You are on page 1of 165

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral

II: Ang Daigdig sa Klasikal at


Transisyonal na Panahon

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula sa


mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kaga- waran ng Edukasyon sa

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama-
halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma-
may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-


aaral

Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie
B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address:25ndthFloor
FloorDorm
Mabini
G,Building,
PSC DepEd Complex
Meralco Avenue, ComplexAvenue, Pasig City, Philippines 1600
Meralco
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
PAUNANG SALITA
Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang maka-
hubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, maka-
kalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw
at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang
mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit
mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa
iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa
kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang
ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring
pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,
politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati
naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at
mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal
na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong
Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig.
Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga
gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.
TALAAN NG NILALAMAN

Modyul II Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal


na Panahon
Panimula..............................................................................................................120
Mga Aralin at Sakop ng Modyul...........................................................................120
Panimulang Pagtataya..........................................................................................121

Aralin 1 Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal


na Lipunan sa Europe
Alamin...............................................................................................130
Paunlarin...........................................................................................132
Pagnilayan at Unawain......................................................................177

Aralin 2 Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na


Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific
Alamin...............................................................................................181
Paunlarin...........................................................................................183
Pagnilayan at Unawain......................................................................221

Aralin 3 Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga


Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe
sa Panahong Medieval
Alamin...............................................................................................224
Paunlarin...........................................................................................227
Pagnilayan at Unawain......................................................................263
Ilipat at Isabuhay..............................................................................266
Talasalitaan.......................................................................................269
Sanggunian........................................................................................270
AN6 DAI6DI6 SA
KLASIKAL AT TRANSISYONAL
NA PANAHON.

MODYUL
x›ai:n‹:rae-usMeasa‹raM-uniaansnsasiasisai
liaunaa saEutaac
€ralin 2: PaB-usBsnBalFaB-unIaEnEmBa ElaslEal na liaunan
sasnarica,airica,atnsaruianeraciiic
araiina:2nsaaisais saranahan ne1ranslsXaa
1
MODYUL 2:
ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYONAL NA PANAH

Panimula

“Change is inevitable.” Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat


ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka
nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao
lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narating ng
mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari
na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman?
Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kasaysayan ng
daigdig sa klasikal at transisyonal na panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng
iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang katanungang ito: Paano na-
kaimpluwensiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyonal na
Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon
sa daigdig?

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:

Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe


• Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean
• Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece
• Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa
kabihasnang klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome
hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman)
• Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabi-
hasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang
kama- layan

1
Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America
Africa, at mga Pulo sa Pacific
• Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America
• Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na
kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)
• Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng mga pulo sa Pacific
• Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabi-
hasnang klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa
pag- unlad ng pandaigdigang kamalayan
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
• Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval
• Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng
Holy Roman Empire
• Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa
Pana- hong Medieval
• Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Mano-
rialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at
lungsod
• Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang
pang- yayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang
kamalayan

Panimulang Pagtataya

Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung


ano na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na
hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa
modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot.
1. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa polis bilang isang
lungsod- estado?
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan-
binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro
sa isang lungsod.

1
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito
sa iba-ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang
polis.
2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang
Rome?
A Censor at Praetor C. Patrician at Plebeian
B. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin
3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang
Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng
Micronesia?
A. maraming isla C. maitim na mga isla
B. maliit na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla
4. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman.
Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne C. Clovis
B. Charles Martel D. Pepin the Short
5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng
Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa:

1
http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

1
6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa
pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging
ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe,
Africa, at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya
ang Kabihasnang Minoan
A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II, at III

Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan:

7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga


Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring
mabuo batay sa larawan?
A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang
paniniwala sa iba’t ibang diyos
B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya
C. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa
mga Roman
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa Astronomiya
noong Panahong Hellenistic

1
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag:

“Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority
-PERICLES
Funeral Oration

8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?


A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang
pamahalaang demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban
sa pamahalaan

Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga kabihasnan sa America:

9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong


Pre-historic?
Mga Kabihasnan sa America

1200-500 200-700 250-900 900-1100 1200-1521 1300-1525


BCE CE CE CE CE CE

Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inca

A. Kabihasnang Olmec
B. Kabihasnang Maya
C. Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Inca

1
Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip

Ako ang Hari, pag mamay-ari ko ang lahat ng lipunan. Subalit ibinigay ko ang iba sa mga
Ako ang Hari, pag mamay-ari
ko ang lahat ng lipunan.
Subalit ibinigay ko ang iba
sa mga BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging tapat sa HARI dahil ibinigay niya sa akin ang ilan sa kaniyang lupain. Dapat na handa
Ako ang BARON, dapat akong maging
tapat sa HARI dahil ibinigay niya sa akin
ang ilan sa kaniyang lupain. Dapat na
handa akong ipaglaban siya at magsanay
ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa
aking lupain sa aking mga KNIGHT.

Ako
Akoang
angVILLEIN,
VILLEIN,ibinigay
ibinigayng
ngKNIGHT
KNIGHTsasaakin
akinang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtamnan at pa
ang ilan sa kaniyang lupain upang
mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong
magbayad ng buwis at magkaloob sa kanya ng
regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain
na kanyang nasasakupan nang walang
pahintulot ang KNIGHT.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa


comic strip tungkol sa Piyudalismo?
A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga
nasasakupan
B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan
ay pagmamay-ari ng lupa
C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong
Panahong Medieval
D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong
Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo

1
Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan:

11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor?
A. Pakikipagkalakalan
B. Pagsasaka
C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan

Para sa bilang 12, suriin ang kasunod na graph:


45
40
35
30
25
Bilang ng populasyon sa

20
15
10
5
0

20 40 60 80 1000 1200
Taon-Common Era (CE)

1
12. Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang
bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph,
sa anong mga taon ito naganap?
A. 1000 at 1500 CE
B. 800 at 1000 CE
C. 800, 1000, at 1500 CE
D. 600, 800, at 1000 CE
13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yu-
maman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang
lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang
bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan
ng Europe na isang mabundok na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan
ang umusbong dito.
15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang
pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome
kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.

1
16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng
Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-un-
lad ng pagsasaka
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang
produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga
Arab sa Sahara
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan
at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na
disyerto ng Sahara
17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga
pulo ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay
nanini- wala sa banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
Ani- mismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga
lawa o dagat-dagatan.
18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri:
pari, kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
B. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
19. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon
kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.” Ano ang ipinapahiwatig ng
pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon

1
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat
barbaro
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
20.Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang
Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan
(Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan
o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno
ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring
tawag hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simba-
hang Katoliko noong panahong Medieval.

1
ARALIN 1
PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA L

Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga


atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa
Asia dahil sa ginanap na Olympics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba
nagsimula ang paligsahang ito?
Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia- isang
lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng klasikal na kabihasnan
sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.
Sa bahaging ito ng Modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang pangyayari
tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang Greece
at Rome. Masasagot din ang katanungang: Paano nakaimpluwensiya
ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan?

ALAMIN
Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopota- mia, at Egypt sa m

GAWAIN 1: Ano ang Gusto Ko?

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Politiko Artist
Mangangalakal Mandirigma Pilosgio

Kababaihan

1
Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa Europe noong panah

Pamprosesong mga Tanong


?
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado
noong panahong klasikal? Ipaliwanag.
2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa
mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan

GAWAIN 2: I-R-F Chart

Basahing mabuti ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay isulat sa bahaging initial


ng diagram ang maiisip na sagot.

FFIINNAALL

RREEVVIISSEEDD

IINNIITTIIAALL

Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalay

1
BINABATI KITA!
Tiyak na nais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga kabihasnan
noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawain
sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at masasagot ang
iyong mga tanong tungkol sa paksa.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo sa Panahong K

GAWAIN 3: Mapa-Suri

Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-un-
lad ng kabihasnan nito.

Mapa 1.1 Mapa ng Europe

1
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece?
2. Saang direksyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete?
3 Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong
ng Kabihasnang Greek?

GAWAIN 4: Magbasa at Matuto

Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Kabi-


hasnang Minoan at Mycenaean.

Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng


Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang
karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang
panig ng mundo.
Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam
na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay
matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing
naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging
mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang
naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-
kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan
sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad
na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay-daan upang magkaroon sila ng kaugnayan
sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang
kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t
ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III. EASE Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 8-10

1
Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece.

431 BCE
Nagsimula ang
Peloponnesian
War
334 BCE
499 BCE Pananakop ni
Nagsimula Alexander the
ang Persian Great
War

700 BCE 600 BCE 500 BCE 200 BCE


400 BCE 300 BCE

00 BCE Pigura 1.1 Timeline ng mga pangyayari sa Kabiha


Umusbong ang
mga lungsod at 460 BCE
estado ng Nagsimula ang
Greece Golden Age
ng Athens

404 BCE Tinalo


ng Sparta
ang Athens

Ang mga Minoans


Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa
Crete mga 3100 BCE o Before the Common Era. Tinawag itong
Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat
na haring sinasa- bing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay
gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari
sa laryo bricks at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang
mandaragat.
Hindi nagtagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang
lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang
na- pakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at
napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod

1
na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.

1
Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating
ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot
na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng
Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging
pinakamalaki.
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga
maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay
masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging
sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang
nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan
sa boksing.

Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 BCE. Nagwakas ito nang salakayin ang K

Gabay na Tanong
Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?

Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?

Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?

Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?

1
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan
na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng
karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga
lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay.
Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing
pananggalang sa mga maaaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 BCE, isa
nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos nang
masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong
kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa
wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimplu- wensiyahan ng mga
istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kuwento at
alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin
ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di
naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-
diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa
bandang huli, hindi nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga
Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.

Mapa 1.2 Lokasyon ng Kabihasnang Mycenaea


http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-

Mapa 1.2 Lokasyon ng Kabihasnang Mycenaea http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png

1
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece
at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala,
isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean
ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may
hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at
tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na
tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang
kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Ano-anong impormasyon ang mahahalaw mula a teksto?


1.

2.

3.

4.

5.

Halaw sa “Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 10-11

GAWAIN 5: Daloy ng mga Pangyayari

Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang


pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean.

1
Minoan

Mycenean

? Pamprosesong mga Tanong


1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan
at Mycenean?
2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng
Kabihasnang Minoan at Mycenean?
3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa
pag-usbong ng Kabihasnang Greek?

1
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia
ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng
Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang
kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa
sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic
mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE
hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong
naganap sa kasaysayan ng daigdig.
Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan
sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na Kabihasnang Greece.

GAWAIN 6: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito.


Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon.

Ang mga Polis


Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga
kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga
taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa
pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging
pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan
hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika,
at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na
dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila
lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-
estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa
matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon
ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang
proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo
kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang
bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na
nagbigay-daan sa malayang bilihan at kalakalan.
Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi
ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito
ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-
estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang
karapa-
1
tang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan,
at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong
sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito,
dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng
mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon
na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang
mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang
Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong
lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o
metropolis.
Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng
mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay
na- kuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang
sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa
paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman
ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay
natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan
ng isang lungsod o estado?
2. Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado?
3. Bakit mahalaga ang pakikipag-kalakalan para sa mga Greek?

Batay sa teksto, isulat ang kahulugan ng sumusunod na salita:

polis -

acropolis -

agora -

1
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus
na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-
estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may
magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa
pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan
ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang
mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang
maging mga helot o tagasaka sa ma- lawak nilang lupang sakahan.
Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga Helot. Maraming
pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa
rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga Helot,
nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at
magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging
handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga Helot.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magka-
roon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas
na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag
nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan
ng kabun- dukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog
na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay,
hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga
batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa
mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan,
katatagan, kasanayan sa pakiki- paglaban, at katapatan ang ilan sa
pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang
walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa
panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging
sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa
edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at
manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60,
sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang
mga pag-aalsa ng mga Helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na
maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang
ginagampanan sa lipunan, ang kababaihang Spartan ay maraming
tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang
mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo-militar. Nangunguna din sila sa
mga palakasan at malayang nakiki- paghalubilo sa mga kaibigan ng kani-
kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad

1
ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

1
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na san-
datahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labo-labo kung
makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa
lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga
kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga
Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang
pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay
nananatiling sama-sama sa pag- kakatayo pasulong man o paurong sa
labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa
kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo
ng hanggang 16 na hanay ng mga mandi- rigma. Kapag namatay ang mga
sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang
hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay
tagapagtanggol ng kanilang polis.
? Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-es


tado ng Greece

2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas?


3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan?

Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayan Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong


Taon nina Mateo et al., p. 117

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito


Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa
gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay
hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay
nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging
mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens. Sa
halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba
pang ngayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon
ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang
tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging
mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon
na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na
pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.

