You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Renaissance
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Renaissance
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marcosa D. Deloria
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Renaissance
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyong pagkatuto at makatulong upang


maunawaan ang mga aralin sa Araling Panlipunan 8.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


1. naipaliliwanag ang kahulugan ng konseptong Renaissance;
2. nasusuri ang mga salik na nagbigay-daan sa pagsibol ng Renaissance;
2. nasusuri ang mga mahahalagang pagbabagong political, ekonomiko at
sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance;
3. naipaliliwanag kung paano lumaganap ang Humanismong Reinassance; at
4. napapahalagahan ang mga naiambag ng Renaissance sa daigdig.

Mga Tala para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa


pagkamulat ng tao sa katotohanang mahalaga ang pagkatao at
mahalaga ang mga nagawa nila. Mainam na gabayan ang mga
mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng paggamit
ng mga pamprosesong tanong.

Subukin

Panuto: Subukin mong basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o


pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Saang bansa isinilang ang Renaissance?


a. Alemanya

2
b. Switzerland
c. Espanya
d. Italya

2. Anong kilusan ang kumikilala sa kahalagahan ng tao?


a. Krusada
b. Humanismo
c. Guild
d. Espesyalisasyon

3. Anong konsepto ang nagpapaliwanag tungkol sa Renaissance?


a. Pagbabago
b. Makaluma
c. Paghina
d. Pagkawasak

4. Bakit umusbong ang Renaissance sa Europa?


a. Payak na pamumuhay
b. Pag-unlad ng produksyon at kalakal
c. Makalumang paraan ng pagsasaka
d. Pagbagsak ng mga bangko

5. Sino ang lumikha ng dalawang napabantog na obra maestra sa buong mundo,


ang Huling Hapunan at Mona Lisa?
a. Leonardo da Vinci
b. Raphael
c. Michelangelo
d. Donatello

6. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?


a. Dahil sa lokasyon
b. Katatagang Pampulitika at Pang-ekonomiya
c. Isinilang dito ang mga tagapag-ambag ng Renaissance
d. Banal ang mga tao

7. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng Renaissance?


a. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito
b. Paglikha ng iba’t ibang anyo ng sining
c. Paggalang at pagsunod sa kautusan ng simbahan
d. Paglinang sa kakayahan ng tao gamit ang pag-iisip

8. Anong kultura ang nais ibalik ang interes sa Sinaunang Gresya at Roma sa
Panahong Renaissance?
a. Gothic
b. Klasikal
c. Humanismo

3
d. Primegeniture

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng paglaganap ng Renaissance


sa labas ng Italya?
a. Sa pamamagitan ng mga diplomatikong palabas-labas ng bansa dahil
sa trabaho o interes.
b. Sa pamamagitan ng mga negosyante
c. Sa pamamagitan ng digmaan.
d. Sa pamamagitan ng mga batang iskolar

10. Anong aklat ang naglalaman ng panlalait sa mga kamangmangan ng lipunan


at simbahan?
a. Decameron
b. La Pieta
c. In Praise of Folly
d. The Prince

11. Sino ang kinilala at tinaguriang Universal Man dahil sa kanyang mga likhang
sining?
a. Da Vinci
b. Raphael
c. Michelangelo
d. Donatello

12. Anong aklat ang isinulat ni de Cervantes na nagpapakilala sa isang


kabalyerong nadismaya kung saan sinasabing katawa-tawa?
a. Hamlet
b. Macbeth
c. Don Quixote de la Mancha
d. Oratorio

13. Sino ang lumikha ng obra maestro sa Sistine Chapel?


a. Michelangelo
b. Thomas More
c. Pisano
d. Erasmus

14. Sino ang Ama ng Humanismo?


a. Machiavelli
b. Petrarch
c. De Medici
d. Da Vinci

15. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang hindi kabilang sa paniniwalang
Machiavellian?
a. Malakas ang gumagawa ng mabuti

4
b. Ipamahagi ang kapangyarihan sa ibang makatutulong para sa pag-
unlad
c. Ang wakas ang magpapatunay
d. Kailangan ang kalupitan, upang maingatan ang kapangyarihan

Mahusay! Natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari mo ng simulan


ang mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga katanungan na
hindi mo nasagot mula sa panimulang pagtataya, atin itong lilinangin sa mga
tekstong iyong babasahin.

