Timog


Asya at Kanlurang Asya Epekto

Gawain: PATLANG PUNAN MO


Panuto: Itala ang mga bansang nanguna sa pagbuo ng mga kilusang
pangkababaihan tungo sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay at
karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.

Kilusang Pangkababaihan

1. __I__O__ A__Y__ 2. K__N__U__R__N__ A__Y__

3. I__D__A 7. __R__B __E__I__N


4. __R__ L__N__A 8. J__R__ __A
5.__A__I__T__N 9. __ R__ Q
6. B__NG__A__E__H 10. Q__ T__ __

31 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
Gawain: BASA-SURI: Basahin at unawain ang teksto kaugnay sa mga kilusang
pangkababaihan at sagutin ang pamprosesong tanong.
Mga Kilusang Pangkababaihan
Timog Asya
India- Tinalakay ng All India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa,
rekonstruksiyon ng mga kanayunan, opyo, at batas ukol maagang pagpapakasal.
Binigyang pansin ng Indian Factory Act ang hindi makatwirang bilang ng oras ng
pagtatrabaho, ang All Indian Coordination Committee ay ang isyu tulad ng benepisyo
sa pagbubuntis, pantay na sahod, at mga pasilidad ng daycare. Nanguna si Sarojini
Naidu sa paghimok sa mga kababaihang gumagawa at bumibili ng asin na huwag
bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaang Ingles, at sa Women’s India
Association upang mabigyan ng karapatang bumoto. Ipinagbawal naman ng
Factories Act ng 1948 ang pagtatrabaho sa mga delikadong makinarya. Nagbigay din
ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare, at kompulsaryong maternity leave.
Nagtalaga ang Mine’s Act ng 1952 ng hiwalay na palikuran, at ginawang legal ng
Hindu Marriage Act ng 1955 ang diborsyo. Noong 1970, itinatag ang mga kilusan
tulad ng Kilusang Shahada Shramik Sangatana (1972), Self-Employed Women’s
Association (1972), ang united Women’s Anti-Price Rise Front (1973), at ang Nav
Nirman (1974). Tinutulan ng mga kilusang nabanggit ang mga isyu gaya ng
karahasan sa tahanan at hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pakistan- Ang kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa


edukasyon. Pinamunuan sila ni Syed Ahmed Khan. Aktibo rin sila sa Kilusang
Khilafat bilang pagsuporta kay Turkish Khilafat, na naging simbolo ng pagkakaisa
ng mga Muslim.Naging aktibo sila sa paghingi ng isang malayang Pakistan.
Mayroong malakas na kilusan ng mga kababaihan na nakatulong upang ipagtanggol
ang proseso ng demokrasya. Sa pamumuno ni Zulfiqar Ali Bhuto (1971-1977),
nagkaroon ng mga pagbabago sa pagtingin sa kababaihan. Sa pamamagitan ng 1973
Saligang-Batas, may mga probisyon na nagbigay ng pantay na karapatan sa
kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng sampung posisyon para sa kababaihan
sa National Assembly at sampung bahagdan (10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ilan
sa mga samahang itinatag na pinamunuan ng mga may pinag-aralan ay ang
sumusunod: United Front for Women’s Right (UFWR), ang Women’s Front, Aurat at
Shirkat Gah na sa kalaunan ay naging instrumento sa pagkakaroon ng Women’s
Action Forum (WAF).Sa impluwensiya ng Women’s Action Forum, ang Sindhian
Tehrik, isang partido pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya
laban sa maagang pag-aasawa (child marriage) at poligamya, gayundin ang
karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa. Dahil sa
kahinaan ng civil society at mga partidong political, gayundin ang mapaniil na
kapasidad ng estado; ang mga kilusang kababaihan sa bansa ay kritikal sa patuloy
na pagtatanggol sa mga karapatang pantao at mga minorya sa Pakistan.

Sri Lanka- Ang kababaihan sa Sril Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa politika.
Patuloy ang paglabag sa mga karapatan ng kababaihan sa bansang ito. Ang isa sa
mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa bansa ay ang Mother’s Front. Ang
Sri-Lanka Women’s NGO Forum na binuo ng iba’t ibang samahan ay naging aktibo
sa pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa politika. Taong 1983,
sumalakay ang mga militanteng gerilya, na nakilala sa tawag na LTTE (Liberation

32 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
Tigers of Tamil Eelam) na nagdulot ng giyera sibil. Itinatag ang LTTE noong 1976
upang maitatag ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri Lanka. Noong1983,
itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the Liberation Tigers. Maraming kababaihan
ang sumapi na naging aktibo sa pagkalat ng propaganda, paggagamot at
pagahahanap ng ponding pinansiyal. Sa kalaunan, sila ay naging aktibo na rin sa
pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Ang Women for Peace na itinatag noong
Oktubre, 1984 ay nagsilbing bantay sa militarisasyon ng Sri-Lanka.

Bangladesh- Noong 1970 ang Mahila Parishad ay itinatag na itinuturing na


pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansa. Naimpluwensiyahan nito ang
mga polisiya kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng pagbabawal
ng pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on the Elimination of
all Forms of Discrimination Against Women). Sa pamamagitan ng United Women’s
Forum, hiniling nila ang ratipikasyon ng CEDAW, magkakaparehong Kodigo Sibil at
dagdag sa kota ng kababaihan sa Serbisyo Sibil. Naitatag din ang Collective Women’s
Platform na pumipigil sa anumang uri ng karahasan sa kababaihan. Isinilang din
ang Platform Against Sexual Harassment.