1
Sa simula, ang Athens ay
pinamunuan ng hari na
inihalal ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan ng
mga mga konse- ho ng
maharlika. Ang asembleya ay
binubuo naman ng mayaya-
man na may malaking kapang-
yarihan. Ang mga pinuno nito
ay tinawag na Archon na pina-
paburan naman ang mga may
kaya sa lipunan. Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece
Source: https://encrypted-tbn3.gtastic.com/image?q=tb-
n:ANd9GcReaw15xp8agCB.TOPpqzMKAPluktN69yhizLwB-
Hindi nagtagal, nagnais ng d569YyKmPzc7kg
pagbabago ang mga artisano
at mga mangangalakal. Upang
mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao,
nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay
Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito bi-
nago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay
nagbigay ng pagkakapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng mga
karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ng pagbabagong ito nanatiling
hindi kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang
nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa
kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.

Ang sumunod na pagbabago ay naganap


noong 594 BCE sa pangunguna ni Solon na
mula sa mga pangkat ng aristokrata na
yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa
pagiging matalino at patas. Inalis niya ang
mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang
ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Gumawa rin siya ng sistemang legal kung
saan lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian
ay maaaring maging hurado sa mga korte.
Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni
Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga
Larawan 1.3 Si Pisistratus, isang mahusay na pinunong Greek
mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin eisthenes
siya ng mga repormang pangkabuhayan upang

1
maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti
ang pamumuhay

1
ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang
pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing
suliranin ng Athens at napaunlad ang
kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang
repormang ginawa ni Solon, hindi nasiyahan
ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na
pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
kasalukuyan, ginagamit ang salitang solon
bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang
pamahalaan na umuugit ng batas.

Noong mga 546 BCE, isang politikong nag-


ngangalang Pisistratus, ang namuno sa pama-
halaan ng Athens. Bagamat mayaman siya,
nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng ka- Larawan 1.3 Si Solon, isang mam- babatas na Greek
File:Solon2.jpg
raniwang tao. Mas radikal ang mga pagbaba-
gong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng
malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya
ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong
pam- publiko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig.

Batay sa teksto, ano ang kahulugan ng sumusunod:

tyrant -

arcon -

1
Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng
Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung
distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at
maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa
Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang
pagkakataon, nakaboto sa Asembleya ang mga mamamayan may-ari man ng
lupa o wala.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni
Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng
pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib
sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6 000 boto, siya ay
palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-
pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o
pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang
naipaton ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga
mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa
Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya
sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa
pamamalakad ng kanilang pamahalaan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong
Griyego, p. 15-21

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang isang lungod-estado ng
Greece?
2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig?
3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demokrasya? Patunayan.

Karagdagang babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et.al., p. 116-117

1
GAWAIN 7: Paghahambing

Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng
Sinaunang Greece.

Sparta Athens

? Pamprosesong mga Tanong


1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan
at Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad
ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas
pipiliing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.

1
GAWAIN 8: Magbasa at Matuto
Bagamat ang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estadong malaya sa isa’t isa, iisa lam
Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan

Ang Banta ng Persia


Hangarin ng Persia na palawakin ang
imperyo nito sa kanluran. Noong
546 BCE, sinalakay ni Cyrus the
Great ang Lydia sa Asia Minor.
Ipinagpatuloy ni Darius I, ang
nagmana ng trono ni Cyrus the
Great, ang hangaring ito. Noong 499
BCE, sinalakay niya ang mga kalapit
na kolonyang Greek. Nag- padala ng
tulong ang Athens ngunit natalo ang
mga kolonyang Greek sa labanang
pandagat sa Miletus noong 494 BCE.
Bagamat natalo ang puwersa ng
Athens, nais ni Darius na parusahan
ang lungsod sa ginawang pagtulong
at gawin itong hakbang sa pagsakop
a Greece. Bilang paghahanda sa
napipin- tong pananalakay ng Persia,
sinimulan ng Athens ang
pagpapagawa ng isang plota o fleet
na pandigma.
Ang Digmaang Graeco- Persia (499-
479 BCE)
Larawan 1.4. Paglalarawan ng Digmaang Grae- co-Persia

file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif

1
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 BCE
sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa
Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10,000
puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa
Athens. Noong BCE, isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae,
isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng
Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa
ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una,
inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya
inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga-Sparta sa pakikipagdigma.
Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit
ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga
Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang
ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na
maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles
ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na
barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas.
Isa-isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay
tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni
Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at
Megara.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al.,
pp. 117-118

Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa malaking puwersa ng Persia? Ipa

1
Digmaang Peloponnesian
Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi
maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia.
Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa
kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay
naging isang imperyo ang Athens.
Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na
pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa
alyan- sa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng
Sparta, Corinth, at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno
ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League.
Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na
naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na
mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili
ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang
sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan.
Ngunit sinawing- palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-
libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 BCE.
Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga
mali nilang mga desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan
ng mga Athenian na lumalabag sa paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya
pa- tungong Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay
naglingkod laban sa kanya mismong mga kababayan. Di naglaon bumalik din
si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng
pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens. Bagamat
naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta
at noong 404 BCE, sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga
Spartan si Alcibiades.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian
at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Greece, pp. 31-32

1
Ano ang epekto sa Greeece ng hidwaan at digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estadao nito?
Karagdagang Baba-
sahin:
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayan Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. p. 119

GAWAIN 9: A-K-B Chart

Punan ang diyagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang teksto.

Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece

Aktor (Sino ang


magkalaban?)

Kaganapan
(Ano- ano ang
mga
Bunga
mahahalagang
(Ano ang re-
pangyayari?)
sulta ng digmaan?)

1
? Pamproseng mga Tanong
1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian
sa daigdig?
2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan?
Patunayan.

GAWAIN 10: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Ginintuang Panahon ng Athens.

Ginintuang Panahon ng Athens


Noong 461 BCE, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si
Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 BCE.
Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinai-
ral na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing
pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung
kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at
sinu- welduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon
pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap.
Kaya hindi nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay
bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan.
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles.
Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng
pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong
mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa
pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides,
na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang
demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-
aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbabasa,
matematika, musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din
silang talakayin ang sining, politika, at iba pang usapin. Ang palakasan ay
bahagi rin ng kanilang pag-aaral.

1
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon
at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi
sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas
mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi
maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari.
Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga
anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang
mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani
ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba
pang kagamitang pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang mga gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o
karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.
Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang
pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa
sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon.
Ang mga akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng
politika ay kinilala sa mundo tulad ng “The Republic” ni Plato at “Politics” ni
Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahanga-hanga
ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes,
Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric,
at Corinthian ay naperpekto nila nang husto.
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo
sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog
kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo
ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si
Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan
lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang
Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal
na Seven Wonders of the Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan.
Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging
obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang
Ama ng Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides.
Ilan sa mga

1
isinulat niya ay ang “Anabis”, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek
mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga
kuwento ng guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang
Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na
kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang
agham at hindi bunga ng mahika.
Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa
larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay
ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula
sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras
naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya
na ang bilang na tatlo, lima, at pito ay masuwerteng mga numero.
Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro
na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pag-
babago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang
mga tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate
sa mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng
mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin
mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na
magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila
ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito.
Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di
nagustu- han ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na
ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan
dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya
naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili.
Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat.
Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na
maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang
pinaka- tanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging
polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga
mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, Astronomiya, at Pisika
na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang
alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing

1
pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya.
Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang “Poetic,” isang pagsusuri sa mga iba’t
ibang dula-dulaan, ang “Rhetoric” na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang
nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang “Politics” kung saan tinalakay
ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego

GAWAIN 11: Talahanayan, Punan Mo

Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens, buuin


ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan.

Larangan Ambag Kahalagahan

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon?
2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto
sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.

1
GAWAIN 12: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas


ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece.

Imperyong Macedonian
Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na
pag- isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa
ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang
kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at
sinanay sa pinakamabisang paraan ng
pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang
kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng
Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338
BCE. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng
dalawang lungsod-estado. Ang pagkatalo ng
Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander the Great
kapangyarihan ng mga lungsod- estado. Ang mons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-detail1. jpg

buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim


sa kapangyarihan ng Macedonia.
Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the
Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo
sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki,
natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang
nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece.
Matalino, malakas ang loob, at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay
niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang
Afghanistan at Hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa
kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang
Greek sa silangan.
Noong 323 BCE, sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa
hindi matiyak na karamdaman.

Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al., p.119-120

1
Gabay na Tanong
Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece?
Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia?
Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa mundo?

GAWAIN 13: GREECE…Sa Isang Tingin

Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat kon-


septong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map
ay sagutin ang tanong sa kahon.

Heograpiya Politika Ekonomiya

Sinaunang Kabihasnang Greece

Sining at Agham at
Pilosopiya Arkitektura Teknolohiya

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?

1
Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kan

Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit itong


gabay sa mga susunod na pagtalakay.
300 CE –
Naging
Emperador ng
Imperyo ng
202 BCE Constantine
– 180 BCE –
Natalo ng Nagtapos ang Pax
mga Roman si Romana
Hannibal

750 BCE 500 BCE 250 BCE 500 AD


1 CE 250 BCE

509 BCE 264 BCE


Itinatag ang 476 CE
Sumiklab ang 27 BCE
Roman Republic Nagtapos
Punic War Nagsimula
ang
ang Pax
Imperyong
Romana sa
Romano sa
450 BCE pamumuno ni
Kanluran
Augustus
Naging pundasyon
45 BCE
ng batas ng mga
Naging diktador ng
Romans ang 284 CE
Rome si Julius Caesar
Twelve Tables
Hinati ni Diocletian ang
Imperyong Roman
Figure 1.1 Timeline ng mga pangyayari sa Kabihasnang Greece.

1
GAWAIN 14: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Rome. Ang Italy


ay isang bansang matatagpuan sa Kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula
na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng
maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan
ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas
ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito
umusbong ang dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-
uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean
Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang
suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome

Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod?

1
Ang Simula ng Rome
1
3
Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng Ang kambal ay sinagip at inaruga
ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na ng isang babaing lobo. Nang lumaki
nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang ang dalawa at nalaman ang
nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay kanilang pinagmulan, inangkin nila
lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng ang trono at itinatag ang Rome sa
sakahang pamayanan sa Latium Plain. pampang ng Tiber River noong 753
BCE.

http://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/6/6a/She-
wolf_suckles_Romulus_and_
Remus.jpg

2 4
Ayon sa isang matandang alamat Ang mga Roman ay tinalo ng mga
ang Rome ay itinatag ng kambal na Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng
sina Romulus at Remus. Habang Rome. Sila ay magagaling sa sining,
mga sanggol pa lamang, inilagay musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa
sila sa isang basket at ipinaanod sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan.
Tiber River ng kanilang amain sa Tinuruan nila ang mga Roman sa
takot na angkinin ng kambal ang pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga
kaniyang trono.
aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma,
pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 126-127

Paano nagsimula ang Rome?

1
Ang Roman Republic
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo
ng Republika, isang pamahalaang walang hari.
Noong 509 BCE, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy
sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula
509 hanggang 31 BCE.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay
may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng
mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan,
kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na
buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga
maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador, at
ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng
Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan
ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 92.

Batay sa binasang teksto, ilarawan ang sumusunod na bahagi ng Roman Republic.

konsul

diktador-
patrician-

plebeian-

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon
nina Mateo et al., pahina 127

1
Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician
Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong
494 BCE upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong
Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon
sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na
mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang
kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang;
pagpapalaya sa mga naging alipin nang dahil sa pagkakautang; at ang
paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na
magtatanggol ng kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang
ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang
tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang
Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng
higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 BCE, dahil sa
mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga batas sa 12 lapidang
tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12 Tables ang
kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman.
Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at
napagkalooban sila ng karapatang makapag-asawa ng patrician, mahalal na
konsul, at maging kasapi ng senado.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 92

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga


plebeian?

Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng m

Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunay

Para sa karagdagang kaalaman basahin ang Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina
Mateo et al., p. 127-128

1
Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome
Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang
sunud- sunod na digmaan mula pa noong 490 BCE. Nasakop ang mga Latino,
mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine, at
Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng
Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa
Heraclea, Italy noong 280 BCE. Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si
Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at
dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga
mandirigmang Roman. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrhus, marami sa
kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na
tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring
Pyrrhus noong 275 BCE sa Beneventum, Italy. Roman ang naging reyna ng
peninsula ng Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo
ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib
ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na
teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa
hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan
ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop
ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa
Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito,
nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito
ang mga Carthagenian.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. p. 93

Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng kapangya

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,
Ikatlong Taon nina Mateo etal., pahina 128.

1
Digmaang Punic

2 3
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang
Nasubok ang kapangyarihan ng Rome
pananakop ng Rome sa bahaging timog ng
at Carthage sa tatlong Digmaang
Italy. Nagisisimula pa lamang ang
Punic- salitang Latin na nagmula sa
Carthage noon na maging
pangalang Phoenicia. Sa digmaang
makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng
ito napagpasyahan kung sino ang
Mediterranean. Itinatag ang Carthage
mamumuno sa Mediterranean.
(Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa
Tyre noong 814 BCE. Nang sakupin ng Persia
ang Tyre, naging malaya ang Carthage at
nagtatag ito ng imperyong komersiyal na
nasasakop ng hilagang Africa, silangang
bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia,
at Sicily.

