You are on page 1of 10

5

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan
Unang Linggo

MGA PILYEGO NG GAWAING PAMPAGKATUTO


(Learning Activity Sheets – LAS)

KONTEKSTO AT DAHILAN NG PANANAKOP NG BANSA


Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo

May-akda:

Pag-aari ng Pamahalaan
GERLYN M. SARNO
Dumoyog Primary School HINDI IPINAGBIBILI
Distrito ng Numancia West
IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo

Pangalan : ____________________________________________ Baitang : __________


Seksiyon : ____________________________________________ Petsa : ___________

KONTEKSTO AT DAHILAN NG PANANAKOP NG BANSA


Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo

Aralin 1 Code: AP5KE-IIa-1

Panimula
Minsan mo bang naitanong sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga
ninuno noon? May pagkakatulad ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa
kasalukuyang panahon, nararanasan mo din bang naitanong kung ikaw ay karapat dapat sa
mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo na ang kalayaan o kasarinlan?
Noon pa man ay sinasabing may sariling kultura at paniniwala ang mga sinaunang
Pilipino kung saan itinatakay na sa nakaraang aralin. Ngunit maraming pangyayari na
naganap sa kasaysayan ng Pilipinas na nagpatibay at nagpapatatag sa ating bansa sa
kasalukuyan.
Bilang isang mag-aaral, nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling
bansa. Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa
kasaysayan ng Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa
pangunguna ng bansang Espanya.

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Matatalakay ang kahulugan at layunin ng kolonyalismo at ang konteksto nito
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Pag-aralan (Susing Konsepto)