Kanlurang Asya
Arab Region- Ang kababaihan sa Bahrain, Omar at Qatar ay nagtagumpay na
magkaroon ng karapatang bomoto. Sa Egypt at Jordan ay nabigyan ng karapatan sa
diborsyo, at ang karapatan bilang mamamayan ng kababaihan ay naibigay rin sa
taga-Bahrain, Egypt at Lebanon. Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al- Abdulla sa
kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan. Sa Egypt, pinamunuan naman ni
Susan Mubarak ang National Council on Women sa kampanya na baguhin ang batas
pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan. Samantala sa UAE,
ang namuno ay si Sheikha Fatima Bint Mubarak ang nanguna sa pagbibigay ng
karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko ang
kababaihan. Noong 2000, inilunsad ang Arab Women Connect, isang pangrehiyong
network upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat
na taglaying mga Karapatan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng mga kababaihan sa mga bansang
tinalakay. Paano ipinaglaban ng mga kababaihan sa mga bansang nabanggit ang
kanilang mga karapatan?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng mga kababaihan na ipaglaban ang
kanilang mga karapatan? Pangatwiranan.

33 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
GAWAIN:I-TSART MO
Panuto: Punan ang hinihingi sa tsart kaugnay sa Kilusang Pangkababaihan.
Magbigay lamang ng lima (5).
Bansa Kilusan /Samahan Namuno Layunin

Isaisip
Gawain: NAUNAWAAN KO ITO
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang.
1. Paano mo ilalarawan ang kalagayang panlipunan ng mga kababaihan sa mga
nabanggit na mga bansa tulad ng India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh at Arab
Region?
2. Bakit mahalagang makamtan ang pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at
kababaihan sa lipunan?
3. Totoo nga bang ganap na ang pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at
kababaihan sa lipunan? Magbigay ng tatlong (3) patunay.

Gawain:3-2-1 TSART Panuto: Ibigay ang naging kaisipan kaugnay sa paksa gamit
ang 3-2-1 tsart.
Ang isang bagay na nais
Ang tatlong bagay na Ang dalawang kaisipan kong itanong o
natutuhan ko ay na kinawilihan ko ay malinawan ay

Panuto: Ibigay ang samahang pangkababaihan at batas na nagtaguyod ng mga


sumusunod:
____________1. Organisasyon na nagsilbing bantay sa militarisasyon ng Sri Lanka.
____________2. Samahang naitatag sa Bangladesh na pumipigil sa anumang uri
ng karahasan sa kababaihan.
____________3. Kampanya na nais baguhin ang batas pampamilya at pagbabawal
sa pagkakapon ng babae.
____________4. Layunin na magtalaga ng hiwalay na palikuran ng babae at lalaki.
____________5. Sino ang namuno sa mga kababaihang Muslim upang maging
aktibo sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon?
____________6. Ipinagbawal ang pagtatrabaho sa mga delikadong makinarya.
____________7. Sino ang nanguna sa pagbibigay ng karapatan na makapag-aral sa
kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko ang kababaihan?

34 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
____________8. Isang partido pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang
kampanya laban sa maagang pag-aasawa (child marriage) at
poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at
pagpayag sa mapapangasawa.
_____________9. Noong 1970 ay itinatag na itinuturing na pinakamalaking
samahan ng kababaihan sa bansa ng Banladesh.
____________10. Nagsusulong ng kamalayan sa karapatang dapat taglayin ng
kababaihan.

Karagdagang Gawain

Gumawa ng Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga


kababaihan Noon at Ngayon.

35 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5) 36
Tuklasin
Tayahin Subukin
1. Timog Asya
1. Women for Peace 1. E
2. Kanlurang Asya
2. Collective Womens Platform 2. J
3. India
3. National Council on Women 3. D
4. Sri Lanka
4. Mines Act 1952 4. B
5. Pakistan
5. Syed Ahmed Khan 5. C
6. Bangladesh
6. Factories Act 6. A
7. Arab Region
7. Sheikha Fatima Bint Mubarak 7. F
8. Jordan
8. Sindhian Tehrik 8. G
9. Iraq
9. Mahila Parishad 9. H
10. Qatar
10. Arab Women Connect 10.I
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Learners Module p. 259-264 Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, ASYA:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Yunit III, Department of Education, 2014)

www.mthdyoke.edu/intrel/dash.htm
Manunulat: Charlyn SR. Dela Cruz,Teacher III, at Mary Rose D. Beranio, Teacher

37 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 6: Nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya

38 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN5)
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag -aaral ay naipamamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag
- unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo ng Timog at Kanlurang Asya.
Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay.

USAP TAYO
Panuto: Pagnilayan at pag-usapan ang sumusunod na sitwasyon. Gawing kapareha
ang iyong magulang o sinumang nakatatanda sa inyong tahanan. Isulat sa
dialogue box ang iyong kasagutan.

Sitwasyon: Nagdaos ng patimpalak sa speech choir sa inyong paaralan. Isa sa mga


kalahok ang inyong section. Hindi ka kabilang sa mga magtatanghal. Bilang bahagi
ng inyong pangkat, paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa iyong mga
kamag-aral?

_____________________ ______________________
_____________________ ______________________
_____________________ ______________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang pagsuporta sa iyong mga kamag-
aral?
2. Bakit kailangan mong suportahan ang iyong mga kamag-aral sa magaganap na
patimpalak?
3. Paano nahahawig ang ipinakita mong suporta at pagmamalasakit sa iyong mga
kamag-aral at pagmamalasakit mo sa iyong paaralan? sa komunidad? sa
bayan?