11
Sa simula ihan ang
makapangyar an pawang
Carthage sa dagat igma nito
Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaan Punic dahil sa maliit na populasyon. Ang mga
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Roman naman sa simula ay walang
hukbong pandagat ni karanasan sa
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
digmaang pandagat.
Taon nina Vivar et. al. p. 94

1
Digmaang Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Punic

• Bagamat walang malakas na plota,


dinaig ng Rome ang Carthage noong
Unang 241 BCE. Nagpagawa ang Rome ng
Digmaang plota at sinanay ang mga sundalo nito • Nanalo ang Rome
Punic (264 - na maging magagaling na laban sa Carthage.
241 BCE) tagapagsagwan.

• Bilang tanda ng pagkakapanalo ng


Rome, sinakop nito ang Sicily, Sardinia,
at Corsica.
• Nagsimula ito noong 218 BCE nang • Natalo si Hannibal
salakayin ni Hannibal, ang heneral ng sa labanan sa Zama
Carthage, ang lungsod ng Saguntum noong 202 BCE.
sa Spain na kaalyado ng Rome.
• Sa isang
• Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang kasunduang
timog France kasama ng mahigit na pangkapayapaan
40 000 sundalo. noong 201 BCE,
pumayag ang
• Tinawid din nila ang bundok ng Alps Carthage na sirain
upang makarating sa Italy. ang plota nito,
isuko ang Spain, at
• Tinalo ni Hannibal ang isang malaking
magbayad ng
hukbo ng Rome sa Cannae noong
buwis taon-taon sa
216 BCE. Subalit hindi naghangad si
Rome.
Ikalawanag Hannibal na salakayin ang Rome nang
Digmaang Punic hindi pa dumarating ang inaasahang
(218 - 202 BCE) puwersa na manggagaling sa
Carthage.

• Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio


Africanus, sinalakay ng mga Roman
ang hilagang Africa upang pilitin
si Hannibal na iwan ang Italy at
tumungo sa Carthage upang sagipin
ang kaniyang mga kababayan.

1
• Matapos ang 50 taon, naganap ang • Muling natalo
Ikatlong Digmaang Punic. ang Carthage sa
digmaan.
• Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius
Cato, isang pinuno at manunulat na • Kinuha ng Rome ang
Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa lahat ng pag-aari ng
kanyang pagbisita sa Carthage, nakita Carthage sa Hilagang
niya ang kasaganahan at luho ng Africa.
pamumuhay dito. Batid niyang malakas
ang Carthage at nananatili itong banta
sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa
Rome, itinanim niya sa isipan ng
Senado at publiko na dapat wasakin
ang Carthage.
• Nang salakayin ng Carthage ang isang
kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome
ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod
at ipinagbili ang mga mamamayan bilang
alipin.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Bakit mahalaga para sa mga Roman ang pagkontrol sa Mediterranean Sea?
2. Ano ang dahilan ng pananaig ng Rome sa mga naganap na Digmaan Punic?
3. Paano nakabuti sa Rome ang kanilang pananaig laban sa Carthage?

Tagumpay sa Silangan
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome ay
pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome
ang Macedonia. Noong 146 BCE, ang
Macedonia ay naging isang lalawigan
ng Rome. Sa taon ding ito, sinunog ng
Rome ang Corinth at inilagay ang iba
pang lungsod-estado ng Greece sa ilalim
ng pangangasiwa nito.
Mula 133 BCE nagsimulang
mapasaka- may ng Rome ang marami
pang lupain.
Sa pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean Sea ay
nasakop ng Rome. Dahil dito, hindi kataka-takang tawagin ng mga taga-
Rome ang Mediterranean Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 129

1
Kabihasnang Rome
Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek
ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga
gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang
kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens
para mag-aral. Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa
Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Rome.
Pangunahin na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng
pamamahala at batas.
Panitikan

Batas Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong


kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang
Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng
mambabatas ng sinaunang panahon. Ang Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus
kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na nagsalin ng “Odyssey” sa Latin. Si Marcus
na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat
ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man. ng comedy. Ang iba pang manunulat ay sina
Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay isang
at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad manunulat at orador na nagpahalaga sa batas.
dito ang mga karapatan ng mga mamamayan Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat
at ang pamamaraan ayon sa batas. maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain
ng pera kailanman.

Kabihasnang Rome
Inhenyeriya Pananamit
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang
galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.
daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong Ang tunic ay kasuotang pambahay na
imperyo kabilang ang malalayong lugar. hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa
Marami sa mga daan na ginawa nila noon ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng
ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang bahay.
halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay
sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang
mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at
lungsod. palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.

Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at pantakip

May iba pang gusaling pinatatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Rome. Halimbawa ay ang Coliseum na isang amp

1
GAWAIN 15: Lagumin Mo

Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan.


Pangyayaring Nagdulot ng Paglakas Patunay/ Paliwanag
ng Rome

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng Kabihasnang Rome?
2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic?
3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag-unlad at paglakas ng kabihasnang Rome.

1
Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Rome
Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas,
di- nagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang
pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na
isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay
lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang
nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal
na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang ka- tungkulan upang
magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga
kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.
Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang
timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa
ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin.
Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman
sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga
magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang
malaking industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho.
Ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunan sa mga digmaan ay
napakinabangan lamang ng mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sa pagitan
ng mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng mga
tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at marangyang
pamumuhay ang tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 132-133

Batay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng Rome bunsod ng pagla

Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa Republikang Rome?

Maihahalintulad ba ang mga pangyayaring isinasaad sa teksto sa ka- lagayan ng kasalukuyang

1
GAWAIN 16: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa mga


pangyayaring nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa
pagtatag ng Imperyong Romano.

Ang Banta ng Digmaang Sibil


Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapuwa tribune, ang lumalaking

Pinuno/Taon Pangyayari Epekto


Tiberius 133 BCE Nagpanukala ng batas sa Upang hadlangan si Tiberius
pagsasaka kung saan ang at takutin ang iba pang
mga lupang nakamit sa nagnanais ng pagbabago,
pamamagitan ng digmaan ipinapatay siya ng isang
ay ipamamahagi upang grupo ng mayayaman.
magkaroon ng bukirin ang
mahihirap.

Nais niyang limitahan ang


dami ng lupa na maaring
ariin ng mayayaman upang
pigilin ang mga ito sa
pagkamkam ng higit pang
maraming lupa.
Gaius Gracchus 123 Sinundan ni Gaius Sinalakay si Gaius at ang
BCE Gracchus ang hakbang kanyang 3,000 na tagasunod
tungo sa pagbabago na ng isang pangkat ng mga
sinimulan ng kanyang senador kasama ang
nakakatandang kapatid inupahang hukbo at alipin.
subalit, ang mga Ipinapatay ng Senate ang
mayayaman ay hindi rin mga tagasunod ni Gaius
sang-ayon sa kanyang Gracchus. Siya naman ay
mga panukala. nagpatiwakal.

Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian


ng mga patrician sa Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga
serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 BCE. Bumalik ang
kaayusan sa Rome nang maging diktador si Sulla noong 82 BCE.

1
Gabay na Tanong:
1. Ano ang dahilan ng mga kaguluhang naganap sa Rome?
2; Ano ang ipinapahiwatig ng mga nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng
mga patrician at plebeian? Ipaliwanag.
3. Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon? Ipaliwanag.

Tunghayan mo sa sumusunod na teksto ang ilan sa mga mahahalagang


pangyayari sa Rome.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 133

Si Julius Caesar Bilang Diktador


Sa unang siglo ng BCE, matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga heneral
at pinunong militar sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil.
Noong 60 BCE, binuo ni Julius Causa, Pompey, at Marcus Licinius Crassus
ang First Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na
nangasiwa ng pamahalaan. Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at
militar. Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa
pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin. Samantala, si Pompey ay
kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain.
Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang
napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium.
Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at
kompetisyon sa bawat isa.

Batay sa bahaging ito ng teksto, ano ang kahulugan ng Triumvirate?

Noong 53 BCE, napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at


Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw
ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey
kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni
Caesar. Isang
1
matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma
niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa
mga beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome
nang hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos
ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila
sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa
mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo
nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang
pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan.
Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit
dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi
nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga
lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay
pinagbuti.

Gabay na Tanong:
Bakit naging tanyag si Julius Caesar?

Bakit siya tinawag na diktador sa kanyang pagbalik sa Rome?

Ano-ano ang mga pagbabagong ipinatupad niya sa Rome?

Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang


hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si
Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na
kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 BCE, isinakatuparan ang pagpatay
kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo
ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius.

Ano ang ipinahiwatig ng kamatayan ni Julius Caesar?

1
Augustus: Unang Rome Emperor
Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa
pamangkin na si Octavian. Noong 43 BCE, kasama sina Mark Antony at
Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang
kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang
mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang
hukbo nina Brutus at Cassius.
Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark
Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo,
samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan
na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa
Gaul at Spain.
Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt.
Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra
at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian
upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dala-
wang puwersa sa Actium noong 31 BCE. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni
Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod
na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na
nagpakamatay si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang
minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian,
nagpakamatay na rin si Cleopatra.
Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pama-
mahala sa Gaul at Spain. Noong 36 BCE, hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily
laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon
ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy.
Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang
Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng
hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 BCE, iginawad ng
Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augustus ay
karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto.
Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o
hindi pangkaraniwan.
Mula noon, si Octavian ay nakilala sa pangalan na ito. Sa wakas,
pagkatapos ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay
napagbuklod sa ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus
ang panahon ng Imperyong Roman.

1
Gabay na Tanong:
Sino-sino ang bumuo sa Second Triumvirate?

Bakit mahalaga ang pagkapanalo ni Octavian sa labanan sa Actium?

Bakit tinawag na Augustus si Octavian?

Limang Siglo ng Imperyo


Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang
hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa
kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara Desert sa
timog. Sa pagsapit ng ikalawang siglo CE, ang populasyon ng imperyo ay
umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at
kaugalian.

Gaano kalawak ang sakop ng Imperyong Roman?

Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo


ng Imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 BCE hanggang 180 CE.
Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang
Rome. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at
karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate. Sagana ang imperyo sa lahat
ng uri ng pagkain na nang- gagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang
kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay
nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa
Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan.
Sa labas ng Imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa
Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa
Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba
pang luho.
Ano ang Pax Romana?

1
Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga
makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni
Virgil ang “Aineid,” ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng
pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong
Greek at Roman sa akda niyang “Metamorphoses.” Sinulat ni Pliny the Elder ang
“Natural History,” isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol
sa kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang “Histories at Annals” na tungkol sa imperyo
sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy
simula 27 - 26 BCE ang “From the Founding of the City,” ang kasaysayan ng
Rome.

Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng Rome?

Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus


Namatay si Augustus noong 14 CE. Ang titulong imperator o emperador
ay iginawad ng Senate kay Tiberius na siyang pinili ni Augustus na humalili sa
kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan
ng Imperyo noong 476 CE, ang Rome ay nagkaroon ng iba’t ibang uri ng
emperador.

Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian

Pinuno Nagawa

Tiberius (14 - 37 CE) Magaling na administrador si Tiberius bagama’t


isang diktador.

Caligula (37 - 41 CE) Nilustay niya ang pera ng Imperyo sa maluluhong


kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga
gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang
siya ay isang gladiator.
Claudius (41 - 54 CE) Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo
ng mga batikang administrador.

1
Nero (54 - 68 CE) Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya
kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling
ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog
sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang
ginagawa ito.

1
Mula sa Dinastiyang Flavian

Pinuno Nagawa
Vespasian (69 - 79 CE) Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos
na patakarang pananalapi at pagtatayo ng
imprastrukturang tulad ng pampublikong paliguan
at amphitheater para sa mga labanan ng mga
gladiator.

Ang Limang Mahuhusay na Emperador

Pinuno Nagawa
Nerva (96 - 98 CE) Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva
at ang kinitang interes ay inilaan niya para
tustusan ang mga ulila.
Trajan (98 - 117 CE) Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating
ng imperyo ang pinakamalawak nitong
hangganan.
Hadrian (117 - 138 CE) Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga
hangganan at lalawigan ng Imperyo.

Antoninus Pius (138 - 161 CE) Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap
sa mga Kristiyano.
Marcus Aurelius (161 - 180 CE) Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod
niya ang Pilosopiyang Stoic. Binibigyang-diin ng
pilosopiyang ito ang paghahanap ng kaligayahan
sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal
na kalooban (divine will).

Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pananatili ng isang imperyo?

Hango sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al.,
p. 134-137

1
GAWAIN 17: Rome … Sa Isang Tingin

Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas at paghina ng Imperyong


Rome sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart.

Sanhi Bunga

Naging malakas ang Imperyo ng Roman sa


Mediterranean.

Humina at unti-unting bumagsak ang


Imperyong Roman.

Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Romano?

GAWAIN 18: Pagsulat ng Sanaysay

Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang


Greece at Rome. Suriin din ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito
sa daigdig.

1
GAWAIN 19: I-R-F Chart

Isulat sa bahaging revised ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon.

FFIINNAALL

RREEVVIISSEEDD

IINNIITTIIAALL

Paano naimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kam

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1.
Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tunkol sa Panahong Klasikal
sa Europe, maari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman sa paksa sa pamama

1
GAWAIN 20: E-Postcard

Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa


Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa
napiling social networking site ang ngawang E-postcard.

