You are on page 1of 43

Aralin1.

1 : Kahulugan at
Konteksto ng
Kolonyalismo
*kontinenteng
kinaroroonan
* eksaktong lokasyon
*mga katabi/karatig na
bansa.

Saang kontinente matatagpuan


ang Pilipinas? Portugal?
Spain?
PANAHON NG PANUNUKLAS
AT KOLONISASYON
Noong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa
Europa na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo.
Ibig nilang madagdagan ang kanilang
kayamanan at kapangyarihan sa
pamamagitan ng pananakop sa ibang lugar.
Layunin din nila ang makakuha ng mga
panrekado at ipalaganap ang Kristiyanismo.
•Ang mga bagong tuklas at mahahalagang
kaalaman at kagamitang pangheograpiya,
tulad ng mapa,kompas at iba’t ibang mga
kagamitan sa paglalakbay ,ay nakatulong sa
mga taga-Europa na dayuhin ang iba’t ibang
bahagi ng mundo.Nabantog naman noon
ang kasaganaan sa gawin Silangan . Kung
kaya’t ang hangaring masakop ang mga
lupain sa Silangan ay tumindi para sa mga
taga –Europa.
-Ang mga taga-Venicia ang nanguna noon sa
larangan ng kalakalan , kung kaya’t nakontrol nila
ang sistema ng kalakalan. Dahil dito napilitan ang
ibang Europeong na humanap ng ibang ruta
patungong silangan noong bumagsak ang
Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim
noong 1453. Sa panahong iyon , tanging ang taga-
Venicia lamang ang hindi sinisingil ng mahal na
taripa ng mga Turkong Muslim sa kanilang pagdaan
sa ruta ng kalakalan. Ang mga kadahilanang ito ang
nagningas sa pagnanasa ng mga taga-Europa na
humanap ng ibang ruta patungo sa Silangan.
-Ang kagustuhan ng Europa na pangalagaan
ang kapakanan ng lupain lalo na ang
mabigyan ng solusyon ang nauubos na
yaman ng kani-kanilang bansa ay nagbigay
hudyat upang gumawa ng hakbang ang
Europeong bansa na magkaroon ng kolonya.
Sa kolonyang bansa nila kukuhanin ang mga
hilaw na sangkap para sa kanilang
industriya.
-Nanguna sa gawaing ekspanisasyon ang
dalawang bansa ang Portugal at ang Espanya.Ang
merkantilismo ang ginamit na pamamaraan ng
mga taga Europa.May paniniwala ang mga
pinuno ng Europa, na ang kapangyarihan ng isang
bansa ay nakabatay sa kanilang kayamanan at
kaban ng gintong pananalapi.Dala ng ganitong
kadahilanan ay kinailangan na madagdagan ang
yaman ng bansa sa pamamagitan ng paghakot ng
kayamanan buhat sa mga bansa na kanilang
kolonya.
-Ang dalawang nangungunang bansa na
Portugal at Espanya sa ekspanisasyon ay
nagbalak na maisakatuparan ito sa
pamamagitan nang panunuklas ng mga
lupain at makolonisa ang mga ito. Ang
Portugal at Espanya ay parehong bansang
Kristiyano kung kayat humingi sila ng
pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa
Alexander VI.
-Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and
dalawang bansa sa kagustuhang
maipahayag ang Kristiyanismo sa maraming
lugar sa mundo.Magkatunggali noon ang
Portugal at Espanya sa gagawing
ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa
na gumawa ng legal na hakbang upang
magsilbing gabay sa panunuklas ng mga
bansa at sa kolonisasyon nito. Bunga nito ay
pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas.
ANG
EKSPANISASYON
AT KAAKIBAT NA
KASUNDUAN
-Sa kagustuhan ni Papa Alexander VI na
mapalaganap nang lubusan ang
Kristiyanismo sa malalayong lugar na di
–Kristiyano at upang malutas ang
problema at di pagkakaunawaan ng
Portugal at Espanya hinggil sa
panunuklas ng ibang lupain,ay sinikap
na bumuo ng gabay na kasunduan.
-Kinikilala ang kapangyarihan ng Papa kayat
sinunod siya ng mga bansa na sakop niya.
Nagpalabas ang Papa ng dalawang dekrito
(Papa Bull) noong Mayo 3, 1493 na nagbigay
ng karapatan sa Portugal na manuklas sa