39 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
Aralin Nasyonalismo sa Timog at
6 Kanlurang Asya

Balikan

TUKUYIN MO
A. Panuto: Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa ibaba. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

imperyalismo kolonyalismo rebolusyon

nasyonalismo merkantilismo industriyalisasyon

1. Patakaran ng panghihimasok at pamamahala sa pagpapatakbo ng isang


bansa
2. Patakaran ng pagbuo at pananatili ng imperyo sa pamamagitan ng pagtatatag
ng kolonya
3. Pagmamahal sa bayan; pagtatanggol sa bansa sa mga manlulupig na dayuhan
4. Malaking pagbabago; adhika na patalsikin ang pamunuan
5. Prinsipyong pang-ekonomiya na na nakabatay sa dami ng ginto at pilak

B. AYOS-SALITA
Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang mga salitang
may kaugnayan sa Nasyonalismo.

TUL GANUN P AKGAKASAI PMGAAMAALH


HH

1. __________________ 2. __________________ 3. ________________

SAGUTIN MO
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang nasyonalismo?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng nasyonalismo?
3. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga bansang Asyano sa pagtataguyod
ng nasyonalismo?
4. Paano maipapakita ang nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?

40 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
NASYONALISMO SA ASYA
Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng
mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano ang nagbigay- daan sa pag-
usbong ng nasyonalismo sa Asya.
Ang nasyonalismo ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon
na may iisang lahi, kasaysayan, kultura, wika at pagpapahalaga. (Mateo, et.al). Ito
ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa Inang-bayan, (SEDP Kabihasnang Asyano). Ang nasyonalismo sa
Asya ay may ibat ibang anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na
nasyonalismo at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo.
Pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa na makikita
sa pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang kultura, saloobin at hangarin.
Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal, pagtangkilik sa
sariling mga produkto, ideya at kultura ng sariling bayan.
Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatwiran at makatarungan.
Ang kahandaang magtanggol at mamatay ng isang tao para sa bayan ay maituturing
na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.
Dahil sa hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga
Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan ang
kalayaan, maraming makabayang samahan ang naitatag sa Asya. Ang mga
samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang nakapag-aral.

CONCEPT CLUSTER
Panuto: Isulat ang mga konsepto na sa palagay mo ay may kaugnayan sa
nasyonalismo at maglista ng mga sitwasyon/manipestasyon na
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

________________ ________________
________________ ________________
________________ NASYONALISMO ________________

________________
_________
________________ ________________
________________
________________ ________________
______________
________________ ________________

41 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
Isaisip
1. Nasyonalismo ang naging pangunahing reaksyon ng mga Asyano sa
imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin.
2. Relihiyon ang naging pangunahing batayan ng nasyonalismo ng mga Indian.
Kapwa bumuo ng samahan ang mga Hindu at Muslim na naglalayong
makamtan ang Kalayaan ng India. Nagresulta ito sa pagkakatatag ng India na
isang estadong Hindu at ng Pakistan na isang estadong Muslim.
3. Huling nakaranas ng imperyalismo ang Kanlurang Asya sa ilalim ng sistemang
Mandato. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang
maging isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa
patnubay ng isang bansang Europeo.
4. Ang REBELYONG SEPOY ang unang mahalagang pag-aalsa ng mga Sepoy o
sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial
discrimination.
5. Pinangunahan ni Mohandas Gandhi ang mapayapang paraan sa paghingi ng
kalayaan. Sinimulan nya ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa
pamahalaan. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa Ahimsa at
Satyagraha.
6. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang
magkakaibang pananampalataya. Naitatag ang All Indian National Congress
sa panig ng mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India.
Naitatag naman ang All Indian Muslim League (1906) na pinangunahan ni
Mohamed Ali Jinnah na kung saan ang layunin ay magkaroon ng hiwalay na
estado para sa mga Muslim
7. Sina Mustafa Kemal Ataturk ng Turkey, Ayatollah Khomeini ng Iran at Ibn Saud
ng Saudi Arabia ay mga lider-nasyonalista na nagsulong ng kalayaan
pagbabago sa kani-kanilang bansa.
8. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, naisagawa rin ng
mga Jew ang Zionism (pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa ibat
ibang panig ng daigdig) Sila ay nagsagawa ng modernisasyon sa larangan ng
industriya,agrikultura, pagnenegosyo at maging sa larangan ng agham.

ANONG SAY MO!


Panuto: Lagyan ng ang pahayag na iyong sinasang-ayunan at naman
kung hindi mo sinasang-ayunan.
1. Nasyonalismo ang pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng mga
Kanluranin.
2. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsibalik ang mga Jews sa
Kanlurang Asya.
3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ipinatupad ng mga Kanluranin
ang sistemang Mandato sa Kanlurang Asya.
4. Ang patakarang Divide and Rule ng mga British ang nagbigay-daan sa
pagkakaisa ng mga Indian.
5. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo
ng mga Indian.

42 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
REFLECTION LOG
Panuto: Isulat ang iyong natutuhan, reyalisasyon at opinyon na may kaugnayan
sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Ang nasyonalismo ay nakakabuti dahil __________________________________________


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa natatanging mga nagawa


ng mga kilalang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya na nagpapatunay na
ang Asyanong katulad ko ay ____________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas
Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance/Civil Disobedience C. Pagbabago ng Pamahalaan
B. Armadong pakikipaglaban D. Pagtatayo ng mga partido pulitikal
2. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-
tanggap sa mga mamamayan nito. Alin sa mga pagbabagong ito ang hindi
matanggap ng mga Indian?
A. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang
Ingles
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-
dagat
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa
pamahalaan
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
3. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga
Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa mga naisin ng dayuhang bansa
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
4. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan
ito upang ang mga Asyano ay matutong:
A. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. pagiging mapagmahal sa kapwa
C. makisalamuha sa mga mananakop

43 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
D. maging laging handa sa panganib
5. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes
ng bansa
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan
ng edukadong mamamayan
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan
ng buwis ng pamahalaan
D. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa.
6.Ano ang naging pangunahing batayan ng nasyonalismo sa Timog Asya
partikular sa bansang India?
A. Kalayaan B. Relihiyon C.Kultura D. Lahi
7. Ang pagsalungat sa pamahalaan sa paraang di makapamiminsala sa kapwa ay
tinaguriang __.