Larawan
Impormasyon

Kahalagahan sa
Kasalukuyan

GAWAIN 21: I-R-F Chart

Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging “Final” ang iyong sagot.

FFIINNAALL

RREEVVIISSEEDD

IINNIITTIIAALL

Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng


pandaigdigang kamalayan?

1
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain
sa araling ito.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangya-
yari na nagbigay-daan pagsibol, pag-unlad at pagbagsak ng mga Klasikal na
Kabihasnan sa Europe. Ang mga aral na iyong natutuhan mula sa araling ito
ay magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na aralin at sa
kabuuan ay pag-unawa sa mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig at ang
kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyan.
Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga Klasikal na
Kabihasnang European sa susunod na aralin. Magsisilbi rin itong gabay
upang maunawaan mo at masuri ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig
sa kasalukuyan.

1
ARALIN 2
PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL

Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, ang Africa?
At ang mga pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa mga lugar na ito?
Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nito at sa pamumuhay ng
kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag
sa mga kontinenteng ito.
Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung
paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga
sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng
sariling pagkakakilanlan.

1
ALAMIN
Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga kontribusyon ng Kabi
Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng mga
kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific.
Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin.

GAWAIN 1: Imbestigasaysayan

Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na


ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang
sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.

1
Ilarawan ang
disenyo 2
Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga
gumawa?

3
Bakit
ipinagawa?

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg

1
Ilarawan ang
disenyo 2
Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga
gumawa?

3
Bakit
ipinagawa?

http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg

1
GAWAIN 2: SKK - Paglalakbay

Simulan mo ang iyong paglalakbay sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong n

Katapusan

Kalagitnaan
Simula

Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa
mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin.

Sa pamamagitan ng pagtutupad sa iba-ibang gawain sa Modyul na ito, higit na madaragd

1
PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at impluwensiya ng kabiha

GAWAIN 3: Sulyap sa Nakaraan

Suriin ang timeline tungkol sa pagkakatatag ng iba-ibang kabihasnan sa daig-


dig mula 3000 BCE hanggang 500 CE. Pagkatapos na masuri, sagutin ang
mga tanong sa ibaba.

Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga na-


karaaang aralin. Makikita rito ang pag-unlad ng kabihasnan sa iba’t ibang
lugar sa daigdig mula 3000 BCE hanggang 500 CE.

Gabay na tanong:
1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China,
at India?
2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 BCE?
3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa
Mediterranean o sa America? Ipaliwanag.
4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga
kabihasnan sa daigdig?

Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente, paano naman kaya namuha

1
Figure 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 BCE – 500 CE)

Mesopo- Egypt Africa Mediterra- Northern Western Asia India China America
tamia at nean Lands of Europe
Europe
Persia
3000 - Pag-unlad - Pag-unlad Mga guhit sa Pagtayo ng Pagtayo ng Mga unang Mga unang
BCE ng agrikultura ng agrikultura bato sa git- mga batong mga batong magsasaka magsasaka
nang Sahara monumento monumento Pag-usbong Pagtatanim ng
- Pag-usbong Paggawa ng na nagpapaki- sa Malta sa Hilaga at Mga unang ng kabi- mais
ng Sumer palayok ta ng tao Timog Europ siyudad ng hasnang Indus
SI- Jericho at
- Naimbento - Naimbento NAUNANG Catal Huyuk
ang Cu- ang Hiero- PANAHON
neiform at glyphics NG MINOAN
paggamit ng sa Crete
gulong OLD KING-
DOM
1

2500 Pamumuno Pagtatayo ng Pagdating ng Pagtatag sa


BCE ni Sargon ng mga pyramid mga Assyrian siyudad ng
Akkad upang maki- Mohenjo-Da-
pagkalakalan ro at Harappa

2000 - Pag-usbong - MIDDLE GITNANG Pagtatag ng Pagdating ng Pagbasak ng


BCE ng Babylon KINGDOM PANAHON Stone-henge mga Hittites kabihasnan sa
NG MINOAN sa Anatolia Indus
- Pamumuno - Pananakop Paggawa ng
ni Haring ng Nubia HULING kagamitang Pagdating ng
Hammurabi PANAHON bronze mga dayu-
- Pananakop NG MINOAN hang Aryan
- Pag-usbong ng Hyksos
ng Assyria Paglakas ng
Mycenean
1500 - NEW Pagbagsak Paglakas - Pag-unlad SHANG DY-
BCE KINGDOM ng Crete ng ng NASTY
Ang pamumu- Imperyong Sistemang
no ng Mitanni - Pamumuno Pagwasak Hittite Caste Naimbento
sa hilagang ng mga war- sa Knossos ang
Mesopotamia rior-pharaoh - Pag-unlad sistema ng
ng pagsulat
- Queen relihiyong
Hat- shepsut Hinduismo

-Tutankha-
mun

1000 Unti-unting Pagsimula ng - Pagbagsak Pagdating


BCE pagbagsak ng Kaharian ng ng ng mga
Pag-usbong kabihasnan Kush Mycenean Pandarayuhan Israelite sa - Pagsulat DINASI- Ang pag-us-
at pagbagsak ng mga Celts Canaan ng Vedas TIYANG bong ng mga
ng Imperyong Pananakop ng Pagtatag ng -Pagdating sa iba-ibang (religious CHOU Olmec sa
Assyria Assyrian at Carthage ng mga bahagi ng Pamumuno writings) Mexico
Kushite Dorian sa nina Isinilang
1

Europe
Greece Haring - Isinilang si
David at si Confucius
- DARK Haring Gautama
AGES Solomon sa (Buddha)
sa Israel
Greece
Pananakop
- Ang mga ni
Etruscan sa Alexander
Hilagang the Great sa
Italy Eastern
Medi-
- Ang terranean
pagtatag
ng
- Rome
753 BCE

- Pag-unlad
ng mga
lung- sod-
estado sa
Greece
500 Ang PER- - Pananakop Digmaang Pu- - Digmaang Paglunsad - Panahon ng Pag-usbong
BCE SIAN ng Imperyong nic sa Pagitan Persian sa ng warring states ng mga
EMPIRE Persia, ng Carthage pagitan ng Pananakop Pananakop tangkang Maya
sa kaniyang pananakop ni at Rome Greeks at ng mga ng mga pananakop - Pag-iisa
kalakasan Alexander the Persians Roman sa Roman ni Alexander ng China
Great Natalo at malaking sa India sa
Pananakop ni nasakop ng - Pagiging bahagi ng ilalim ni Shih-
Alexander the - Pamumuno Carthage ang makapangya- Hilagang Huang Ti
Great kung ng mga Ptole- teritoryo ng rihan ng Europe
saan naisama mies Imperyong lung- sod- - Itinayo
ang sa kani- Rome sa estado ng ang Great
yang teritoryo - Pamumuno Hilagang Athens Wall
ang Persian ni Cleopatra Africa
Empire - Digmaang - CHI’IN
- Pananakop Pelopon- DYNASTY
ng Imperyong nesian
Roman - HAN
- Pamumuno DY-
ni NASTY
1

Alexander
the Great Naimbento
ang papel
-Pag-usbong
ng Rome
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya.

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica


Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang
kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga
mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang
agri- kultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica.
Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at
nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay
nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec
at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec.
Naging maunlad din ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng
kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan
ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na
manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging
impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga
ito na Kabihasnang Klasikal sa America.

Kabihasnang Maya (250 CE – 900 CE)


Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa
Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang
lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng
Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CE.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa
pamama- hala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o “tunay
na lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa
kanilang mga diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng
ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang
pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod
ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng
mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na
ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at
palasyo sa tabi ng pyramid.

1
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay
mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop.
Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing
pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao.
Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba
nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang
tungkol sa ulan.

Mapa. 2.1 Lokasyon


ng
Kabihasnang Maya

1. Ano-anong lung-
sod ang
makikita sa
timog na ba-
hagi ng
Yucatan
Peninsula?

2. Paano nakipag-
kalakalan ang
mga Maya sa
iba pang
bahagi ng
Mesoamerica?

Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit
sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE, ang ilang mga sentro ay nilisan, ang
paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon
at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa
mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang
makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang
dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at
patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari
rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain
batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na
nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan
1
samantalang mas manipis ang mga buto nito.

1
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay
nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at
Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan
sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

Kasingtulad ng pyramid ang


estrukturang ito. Subalit,
mapapansin na ang itaas na Ipinagawa ang templo
bahagi nito ay patag. Sa loob upang pagdausan ng
nito ay may altar kung saan mga seremonyang
isinasagawa ang pag-aalay. pan- relihiyon. Ito ay
parangal para kay
Kukulcan, ang
tinaguriang God of the
Feathered Serpent

Gawa ang
pyramid mula sa
malalaking bato.
Mayroon itong apat
na panig na may Ang pyramid na ito
mahabang hagdan. ay patunay ng
Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan mataas na kaalaman
ng mga Mayan sa
arkitektura,
inhenyeriya, at
matematika.

Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa


diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

1
Paglakas

Tapat ang mga nasasakupan sa pinuno. Siya ay namumuno sa pamahalaan at relihiyon.


Napag-isa ang mga mamamayan dahil sa iisang paniniwala. Paghina

Pamahalaan at Relihiyon
Palagiang nakikipagdigma ang mga pinuno a
sa kanilang mga diyos. Nagbunga ito ng pag
May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto.

Ekonomiya at Kabuhayan

Paglakas
Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.

Mga Lungsod- estado Paghina

Pagkawala
Figure2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mgang sustansiya
sanhi ngpaglakas
at bunga ng lupa. Ang pagla
at paghina
suliranin sa suplay ng pagkain.

Paglakas

Paghina

Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang ma

Gabay na Tanong
1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema
ng pagtatanim?

1
GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo

Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng impormasyon


ang dayagram.

Pamahalaan Relihiyo
Ekonomiya Arkitektura
n

Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng

GAWAIN 6: Exit Card


Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil

Dugtungan ang sumusunod na pahayag.

Ang Naunawaan
pagbagsak ko
ngsamga lungsod-estado
nakaraang aralin na ...ng Kabihasnang Mayan ay nagdulot
ng paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na bahagi ng Mesoamerica.
Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa
Mexico Valley. Ang mga mamamayan dito ang nagtatag ng isa sa unang
imperyoAng mga bahagi ng –
sa Mesoamerica aralin
ang na hindi ko gaanong
Imperyong Aztec. naintidihan ay ...

Ilan sa aking tanong ay ...

1
Kung ang mga Mayan ay nagtatag ng kanilang kabihasnan sa timog na
bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan
sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang
sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng
mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga
Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating
maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga
Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol
nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.

GAWAIN 7: Magbasa At Matuto

Basahin at unawain ang mga teksto tungkol sa Kabihasnang Aztec.

Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)

Ang mga Aztec ay mga


nomadikong tribo
na ang orihinal na
pinagmulan ay hindi
tukoy. Unti-unti
silang tumungo sa
Lambak ng Mexico sa
pagsapit ng ika-12
siglo C.E. Ang
salitang Aztec ay
nangangahulugang
“isang nagmula sa
Aztlan,” isang mitikong
lugar sa Hilagang
Mexico.

Noong 1325, itinatag nila ang


pamayanan ng Tenochtitlan, isang
Mapa 2.2 Sakop ng
Kabihasnang Aztec maliit na isla sa gitna ng lawa ng
Texcoco. Ang Texcoco ay nasa
Gabay na Tanong: sentro ng Mexico Valley. Nang
1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan lumaon, ang lungsod ay naging
ang nagbigay-daan upang ito ay maging mahalagang sentrong
sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong pangkalakalan.
sinaunang panahon?

1
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing
ikinabubu- hay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila
nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na
natugunan ng mga Aztec.
1. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na
malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa
ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal
na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.

2. Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho.


Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na
kahoy.

3. Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani,
kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso,
pato, at gansa.

1
4. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga
puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinaka-
mahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga
ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at
hinahan- dugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos
ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging
malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang
masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay
nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan
bagama’t may mga mandirig- mang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang
sarili.

Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon


ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-
daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa
sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang
lungsod-es- tado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at
Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba
pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang


militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga
pagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya
ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang
maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at
pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang
makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga
nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa
mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenoch- titlan ay naging sentrong
pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang
Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura
tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon,
liwasan, at mga pamilihan.

1
1.5 Makikita sa pahinang ito ang graph ng populasyon ng mga Aztec. Ang biglaang pa

Mga Milyon 1.4

1.3

1.2

1.1

1
Populasyon

6
Daang Libo

1500
1520 1540 1560 1580 1600 1620 1640 1660 1680 1700

Tao
n
Figure2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong


1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang
namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni
Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay
ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa
mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang
Tenochtitlan.

1
GAWAIN 8: Daloy ng mga Pangyayari

Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong


Aztec.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec?
2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang sinakop?
3. Bakit madaling nakontrol ng mga Aztec ang iba pang karatig na lungsod-
estado?

GAWAIN 9: Pagsulat ng Sanaysay

Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabi-


hasnang Klasikal sa Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong ng mga
Kabihasnang Maya at Aztec?
2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan?
3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga?