Africa at ang Espanya naman ay sa Bagong
Daigdig.Ang dalawang naunang dekrito ay
sinundan agad ng pangatlong dekrito na
naghahati sa mundo para sa Portugal at
Espanya sa pamamagitan ng pagguhit ng
hangganan simula sa Hilagang Polo (North
Pole) patungong Timog Polo (South Pole) at
-ito ay dumaraan sa Karagatang
Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa 100
liga sa kanlurang bahagi ng mga pulo
ng Azores at Cape Verde.Sa paghahati
ay ipinaliwanag na ang matutuklasan
sa silangan ng hangganan ay para sa
Portugal at lahat ng matutuklasang
lupain na pakanluran ay para sa
Espanya.
-Tumutol ang Hari ng Portugal,na si
Haring Manuel I sa isinagawang
paghahati. Paano’y may mga
karapatan ang Portugal sa Silangan
na di napapaloob sa ginawang
dektrito. Upang malinawan ay
pinagtibay ang Kasunduan ng
Tordesillas noong Hunyo 7,1494.
-Sa Kasunduan ng Tordesillas ay
binago ang hangganan mula sa 100
liga ay inilipat ito sa 370 liga sa
kanluran ng pulo ng Cape Verde.
Sinasabi sa kasunduan na ang lahat
ng matutuklasan sa Kanluran ng
hangganan ay para sa Espanya at
lahat naman ng nasa Silangang
bahagi ay para sa Portugal.
-Sa mga pangyayaring ito, maraming
bansa ang nahikayat na tumuklas ng
lupain sa iba’t ibang panig ng
mundo tulad ng Pransiya, Olanda at
Ingletera. Ang panunuklas ay simula
din ng pagpasok ng kolonisasyon sa
maraming bansa sa Asya at dahilan
kung paano ang Pilipinas ay naging
kolonya ng Espanya.
Sagutin ang mga tanong:
-1.Ano ang kolonisasyon?
-2.Ano ano ang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ang
naganap sa Europa noong ika-15
dantaon?
-3.Bakit nagbalak ang mga Europeo
na maghanda ng mga gawain ng
panunuklas noong ika-15 dantaon?
-4.Bakit naghangad ang mga pinuno sa Europa na
lumahok sa gawain ng panunuklas at
pagkokolonisa ng mga lupain?
-5.Anong pangyayari ang nagbigay-daan sa
malawakang ekspanisasyon ng Portugal at
Espanya? Paano nabigyang katarungan ang
naturang pangyayari?
-6.Ano ang kahalagahan ng Kasunduan ng
Tordesillas? Naging makatarungan ba ito?
Patunayan ang inyong sagot.
GAWIN MO
GAWAIN A:
Isulat sa notbuk ang T kung ang pahayag
ay tama at M kung ang pahayag ay mali.
-1. Ang Espanya ang nanguna sa kalakalan noong ika-15
siglo.
-2. Nais lamang ng Espanya at Portugal na malibot ang
daigdig at hindi gawing kolonisasyon ang mga bansang di –
katoliko.
-3. Magkatunggali ang bansang Portugal at Espanya sa
panunuklas ng mga lupain
-4. Si Haring Carlos I ng Espanya ang nagtibay ng Kasunduan
ng Tordesillas.
-5. Ang nagbigay pahintulot ng kolonisasyon at panunuklas
ay si Papa Alexander VI.
-6. Pinahintulutan ni Papa Alexander VI ang
panunuklas o ekspenisasyon sa kagustuhang
mapalaganap ang kristiyanismo.
-7. Ang Asyanong mga bansa ay nagnais
gumawa ng ekspedisyon sa buong daigdig.
- 8. Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naghati ng
lupaing mapasaiilalim ng kolonisasyon, ang
Kanluran ay para sa Espanya at ang Silangang
bahagi ay para sa Portugal.
-9. Ang Hari ng Espanya ang tumutol sa una
hanggang pangatlong dektritong paghahati ng
Papa.
-10.Napilitang humanap ng ruta ang mga
Europeong bansa bumagsak ang
Constantinople sa kamay ng mga Turkong
Muslim noong 1455.
GAWIN MO
GAWAIN B:
GAWIN MO
GAWAIN C:
PANGKATANG
GAWAIN
Gawain C : Magpangkat-
pangkat . Pumili ng lider at
tagatala. Talakayin sa pangkat
ang kahulugan ng kolonyalismo ,
kung paano ito nagsimula at kung
paano nito mababago ang
IN Cpangyayari sa daigdig .Ipakita ang
AWA
G nabuong mga ideya sa
pamamagitang ng masining na
presentasyon. (Hayaang ang
bawat pangkat ang pumili kung
paano ang gagawing
presentasyon).
Pumili
dito