5
Aralin

1 Panahon ng Renaissance

Balikan

Naging sentro ng malaking pagbabago sa daigdig ang Europa noong


modernong panahon. Subukan nating balikan ang mga kaganapan noong huling
bahagi ng Gitnang Panahon na nagpalakas sa Europa. Balikan mo!

Alin! Alin! Ang Naiba!


Panuto: Piliin ang mga salitang hindi kabilang sa bawat pangkat at sagutin ang mga
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sagot: 2. Sagot: 3. Sagot: 4. Sagot:

Mangangalakal Ginto Lay Investiture Nation-state

Bourgeoisie Pilak Concordat of Panginoong


Worms Maylupa
Artisano Merkantilismo
Malawak na Hukbong
Maharlika Pampalasa lupain Sandatahan

Simbahan Sentralisadong
Pamahalaan

Paprosesong Tanong:

1. Suriin kung bakit napili mo ang mga naturang salita na hindi kabilang sa
hanay. Pangatwiranan mo bakit hindi ito kabilang.
2. Saan nauugnay ang mga salitang hindi mo napili? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Tumpak ang iyong katugunan sa ating pagbabalik-aral dahil ang iyong mga
napili ay hindi mga salik kung bakit naging malakas ang Europa noong Gitnang

6
Panahon! Maaari mo ng simulan ang pagtuklas sa susunod na aralin. Tuklasin mo
na!

Tuklasin

Larawan-Suri!
Suriing mabuti ang mga larawan at sagutan sa sagutang papel ang mga tanong
sa ibaba.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/22/The-Last- https://upload.wikimedia.org/w
Supper-Restored-Da-Vinci_32x16.jpg ikipedia/commons/thumb/8/86
/%27David%27_by_Michelangel
o_Fir_JBU013.jpg/165px-
%27David%27_by_Michelangelo_
Fir_JBU013.jpg

https://www.google.com/search?q=monalisa&tbm=isch&ved=2ahUKEwjhr7eUs-
7uAhWtTPUHHZ4wDKAQ2-
cCegQIABAA&oq=monali&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICC
AAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxAnOgUIABCxAzoHCAAQsQMQQ1D1uxBY78MQYKzZEGg
AcAB4AIABdogBlAWSAQMwLjaYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=t7kr
YKH4FK2Z1e8PnuGwgAo&bih=744&biw=1326&hl=fil

1. Ano-ano ang mga larawang ipinakikita?


2. Sino-sino ang gumawa ng mga nasabing larawan?
3. Ano ang napansin mong pagkakatulad ng mga larawan?
4. Ano ang binibigyang halaga sa paggawa ng mga larawang ito?
5. May kinalaman kaya ang mga larawang ito sa ating magiging paksa?
Ipaliwanag.

7
Suriin

Halos lahat ng larawang nauna nating nakita at iyong sinuri ay karaniwang


nagtatampok sa mga sining sa wangis ng tao bilang obra maestra, sapagkat sa aralin
nating ito, matutunghayan natin ang naging kahalagahan at ginampanang papel ng
tao sa Panahong Renaissance.

Mababatid mo sa araling ito kung paano namulat ang tao sa katotohanang


mahalaga ang pagkatao at sa mahalagang nagawa nila. Binigyang diin at iminulat
ng Renaissance kung paano sinikap ng tao na linangin ang kanyang mga kakayahan
sa paggamit ng pag-iisip, pangangatwiran at pag-eeksperimento na siyang nagsulong
sa pag-unlad ng Kilusang Intelektuwal at humanistikong pag-aaral.

Ang Renaissance
Matapos ang mahabang
panahon ng kaguluhang dulot
ng digmaan, epidemya at
kaguluhang pangkabuhayan ay
muling isinilang ang
karunungan na kung saan
nagsimula ang maraming
pagbabagong panlipunan,
pampulitika at higit sa lahat sa
mga bagong kaisipang
pinalaganap ng mga pilosopo at
siyentista mula ika-14 hanggang
ika-15 dantaon. Ang mga
pagbabagong ito na naging
hudyat ng isang bagong
panahon na kinilala sa
kasaysayan bilang Renaissance.

Ang Renaissance ay
mula sa salitang Pranses na
nangangahulugang “muling
http://mapsopensource.com/images/italy-political-map.gif
pagsilang” o rebirth, muling
pagkamulat, muling pagkabuhay at pagpapanibago o revival. Ito ay sumibol noong
1350 hanggang 1550. Ito ay umusbong sa Italya at kalaunan ay kumalat sa buong
Europa. Sa panahong ito muling pinanatili at pinanumbalik ang mga sinaunang
kulturang klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng
Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura
at eskultura. Nabuksan din ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad

8
at talento sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na
napakinabangan ng lipunan.