1
4. Magbigay ng kongklusyong magpapatunay na ang nabanggit na
kabihasnan ay maituturing na Kabihasnang Klasikal.

GAWAIN 10: Pagsusuri sa Aking Natutuhan

Punan ng angkop na impormasyon ang kasunod na chart batay sa paksang


tinalakay.
Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at

Ang aking mga natutuhan sa araling Madali kong naisakatuparan ang mga
ito ay gawain tulad ng

Ang aking mga tanong sa araling ito Nahirapan ako na mapagtagumpayan


ay ang mga gawain tulad ng

katangian ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at


kapangyarihan ng dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain
partikular na ang Aztec. Isa pang maunlad at higit na malawak na imperyo
ang naging makapangyarihan sa America. Ito ang Kabihasnang Inca na
lumaganap sa South America.

1
GAWAIN 11: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Inca.

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA


May magkakaibang klima at
heograpiya ang South America
kung ihahambing sa Mesoamerica.
Matatagpuan sa hilaga ng Amazon
River na dumadaloy sa mayayabong
na kagubatan. Pawang ang mga prairie
at steppe naman ang matatagpuan sa
Andes Mountains sa timog na bahagi.
Samantala, tuyot na mga disyerto ang
nasa kanlurang gulod ng mga bundok
na kahilera ng Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya-aya ang
topograpiya ng Andes, dito nabuo
ang mga unang pamayanan. May mga
indi- kasyon ng pagsasaka gamit ang
patubig sa hilagang gilid ng Andes
noong 2000 BCE.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo BCE
maraming pamayanan sa gitnang
An- des ang naging sentrong
panrelihiyon. Ang mga pamayanang
ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru,
Bolivia, at Ecua- dor. Nang lumaon,
Mapa. 2.3 Sakop ng Kabihasnang Inca
nagawang masakop ng ilang
malalaking estado ang kanil-
ang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw
sa lupain hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo.

Gabay na Tanong
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Imperyong Inca?
2. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinatayo ng mga Inca
upang mapatatag ang kanilang imperyo?
3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na sistema ng transportasyon?

1
Kabihasnang Inca (1200 - 1521)
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-
kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco.
Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan
ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-
unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop
nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific.
Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at
Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang
Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa
ilalim ni Topa Yupanqui (1471 - 1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang
hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang
kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali
ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop
ng imperyo ang Ecuador.

Gabay na Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng Inca?
2. Sino si Pachakuti?

Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca.


BATAYAN AZTEC INCA PATUNAY
Pinagmulan Parehas na umunlad ang
- nagmula sa maliliit na
pamayanang agrikultural
✓ ✓ dalawang imperyo mula sa
matagumpay na
pagtatanim.
Paniniwala Huitzilopochtli – diyos ng araw
- pagsamba sa araw bilang
diyos
✓ ✓ ng mga Aztec
Inti – diyos ng araw ng mga Incan

Inhinyera Pyramid of the Sun – ginawa ng


- mahusay sa paggawa ng
kalsada, templo, at iba
✓ ✓ mga Aztec
Mahaba at batong kalsada –
pang gusali ginawa ng mga Incan

1
Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro,
ang Espanyol na mananakop ng Inca noong
1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay
sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang
Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi
ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga
tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang
kapanatagan sa mga nasakop na bagong
teritoryo, unti- unting humina ang imperyo.
Francisco Pizzaro Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw
Source: http://the ng Imperyong
historyjunkie,com/ Inca na naging malayo mula sa sentrong
francisco.pizzaro-facts/ pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking
pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng
kanilang kapangyarihan.
Siya ang namuno sa mga Espanyol sa pananakop sa Imperyong Inca.
Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa
ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na
conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa
sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang
pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina
Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro
habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang
Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si
Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco
gamit lamang ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong
teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa
mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang ha-
los 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac
Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang
pinakadakilang imperyo sa Andes.

Gabay na Tanong
1. May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca? Patunayan.
2. Paano si Francisco Pizarro natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa
kasay- sayan ng Pilipinas?

2
GAWAIN 12: Sino Sila?

Tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod na pinuno ng Kabihasnang Inca.

Pachakuti Topa
Yupanqui

Ano ang Ano ang


nagawa? nagawa?

Kahalagahan ng nagawa: Kahalagahan ng nagawa:

Huayna Capac

Ano ang
nagawa?

Kahalagahan ng nagawa:

GAWAIN 13: Puno ng Kaalaman

Isulat sa loob ng kahon ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Inca.


Gawin ito sa kuwaderno.

2
Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Imperyong Inca

GAWAIN 14: MAPAsuri

Suriin ang mapa ng Mesoamerica at South America. Pagkatapos, sagutin ang


mga kaugnay na tanong.

1. Saang bansa sa kasalukuyan


makikita ang mga Kabihasnang
Klasikal sa Mesoamerica at
South America?
2. Ano-ano ang anyong-tubig na
nasa paligid ng mga
nabanggit na rehiyon?
3. Paano n akaapekto ang
heograpiya sa pagtatag ng
mga Kabihasnang Klasikal ng
Aztec, Inca, at Maya?
4. Sa iyong palagay, alin sa
dalawang salik ang higit na
nakaimpluwensiya sa pag-
usbong ng mga kabihasnan
sa Mesoamerica at South
America, ang mga tao ba o
Mapa 2.4 Ang Mesoamerica at South ang heograpiya? Ipaliwanag.
America

GAWAIN 15: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)

Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol
sa pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba.

PAMAHALAAN EKONOMIYA RELIHIYON KONTRIBUSYON

MAYA

AZTEC

INCA

2
Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at Inca dahil

Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang


Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of
Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan
at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito.
Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang
mamamayan sa America.

GAWAIN 16: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga Kaharian at Imperyong naitatag


sa Africa.

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa

Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit


limitado lamang ang mga pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi
maganda ang iyong impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang
kasaysayan ng daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at
mga pulo sa Pacific. Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang
ibang sentro ng kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit
naman sa mga pulo sa Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan
sa dalawang rehiyong ito noong sinaunang panahon.

Heograpiya ng Africa

Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling
pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga
Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling
limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng
ito hanggang noong ika-19 na siglo.

Gabay na Tanong

Bakit tinawag na dark continent ang Africa?

2
Ang p in ak am a in i t at
pinakamaulang bahagi ng Africa
ay yaong malapit sa equator.
Matatagpuan dito ang rainforest
o isang uri ng kagubatan kung
saan sagana ang ulan at ang mga
puno ay malalaki, matataas, at
may mayayabong na dahon.
Sa hangganan ng rainforest
ay ang savanna, isang bukas
at malawak na grassland o
damuhan na may mga puno.
Sa grassland sa hilaga ng
equator matatagpuan ang
rehiyon ng Sudan. Sa bandang
hilaga naman ng rehiyon ng
Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng Sudan makikita ang Sahara,
Africa ang pinakamalaki at
pinakamalawak na disyerto sa
daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirahan maliban sa mga
oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at
tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may
mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga
kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng
Africa.

Gabay
Isa sa mganaumunlad
Tanongna kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara.
1. Ano-anong
Nakatulong uri ng vegetation
sa kanilang pamumuhay at anyong-lupa ang makikita saTinawag itong
ang pakikipagkalakalan.
kontinente
Kalakalang ng Africa? Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang
Trans-Sahara.
bahagi ng Asya
2. Bakit ang mga
mahirap produktong
mamuhay African.
sa rehiyon ng Sahara?
3. Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong ng mga Imperyo?

2
Ang Kalakalang Trans-Sahara

Noong 3000 BCE, isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan


ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara.
Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ito ay tumagal hanggang
ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga
nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala
ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan.
Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang
mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas.
Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic
laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga
tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

Mapa 2.6 Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara


http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.
jpg/112619921/timbuktu.jpg

Gabay na Tanong
1. Saang bahagi ng Africa makikita ang lupain ng mga Carthage?
2. Ano ang ibig sabihin ng caravan?
3. Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa?
4. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?

2
Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa

Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam


ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at
kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng
mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa
Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada,
seda, kaldero, at iba pa.

Morocco
Morocco
Berber
Berber

Sudan at
Sudan at Hilagang
Hilagang
Africa

Figure 2.4 Kalakalan ng mga Berber at African

Gabay na Tanong
1. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa?
2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong aspekto ng pamumuhay
ng mga African ang naimpluwensiyahan ng mga Berber?

2
GAWAIN 17: MAPAghanap

Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mga anyong-lupa, anyong-tubig, at


vegetation sa Africa. Tukuyin kung saang bahagi ng Africa matatagpuan ang mga
ito sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa tiyak na lugar. Gawin ito sa papel.
Rainforest

Savanna

Disyerto

Oasis

? Pamprosesong mga Tanong


1. Alin sa mga nabanggit na vegetation ang may pinakamalawak na saklaw?
2. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Carthage at
Sudan?
3. Saang mga lugar maaaring umusbong ang kabihasnan o imperyo? Bakit?

2
GAWAIN 18: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol iba pang Kabihasnan sa Africa.

Mga Kabihasnan sa Africa

Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng


kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang
Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng
kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia.
Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang
yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa
Sahara. Kapuwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.

Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito
umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Namayani ang Kaharian ng Axum sa


350 CE Silangang Africa

700 Naging makapangyarihan ang Imperyo


ng Ghana sa Kanlurang Africa
dataon

Naitatag ang Imperyong Mali nang ma-


1240 talo ang Imperyong Ghana

Nagsimulang mamuno ang dinastiyang


1335 Sunni na siyang nagpalawak sa teritoryo
ng Imperyong Songhai

Pigura 2.5. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa.

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan

Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Malawak


ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan
ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante),
sungay

2
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal
sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga
tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito
ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo
noong 395 CE.

Mapa Bilang 2.7. Ruta ng


Kalakalang Axum

Gabay na Tanong
1. Anong mga anyong-tubig
ang dinaanan ng mga
Axum sa
pakikipagkalakalan?
2. Saang mga kontinte na-
kipagkalakalan ang mga
Axum?
3. Paano ito natutulad at
naiiba sa kalakalang Trans-
Sahara?

Kung ang Kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa,


nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging
makapangyarihan dulot din ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa
labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Ang Imperyong Ghana

Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol


ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa
timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng
malaking pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich,
feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa
asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang

2
produktong wala sila.

2
Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa
malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain
ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang
tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa
irigasyon.

Mahalagang salik sa paglakas ng Ghana Ginamit ang mga


sandatang gawa sa
bakal upang
makapagtatag ng
kapangyarihan sa mga
pangkat na mahina
ang mga sandata.
Bumiling
Naging maunlad dahil naging sentro ngkalakalan
mga sa Kanlurang Africa
kagamitang
pandigma na yari
sa bakal at mga
kabayo Ang mga kabayo ay
nagbibigay ng ligtas at
mabilis na paraan ng
transportasyon para sa
mga mandirigma nito.

ANG Gabay na Tanong


IMPERYONG MALI
1. Ano ang naging batayan ng
Ang Mali ang tagapagmana ng pag-unlad ng Imperyong
Ghana. Nagsimula Ghana?
ang Mali sa estado ng
2. Paano
Kangaba, isa sanakatulong
mahalagang ang heograpiya
outpost ng GhanaGhana.
ng Imperyong upangAng
umunlad
pag-akyat ng
Mali sa ang kanilang pamumuhay?
kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay
niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng
patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong
lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu,

2
at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan.
Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki
at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.
Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng
kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak
ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod
pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng
Imperyong Mali.
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa
sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga
mosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo.
Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang
paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at
pananampalataya.

Mga Namuno
sa Imperyong
Mali

Sundiata Keita

Mansa Musa

Gabay na Tanong

1. Paano nakamit ng Imperyong Mali ang kapangyarihan mula sa


Im- peryong Ghana?
2. Bakit naging tanyag si Mansa Musa?

2
Ang Imperyong Songhai
Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na
sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger
River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang
Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang
Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam,
hindi niya pinilit ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa
Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi
ng Imperyong Islam.
Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali.
Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang
bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng
Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali,
ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang
paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan
ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam
sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang
suporta sa kaniya ng mga katutu- bong mangingisda at magsasaka.
Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal
at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa
katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa
pamahalaan.

2
Ghana Gabay na Tanong Ghana, Mali at Songhai
Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na 1. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Ang mga imperyong ito ay naging
ibigay sa kaniya ang mga butil ng Im- peryong Ghana, Mali, at Songhai? makapangyarihan dahil sa kalakalan.
ginto at tanging mga gold dust Pangunahing produkto nila ang
ang pinayagang ipagbili sa 2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?
gin- to. Nagsilbi silang
kalakalan. Sa ganitong paraan, tagapamagitan ng mga African na
napanatili ang mataas na halaga mayaman sa ginto at ng mga African
ng ginto. na mayaman sa asin.
asin
as

Pag-isipan!
Iugnay ang Law of
Supply and Demand sa
ipinalabas na kautusan
ni haring Al-Bakri.
2

ginto asin
asin ginto
gin

Mali
Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Tim-
buktu. Bukod dito, lumaganap rin ang Sa panahong ito, ginagamit ng mga
relihiyong Islam at tumaas ang antas ng African ang ginto upang ipambili
kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga ng asin. Ginagamit ng mga
Pigura 2.6 Infographic tungkol sa Imperyong Ghana, Mali
iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque at Songhai African ang asin upang
ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325. mapreserba ang kanilang mga
pagkain.
GAWAIN 19: History Makers

Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa
mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.

