You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BONGA MENOR ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Bonga Menor Bustos Bulacan

LEARNING ACTIVITY SHEET in ARALING PANLIPUNAN

Name: ________________________________ Date: _________


Grade Level: ________________ Section: ______
Quarter: ____________________

Title: Patakarang Pampolitikal: Pamahalaang Kolonyal

MELC with code:

Background Information for Learners:

Ang Palacio de Malacañan o Malacañan Palace ang naging opisyal na


tirahan ng gobernador-heneral noong unang panahon. Ito ang naging simbolo
ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas na patuloy paring ginagamit sa
kasalukuyan. Sa katunayan, ito ang tirahan ng pangulo ng Pilipinas.
Pinangunahan ni Miguel Lopez de Legazpi ang pananakop sa kapuluan
ng Pilipinas. Noong 1524, pinangunahan ng hari ng Espanya ang Real y
Supremo Consejo de Indias o Royal and Supreme Council of the Indies ang
konseho na nagbibigay ng mungkahi sa hari tungkol sa pangangasiwa ng mga
kolonya sa Espanya. Ito ay may lehislatibo, ehekutibo, at hudisyal na
gampanin sa Amerika at Asya. Itinalaga ng Viceroy o hari ng Espanya ang
gobernador-heneral upang pangasiwaan ang pamahalaang sentral ng Pilipinas
dahil sa kalayuan nito.
Ang mga batas na ipinatupad sa Pilipinas bilang kolonya ng Espanya ay
naaayon sa Recopilacion de las Leyes de los Reynos de las Indias o Compilation
of the Laws of the Kingdoms of the Indies. Ito ay may mga batas pampolitika,
pangekonomiya, at panlipunang aspeto ng pamumuhay ng mga nasasakupang
ng Espanya.
Ang Maynila ang pamahalaang sentral ng bansa noong panahon ng
Espanyol sa Pilipinas na pinangungunahan ng gobernador-heneral.
Ang Gobernador-Heneral ay ang kinatawan ng hari ng Espanya. Siya ang
pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral. Karaniwan, isang opisyal ng
militar ang inaatasan sa posisyong dahil sa kakayahang mamahala at
manguna sa pamahalaan. Ito ay nagtatataglay ng kapangyarihang
panghukuman at panrelihiyon at may hawak ng tatlong gampanin:
gobernador-heneral, pangulo ng Royal Audencia, at vice-real patron. Siya din
ay may kapangyarihan na magtalaga o magsuspinde ng mga opisyal. Naging
opisyal na tirahan din niya ang Palacio del Gobernador sa Intramuros at
Palacio de Malacanan. Si Miguel Lopez de Legazpi ang kauna-unahang
gobenador-heneral sa Pilipinas. Pinagkaloob ito sakanya dahil sa matagumpay
na pananakop sa Pilipinas. Ang Royal Audencia ang kataas-taasang hukuman
sa Pilipinas. Ito ang nagsilbing royal court of justice ng Espanya sa itinatag ng
Royal Decree ni Haring Felipe II. Ang layunin nito ay ang tulungan ang
gobernador-heneral sa pamamahala at pangangalaga ng mga mamamayan
laban sa mapang-abusong Espanyol.

Pre-test:

Gawain 1: Hanapin sa loob ng kahon ang inilalarawan sa bawat bilang.

Alcaldia Royal Y Supremo Consejo Lungsod


Encomendero Cabeza De Barangay Royal Audiencia
Corregidor Gobernadorcillo Gobernador-Heneral
Lalawigan

________ 1. Tawag sa nagbibigay ng mungkahi sa hari tungkol sa


pangangasiwa ng mga kolonya ng Espanya.
________ 2. Nagsisilbing tagapagsangguni ng gobernador-heneral sa
pagpapatupad ng batas de Indias na napagkasunduan.
________ 3. Namumuno sa lalawigan.
________ 4. Nangangalaga ng kaligtasan ng kaniyang nasasakupan.
________ 5. Ang opisyal na military na tumutugis sa mga taong
kumakalaban sa pamahalaan.
________ 6. Kinatawan ng hari ng Espanya at ang pinakamataas na
pinuno ng pamahalaang Sentral.
________ 7. Mga pueblo na binubuo ng malaking populasyon at ito rin ay
makapangyarihan.
________ 8. Nahahati sa maliliit na yunit politikal na tinatawag na mga
bayan.
________ 9. Mga katutubong datu na itinalaga upang mamahala
ng mga tribute o buwis sa mga barangay.
________ 10. Namumuno sa mga bayan.

Post-test:
Isulat ang titik ng tamang sagot. Piliin ito sa ibaba.

a. Alcaldia b. Viceroy c. Maynila d. Ehekutibo


e. Hudisyal f. Pamahalaang Lokal g. Royal Audencia
h. Miguel Lopez de Legazpi i. Malacañan Palace
j. Gobernador-Heneral

_____1. Tirahan ng pangulo ng Pilipinas.


_____2. Ang nanguna sa pananakop sa kapuluan ng Pilipinas.
_____3. Tawag sa hari ng Espanya.
_____4. Pamahalaang sentral ng bansa noong panahon ng mga Espanyol.
_____5. Hawak ng gobernador-heneral na siyang nagpapatupad ng batas mula
Espanya.
_____6. May kapangyarihan bilang pinakamataas na hukuman sa kolonyal.
_____7. Pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral at kinatawan ng hari
ng Espanya.
_____8. Tawag sa kataas-taasang hukuman sa Pilipinas.
_____9. Nahahati sa panlalawigan, panlungsod, pambayan, at pambarangay.
_____10. Tawag sa lalawigan na pinamumunuan ng alcalde mayor.

References: AP Module 8 pp. 1-27

Answer Key:

Pre- Test:
1. Royal Audiencia
2. Corregidor
3. Gobernadorcillo
4. Alcaldia
5. Encomendero
6. Cabeza de barangay
7. Royal y supremo consejo
8. Gobernador heneral
9. Lalawigan
10.Lungsod
Post Test
1. i
2. h
3. b
4. c
5. d
6. e
7. j
8. g
9. f
10.a

Prepared by:

ELENITA DV. GARCIA


Teacher III

Noted:

Dulce Vilma R. Galang


School Principal I

You might also like