Umusbong ang Renaissance sa Italya sa sumusunod na mga kadahilanan:

1. Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga


Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.
2. May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang mga
lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.
3. Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa
sining at masigasig sa pag-aaral.
4. Mahalaga ang naging papel ng mga unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at
pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teolohiya at pilosopiyang
kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.

Ang mga Humanista


Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon na ang lahat ng kaalaman ay
napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento at
katibayan. Nagbago sa panahon ng Reinassance ang pananaw sa buhay ng tao. Sa
unang pagkakataon, natuklasan ng tao na ang kanyang sarili, higit na silang
mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali nilang tanggapin at
paniwalaan.

Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang klasikal ang naging daan upang
maitatag ang kilusang tinatawag na Humanismo. Sa kilusang ito, pinaniniwalaang
dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma sa pag-
aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon
ng isang moral at epektibong buhay. Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang
mga panitikan at sining mga ng Griyego at Romano. Nagsaliksik at masusi nilang
pinag-aaralan ang mga manuskrito ng mga manunulat na Griyego at Romano at
isinalin nila ito sa salitang Latin. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa
klasikal na sibilisasyong Griyego at Romano ay tinawag na humanist o humanista,
mula sa salitang Italyano na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular
ng wikang Latin.” Pinag-aralan sa Humadidades o Humanities ang wikang Latin at
Griyego, komposisyon, retorika, kasaysayan at pilosopiya, at maging ang
Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na
dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga
asignaturang ito.

Kinilala ang mga sumusunod na katauhan sa ibat-ibang larangan:

Sa Larangan ng Sining at Panitikan

• Francesco Petrarch – Italyanong manunulat na tinawag na “Ama ng


Humanismo.” Mahalagang naisulat niya ang akdang pampanitikan na “His
Sonnets to Laura,” na isang tula ng pag-ibig para sa kanyang
pinakamamahal na si Laura.

9
• Goivanni Boccacio – isa ring Italyanong kaibigang matalik ni Petrarch. Ang
kanyang pinakamahusay na obra maestrang isinulat ay ang “Decameron,”
na tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isangdaang nakatatawang
salaysay. Sumasalamin ito sa pananaw ng tao sa kanyang sarili at
kakayahan.

• William Shakespeare – ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na


manunulat sa Ginintuang Panahon ng Inglatera sa ilalim ng pamumuno ni
Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang kilala at tanyag na dula na
pinamagatang “Julius Caesar,” “Romeo at Juliet,” “Hamlet,” “Anthony at
Cleopatra,” at “Scarlet.”

• Thomas More – manunulat na Ingles na nagsulat ng “Utopia” na naglalahad


ng isang huwarang lipunan na kung saan ang lahat ay pantay-pantay at
masaganang namumuhay.

● Desiderious Erasmus – manunulat na Olandiya na tinaguriang “Prinsipe ng


mga Humanista” na may akda ng “In Praise of Folly” na tumutuligsa sa
hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

● Nicollo Machiavelli – diplomatikong manunulat mula Florence, Italya. Siya ang


may akda ng “The Prince.” Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang
prinsipyo:

“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan”

“Wasto ang nilikha ng lakas”

● Miguel de Cervantes – Kastilang manunulat na may nobelang “Don Quixote


de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa
kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Panahong Midyibal.

Sa Larangan ng Pagpipinta

● Michelangelo Bounarotti – pinakasikat na manlililok ng Renaissance mula sa


Italya. Una niyang obra maestro ay ang estatwa ni “David.” Ipininta niya sa
kisame ng “Sistine Chapel” ng Katedral ng Batikano sa paanyaya ni Papa
Julius II ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng
sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakakilala niyang
likha ang “La Pieta,” isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kanyang
Krusipiksyon.

● Leonardo da Vinci – Italyanong pintor na hindi makakalimutang obra maestro


niya ang “Huling Hapunan” na nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo
kasama ang Kanyang labindalawang disipulo. Siya ay isang henyong
maraming nalalaman sa ibat-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor,
kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at
pilosopo.