PINUNO IMPERYONG PINAMUNUAN MAHALAGANG NAGAWA


Al-Bakri
SundiataKeita
Mansa Musa
Dia Kossoi
Sunni Ali

GAWAIN 20: Triple Venn Diagram

Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at


Song- hai. Isulat sa Venn Diagram ang sagot.

Ghana

Mali Songhai

GAWAIN 21: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan).

Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Isulat ito sa loob ng angkop na kolum.
Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon.

IMPERYO KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN


GHANA
MALI
SONGHAI

2
Maituturing na kabihasnang klasikal ang naitatag ng mga Imperyong Ghana, Mali, at Song

Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo,


nabuo ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa.
Samanta- la, sa mga pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga
Austronesean. Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang
nabuong kabihasnan.

GAWAIN 22: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific

MIGRASYONG AUSTRONESIAN

Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific


at Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa
dalawang rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa
mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-
Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

Mapa 2.8. Migrasyon ng mga


Austronesian.

Gabay na Tanong
1. Magbigay ng ilang
sa kasalukuyan na
pinanirahan ng mga
Austronesian.
2. Bakit nandayuhan
ang mga
Austronesian sa mga
http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples
pulo sa Pacific.

2
Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China
ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na
masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 BCE.
Tumungo sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas,
Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 BCE, may mga Austronesian na
tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa.
Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at
nanahan sa mga pulo ng Pacific.
Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania.
Noong 1000 BCE, nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti.
Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa
mga pulo ng Hawaii sila noong 100 BCE. Pinakamalayo nilang naabot ang
Easter Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.
Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan
ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan
at kulturang ito ay Austronesian.

Ang mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking


pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang
ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan
ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

POLYNESIA –
MICRONESIA – maraming isla poly – marami
maliliit na mga isla
micro – maliit
nesia - isla

MELANESIA –
maiitim ang mga tao dito me

Mapa 2.9 Ang mga isla na bumubuo sa Pacific.


http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

2
Polynesia

Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific


Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na
malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu,
Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook
Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu,
Marquesas, at Pitcairn.
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa
Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro
ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay
tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng
mga pari at mga banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.
Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging,
tubo, at niyog. Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at
iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan
o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.” Sa mga
sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at
iba pang bagay.

May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang


Gabay
mana. na mga Tanong
Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang
pangkaraniwang tao. Ang sinaunang
1. Ano ang pangunahing kababaihan
ikinabubuhay sa Marquesas
ng mga mamamayan ay hindi
sa Polynesia?
maaaring
2. Anosumakay
ang ibigsa bangka
sabihin ngsapagkat
mana? malalapastangan niya ang bangka na
may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa
pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang

2
ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana. Ang tawag
sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang
pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

Gabay na Tanong
Micronesia
Ano-ano
Ang angna
maliliit mga paraan
pulo upang
at atoll mapangalagaan
ng Micronesia ang mana? sa hilaga ng
ay matatagpuan
Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands,
Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at
Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa
o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at
maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging
hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim
sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at
starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng
mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang
mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at
shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong
ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal
ang mga tao sa matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying
coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga-high-lying island ang turmeric na ginag-
amit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga taga-low-lying coral
atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na yari sa dahon ng pandan,
at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa
itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.

2
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal
para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang
ani.

Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng
Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago,
Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o
sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa
digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming
grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga
mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito
ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga
ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan
dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong
kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin,
apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid
ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan,
sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon
Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.
May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay
ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.
Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga
kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga
mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito
sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.

2
GAWAIN 23: Pagsagot sa Chart

Punan ng kinakailangan impormasyon ang talahanayan.


Kahulugan ng
Isla Kabuhayan Relihiyon
Pangalan
Polynesia
Micronesia
Melanesia

GAWAIN 24: Anong Konek?

Makibahagi sa iyong pangkat. Magsaliksik tungkol sa kultura ng mga taga-Pacific


Islands at ihambing ito sa kulturang Pilipino. Iulat ang inyong nasaliksik sa klase.

GAWAIN 25: Ang Aking Paglalakbay

Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng “Kalagitnaan.”

Katapusan

Kalagitnaan
Simula

Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa
mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan?

2
BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2.

Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga salik na


nagbigay- daan sa pag-usbong ng mga kabihasnang klasikal sa mga
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
pulo sa Pacific, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng
modyul na ito.

GAWAIN 26: AdBakit?


Tinalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa Panahong Klasikal
sa Europe, America, at mga pulo sa Pacific. Nagkaroon ka rin ng
Makibahagi sa iyong pangkat. Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang
malawak na kaalaman tungkol sa iba-ibang kontribusyon ng mga
Klasikal na nakatalaga sa iyong pangkat. Gumawa ng dalawang pahinang
nabanggit na kabihasnan sa daigdig.
pamphlet na nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga
Ngayon
kontribusyon naman
nito ay kritikal Sundin
sa kasalukuyan. mong masusuri ang
ang format sa impluwensiya
ibaba. ng
mga nabanggit na kabihasnan sa daigdig.

2
Front Page

Larawan ng Kontribusyon

First Page Second Page

Ipaliwanag ang kahalagahan Sumulat ng maikling


ng kontribusyon sa pahayag na naglalaman
kasalukuyang panahon sa: ng inyong adbokasiya
Daigdig upang mapangalagaan ang
Pilipinas kontribusyon na inyong napili

GAWAIN 27: Ang Aking Paglalakbay.

Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng “Katapusan.”

Katapusan

Kalagitnaan
Simula

Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa
mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan?

2
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain
para sa Aralin 2.

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga


kontribusyon at impluwensiya ng mga Kabihasnang Klasikal sa
America at Africa at sa kultura ng mga mamamayan sa Pacific
Islands. Handa ka na para sa susunod na aralin.

2
ARALIN 3
ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON: MGA PA

Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space between
chaos and shape there was another chance.” Nangangahulugan ito na ang bawat
kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon.
Marahil pagkakataon para bumangon, pagkakataon para muling umunlad. Sa
pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay isang mahalagang pangyayaring maaaring
ituring na transisyon. Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong mahalagang
transisyon?
Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyonal na
Panahon. Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang
naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang epekto
ng mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang
kamalayan? Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa
Transisyonal na Panahon sa paghubog at pagbuo ng
pagkakakilanlan ng bansa at rehiyon sa daigdig? Halina’t iyo itong
tuklasin.

ALAMIN

Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig, bibigyan naman ng

2
GAWAIN 1: Photo-Suri

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

? Pamprosesong mga Tanong


Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang mga tagpong
nasa larawan?
3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong nakikita
sa larawan? Patunayan.

GAWAIN 2: A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide)

Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin. Upang mataya


ang dati mong kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na gawain.

Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Isulat sa unang kolum an

2
Bago ang Matapos ang
PAHAYAG
Talakayan Talakayan
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga
barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon
at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
2. Si Charlemagne o "Charles the Great” ang
itinuturing na isa sa pinakamahusay na
hari ng Panahong Medieval. Pinamunuan
niya ang “Holy Roman Empire” na
sinasabing muling bumuhay sa
Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro,
naging kanlungan ng mga tao ang
Simbahan. Naging mahalaga ang papel ng
“Kapapahan” o ang tungkulin, panahon
ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad
ng mga Krusada ang
pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo sa iba pang panig ng
daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag noong Panahong
Medieval. Itinuturing itong sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na
sagot sa pangangailangan sa tagapanguna
sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng
Piyudalismo ay tinatawag na
Manoryalismo. Ito ay ang sistemang
gumagabay sa pamumuno ng mga hari
sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-
un- lad ng mga bayan. Ang paglago
ng bayan ay nakatulong sa paglago
ng kalakalan at ang paglago ng
kalakalan ay nakatulong din sa
paglago ng mga bayan.

2
8. Maaaring umangat ang isang tao
sa lipunan dahil hindi nakabatay
sa kapanganakan ang antas sa
buhay kundi sa kayamanan ng
isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil
sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan
sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong
sa pagkakabuo ng pandaigdigang
kamalayan sa kasalukuyang panahon.

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin.
Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa
talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul. Sa iyong
pagtupad sa iba-ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga
dating kaalaman sa mga bagong kaaalaman na iyong matututuhan sa Modyul
na ito.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay inaasahan na matututuhan mo ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa p

2
GAWAIN 3: Daloy Ng Kasaysayan

Tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 2 ang pagkakatatag ng mga Klasikal


na Kabihasnan sa Europe. Sa pagdaan ng panahon, ang dating matayog at
makapangyarihang Imperyong Roman ay unti-unting humina at tuluyang
bumagsak. Makikita sa diyagram ang mga salik ng pagbagsak ng Imperyong
Roman.
Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Pagbagsak ng Imperyong
Kakulangan ng mga TapatPaglubha ng Krisis
Pagkawala
Pangka-
ng Katuturan ng Pagkamama- mayang
at may Kakayahang Pinunobuhayan Pagbaba ng Moralidad ng mga
Paghina ng HukbongRoman Roman Pagsalakay ng mga
Roman Barbaro

Diagram Blg. 3.1. Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman.


Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon, nina Vivar et al, p. 137-139

? Pamprosesong mga Tanong


1. Mula sa mga ipinakitang salik sa diyagram, ano sa tingin mo ang
pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman? Bigyang
katuwiran ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng
Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe?

2
Suriin ang diyagram tungkol sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Ang Paglakas ng Ang Holy Ang Paglunsad Ang Buhay sa Europe


Simbahang Katoliko Roman ng mga Noong Gitnang
Bilang Isang Empire Krusada Panahon (Piyudalismo,
Institusyon sa Gitnang Manorialismo, Pag-
Panahon usbong ng mga
Bayan at Lungsod)

Diagram Blg. 3.2 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahong Medieval sa Europe


http://mrgrayhistory.wikispaces.com/file/view/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg/244152229/293x372/L_Middle_
Ages_-_Pope_Apology.jpg
http://images2.wikia.nocookie.net/ cb20101006230145/deadliestfiction/images/b/b1/Charlemagne.jpg http://ts2.mm.bing.net/th?
id=H.4513801360115517&pid=15.1 http://crabberworldhistory.wikispaces.com/file/view/high_middle_agesjpg/180280913/
high_middle_ages.jpg

Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang


mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang institusyon noong Panahong
Medieval.

2
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto

Bilang panimula sa pagtalakay ng paksa, basahin at unawain ang teksto


tungkol sa mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Pope sa Europe.

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan


Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan
ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman
na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

Pagbagsak ng Imperyong Roman


Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang
Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman noong
476 CE, na naghari sa Kanluran at Silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa
Hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng
kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang
naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang
tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang
lipunan sa dalawang panig ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo
ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming
maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag
na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng
Imperyong Roman. Noong 476 CE, tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga
barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo
ng Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang Simbahang Kristiyano, na tanging institusyong
hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan
ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at
kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa Simbahang
Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng
kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas
sa pamamagitan ni Kristo.

2
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng
Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat
na mga kaanib ng pari.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al.
p. 141-144

Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman?

Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng


pagbagsak ng Imperyong Roman?

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga
pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga
mama- mayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga
hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na
pinamunuan ng obispo. Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari sa iba-ibang
parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod pa-
tungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga obispo ang mga pari sa kanilang
pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng obispo, hindi lamang
mga gawaing espirituwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi
pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at
pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang obispo rin ang namamahala sa
pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga
nasasakupan.

2
Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod
na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong
pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang
arsobispo sa mga obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng
Rome, na tinawag bilang *Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng
Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga arsobispo,
obispo at mga pari ng mga parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng
mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang
gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan
ng mayorya ang paghalal ng Papa.
* Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan, at kapa
Ang salitang Pope ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa.” N

Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod:


Pari-

Obispo-

Arsobispo-

2
Uri ng Pamumuno sa Simbahan
Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas
ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa
mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa
talahanayan.
Pinuno / Papa Paraan ng Pamumuno
Constantine the • Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga
Great Kristi- yano sa buong imperyo ng Rome at ang
Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.

• Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa


pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa
kapulungang ito, pinag-uri-uri ng mga obispo ang iba-
ibang malalaking lungsod sa buong imperyo.
Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing
diyosesis at dahil dito, kinilala ang obispo ng Rome
bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang
Katoliko Roman.

Papa Leo the • Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang


Great (440-461) doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang
tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno
ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang
emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na
kilalanin ang
kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang
taon, ibinigay ang pangalang Papa sa obispo ng
Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala
ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga
Kristiyano sa Kanlurang Europe. Tumanggi naman
ang Simbahang Katoliko sa Silangang Europe na
http://upload.wikimedia. kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng
org/wikipedia/com- Kristiyanismo hanggang sa panahong ito.
mons/5/5b/Pope_St._
Leo_IV.jpg

2
Papa Gregory I • Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at
pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at
patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.

• Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay


nang magawa niyang sumampalataya ang iba-
ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang
Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang
Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga
misyonero sa iba-ibang bansa na hindi pa
sumasampalataya sa Simbahang Katoliko.
Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan
http://upload.wiki- ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya
media.org/wikipe- sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at
dia/commons/9/97/ Germany.
Francisco_de_Zur-
bar%C3%A1n_040.jpg

Papa Gregory VII • Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng


kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power
of *investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin
sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni
Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya
sa Simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman
nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa
Gregory VII.
Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni
Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany,
sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran.
Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa
Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa
http://hist2615.wikis- pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang
paces.com/file/view/ malaon at masidhing pag-aaregluhan.
Gregory_VII-1.jp-
g/251843136/174x220/
Gregory_VII-1.jpg

* Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng h
Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinuno

2
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag
ng isang organisasyon? Ipaliwanag.

Pamumuno ng mga Monghe


Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa
makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang
mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng
mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular.
Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa
ang mga monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin
ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilang impluwensiya sa pamumuhay ng
tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho
at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na
nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-
pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang
nakaimpluwensiya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong
Panahong Medieval.
Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-
iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Roman.
Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang
lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang
kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop.
Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa
sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan.
Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa Kanlurang Europe ay
nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa
ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap,
nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa
kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga
batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala
na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang
sinuman ang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang
imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan,
pamumuno, at tulong.

2
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang dako ng Kanlurang
Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa
Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England,
Ireland, at Scotland, at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa
Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang
Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos
ng Papa sa Rome.
Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng Simbahan at pagpapalaganap n

Halaw sa : Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina


Vivar et al. p. 141-144

GAWAIN 5: Diyagram ng Aking Natutuhan

Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng


kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot.

Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa

2
? Pamprosesong mga Tanong
1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng Simbahan
noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Bakit madaling nahikayat ng Simbahan ang mga pangkat barbaro na
yakapin ang Katolisismo?
3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng Simbahan sa
kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.

GAWAIN 6: 3-2-1 Chart

Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa binasang


teksto.
Konspeto o kaalaman na aking natutuhan

1.

2.
3

3.

Konsepto o kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan

1.

2
2.

Tanong na nais ko pang mabigyan ng linaw

1.
1

2
GAWAIN 7: Sa Madaling Salita

Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag- usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang paglakas ng Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Eu

Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng Simbahang Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan

2
GAWAIN 8: Magbasa at Matuto

Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang nagbigay-daan


sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire.”

481 - Pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman 496 - Naging Kris
511 - Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kaniyang mga anak
687 - Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717 - Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751 - Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa hali

Ang Holy Roman Empire

Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin


ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi
na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili
kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay
na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin,
pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba-ibang wika.
Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at
sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard,
Muslim, Bavarian, at Saxon at ginawang mga Kristiyano.

Para sa karagdagang kaalaman basahin ang “Kasaysayan ng Daigdig" Batayang Aklat sa Araling Panl

Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Ba-


nal na Imperyong Roman (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang
imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Roman. Sa panahon ng imperyo,
ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Roman. Ang
pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang
namayani sa kabihasnang Medieval.

2
Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayo

Nang namatay si Charlemagne noong 814 CE, humalili si Louis the Religious.
Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa
paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak
ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay
Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; at ang Italy
kay Lothair. Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang
mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang
paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga
maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-
ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina Vivar et al. p. 140-141

GAWAIN 9: Paggawa ng Timeline

Batay sa binasang teksto, punan ang timeline ng mahahalagang pangyayaring


nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.

Pinag-isa ni Clovis ang mga tribong Franks at sinalakay ang mga Romano.

481 500 600 700 800

2
? Pamprosesong mga Tanong

1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatatag


ng Holy Roman Empire?
2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne?
3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman Empire”?
4. Sa kasalukuyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang
pamahalaan at Simbahan? Patunayan.

GAWAIN 10: Sa Madaling Salita

Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikalawang kahon.


Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag- usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang paglakas ng Paano nakatulong ang


Simbahang Katoliko sa pag-usbong pagkakatatag ng Holy Roman
ng Europe sa Panahong Empire sa pag-usbong ng Europe sa
Medieval? Panahong Medieval?
1. 2.

2
Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang Simbahang Katoliko. Na

GAWAIN 11: Magbasa at Matuto

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada sa Europe.

ANG KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal
na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na
sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng
mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang
Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay
mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok
niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya
ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga
pagkautang; at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop.

Unang Krusada

Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3 000 kabalyero at 12 000 na


mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa nobility.
Matagumpay na nabawi ng pangkat na ito ang Jerusalem noong 1099 at
nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay
nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at
Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay
din sila ng mga Muslim.

2
Ikalawang Krusada

Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring


Luis VII ng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na
naranasan ang pangkat na ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay
nila ay ang pagsakop ng Damascus.
Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si
Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang
pinuno ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan nagkasundo silang itigil ang
labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang
nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.

Krusada ng mga Bata

Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay


na naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga
bata ang sumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit,
nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

Ikaapat na Krusada

Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang


iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na
Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay
idineklarang excomunicado. Nagpatuloy sa pangdarambong ang mga
krusador hanggang sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling
pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang
Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay
napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.

Iba pang Krusada

Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng
mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga
krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa
loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa
kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

2
Mapa 3.1 Ruta ng ilan
sa mga Krusada

Resulta ng Krusada*

Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng


kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad
ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman
din.

Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga


* Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na
sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging
nangangahulugang “cross.” Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo
dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong
ng Krus sa kanilang kasuotan.
makapaglakbay at mangalakal.

Halaw sa: Araling Panlipunan, Ease Module 8, Ang Simbahang Katoliko:


Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Kasaysayan ng


Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 145-
147.

2
GAWAIN 12: History Frame

Matapos mabasa ang teksto, bumuo ng history frame tungkol sa paksang


napatakda sa pangkat.

Unang Pangkat; Pangyayari at Mga Tauhan


Ikalawang Pangkat: Suliranin o Layunin
Ikatlong Pangkat: Konteksto (Saan at Kailan)
Ikaapat na Pangkat: Mahahalagang Pangyayari
Ikalimang Pangkat: Kinalabasan/ Resulta
History Frame:

Pangyayari: Mga Pangunahing Tauhan:

Suliranin/ Layunin ng Pangyayari: Konteksto:

Kinahinatnan/ Resulta:

Mahahalagang Pangyayari:

Aral na Natutunan:

Pagkatapos ng talakayan sa pangkat, ibahagi ang inyong output sa klase.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?
2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap na
krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.
3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong
pang- araw-araw na buhay? Ipaliwanag.

2
GAWAIN 13: Lesson Closure

Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan


ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang Krusada ay isang na inilunsad ng


mga taga Europe sa panawagan ni . Layunin nito na

. Sa kasaysayan,
maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang

.
Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na Krusada dahil

2
GAWAIN 14: Sa Madaling Salita

Mula sa naging talakayan tungkol sa paksa, sagutin ang tanong sa ikatlong kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag- usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang


ang paglakas ng pagkakatatag ng Holy paglulunsad ng mga
Simbahang Katoliko Roman Empire sa pag- Krusada sa pag-us-
sa pag-usbong ng usbong ng Europe sa bong ng Europe sa
Europe sa Panahong Panahong Medieval? Panahong Medieval?
Medieval?

Tatalakayin naman sa bahaging ito ang tungkol sa Piyudalismo, Manoryalismo, at ang Pag-u

2
GAWAIN 15: Comic-Suri

Suriin ang comic strip at sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Ako
Akoang
angHARI,
HARI,pagmamay-ari ko ang lahat ng lupain. Subalit
pagmamay-ari ko
ang lahat ng lupain.
Subalit ibinigay ko
ang iba sa mga
BARON.

agsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa aking lupain sa aking mga
Ako ang BARON, dapat
akong maging TAPAT sa HARI
dahil ibinigay niya sa akin ang
ilan sa kaniyang lupain. Dapat
maging handa akong ipaglaban
siya at magsanay ng mga KNIGHT.
Ibinigay ko ang ilan
sa aking lupain sa aking
mga
KNIGHT.
Ako ang VILLEIN,
ibinigay ng KNIGHT sa akin ang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtanim

Ako ang VILLEIN,


ibinigay ng KNIGHT sa akin ang ilan sa
kaniyang lupain upang
mapagtaniman at paunlarin.
Tungkulin kong magbayad ng buwis at

Ano-anong mga uring panlipunan ang makikita sa comic strip?

Ano ang salitang nababanggit sa lahat ng bahagi ng comic strip? Ano


ang ipinapahiwatig nito?

2
Sa iyong palagay, anong sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng comic
strip? Ipaliwanag.

GAWAIN 16: Magbasa at Matuto

Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong sa kahon
kaugnay ng tekstong binasa.

Ang Piyudalismo
Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo
ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang
pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain,
ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong
bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong
may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang
lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring
lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring
dugong bughaw.
Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang
kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay
magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal,
isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang
vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa
vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay
oath of fealty.
Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa,
gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin
ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa
mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na
katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin
ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na
magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung
mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap
ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa
gastusin ng seremonya ng pagiging knight

2
ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa
kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan


nina Mateo et al. pahina 192-193

Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?

Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal?

Ang Pagtatag ng Piyudalismo


Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng
Ba- nal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum.
Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang
mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa
pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon
ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.
Sinalakay nila ang iba-ibang panig ng Europe lalo na sa bandang France. Ang
mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa
bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing
napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa
mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon
ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9, Sistemang Pyudal sa
Gitnang Panahon sa Europa

2
Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapaloo
Banal at isang propesyon na pinagpala ng Simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang

Ano ang kinahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong


binasa?

Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et al.,
p. 192-195 at Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong
Taon nina Vivar et al., p. 148-150.

Lipunan sa Panahong Piyudalismo


Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalis-
mo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf).
Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng
lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila
maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng
maharlika, mang- gagawa at mga alipin.
Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay
ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang

2
loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang
mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi,
ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong
lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang
uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring
magpamana ng kanilang lupain.
Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili
silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga
serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng
hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang
panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa
susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag-
aasawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng
kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari ng
panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang
panginoon.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon


nina Vivar et al. , p. 148-149

Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo? Ilarawan


ang bawat isa.

2
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng uring lipunan sa Sistemang
Piyudalismo?
2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo? Pangatuwiranan

GAWAIN 17: Alam Ko Na

Upang mataya at mapagtibay ang iyong kaalaman mula sa binasang teksto,


sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang Piyudalismo?

.
2. Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo?

.
3. Ano ang kahalagahan ng lupa sa Sistemang Piyudalismo?

GAWAIN 18: Magbasa at Matuto

Sa bahaging ito ng Modyul, pag-aaralan mo naman ang Manoryalismo.


Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paksa.

Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor


Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na
nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay
sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung
saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa
pagsasaka sa

2
manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita
ng pagsasaka sa manor na kaniyang magiging kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari
ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay
palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito.
Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para
sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa
manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng
panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan
ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit
nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.

Halaw mula sa: Araling Panlipunan, EASE Module 9, Sistemang Piyudal


sa Gitnang Panahon sa Europa; at Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling
Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo, et al., p. 195

* Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi


ng lupain na umaabot ng ¹⁄3 hanggang ½ ng kabuuang lupang sakahan
ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang
nagmamay-ari ng lupa.

2
GAWAIN 19: Photo-suri

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon.

Ano ang ipinapahiwatig ng kastilyo sa gitn


manor? Ipaliwanag.

Ano ang pangunahing ikinabubuhay sa


manor?

Ano ang kahalagahan ng mga magbubu


manor?

Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9,


Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa

? Pamprosesong mga Tanong


1. Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga magbubukid?
2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan.
3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo?
Ipaliwanag.

2
GAWAIN 20: Magbasa at Matuto

Kasama ng iyong pangkat, basahin at suriin ang sumusunod na teksto.

Paglago ng mga Bayan


Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga
bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga
bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito,
tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga
tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang
mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang
nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan.

Paggamit ng Salapi

Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay


palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng serf
ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na
pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na
pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit
sa palasyo o simbahan.
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng
panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito
nagkatagpo- tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang
panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang
salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money
changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba-ibang barya. Sa
pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng
malalaking halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay
ipinauutang din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa isang
lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang
kolektahin sa ibang lungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng
salapi.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa
hilagang Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao
buhat sa iba-ibang lugar.

2
Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?
Unang Talata

Ikalawang Talata

Ikatlong Talata

Ikaapat na Talata

Ikalimang Talata

Ang Paglitaw ng Burgis

Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan,


isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis
(men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng pangkat na ito ay nasa
kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante
at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na
unibersidad. Ang mga bourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang
pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman
lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at
nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila
sa mga dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa
lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan.

Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?


Unang Talata

Ikalawang Talata

2
Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo
ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag na burgher. Sa France, ang
mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie.
Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyonal na paghahati ng lipunan batay
sa kanilang ginagawa. Hindi sila lord na may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin
sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga
naninirahan sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal.
Habang dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang
kanilang pamumuhay. Ang mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng
bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o middle class.
Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman
at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na
mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon, nina
Mateo et al., p. 202-203

Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?


Unang Talata

Ikalawang Talata

Ikatlong Talata

Ang Guild System

Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild ay


sama- han ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.

