You are on page 1of 3

KAHULUGAN AT LAYUNIN NG KOLONYALISMO

Nagsimula ang pagnanais ng mga taga-Europa na marating ang Asya ng


mabalitaan nila mula sa Crusader na sagana ito sa likas na yaman. Ang mga Crusader
ay mga sundalong nakibahagi sa pagbawi ng mga Kristiyano sa mga lupaing sinakop
noon ng mga Muslim sa Holy Land. Idagdag pa rito ang kahanga-hangang mga kwento
ni Marco Polo sa kanyang aklat tungkol msa mga kayamanan at kulturang nakita niya
sa Silangan.

Napag-alaman din nilang maraming produktong pampalasa (spices) ng pagkain


ang matatagpuan ditto tulad ng paminta, luya, sili, oregano at cinnamon. Ang mga
produktong ito ay mahalagang gamit noon bilang sangkap sa pagluluto at pampreserba
ng mga pagkaing iniimbak nila para sa taglamig. Kung gaano kahalaga ang langis
ngayon ay ganoon din kahalaga ng mga pampalasa noon. Dahil dito, maraming mga
Europeo na nagnanasang makarating sa Asya lalong-lalo na sa Moluccas na kilalang-
kilala bilang Spice Island.

Ginamit ng mga Estado sa Europa ang pamamaraang pangkabuhayang


tinatawag na merkantilismo. Naniniwala ang mga bansa noon sa Europa na higit na
magiging malakas at matatag ang isang estado kung ito ay may sapat na ginto at
yaman sa kaban ng bansa. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng sistemang
kolonyalismo o pananakop ng mga lupain upang mapakinabangan ang mga yaman ng
mga lugar o bansa na kanilang magiging kolonya. Nakpaloob din sa sistemang ito ang
patakaran ng isang malakas na bansa sa pagpapalawig at pagpapanatili ng awtoridad o
kapngyarihan sa isang nasakop na bansa o teritoryo. Kolonya ang tawag sa bansang
nasakop ng isang malaki at malakas na bansa.

Noong ika-16 na daan taon nanguna ang mga bansang Espanya at Portugal sa
larangan ng paglalayag at pananakop ng mga lupain. Ayaw nilang magpalamang sa
isa’t-isa sa pagpapayaman at pananakop ng mga lupain kaya’t mula noon ay nagging
magkalaban ang dsalawang bansang ito. Kapwa bansang Kristyano ang Portugal at ang
Espanya kaya’t kapwa sila humihingi ng pahintulot mula sa Papa ng Roma sa kanilang
gagawing pagtuklas at pananakop ng mga lupain. Dahil sa hangarin ng Simbahang
Katolikong mapalaganap ang Katolisismo sa iba’t-ibang panig ng mundo, pinahintulutan
ni Papa Alexander VI na magsagawa ang dalawang bansa ng ekspedisyon at
kolonisasyon.
ANG PAGHAHATI NG MUNDO SA PAGITAN NG PORTUGAL AT ESPANYA

Labis ang pagnanasa ni Papa Alexander VI na lubos na maipalaganap ang


relihiyong Kristyanismo sa maraming lugar sa mundo kaya sa kabila ng di
pagkakaunawaan sa pagitan ng bansang Portugal at Espanya sa pagtuklas at
pananakop ng mga lupain ay patuloy paring pinahintulutan ng Papa ang pagsasagawa
ng ekspadisyon at kolonisasyon.

Upang maiwasan ang di pagkakasundo ng dalawang bansa ay nagpalabas si


Papa Alexander VI ng dalawang dekreto o papal bull noong Mayo 3, 1493. Sa dekretong
ito ay nakasaad na ang Portugal ay may karapatang tumuklas ng mga teritoryo at
bansa sa Africa at ang Espanya naman ay sa mga lugar sa Bagong Daigdig. Ang
dekratong ito ay agad na nasundan noong Mayo4, 1493 ng pangatlong dekreto kung
saan ito ay nagtatadhana ng paghahati ng mundo para sa Portugal at sa Espanay sa
pamamagitan ng pagguhit ng hangganang nagsismula sa Hilagang Polo (North Pole)
patungong Timog Polo (South Pole) na dumaraan sa Karagatang Atlantiko doon sa 100
liga sa Kanluran ng mga pulo ng Azores at Cape Verde. Sa dekretong ito ay maliwanag
na nakasaad na ang lahat ng mga bansang matatagpuan sa Silanagn ng hangganang
itinadhana ay para sa Portugal at ang lahat naman ng mga lupaing matatagpuan sa
pakanluran ay mapupunta sa Espanya.