10
● Raphael Santi – “Ganap na Pintor,” “Perpektong Pintor.” Pinakamahusay
na pintor ng Renaissance mula sa Italya. Kilala sa pagkakatugma at balance
o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang
obra maestrang “Sistine Madonna,” “Madonna and the Child,” at “Alba
Madonna.”

Sa Larangan ng Agham sa Panahon ng Renaissance


● Nicolaus Copernicus – Kilalang Polish na naglahad ng Teoryang Copernican;
“Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito
sa paligid ng araw.” Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-
iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng
simbahan.

● Galileo Galilei – isang Italyanong astronomo at matematiko. Malaki ang


naitulong ng kaniyang naimbentong Teleskopyo para mapatotohanan ang
Teoryang Copernican.

● Sir Isaac Newton- tinaguriang Higante ng Siyentipikong Renaissance na


nagmula sa Inglatera. Batay sa kanyang “Batas ng Universal Gravitation,”
ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang
dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag
niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang
isang bagay na inihagis pataas.

Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan


sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-
aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay-daan rin sa
pag-usbong nga Rebolusyong Intelektwal at malawak na kaalaman sa daigdig
bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang
pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-
buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan
ay nauukol sa sankatauhan.

11
Pagyamanin

Matapos mong suriin ang mga kaganapan sa pag-usbong ng


Renaissance, masusubok ang iyong kakayahan sa pagpapayaman ng
kaalaman hinggil sa natapos na aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
pagsubok na inihanda para sa iyo.

A. Word-Search

Panuto: Hanapin ang mga salitang nauugnay sa paksang tinalakay sa mga Halu-
Letra at bigyan ito ng paglalarawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

L E O N A R D O D A V I N C I S X Y
Q G G A L I L E O G A L I L E I X L
C O P E R N I C U S E R T T D I B F
J M E B O U N A R O T T I E R L B I
J P R O T E S B O C C A C I O I Z T
I F M E R K A N N E W T O N O L Z A
F R A N C E S C O P E T R A R C H L
J X F K H U M A N I S M O O Y E C Y
A M O R E I S I T I O N S A N T I A
J R E N A I S S A N C E L U S B T J
B A F P P M A C H I A V E L L I I E
H U L I N G H A P U N A N A T E R A
R N I S C O P E R N I C A N A T A S
R Y I T A L Y A U W C U B A U N Y X

1.
Paglalarawan:_

2.
Paglalarawan:

12
3.
Paglalarawan:

4.
Paglalarawan:

5.
Paglalarawan:

6.
Paglalarawan:

7.
Paglalarawan:

8.
Paglalarawan:

9.
Paglalarawan:

10.
Paglalarawan:

11.
Paglalarawan:

12.
Paglalarawan:

13.
Paglalarawan:

14.
Paglalarawan:

15.
Paglalarawan:

13
B. Piliin Kung Alin, Alin Ang Naiba!
Panuto: Piliin kung alin ang naiba sa hanay ng mga salita at ipaliwanag kung bakit
siya naiba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.
Hamlet A Divine
Comedy
De
Cameron
Sistine
Chapel

2. Galilei Newton Santi Copernicus

3.
Boccacio Erasmus

Machiavelli De Cervantes

4.

Sistine Madonna Madonna Alba


Madonna Louise & the Madonna
Ciccone Child

5.
La Pieta Sistine Huling David
Chapel Hapunan

14
C. Hulaan mo, Sino ako!
Panuto: Hulaan mo kung sino ang nagsasalita o tinutukoy sa bawat bilang.
Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

1. “Sa pag-ikot ng 2. “Ang isang huwarang


daigdig sa aksis nito, lipunan ay yaong lahat
kasabay ng ibang ay pantay-pantay at
planeta, umiikot ito masaganang
sa paligid ng araw.” namumuhay.”

“Ang layunin ay “Ang matematika ay


3. nagbibigay matuwid 4.
ang susi at pintuan
sa pamamaraan.” ng mga agham.”

5. "Ang Gravity ay
nagpapaliwanag ng mga A. Nicollo Machiavelli
motions ng mga planeta
ngunit hindi ito maaaring B. Nicolaus Copernicus
ipaliwanag kung sino ang C. Thomas More
nagtatakda ng mga
planeta sa paggalaw." D. Galileo Galilei
E. Isaac Newton

15
D. Gawa Ko, Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang mga pinahahayag ng bawat bilang at tukuyin kung anong obra
maestra ang tinutukoy nito. Piliin ang letra ng sagot sa loob ng scroll at isulat sa
sagutang papel.