A. civil disorder B.satyagraha C.civil disobedience D.hartals


8. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo.
A. Idineklara ng mga Indian ang kanilang Kalayaan noong ika-26 ng Enero
1930.
B. Nararapat lamang na magrebelde ang mga Indian sa walang katarungang
pamamahala ng mga Ingles.
C.Naging matagumpay ang mapayapang prinsipyo ni Gandhi.
D.Ang tiwala ni Gandhi sa katarungang Ingles ay naglaho matapos ang
masaker sa Amritsar.
9. Noong Unang digmaang Pandaigdig sinuportahan ng mga Indian ang mga
Ingles sa pag-asang maipagkakaloob ang kanilang kalayaan matapos ang
digmaan.Ang pahayag ay lubos na ___.
A. katotohann C.Wang katotohanan
B.walang tamang sagot D.lahat ay tama
10. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang
India?
A.Pangyayari sa Amritsar massacre
B. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian
D.Pagbabawal sa kulturang Hindu.

Karagdagang Gawain

I POSTER NA YAN
Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng pagiging makabayan at lagyan
ng pangako ng pagsasakatuparan nito sa:
Tahanan
Pamayanan/ Barangay
Paaralan

44 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6) 45
TAYAHIN BALIKAN
1. A 6.B 1. imperyalismo B.
2. C 7.C 2. kolonyalismo 1.Tulungan
3. A 8.A 3. nasyonalismo 2.Pagkakaisa
4. A 9.A 4. rebolusyon 3.PagmamahaL
5. A 10. C 5. merkantilismo
Susi sa Pagwawasto
Blando, R.C et.Al (2014)Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa
Mag- aaral) Eduresources Publishing Inc. pp. 222-229

Ma. Carmelita B. Samson et. Al (1999)Pana-Panahon (Worktext para sa araling


panlipunan:Kasaysayan ng Asya Rex book Store Inc.

46 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 7: Mga Pagbabago sa Iba
Pang Aspekto ng Pamumuhay
sa Timog at Kanlurang Asya

47 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN6)
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag -aaral ay naipamamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa ‘di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na
may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Globalisasyon C. Kolonyalismo
B. Imperyalismo D. Neokolonyalismo
2. Ano ang epekto ng paggamit ng mass media at edukasyon ng mga dayuhan
sa mga katutubo?
A. Binibigyan ng oportunidad ang mga katutubo
B. Hinuhubog ang kanilang isipan sa mga bagay na makadayuhan
C. Napapalawak ang kanilang kaalaman sa maraming bagay
D. Natutulungan silang mapaunlad ang kanilang kakayahan
3. Ayon sa aklat ni Cruz Romela, et al, ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa _____
A. Pag-impluwensiya ng mahihinang bansa sa mga makapangyarihang
bansa sa larangan ng politika at ekonomiya.
B. Paglaya ng mga bansang mahina mula sa impluwensiya ng
makapangyarihang bansa
C. Pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng mga
mananakop sa mga bansang nasakop
D. Patuloy na pagsailalim ng mga kolonyang bansa mula sa mga bansang
mananakop
4. Ang mga sumusunod ay naging tugon ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang
Asya sa neokolonyalismo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Pagtanggap ng tulong pinansiyal C. Paghingi ng tulong teknikal
B. Pakikipagkasundo D. Pakikidigma
5. Alin sa mga anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagkontrol sa
pamamahala ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa?
A. Globalisasyon ng Edukasyon C. Neokolonyalismong Politikal
B. Neokolonyalismong Kultural D. Neokolonyalismong Ekonomikal

48 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
6. Ano ang dahilan ng pag-uunahan ng Kanluraning bansa na masakop ang mga
bansa sa Kanlurang Asya?
A. Pagkakadiskubre ng mina ng ginto
B. Pagkakaroon ng mayamang kultura
C. Pagkakatuklas ng langis
D. Pagkakatuklas ng mga diyamante
7. Anong anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagpapalaganap ng kultura
o paraan ng pamumuhay ng mga makapangyarihang bansa sa mga mahinang
bansa?
A. Globalisasyon ng Edukasyon C. Neokolonyalismong Politikal
B. Neokolonyalismong Kultural D. Neokolonyalismong Ekonomikal
8. Ang mga sumusunod ay ang mga larangang naimpluwensiyahan ng mga
makapangyarihang bansa. Alin ang HINDI kabilang?
A. Ekonomiya C. Panahanan
B. Kultura D. Politika
9. Ano ang kapalit ng tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating mananakop
sa dating sinakop na bansa?
A. Pagiging sunud-sunuran
B. Pagkontrol sa ekonomiya
C. Pagtanggap sa impluwensiyang Kanluranin
D. Walang hinihintay na kapalit ang kanilang pagtulong
10. Ang bansang ito ay isa sa naging pinakamakapangyarihan sa pagtatapos ng
kolonyalismo at imperyalismo, kung saan ito ang pangunahing bansang
tumutulong sa mga mahihinang bansa sa usaping ekonomikal.
A. China C. Italy
B. Germany D. United States of America

Aralin Neokolonyalismo sa Timog at


7 Kanlurang Asya

Balikan

SAGUTIN MO!
1. Ano ang mga dahilan na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo
sa Asya?
2. Paano nakatulong ang pagsibol ng nasyonalismo sa pagtatamo ng
kalayaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

49 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
LOOP A WORD
Panuto: Hanapin sa ibaba ang 5 salitang maiuugnay sa Neokolonyalismo. Makikita
ito ng pahalang, patayo, palihis at pabaligtad. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
A C A T H X R D W O P

M H K T I O M P Y A A

F I R S T W O R L D K

R O T M N P X T M P I

T H I R D W O R L D R

K U L T U R A A P O E

A L O M P O X Y T P M

B U P P O L I T I K A

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong salita ang iyong nahanap?
2. Bumuo ng konsepto o pangungusap gamit ang salitang neokolonyalismo at ang
tatlo o higit pa sa mga salitang iyong nahanap sa itaas.