Ang nabuong dekreto o papal bull tungkol sa paghahati ng mga sasakuping


lupain ay tinutulan ng hari ng Portugal dahil may mga bansa sa silangang nasa kanilang
paghahari na hindi nakapaloob sa ginawang paghahati. Kaya’t upang malutas ang
problemang ito ay pinagtibay ang kasunduang Tordesilla noong Hunyo 7,1494 kung
saan binago ang hangganan ng pagkakahati. Inilagay ang hangganan sa 370 liga sa
kanluran ng mga islang Cape Verde. Nakasaad sa knsunduang ito ang sumusunod:

1. Ang lahat ng mga lupaing matutuklasan sa silangan ng itinakdang hangganan ay


para sa Portugal at ang lahat naman ng matatagpuan sa kanluran ng hangganan
ay para sa Espanya.
2. Ang alinmang lupaing matatagpuan sa Portugal sa kanluran ng nasabing guhit ay
ipagkakaloob sa Espanya at anumang lupaing matatagpuan ng Espanya sa
silangan ay ipagkakaloob sa Portugal.
3. Ang Espanya ay hindi pinahihintulutang magpadala ng mga sasakyang pandagat
sa mga lupaing nauukol sa Portugal upang makipagkalakalan ay gayun din
naman sa Portugal

Di kalaunan ang pananakop ng mga lupain sa iba’t ibang panig ng mundo ay ginawa
na rin ng iba pang malalakas na bansa sa Europa tulad ng bansang
Pransya(France), Olandya(Netherlands), at Inglatera(England).
DAHILAN NG ESPANYA SA PANANAKOP SA PILIPINAS

Bukod sa atas ng Papa ng Roma na maipalaganap ang relihiyong Katolisismo


may iba pang pangyayaring nagbigay daan upang marating o matuklasan ng
Espanya ang Pilipinas. Unang-una, mahigpit ang pangangailangan ng Espanya sa
mga bansa sa silangan bilang bahagi ng kanilang misyong manakop ng mga lupain.
Pangalawa, ang pangangailangan ng Espanya na makatuklas ng bagong ruta
patungong silangan ang isa pa sa mga dahilan kung bakit nila natunton ang
Pilipimas. At pangatlo, ito ay bahagi na rin ng pagkakatuklas ng mga lupain noong
ika 15 hanggang ika16 sa siglo.

Sa pangkalahatan, may tatlong pangunahing layunin ang Espanya sa pananakop


sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng tatlong G na ang ibig sabihin ay God, Gold and
Glory o Kristyanismo, Kayamanan, at Karangalan.

1. Kristyanismo- bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang


pagpapalaganan ng relihiyong Katolisismo.
2. Kayamanan- itinuturing kayaman ang mga lupang kanilang nasasakop sapagkat
napakikinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito.
3. Karangalan- itinuturing isang karangalan ng mga mananakop na bansa ang
pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain

Si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) na isang Potuges ang nakatuklas o


unang taga Europa na nakarating sa Pilipinas. Madaling araw ng Marso 16, 1521
nang matanaw niya, kasama ng mga tauhan ng tatlong natitirang barkong naglayag
mula sa Espanya ang pulo ng Samar. Sila ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang
sa marating nila ang pulo ng Homonhon noong Marso 17, 1521. Mula sa araw na
iyon, hanggang sa sumunod na ekspedisyong ipinadala ng hari ng Espanya sa
Pilipinas ay maraming nagbago sa buhay ng mga katutubo o sinaunang Pilipino. Ang
ekspedisyong ni Manuel Lopez de Legazpi noong 1565 ang itinuturing pinaka
matagumpay na ekspedisyong ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Mula sa taong iyon
hanggang 1898 ay napakaraming bagay ang nangyari at nabago sa buhay ng mga
Pilipino. Sa loob ng 333 na taong pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay
masasabing maraming natutuhan an gating mga ninuno lalo’t sa kulturang namana
sa mga Espanyol- kasabay ng pagkawala ng kalayaan ng bansa at ng pagka-Pilipino
ng lahing kayumanggi na siyang tatalakayin sa susunod na aralin

You might also like