paawit paarte

pa- broad-
casting patula
TAND
AAN
M O
Ang kolonisasyon ay ang pananakop
ng mga bansa sa Europa sa malalayong
lupain na di –kristiyano upang gawing
teritoryo na pagkukuhanan ng hilaw na
sangkap (raw material) upang manguna sa
industriya ng kalakalan at upang
mapalaganap na rin ang relihiyong
kristiyanismo at magkaroon ng mas
malawak na kapangyarihan sa buong
daigdig.
-Ang Kasunduan na Tordesillas
ay paghati ng daigdig sa
Portugal at Espanya . Ang
Silangan ay para sa Portugal at
ang Kanluran ay para sa
Espanya.
NATUTUHAN
KO
I.Ang nasa ibaba ay ilang
mahahalagang pangyayari
upang maunawaan natin ang
kahulugan ng kolonisasyon.
Ayusin ang mga itoayon sa
wastong pagkakasunod –
sunod. Lagyan ng bilang 1-5
sa mga patlang.
___________Nagpalabas ang Papa ng
dalawang dekrito (Papa Bull) noong Mayo 3,
1493 na nagbigay ng karapatan sa Portugal
na manuklas sa Africa at ang Espanya
naman ay sa Bagong Daigdig.
___________Tumutol ang Hari ng Portugal
sa isinagawang paghahati. Paano’y may mga
karapatan ang Portugal sa Silangan na di
napapaloob sa ginawang dektrito. Upang
malinawan ay pinagtibay ang Kasunduan ng
Tordesillas noong Hunyo 7,1494.
___________Noong ika-15 siglo, ninais ng
mga bansa sa Europa na maging
pinakamayaman at pinakamakapangyarihan
sa buong mundo.
__________Ang dalawang nangungunang
bansa na Portugal at Espanya sa
ekspanisasyon ay nagbalak na maisakatuparan
ito sa pamamagitan nang panunuklas ng mga
lupain at makolonisa ang mga ito.
____________Ang dalawang naunang
dekrito ay sinundan agad ng pangatlong
dekrito na naghahati sa mundo para sa
Portugal at Espanya sa pamamagitan ng
pagguhit ng hangganan simula sa Hilagang
Polo (North Pole) patungong Timog Polo
(South Pole) at ito ay dumaraan sa
Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa
100 liga sa kanlurang bahagi ng mga pulo ng
Azores at Cape Verde.
II. Ipares ang
pangyayari sa
hanay A sa hanay
B. Isulat ang letra
sa patlang.
HANAY A:
______1. Katunggali ng Espanya sa panunuklas ng
malalayong lupain para sa kolonisasyon
______2. Siya ang nagtibay ng Kasunduan ng
Tordesillas
______3. Siya ang Hari ng Portugal na di sumang-
ayon sa ginawang paghahati ng Papa sa pangatlong
dektrito.
_____4. Nanguna sa kalakalan noong ika-15
dantaon siglo.
___5. Ito ang pananakop ng isang bansa sa ibang
lupain
HANAY B
A. Venicia
B. Haring Manuel I
C. Portugal
D. Papa Alexander VI
E. Kasunduan ng Tordesillas F.
Kolonisasyon
G. Haring Carlos I
H. Espanya
TAKDANG - ARALIN
Kung ikaw ay isa mga unang
Pilipino ano ang iyong
naramdaman nang dumating
ang mga Espanyol sa bansa?
Sumulat ng talata tungkol dito.
Maraming Salamat!

Prepared by:
Ma’am Crisse
SAN ISIDRO E/S
ANTIPOLO CITY

You might also like