SURI-TEKSTO
Panuto: Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa anyo,
epekto at tugon ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Pagkatapos
mong basahin ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
• Ang neokolonyalismo ay ang ‘di tuwirang pananakop sa isang bansang malaya
na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
• Ito rin ay tumutukoy sa pananatili ng panlipunan at pampolitikang
impluwensiya ng dating mananakop sa mga bansang dating nasakop (Cruz,
Romela, et al.)
• Ang madalas na nakararanas nito ay ang mga bansang kabilang sa Third
World. Makikita ito sa patuloy na pagiging palaasa nila sa mga bansang
kabilang sa First World o mga bansang may maunlad na ekonomiya at
industriya.
Globalisasyon ng Edukasyon
• Dahil sa kakulangan ng pondo, napipilitan ang mga tagapamahala ng
pamantasan na makipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa na siyang
pinagmumulan ng kanilang mga libro at kagamitan. Bunga nito, ang dayuhang

50 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
ahensiya ang namamahala sa mga pasilidad ng unibersidad. Sa pamamagitan
nito, nagaganap ang intelektuwal na pananakop.
Neokolonyalismong Politikal
• Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihang
bansa na kontrolin ang pamamahala sa mga mahinang bansa kung saan ay
nagagawa nitong maimpluwensiyahan ang kalagayang panloob ng mahihinang
bansa.
Neokolonyalismong Kultural
• Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mga mahinang
bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay.
• Gamit ang mass media at edukasyon ay nahuhubog ng mga makapangyarihang
bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na makadayuhan.
Epekto ng Neokolonyalismo sa mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
• Naging palaasa ang umuunlad at mahihirap na bansa sa larangan ng
pananalapi, politika, panlipunan at maging ang kapakanan ng bansa dahil sa
patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa.
• Nangungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa International
Monetary Fund at World Bank upang magamit sa kanilang pangangailangan.
• Pagsunod sa sistema ng edukasyon ng mga Kanluranin dahilan para
mabalewala ang kurikulum na dapat sundin ng mahihirap na bansa.
• Pagbibigay ng patakaran ng pandaigdigang kompanya sa papaunlad na bansa.
• Liberalisasyon ng ekonomiya sa daigdig.
• Pakikialam ng International Monetary Fund at World Bank sa pera ng mga
bansa sa Ikatlong Daigdig.
Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
• Ang neokolonyalismo ay ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy pa rin
ang pagpasok ng impluwensiya ng mga Kanluraning bansa sa Asya sa kabila
ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo.
• Napilitang tumanggap ng tulong pinansiyal upang makabangong muli ang
kanilang ekonomiyang nalugmok sa digmaan
• Pagpayag sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo
• Pagpapatupad ng liberalismong pang-ekonomiyang patakaran
• Pakikipagkasundo upang mapataas ang kita ng bansa
• Paghingi ng tulong teknikal
• Pagbuo ng mga makabayang samahan tulad ng Palestine Liberation
Organization
• Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa
kanilang sariling mga paa nang hindi na umasa pa sa makapangyarihan at
maimpluwensiyang bansa.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang neokolonyalismo?
2. Paano tumugon sa neokolonyalismo ang mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya?

51 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
FACT OR BLUFF
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang FACT
kung wasto ang isinasaad ng pahayag at BLUFF naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa ‘di-tuwirang pananakop sa isang bansang
malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyariang bansa.
2. Maraming bansa sa kasalukuyan ang nagnanais na patuloy na umasa sa
makapangyarihan at maimpluwensiyang mga bansa.
3. Patuloy pa rin ang pagpasok ng impluwensiya ng mga Kanluraning bansa sa Asya
sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo, ito ay dahil sa
makabagong paraan ng pananakop na tinatawag na neokolonyalismo.
4. Gamit ang mass media at edukasyon ay hinubog ng mga makapangyarihang
bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na makadayuhan.
5. Ang makapangyarihang bansa ay hindi kayang kontrolin at impluwensiyahan sa
tahimik na paraan ang mga mahinang bansa.

Isaisip

TSEK O EKIS
Panuto: Lagyan ng TSEK (/) ang pahayag na tama at EKIS (X) kung mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang neokolonyalismo ay ang bagong paraan ng pananakop ng mga bansang
makapangyarihan na hindi gumagamit ng lakas ng hukbong sandatahan.
2. Ang mga Asyano ay walang pagpapahalaga sa edukasyon.
3. Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa
sariling paa nang hindi na sila umasa pa sa makapangyarihang bansa.
4. Lumaganap ang kultura o paraan ng pamumuhay ng mga makapangyarihang
bansa sa mga mahinang bansa.
5. Isa sa naging epekto ng neokolonyalismo sa mahihinang bansa ay ang paglaya
nila mula sa impluwensiya ng mga makapangyarihang bansa.

KUNG AKO LANG SANA


Ipagpalagay na magkakaroon ng eleksiyon para sa pagkapangulo ng buong Timog at
Kanlurang Asya at ikaw ay isa sa mga kandidato. Para sa iyong pangangampanya,
sumulat ka ng isang plataporma tungkol sa pagbabago at pag-unlad tungo sa
hinaharap ng rehiyong iyong kinakatawan.

