You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN – GRADE 8

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikatlo Linggo: Ikalawa at Ikatlo SSLM No. 2


MELC(s): *Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo
___________________________________________________________________
Layunin: 1. Naiisa - isa ang mga motibo at mga salik ng unang yugto
ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin
2. Naitatala ang mga pangyayari at kahalagahan ng mga paglalayag at
pagtuklas ng mga lupain
3. Napahahalagahan ang masama at mabuting epekto ng unang yugto
ng kolonyalismo

 Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Kasaysayan ng Daigdig


 Kabanata: 3 Pahina: 301 – 313 Paksa: Unang Yugto ng
Kolonyalismo at
Imperyalismong Kanluranin

Tuklasin Natin

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMONG KANLURANIN

KOLONYALISMO - Ang eksplorasyon na nagbigay-daan sa pagsakop ng isang


makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
IMPERYALISMO - Ito ay ang panghihimasok, pang impluwensya, o pagkontrol ng
isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maari itong tuwiran o di-
tuwirang pananakop. Tuwirang pagkontrol – pagkontrol ng malakas na bansa sa
pamahalaan, aspektong pang-ekonomiya panlipunan, pangkultura maging ang
paniniwala ng mga mahihinang bansa. Di-tuwirang pagkontrol – mga katutubo ang
nangangasiwa sa pamamahala ngunit nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng
dayuhan maging ang aspetong pangkabuhayan.

MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON


1. Paghahanap ng kayamanan (Gold);
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God);
3. Paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory).

1 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


PORTUGAL AT SPAIN. Ang dalawang bansa sa Europa ang nagpasimula ng
paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. Ang Asya ay isang kaakit - akit na
lugar para sa mga Europeo. Sa aklat na sinulat ni Marco Polo na “The Travels of
Marco Polo” ay ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng
China sa Asya. Dahil sa monopolyo sa kalakalan ng mga spices ng mga Muslim at
Taga Venice, Italy, naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktang
magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na ginagamit ng mga Europeo
bilang pampalasa ng kanilang mga pagkain at unang pampreserba ng mga karne.
Ginagamit din nila ito para sa kanilang mg pabango, kosmetiks at medisina.

MGA PANGYAYARI SA UNANG YUGTO NG EKSPLORASYON


 Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad na naging daan sa
pagkatuklas ni Bartolomeu Dias ng Cape of Good Hope na pinakatimog na
bahagi ng Africa.
 Hinangad ng Espanya ang kayamanan mula sa Silangan ngunit narating ni
Christopher Columbus ang isla ng Bahamas na inakala niyang India dahil sa
kulay ng mga taong naninirahan dito na tinawag niyang Indians. Si Amerigo
Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng “Bagong
Mundo” na kalaunan ay tinawag na America na isinunod sa pangalan niya.
 Dahil sa lumalalang paligsahan sa pagitan ng Portugal at Spain, nagkaroon
ng paghahati ng mundo (line of demarcation) na ginuhit ni Pope Alexander VI
na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.
 Naglakbay si Ferdinand Magellan, isang Portuges na pinondohan ng Spain.
Ito ang naging – daan sa pagkakatuklas niya sa Pilipinas. Hindi na nakabalik
sa Spain si Magellan dahil napatay siya ng tauhan ni Lapulapu ngunit ang
paglalakbay niya ang unang circumnavigation o pag – ikot sa mundo.
 Inagaw ng mga Dutch ang Moluccas mula sa Portugal, nagkaroon din sila ng
kolonya sa North America.

KAHALAGAHAN NG MGA PAGLALAYAG AT PAGTUKLAS NG MGA LUPAIN


 Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at
paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo.
 Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic
mula Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands, at England.
 Higit na dumagsa ang mga kalakalan katulad ng spices na nagmula sa Asya,
kape, ginto at pilak na nagmula sa North America, asukal at molasses na
galing sa South America at indigo na galing sa Kanlurang Indies. Ito ang mga
produktong nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na
galing sa Mexico, Peru at Chile.
 Nagsimulang magtatag ng sistemang pagbabangko.
 Ang salaping papel ay ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salaping ito
ang nagbigay daan sa pagtatag ng kapitalismo (isang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o
interes).

2 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON

 Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuges ay


nagbigay daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan na nagpalakas din sa
ugnayang silangan at kanluran.
 Nakapukaw ito sa interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohya sa
heograpiya at paglalayag.
 Sumigla ang paglaganap ng sibilisayong Kanluranin sa silangan.
 Nagdulot ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng
pagkawala ng kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.
 Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sapagitan ng Old
World at New World.

Subukin Natin

Gawain 1: GRAPHIC ORGANIZER


Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga motibo at salik ng unang yugto
ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.

MOTIBO
AT SALIK NG
EKSPLORASYON

3 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Isagawa Natin

Gawain 2: TALAHANAYAN
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga pangyayari at kahalagahan ng mga
paglalayag at pagtuklas ng mga lupain.

MGA PANGYAYARI SA UNANG KAHALAGAHAN NG MGA


YUGTO NG EKSPLORASYON PAGLALAYAG AT PAGTUKLAS NG
MGA LUPAIN

Ilapat Natin

Gawain 3: TALA-HALAGA

Panuto: Itala ang mga mabubuti at masasamang epekto ng paglalayag at pagtuklas sa


unang yugto ng kolonisasyon.

MASAMA MABUTI

EPEKTO NG
KOLONISASYON

4 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Sanggunian

Aklat:
Soriano,et.al..., (2017). Kayamanan (Kasaysayan Ng Daigdig
Blando, et.al..., (2014). Kasaysayan Ng Daigdig: Modyul Ng Mag-Aaral
Soriano,et.al..., (1999). Pana-Panahon III (Kasaysayan Ng Mundo). 1st ed.
Cruz, et.al..., (2015). Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed.

LRMDS, DepEd Philippines


SSLM Development Team
Writer: Marilyn B. Plantinos
Content Editor: John Mark M. Javier
LR Evaluator: John Mark M. Javier/April G. Formentera
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lito S. Adanza, Ph. D.
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

5 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Susi sa Pagwawasto

Maglagay ng susi sa pagwawasto para sa mga guro (hiwalay na pahina; naglalaman


ng sagot para sa lahat ng SSLM sa buong kwarter).

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14,


2021

You might also like