You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BONGA MENOR ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Bonga Menor Bustos Bulacan

LEARNING ACTIVITY SHEET in ARALING PANLIPUNAN

Name: ________________________________ Date: _________


Grade Level: ________________ Section: ______
Quarter: ____________________

Title: Mga Dahilan ng Kolonyalismong Espanyol

MELC with code: AP5PKE-IIa-1

Background Information for Learners:

Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang


malakas na bansa sa iba pang mahihinang bansa.
Kolonya naman ang tawag sa mga teritoryo at mamamayan na
napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang mananakop.
Ang Krusada ay isang ekspidisyong military na inilunsad ng Kristyanong
Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa mga
kamay nito.
Mga Kwento ni Marco Polo Isang manlalayag o manlalakbay na taga-
Venice, Italya na unang nakarating sa China.
Mahalaga sa mga taga -Europa ang mga rekado o mga sangkap na
nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, sili, bawang at oregano.
Sa pagpalipas ng panahon, lumaki ang kanilang pangangailangan sa mga
pampalasa ng pagkain, mga sangkap sa pag-iimbak ng pagkain at sangkap sa
panggagamot.
Ang panggagalugad ng mga produkto ay isang pamamaraan na naisip
ng mga Espanyol upang palawakin ang kanilang kolonya.
Isang sistemang pangkabuhayan na lumaganap sa Europa noong ika-16
hanggang ika-18 siglo kung saan ang batayan ng kaunlaran at kapangyarihan
ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak na pag-aari nito. Sa
pamamagitan ng patakarang merkantilismo ay nagkaroon ng kolonya ang
Espanya kung saan ang lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay nasusukat
sa dami ng nalikom na kayamanan sa anyo ng mamahaling metal tulad ng
ginto at pilak.
Ang Kasunduang Tordesillas ay paghati ng daigdig sa Portugal at
Espanya. Ang Silangan ay para sa Portugal at ang Kanluran ay para sa
Espanya.
Tatlong Layunin ng Espanya sa Pananakop sa Pilipinas (3G’s) 1. God
(Kristyanismo)- bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang
pagpapalaganap ng KATOLISISMO. 2. Gold (Kayamanan)- itinuturing na
kayamanan ang mga lupaing nasakop sapagkat napakikinabangan nila ang
yamang tao at kalikasan nito. 3. Glory (Karangalan)- itinuturing na karangalan
ng mga mananakop na bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop
na lupain.
Pre-test:

Gawain 1: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay


wasto at salitang MALI kung hindi wasto.
_______1. Si Ferdinand Magellan ay isang Espanyol.
_______2. Walang nakabalik sa mga dalang barko ni Magellan.
_______3. Limang barko ang nagdala sa pangkat ni Magellan sa paglalayag.
_______4. Maraming ekspedisyon pa ang sumunod patungong silangan
pagkatapos ng ekspedisyon ni Magellan.
_______5. Naging madali para kay Magellan na hikayatin sa lahat ng mga
pinunong pinuntahan na kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya.

Post-test:
Gawain 2: Isulat ang tsek (✔) kung ang pahayag ay nagsasabi ng dahilan ng
Espanya sa pagsakop sa Pilipinas at ekis (✖) kung hindi.
____1. Makapaglakbay ang mga Espanyol.
____2. Makakuha ng mga pampalasa sa pagkain.
____3. Para maging pinakamakapangyarihan sa buong mundo.
____4. Sila ay makatulong sa mahihirap.
____5. Ang Espanya ang manguna bilang isang bansa sa Europa.
____6. Humanap ng bagong ruta ng kalakalan ang Espanya.
____7. Bigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubong Pilipino.
____8. Gamutin ang mga may sakit.
____9. Makatuklas ng mga kayamanan ang mga espanyol.
____10. Para maipalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas.

References: AP Module 1 pp. 1-28


Answer Key:
Pre- Test:
1. Mali
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali
Post Test
1. X
2. /
3. /
4. X
5. /
6. /
7. X
8. X
9. /
10. /
Prepared by:

ELENITA DV. GARCIA


Teacher III

Noted:

Dulce Vilma R. Galang


School Principal I

You might also like