52 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Anong anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagpapalaganap ng kultura
o paraan ng pamumuhay ng mga makapangyarihang bansa sa mga mahinang
bansa?
A. Globalisasyon ng Edukasyon C. Neokolonyalismong Politikal
B. Neokolonyalismong Kultural D. Neokolonyalismong Ekonomikal
2. Ang mga sumusunod ay ang mga larangang naimpluwensiyahan ng mga
makapangyarihang bansa. Alin ang HINDI kabilang?
A. Ekonomiya B. Kultura C. Panahanan D. Politika
3. Ang bansang ito ay isa sa naging pinakamakapangyarihan sa pagtatapos ng
kolonyalismo at imperyalismo kung saan ito ang pangunahing bansang
tumutulong sa mga mahihinang bansa sa usaping ekonomikal.
A. China B. Germany C. Italy D. United States of America
4. Ano ang dahilan ng pag-uunahan ng Kanluraning bansa na masakop ang mga
bansa sa kanlurang Asya?
A. Pagkakadiskubre ng mina ng ginto
B. Pagkakaroon ng mayamang kultura
C. Pagkakatuklas ng langis
D. Pagkakatuklas ng mga diyamante
5. Ano ang kapalit ng tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating mananakop
sa dating sinakop na bansa?
A. Pagiging sunud-sunuran
B. Pagkontrol sa ekonomiya
C. Pagtanggap sa impluwensiyang Kanluranin
D. Walang hinihintay na kapalit ang kanilang pagtulong
6. Ito ay tumutukoy sa ‘di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na
may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Globalisasyon C. Kolonyalismo
B. Imperyalismo D. Neokolonyalismo
7. Ayon sa aklat ni Cruz Romela, et al, ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa _____
A. Pag-impluwensiya ng mahihinang bansa sa mga makapangyarihang
bansa sa larangan ng politika at ekonomiya.
B. Paglaya ng mga bansang mahina mula sa impluwensiya ng
makapangyarihang bansa
C. Pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng mga
mananakop sa mga bansang nasakop
D. Patuloy na pagsailalim ng mga kolonyang bansa mula sa mga bansang
mananakop
8. Alin sa mga anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagkontrol sa
pamamahala ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa?
A. Globalisasyon ng Edukasyon C. Neokolonyalismong Politikal
B. Neokolonyalismong Kultural D. Neokolonyalismong Ekonomikal

53 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
9. Ano ang epekto ng paggamit ng mass media at edukasyon ng mga dayuhan
sa mga katutubo?
A. Binibigyan ng oportunidad ang mga katutubo
B. Hinuhubog ang kanilang isipan sa mga bagay na makadayuhan
C. Napapalawak ang kanilang kaalaman sa maraming bagay
D. Natutulungan silang mapaunlad ang kanilang kakayahan
10. Ang mga sumusunod ay naging tugon ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang
Asya sa neokolonyalismo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Pagtanggap ng tulong pinansiyal C. Paghingi ng tulong teknikal
B. Pakikipagkasundo D. Pakikidigma

Karagdagang Gawain

REFLECTION LOG
Panuto: Isulat ang iyong realisasyon at opinyon kaugnay sa Neokolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya.
Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay __________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Mahalaga ito, sapagkat __________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Sa pagkakataong ito, naisip kong ________________________________________________
_________________________________________________________________________________

54 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7) 55
TAYAHIN ISAISIP
1. B 6. D
1. /
2. C 7. C
2. X
3. D 8. C
3. /
4. C 9. B
4. /
5. B 10. D
5. X
PAGYAMANIN TUKLASIN SUBUKIN
1. FACT KULTURA 1. D 6. C
2. BLUFF POLITIKA 2. B 7. B
3. FACT THIRD WOLRD 3. C 8. C
4. FACT FIRST WORLD 4. D 9. B
5. BLUFF AMERIKA 5. C 10. D
Susi sa Pagwawasto
Blando, R.C et.Al (2014)Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa
Mag- aaral) Eduresources Publishing Inc. pp. 280-282

56 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Aralin 8: Kontribusyon ng
Timog at Kanlurang Asya
at ang Pagkakakilanlan ng
Kulturang Asyano

57 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN7)
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag -aaral ay naipamamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag -aaral ay… nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago,
pag - unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang
Asyano.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang naging sentro ng paggawa ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan?
A. edukasyon B. kultura C. relihiyon D. sining
2. Ang mga sumusunod ay relihiyon kung saan iniuugnay ang bawat
gusaling nililikha sa Timog Asya MALIBAN sa
A. Budismo B. Hinduismo C. Judaismo D. Islam
3. Ang panitikan ng Kanlurang Asya ay repleksyon ng __________ ng mga
mamamayan dito.
A. edukasyon B. kultura C. relihiyon D. sining
4. Ang Nirvana ay bahagi ng paniniwala ng mga Hindu. Ano ang pinakamadaling
paraan upang makamit ito?
A. Paggamit ng musika C. Paggamit ng sining
B. Pakikibahagi sa palakasan D. Pagpapatayo ng templo
5. Itinuturing na isa sa pinakamagandang arkitektura sa India. Ipinatayo ito ni
Shah Jahan para sa kaniyang asawang si Mumtaz Mahal.
A. Stupa B.Taj Mahal C. masjid o moske D. turbe (tomb)
6. Ang mga Hindu ay mahilig sa sayaw at may paniniwala sila na ito ay libangan
ng kanilang diyos. Alin ang sa mga sumusunod ang magpapatunay rito?
A. May larawan ng mga babaeng sumasayaw sa kanilang templo
B. May mga babaeng nakaukit na sumasayaw sa kanilang templo
C. May mga babaeng bantay na sumasayaw sa kanilang templo
D. May rebulto ng mga babaeng sumasayaw sa kanilang templo
7. Sino ang pinakatanyag na dramatista na may akda ng “Shakuntala”?
A. Kalidasa C. Shmuel Yosef Agnon
B. Rabindranath Tagore D. Yehuda Anichai
8. Ano ang naitulong ng larong kabaddi sa mga Indian?
A. Dumami ang kanilang kaibigan
B. Nakilala sila sa iba’tibang panig ng Kanlurang Asya
C. Napalakas nito ang kanilang pangangatawan