PANAHON NG PANUNUKLAS AT KOLONISASYON
Noong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Ibig nilang madagdagan ang kanilang kayamanan
at kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop sa ibang lugar. Layunin din nila ang
makakuha ng mga panrekado at ipalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga bagong tuklas at
mahahalagang kaalaman at kagamitang pangheograpiya, tulad ng mapa,kompas at iba’t ibang
mga kagamitan sa paglalakbay ,ay nakatulong sa mga taga-Europa na dayuhin ang iba’t
ibang bahagi ng mundo.Nabantog naman noon ang kasaganaan sa gawin Silangan . Kung
kaya’t ang hangaring masakop ang mga lupain sa Silangan ay tumindi para sa mga taga –
Europa. Ang mga taga-Venicia ang nanguna noon sa larangan ng kalakalan , kung kaya’t
nakontrol nila ang sistema ng kalakalan. Dahil dito napilitan ang ibang Europeong na
humanap ng ibang ruta patungong silangan noong bumagsak ang Constantinople sa kamay
ng mga Turkong Muslim noong 1453. Sa panahong iyon , tanging ang taga-Venicia lamang
ang hindi sinisingil ng mahal na taripa ng mga Turkong Muslim sa kanilang pagdaan sa ruta
ng kalakalan. Ang mga kadahilanang ito ang nagningas sa pagnanasa ng mga taga-Europa na
humanap ng ibang ruta patungo sa Silangan. Ang kagustuhan ng Europa na pangalagaan ang
kapakanan ng lupain lalo na ang mabigyan ng solusyon ang nauubos na yaman ng kani-
kanilang bansa ay nagbigay hudyat upang gumawa ng hakbang ang Europeong bansa na
magkaroon ng kolonya. Sa kolonyang bansa nila kukuhanin ang mga hilaw na sangkap para
sa kanilang industriya. Nanguna sa gawaing ekspanisasyon ang dalawang bansa - ang
Portugal at ang Espanya.Ang merkantilismo ang ginamit na pamamaraan ng mga taga
Europa.May paniniwala ang mga pinuno ng Europa, na ang kapangyarihan ng isang bansa ay
nakabatay sa kanilang kayamanan at kaban ng gintong pananalapi.Dala ng ganitong
kadahilanan ay kinailangan na madagdagan ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng
paghakot ng kayamanan buhat sa mga bansa na kanilang kolonya. Ang dalawang
nangungunang bansa na Portugal at Espanya sa ekspanisasyon ay nagbalak na
maisakatuparan ito sa pamamagitan nang panunuklas ng mga lupain at makolonisa ang mga
ito. Ang Portugal at Espanya ay parehong bansang Kristiyano kung kayat humingi sila ng
pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI.
Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and dalawang bansa sa kagustuhang maipahayag
ang Kristiyanismo sa maraming lugar sa mundo.Magkatunggali noon ang Portugal at
Espanya sa gagawing ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na
hakbang upang magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito. Bunga
nito ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas.
ANG EKSPANISASYON AT KAAKIBAT NA KASUNDUAN
Sa kagustuhan ni Papa Alexander VI na mapalaganap nang lubusan ang Kristiyanismo
sa malalayong lugar na di –Kristiyano at upang malutas ang problema at di
pagkakaunawaan ng Portugal at Espanya hinggil sa panunuklas ng ibang lupain,ay sinikap na
bumuo ng gabay na kasunduan. Kinikilala ang kapangyarihan ng Papa kayat sinunod siya
ng mga bansa na sakop niya. Nagpalabas ang Papa ng dalawang dekrito (Papa Bull) noong
Mayo 3, 1493 na nagbigay ng karapatan sa Portugal na manuklas sa Africa at ang Espanya
naman ay sa Bagong Daigdig.Ang dalawang naunang dekrito ay sinundan agad ng
pangatlong dekrito na naghahati sa mundo para sa Portugal at Espanya sa pamamagitan ng
pagguhit ng hangganan simula sa Hilagang Polo (North Pole) patungong Timog Polo (South
Pole) at ito ay dumaraan sa Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa 100 liga sa
kanlurang bahagi ng mga pulo ng Azores at Cape Verde.Sa paghahati ay ipinaliwanag na ang
matutuklasan sa silangan ng hangganan ay para sa Portugal at lahat ng matutuklasang lupain
na pakanluran ay para sa Espanya. Tumutol ang Hari ng Portugal,na si Haring Manuel I sa
isinagawang paghahati. Paano’y may mga karapatan ang Portugal sa Silangan na di
napapaloob sa ginawang dektrito. Upang malinawan ay pinagtibay ang Kasunduan ng
Tordesillas noong Hunyo 7,1494. Sa Kasunduan ng Tordesillas ay binago ang hangganan
mula sa 100 liga ay inilipat ito sa 370 liga sa kanluran ng pulo ng Cape Verde. Sinasabi sa
kasunduan na ang lahat ng matutuklasan sa Kanluran ng hangganan ay para sa Espanya at
lahat naman ng nasa Silangang bahagi ay para sa Portugal. Sa mga pangyayaring ito,
maraming bansa ang nahikayat na tumuklas ng lupain sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng
Pransiya, Olanda at Ingletera. Ang panunuklas ay simula din ng pagpasok ng kolonisasyon
sa maraming bansa sa Asya at dahilan kung paano ang Pilipinas ay naging kolonya ng
Espanya.

Mga Gawaing Pampagkatuto


Pangkalahatang Panuto: Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
A. Gawain 1

Panuto : Isulat sa notbuk ang iyong PANGALAN kung ang pahayag ay tama at
APILYEDO kung ang pahayag ay mali.

1. Ang Espanya ang nanguna sa kalakalan noong ika-15 siglo.


2. Nais lamang ng Espanya at Portugal na malibot ang daigdig at hindi gawing kolonisasyon
ang mga bansang di – katoliko.
3. Magkatunggali ang bansang Portugal at Espanya sa panunuklas ng mga lupain
4. Si Haring Carlos I ng Espanya ang nagtibay ng Kasunduan ng Tordesillas.
5. Ang nagbigay pahintulot ng kolonisasyon at panunuklas ay si Papa Alexander VI.
6. Pinahintulutan ni Papa Alexander VI ang panunuklas o ekspenisasyon sa kagustuhang
mapalaganap ang kristiyanismo.
7. Ang Asyanong mga bansa ay nagnais gumawa ng ekspedisyon sa buong daigdig.
8. Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naghati ng lupaing mapasaiilalim ng kolonisasyon, ang
Kanluran ay para sa Espanya at ang Silangang bahagi ay para sa Portugal.
9. Ang Hari ng Espanya ang tumutol sa una hanggang pangatlong dektritong paghahati ng
Papa.
10.Napilitang humanap ng ruta ang mga Europeong bansa bumagsak ang Constantinople sa
kamay ng mga Turkong Muslim noong 1455.