Ang Merchant Guild

Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo


sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalye ng
kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng
kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong
mangangalakal sa pagne- negosyo sa kanilang bayan.

2
Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o
guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant
guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal
para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat
na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga
pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang
mga lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito.

Ang Craft Guild

Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild.
Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga
karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling
guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa
ng produkto na ginagawa ng nasabing guild.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon


nina Mateo et al., p. 204-205

Bigyang kahulugan ang sumusunod na konsepto:


Ang Merchant Guild

Ang Craft Guild

2
GAWAIN 21: Dahilan-Epekto

Batay sa mga binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong sagot.

Dahilan Pangyayari Epekto

Pag-unlad ng kalakalan

Paglitaw ng mga
Bourgeoisie

Ang paggamit ng salapi

Pagkakaroon ng sistemang
Guild

? Pamprosesong mga Tanong


1. Batay sa mga teksto, ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pag-
usbong ng mga bayan at lungsod?
2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mga burgis sa
lipunan? Ipaliwanag.
3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring
nabasa mo sa mga teksto? Ipaliwanag.

2
GAWAIN 22: Sa Madaling Salita

Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikaapat na kahon.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag- usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang
paglakas ng pagkakatatag ng Holy paglulunsad ng mga pag-usbong ng mga
Simbahang Katoliko sa Roman Empire sa Krusada sa pag-usbong bayan at lungsod sa
pag-usbong ng Europe pag- usbong ng ng Europe sa Panahong pag- usbong ng Europe
sa Panahong Medieval? Europe sa Panahong Medieval? sa Panahong Medieval?
Medieval?

GAWAIN 23: A-R Guide(Anticipation-Reaction Guide)

Sagutin ang pangatlong kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang


sumasang- ayon o SA kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at hindi
sumasang-ayon o HSA kung ikaw naman ay hindi sumasang-ayon sa pahayag.

2
Bago ang PAHAYAG Matapos ang
Talakayan Talakayan
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga
barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon
at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
2. Si Charlemagne o Charles the Great ang
itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng
Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang
Holy Roman Empire na sinasabing muling
bumuhay sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro, naging
kanlungan ng mga
tao ang Simbahan. Naging mahalaga ang
papel ng papacy o ang tungkulin, panahon
ng panunungkulan at kapangyrihang
panrelihiyon
ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga
Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo sa iba pang panig ng
daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag noong Panahong Medieval.
Itinuturing itong sistemang politikal, sosyo-
ekonomiko
at militar na sagot sa pangangailangan sa
tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng Piyudalismo
ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang
sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga
hari sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-
unlad ng mga bayan. Ang paglago ng
bayan ay
nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang
paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa
paglago ng mga bayan.
8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan
dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang
antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang
tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil
sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
2
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan
sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong
sa pagkakabuo ng pandaigdigang
kamalayan sa kasalukuyang panahon.

? Pamprosesong mga Tanong


1. Magkatulad ba ang iyong kasagutan sa una at ikatlong kolum?
2. Paano mo ilalarawan ang iyong kaalaman sa paksa batay sa gawain?
Ipaliwanag.

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 3

Pagkatapos tuparin ang mga inihandang gawain sa bahaging Paunlarin ng aralin, tiyak na sa

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa paksang pinag-aralan. I

2
GAWAIN 24: Bumuo at Matuto

Batay sa mga naganap sa talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda, ano-


ano ang kontribusyon ng sumusunod na pangyayari sa pag-usbong ng Europe
sa Panahong Medieval?
Sumali sa pangkat at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga
nabanggit na pangyayari na nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval. Bawat pangkat ay gagawa ng powerpoint presentation at ilalahad
ito sa klase.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Ang Paglakas ng Simbahang Ang Holy Roman


Katoliko BilangEmpire Ang Paglunsad ng
Angmga Krusada
Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon
Isang Institusyon sa Gitnang Panahon

Kontribusyon Kontribusyon Kontribusyon Kontribusyon

Patunay Patunay Patunay Patunay

2
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong
Panahong Medieval sa kasalukuyan?
2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang
pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag

GAWAIN 25: Makasaysayang Paglalakbay

Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay sa iyong mga


naunawaan sa mga nakaraang aralin.

Ano ang kontribusyon ng iba-ibang panahon na tinalakay sa modyul


na itongsaPandaigdigang
Pag-unlad pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan?
Kamalayan

Kabihasnang Klasikal Kabihasnang Mga Mahahalgang


sa Europe Klasikal sa Pangyayari sa
America, Africa, at Panahong Medieval
mga pulo sa
Pacific

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain.

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga


pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval. Tiyak na handa ka na para sa susunod na gawain.

2
ILIPAT AT ISABUHAY

Natitiyak kong lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa mga


GAWAIN 25: Video-Kasaysayan
pangyayari sa daigdig sa mga Klasikal at Transisyonal na Panahon. Sa
bahaging ito ng Modyul, ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa
Bumuo ng isang pangkat na may tatlo hangang apat na miyembro.Sundin ang
kasalukuyan. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong
GRASPS chart sa pagbuo ng isang video tungkol sa pagmamalaki
pinag-aralan sa iyong buhay bilang isang indibidwal at bilang isang
at pagpapahalaga sa isang
bahagi ng daigdig pamanang
na iyong Klasikal Isagawa
ginagalawan? at Tansisyonal na panahon
ang sumusunod na
gawain.
Goal Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng
pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang
Klasikal at Transisyunal na Panahon

Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawa ng video:


a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng
Klasikal at Transisyonal na Panahon
b. Pangangatuwiran ng pangangalaga sa nasabing
pamana
c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon

Role Miyembro ng isang organisasyong pang-mag-aaral na


may adbokasiyang ipaalam sa mga kapuwa mag-aaral
ang kahalagahan ng mga pamanang Klasikal at
Transisyonal na Panahon

Audience Mga kapuwa mag-aaral

Situation Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa


mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.

Product/Performance Video

Standards Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa


sumusunod na pamantayan

2
PAMANTAYAN 4 3 2 1
NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA
Pagsusuri sa Komprehensibo at Naipakita ang mahusay Hindi gaanong naipakita Hindi naipakita ang
Pag-unlad ng mahusay ang pagsusuri na pagsusuri sa pag- ang mahusay na mahusay na pagsusuri
Pandaigdigang sa pag-unlad ng unlad ng Pandaigdigang pagsusuri sa pag-unlad ng sa pag-unlad ng
Kamalayan Pandaigdigang Kamalayan Kamalayan sa Pandaigdigang Kamalayan Pandaigdigang Kamalayan
sa pamamagitan ng pag- pamamagitan ng sa pamamagitan ng pag- sa pamamagitan ng pag-
uugnay-ugnay ng mga salik paguugnay-ugnay ng uugnay-ugnay ng mga salik uugnay-ugnay ng mga salik
at epekto ng iba’t ibang mga salik at epekto ng at epekto ng iba’t ibang at epekto ng iba’t ibang
pangyayari. iba’t ibang pangyayari. pangyayari. pangyayari.

Pinaghalawan Ibinatay sa iba-ibang Ibinatay sa iba-ibang Ibinatay lamang ang Walang batayang
ng Datos saligan ang mga kaalaman saligan ang mga saligan ng impormasyon pinagkunan. Ang mga
tulad ng mga aklat, pahay- impormasyon ngunit sa batayang aklat. impormasyon ay ga-
agan, video clips, interview, limitado lamang. wa-gawa lamang.
radio at iba pa.
2

Kaalaman sa Higit na nauunawaan Naunawaan ang paksa. Hindi gaanong naunawaan Hindi naunawaan
Paksa ang mga paksa. Ang Ang mga pangunahing ang paksa. Hindi lahat ng ang paksa. Ang mga
mga panguhaning kaalaman ay nailahad pangunahing kaalaman ay pangunahing kaalaman ay
kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang nailahad. May mga maling hindi nailahad at natalakay.
at naibigay ang ka- ilan. May impormasyon impormasyon at hindi Walang kaugnayan
halagahan. Wasto at na hindi maliwanag ang naiugnay ang mga ito sa ang mga pangunahing
magkaka-ugnay ang pagkakalahad. kabuuang paksa. impormasyon sa kabuuang
mga impormasyon sa gawain.
kabuuan.
Organisasyon Organisado ang mga Organisado ang mga paksa Walang interaksyon at Hindi organisado ang
impormasyon. Ang sa kabuuan at may ugnayan sa mga kasapi. paksa. Malinaw na
presentasyon ng gawain ay maayos na presentasyon Walang malinaw na walang preparasyon
malinaw na naipapahayag ngunit presentasyon ng mga ang paksa.
at natatalakay gamit ang di masyado nagamit nang paksa. May owerpoint
makabuluhang powerpoint maayos ang powerpoint presentation. ngunit
presentation. presentation. hindi nagamit at nagsilbi
lamang na palamuti sa
pisara
Pagkamalikhain Malikhain ang nagawang Malikhain ang nabuong Hindi gaanong malikhain Hindi malikhain ang
video. Bukod sa props at video. Gumamit ng mga ang video. Gumamit ng ipinakitang video.
costume ay gumamit ng props at costume ang mga mga props at costume Kulang sa mga props at
iba’t ibang teknolohiya nagsipagganap. subalit hindi gaanong costume upang maging
tulad ng sound angkop sa kanilang ginawa. makatotohanan ang
effects, digital at visual senaryo.
effects upang maging
makatotohanan ang
2

senaryo.

Transisyon sa susunod na Modyul

Binigyang-tuon sa Modyul na ito ang pagtalakay sa mga


pangyayari sa daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon.
Nakasentro ang pagtalakay sa mga kontribusyon ng bawat
kabihasnan at pangyayari sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.
Mahalagang ikintal sa isip ang mga bagay na iyong natutuhan
dahil makatutulong ito sa lalo mo pang pag-unawa sa kasaysayan ng
mundo. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang
susunod na pangyayari sa kasaysayan patungo sa kasalukuyang
panahon.
TALASALITAAN

Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado


ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece
Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring
magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece
Barter- pakikipagpalitan ng produkto
Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi
nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian
Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay
Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal
Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas,
isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece
Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa
nilang tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain
Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin sa
kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng Estado ng Vatican
Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo
laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito
Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo
ng singsing at tauhan para sa kaniyang opisina
Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong
nakatira sa kastilyo
Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng “gitna,” ang
Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America
Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava
na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng
kutsilyo
Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America; nangangahulugan
ang salitang Olmec na rubber people dahil sila ang kauna-unahang gumamit
ng dagta ng mga puno ng rubber o goma
Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa
sinaunang Athens
Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16
na hanay ng mga mandirigma

2
Piyudalismo- isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase
sa pagmamay-ari ng lupa.
Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilisasyong nabuo
sa Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.
Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa
ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Tyrant- sa sinaunang kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan
Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord
Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng
tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa.

SANGGUNIAN

A. Aklat
Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan
Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St.
St. Manila Philippines. 1999.
Banks, James A. et al. World History. Adventures in Time and Place. Macmillan/
McGraw-Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997.
pp. 192-218, 422-448.
Beck, Roger B. et al. A Modern History of the World. World History Patterns
of Interaction. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204.
1999
. 108-132, 138-166, 388-407
Boehm, Richard G. Our World’s Story. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea
Harbor Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336-338.
Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. pp.
Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human
Experience. Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio
43081. 1999. pp.
Mercado, Michael M. Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette
Publish- ing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112
Quezon City. 2009. pp.

2
McCannon John. AP World History. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless
Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69.
Millard, Anne. The Usborne Book of World History. Usborne Publishing Ltd. 20
Garrick Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91, 138-140.
Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston, Mas-
sahusetts USA. 1989. pp.

B. Module

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 4: Ang Pagsibol ng Sibilisasyong


Griyego
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 5: Ang Pagsibol ng Imperyong
Roman
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Africa
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa
Amerika at Pacifico
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 9: Ang Sistemang Piyudalismo

C. Websites

Colloseum
http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view/coliseum.jpg/92540006/
coliseum.jpg

Gregory I
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zur-
bar%C3%A1n_040.jpg

Gregory VII
h t t p : / / h i s t 2 6 1 5 . w i k i s p a c e s . c o m / f i l e / v i e w / G r e g o r y _ V I I - 1.jp -
g/251843136/174x220
Leo the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg

Lokasyon ng Digmaang Peloponnesian


http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian

Map of Pacific Islands


http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

2
Mapa ng Minoan at Mycenean
http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

Mapa ng Mycenean Greece


http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
Migrasyon ng mga Austronesian
http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples

Mauseleum in Timbuktu
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg

Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia


http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif

Paglalarawan kay Alexander the Great


http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BC-mo-
saic-detail1.jpg

Parthenon
https://encrypted- tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcReawl5Xp8agCB-
TODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64yykmPzc7kg

Pisistratus
http://en.wikipedia.org/wiki/Cleisthenes

Pyramid of Kukulkan
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg

Punic Wars
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/79/First_Punic_War_264_
BC.png

Romulus and Remus


http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6a/She-wolf_suckles_Ro-
mulus_and_Remus.jpg

Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara


http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.jpg/112619921/
timbuktu.jpg

Solon
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Solon2.jpg

You might also like