58 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
D. Naprotektahan ang sarili laban sa paglusob ng kaaway
9. Sino ang kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng Gawad Nobel para
sa panitikan?
A. Kalidasa C. Shmuel Yosef Agnon
B. Rabindranath Tagore D. Yehuda Anichai
10. Alin sa mga sumusunod ang naging daan upang magkabuklod-buklod ang
mga Asyano?
A. Arkitektura B. Musika C. Panitikan D. Palakasan

Aralin Kontribusyon ng Timog at


8 Kanlurang Asya sa Kulturang
Asyano

Balikan

TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag na isinasaad sa bawat bilang at
MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang kapalit ng tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating mananakop sa
dating sinakop na bansa ay ang pagkontrol sa ekonomiya nito.
2. Ang neokolonyalismo ekonomikal ay tumutukoy sa pagpapalaganap ng kultura
o paraan ng pamumuhay ng mga makapangyarihang bansa sa mga mahinang
bansa.
3. Isa sa naging epekto ng neokolonyalismo sa mahihinang bansa ay ang paglaya
nila mula sa impluwensiya ng mga makapangyarihang bansa.
4. Gamit ang mass media at edukasyon ay hinubog ng mga makapangyarihang
bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na makadayuhan.
5. Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa ‘di-tuwirang pananakop sa isang
bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang
makapangyariang bansa.

59 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
LARAWANG ITO, KILALANIN MO
Panuto: Tukuyin ang larangang kinabibilangan ng sumusunod na larawan. Punan
ang patlang ng nawawalang salita.

1. A _ K _ _ _ KT _ _ A 2.M _ _ I _ A 3. P _ _ I T _ _ _ N 4. P _ L _ _ _ S _ N

SURI-TEKSTO
Panuto: Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa mga
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at pagkakakilanlan ng
Kulturang Asyano. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong.

Arkitekturang Asyano
• Ang sentro ng paggawa ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan ay nakapaloob
sa relihiyong niyakap at kinagisnan.
Timog Asya
• Maiuugnay sa relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam ang bawat gusali na
nililikha sa India.
• Dalawang tanda ng arkitekturang Indian, (1) Stupa, kilalang templong budista
na gawa sa laryo kung saan inilalagay ang mga sagrado at panrelihiyong
relikya; (2) Taj Mahal, ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang asawang si
Mumtaz Mahal na namatay sa panganganak.
Kanlurang Asya
• Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang masjid o moske. Itinuturing ito na
pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik.
• Ang turbe (tomb) ay isa ring gusaling Islamik. Ito ay musoleo ng sektang
• Shi’ite.

Panitikang Asyano
• Mayaman ang panitikang Asyano sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko,
tula, maikling kuwento at dula.

60 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
Timog Asya
• Ang panitikang Indian ay nasusulat sa wikang klasikal na sanskrit.
• Dalawang mahalagang epiko ng India (1) “Mahabharata”, nagsasalaysay ng
pantribong digmaan; (2) “Ramayana”, tungkol sa buhay ni Rama ang lalaking
bida sa epiko.
• Si Kalidasa ay ang pinakadakilang dramatista na may-akda ng “Shakuntala”.
Ito ay tungkol sa pag-ibig ni Haring Dusyanta sa isang ermitanya.
• Ang “Panchatantra” ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng
mga pabula na may maraming kuwento tungkol sa alamat, engkantanda at
pabula.
• Rabindranath Tagore, manunulat mula sa Bengal na kauna-unahang
Asyanong nagwagi noong 1913 ng Gawad Nobel para sa panitikan.
Kanlurang Asya
• Ang panitikan ng Kanlurang Asya ay repleksyon ng kultura ng mamamayan
dito.
• Shmuel Yosef Agnon, kauna-unahang Hudyo na nakatanggap sa kaniyang
akda na “Bridal Canopy” at “A Guest for the Night” ng Nobel Prize.
• Yehuda Anichai, taga-Israel na nakilala sa kaniyang akda na “Song of
Jerusalem and Myself”
• “A Thousand and One Nights” o mas kilalang “Arabian Nights”, kuwentong
isinalaysay ng isang magandang prinsesa na nilibang ang hari upang hindi
matuloy ang pagbitay sa kaniya.
• Ang inspirasyon ng mga Arabe sa paggawa ay may kaugnayan sa relihiyong
Islam na pinaniniwalaan nila.

Musika at Sayaw ng mga Asyano


• Ang musika at sayaw sa maraming bansa sa Asya ay bahagi ng ritwal sa
panganganak, pag-aasawa at kamatayan.
Musika at Sayaw ng India
• Mahigpit ang pagtuturo sa mga nais mag-aral ng musika at dahil sa higpit at
dedikasyon sa pagtuturo, nagbunga ito ng maraming nilikhang musika.
• Naniniwala ang mga Hindu na upang makamit ang Nirvana (ganap na
kaligayahan), ang pinakamadaling paraan ay ang paggamit ng musika.
• Sitar, gawa sa pinatuyong upo at maraming kuwerdas. Ito ang pinakabantog
na instrument.
• Ragas, isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras at
panahon ang pagtugtog nito. May paniniwala ang mga Hindu na ang ayaw
sumunod sa itinakdang oras ay malalagay sa panganib ang tinutugtugan at
nakikinig nito.
• Mahilig ang mga Hindu sa sayaw. May paniniwala sila na ito ay libangan ng
Diyos nila. Patunay nito ang kanilang templo na may mga babaeng nakaukit
na sumasayaw.
Ang Musika at Sayaw ng mga Arabe
• Ang mga manunula, payaso at musikero ay pumupunta sa mga lungsod ng
Mecca, Ukash at Medina sa Saudi Arabia upang mag-aral at
magpakadalubhasa sa musika.