Gawain 2
Panuto: Punan ang kahon ng mga sagot upang mabuo ang konsepto kung ano ang
kolonyalismo.
Gawain 3
Panuto: Ipares ang pangyayari sa hanay A sa hanay B.
A B
_____1. Katunggali ng Espanya sa panunuklas ng A. Espanya
malalayong lupain para sa kolonisasyon.
_____2. Siya ang nagtibay ng Kasunduan ng Tordesillas. B.Europa
_____3.Ang nangunguna sa kalakalan,
kaya nakontrol nila ang sistema ng kalakalan C. Haring Manuel I
_____4. Nanguna sa kalakalan noong ika-15 dantaon siglo. D. Kasunduan ng
Tordesillas
____ 5. Ito ang pananakop ng isang bansa sa ibang lupain E.Kolonisasyon
F. Venicia
G. Haring Carlos I
H. Portugal

Paglalahat
A. Natutuhan ko sa araling ito ang mga sumusunod:
1. Ang kolonisasyon ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Micheal M. Mercado., Ruby R. Denofra., Batayang aklat ng Araling Panlipunan, karapatang-isip ng


Vibal Group,. Inc

Javate E, Dizon M.,, Chan A., Junio C., LM Araling Panlipunan, LRMDS,Cabanatuan City,
Department of Education. file:///D:/AP5_LM.Q2.pdf
IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo

Pangalan : ____________________________________________ Baitang : __________


Seksiyon : ____________________________________________ Petsa : ___________

KONTEKSTO AT DAHILAN NG PANANAKOP NG BANSA


Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo

Aralin 1 Code: AP5KE-IIa-2

Panimula
Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang kaibahan ng kolonisasyon at kung paano ito
nagsimula. Mahalaga ang pangyayaring nagdaan upang mas higit na maunawaan ang
sitwasyon o mga pangyayari sa ating kasaysayan.

Sa araling ito, inaasahang :

1. Matutukoy ang layunin ng kolonisasyon.


2. Maipapaliwanag ang mga dahilan ng kolonisasyong Espanyol.

Pag-aralan (Susing Konsepto)


Tingnan din ang inyong aklat sa pahina_

Ano ang kolonisasyon?

Ang kolonisasyon ay ang pananakop ng mga bansa sa Europa sa malalayong lupain na di –


kristiyano upang gawing teritoryo na pagkukuhanan ng hilaw na sangkap (raw material) upang
manguna sa industriya ng kalakalan at upang mapalaganap na rin ang relihiyong kristiyanismo at
magkaroon ng mas malawak na kapangyarihan sa buong daigdig.
MGA IBA'T IBANG LAYUNIN NG KOLONYALISMO

Mga Gawaing Pampagkatuto


Pangkalahatang Panuto: Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
A. Gawain 1

Panuto: Itala sa loob ng kahon ang layunin ng kolonisasyon. Magbigay ng maiksing


paliwanag hinggil sa mga layunin.
Gawain 2

Panuto: I. Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang sinasaad ng pangungusap ay tumutukoy sa
layunin ng kolonyalismo at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____________1. Paggamit ng likas na yaman ng bansang ginawang kolonyal.
_____________2. Pagtatayo ng base militar na magpapalakas sa sandatahan.
_____________3. Pagbibigay ng edukasyon sa bansang ginawang teritoryo
_____________4. Pagbibigay ng libreng produkto sa bansang ginawang kolonya
_____________5. Pagpapalawak ng relihiyon sa bansang ginawang kolonya.

Repleksyon

Paano mo mapaghahambing ang isang kolonyalismong bansa sa isang bansang hindi


nasakop?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Micheal M. Mercado., Ruby R. Denofra., Batayang aklat ng Araling Panlipunan, karapatang-isip ng


Vibal Group,. Inc

Javate E, Dizon M.,, Chan A., Junio C., LM Araling Panlipunan, LRMDS,Cabanatuan City,
Department of Education. file:///D:/AP5_LM.Q2.pdf

You might also like