61 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
Pampalakasan
• Ang palakasan ay naging isang daan upang magkabuklod-buklod ang
mamamayang Asyano.
• Karamihan ng mga larong kilala sa buong Asya at sa daigdig ay nagmula sa
India. At karamihan nito ay inilalarawan sa tanyag na epikong Mahabharata”.
• Kabaddi, tanyag na laro sa India. Nilinang ang laro na ito upang
makapagbigay ng tulong sa mga Indian na maproteksyonan ang kanilang
sarili laban sa mga paglusob ng mga kaaway.
• Ang larong chess, baraha at martial arts (judo at karate) ay nagmula sa India.
• Ang baraha ang popular na laro sa mga hari at maharlika ng kahariang korte
sa India.
• Ang judo at karate ay mahalagang pananggalang ng mga Budista sa
mapanganib na paglalakbay patungong Japan, China at Korea na nag-uugnay
sa repleksyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay.
• Gwada Showaa, atleta mula sa bansang Syria na nanguna sa hurdles at high
jump.
• Naim Suleymanoghi, mula sa bansang Turkey, isang weightlifter na nag-uwi
ng tatlong medalya.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano ipinakita ng mga taga-Timog at Kanlurang Asya ang kanilang
pagkakakilanlan sa kanilang kultura?
2. Ikaw, bilang Asyano at Pilipino, paano mo mabibigyang halaga ang mga
kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya?

DATA RETRIEVAL CHART


Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na likha na nasa kahon ay bahagi sa
arkitektura, panitikan, musika o pampalakasan ng Timog at Kanlurang
Asya. Kopyahin ang tsart at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mahabharata Taj Mahal Kabaddi


Panchatantra ragas

Arkitektura Panitikan Musika Pampalakasan

62 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
Isaisip

DUGTUNGAN MO
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang kontribusyon ng mga Asyano ay _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bilang Pilipino, nararapat na ipagmalaki ko ang ambag ng mga Asyano dahil
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

I- MATCH MO
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat sa patlang ang
letra ng wastong sagot.

HANAY A HANAY B
_____1. Pinakamatanda at pinakatanyag na a. baraha
koleksyon ng mga pabula. b. chess
_____2. Wikang klasikal ng panitikang India c. Nirvana
_____3. Musikang nag-aalis ng sakit d. Panchatantra
_____4. Popular na laro sa mga hari at e. ragas
maharlika sa India f. sanskrit
_____5. Nangangahulugang “Ganap na kaligayahan”

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang pinakatanyag na dramatista na may akda ng “Shakuntala”?
A. Kalidasa C. Shmuel Yosef Agnon
B. Rabindranath Tagore D. Yehuda Anichai
2. Alin sa mga sumusunod ang naging daan upang magkabuklod-buklod ang mga
Asyano?
A. Arkitektura B. Musika C. Panitikan D. Palakasan
3. Sino ang kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng Gawad Nobel para
sa panitikan?
A. Kalidasa C. Shmuel Yosef Agnon
B. Rabindranath Tagore D. Yehuda Anichai

63 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
4. Ang mga sumusunod ay relihiyon kung saan iniuugnay ang bawat
gusaling nililikha sa Timog Asya MALIBAN sa.
A. Budismo B. Hinduism C. Judaismo D. Islam
5. Ang panitikan ng Kanlurang Asya ay repleksyon ng __________ ng mga
mamamayan dito.
A. edukasyon B. kultura C. relihiyon D. sining
6. Ang Nirvana ay bahagi ng paniniwala ng mga Hindu. Ano ang pinakamadaling
paraan upang makamit ito?
A. Paggamit ng musika C. Paggamit ng sining
B. Pakikibahagi sa palakasan D. Pagpapatayo ng templo
7. Itinuturing na isa sa pinakamagandang arkitektura sa India, Ipinatayo ito ni
Shah Jahan para sa kaniyang asawang si Mumtaz Mahal.
A. Stupa B.Taj Mahal C. masjid o moske D. turbe (tomb)
8. Ano ang naitulong ng larong kabaddi sa mga Indian?
A. Dumami ang kanilang kaibigan
B. Nakilala sila sa iba’t-ibang panig ng Kanlurang Asya
C. Napalakas nito ang kanilang pangangatawan
D. Naprotektahan ang sarili laban sa paglusob ng kaaway
9. Ang mga Hindu ay mahilig sa sayaw at may paniniwala sila na ito ay libangan
ng kanilang diyos. Alin ang sa mga sumusunod ang magpapatunay rito?
A. May larawan ng mga babaeng sumasayaw sa kanilang templo
B. May mga babaeng nakaukit na sumasayaw sa kanilang templo
C. May mga babaeng bantay na sumasayaw sa kanilang templo
D. May rebulto ng mga babaeng sumasayaw sa kanilang templo
10. Ano ang naging sentro ng paggawa ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan?
A. edukasyon B. kultura C. relihiyon D. sining

Karagdagang Gawain

ANG AKING REPLEKSIYON


Sumulat ng sariling repleksiyon na naglalaman ng iyong nararamdaman tungkol sa
kahalagahan ng mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa pagkakakilanlan
ng kulturang Asyano.

64 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
(DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8) 65
TAYAHIN ISAGAWA
1. A 6. A 1. d
2. D 7. B 2. f
3. B 8. D 3. e
4. C 9. B 4. a
5. B 10. C 5. c
BALIKAN SUBUKIN
PAGYAMANIN 1. TAMA 1. C 6. B
1. Mahabharata - Panitikan 2. MALI 2. C 7. A
2. Taj Mahal- Arkitektura 3. MALI 3. B 8. D
3. Kabaddi - Pampalakasan 4. TAMA 4. A 9. B
4. Pachatantra – Panitikan 5. TAMA 5. B 10. D
5. Ragas - Musika
Susi sa Pagwawasto
Blando, R.C et.Al (2014)Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa
Mag- aaral) Eduresources Publishing Inc. pp. 290-294

66 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City

Telefax: 02-292-3247

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

67 (DO_Q3_AP_7_MODYUL 3_ARALIN8)

You might also like