1.Ang bawat planeta ay may kani- 2.Kinapapalooban ito ng dalawang


kaniyang lakas ng grabitasyon at prinsipyo: “Ang layunin ay
siyang dahilan kung bakit nasa nagbibigay matuwid sa
wastong lugar ang kanilang pag- pamamaraan.” at “Wasto ang nilikha
inog. ng lakas.”

3. Nagtataglay ang koleksyong ito 4. Ang tulang ito ng pag-ibig ay para


ng isangdaang nakatatawang sa kanyang pinakamamahal na si
salaysay. Laura.

5. Aklat na kumukutya at A. Don Quixote de la Mancha


ginagawang katawa-tawa sa B. Decameron
kasaysayan ang kabayanihan C. Batas ng Universal Gravitation
ng mga kabalyero noong D. The Prince
Panahong Midyibal. E. His Sonnets to Laura

16
E. Suriin at Alisin!
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang at alisin ang hindi tumutugma sa
pinahahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Renaissance ay nangangahulugang:


A. Pagsilang
B. Pagkamulat
C. Pagkabuhay
D. Pagsasaya

2. Ang dahilan kung bakit umusbong ang Renaissance sa Italya sapagkat:


A. May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang
mga lungsod na makipagkalakalan.
B. Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may
kaugnayan sa mga Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.
C. Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong
mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral.
D. Ang Italya ay binubuo ng maraming tao na may ibat-ibang lahi.
E. Ito ang panahon ng pagsasaya

3. Naitatag ang kilusang Humanismo dahil:


A. Natuklasan ng tao ang kanyang sarili
B. Ang pagiging mahiligin sa kaisipang klasikal
C. Pagiging maluho sa pananamit at pagkain
D. Higit ng mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali
nilang tanggapin at paniwalaan

4. Ginawang paraan ng mga Italyano upang magkaroon ng isang moral at


epektibong buhay.
A. Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga panitikan at
sining ng mga sinaunang Griyego at Romano
B. Gumawa ng batas na kanilang susundin
C. Nagsaliksik at masusing pinag-aralan ang mga manuskrito ng mga
manunulat na Griyego at Romano
D. Isinalin nila ang mga manuskrito sa Latin.

5. Mga mahalagang dahilan sa paglakas ng Europa:


A. Pamamayagpag ng mga bourgeoisie
B. pag-iral ng merkantilismo
C. Pababalik ng kapangyarihan ng pambansang monarkiya
D. Pag-aalsa ng mga magsasaka

17
F. Sa Pangalan Ko, Itapat Mo!
Panuto: Piliin ang katambal na katawagan sa sumusunod na personalidad. Isulat
ang tamang letra ng sagot sa sagutang papel.

1. Sir Isaac Newton A. Prinsipe ng mga Humanista

2. Desiderious Erasmus B. Makata ng mga Makata


3.Francesco Petrarch

C. Ganap na Pintor
4. William Shakespeare

5.Raphael Santi D. Ama ng Humanismo

E. Higante ng Siyentipikong
Renaissance

Isaisip

Punan mo ako!

Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang
titik ng tamang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

Heleocentric Griyego Romano Huling Hapunan


Don Quixote de la Mancha Italya Muling Pagsilang
Desiderious Erasmus Raphael Santi Michelangelo Bounarotti

1. Sa Panahong Renaissance, muling pinanatili at pinanumbalik ang mga

2. sinaunang kulturang klasikal ng ____________ at ____________.

3. Si ___________ ay tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista.”. .

4. Ang ____________ ay nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang


Kanyang labindalawang disipulo.

5. Ang ___________ ay aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa


kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Gitnang Panahon.

6. May magandang lokasyon ang _____________, para magkaroon ng pagkakataon


ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.

18
7. Si _____________ ang tinaguriang “Perpektong Pintor.”

8. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ______________ .

9. Si _____________ ang pinakasikat na manlililok ng Renaissance. Una niyang obra


maestro ay ang estatwa ni David.

10. Ang Teoryang ___________ ay nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng


sanlibutan.

Isagawa

Plano Mo, Ipahayag Mo!

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang mga bagay-bagay,


ano ang tatlong bagay ang una mong iibahin? Ipaliwanag kung bakit. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Sa iyong sarili
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sa iyong pamayanan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sa iyong bansa
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

19
Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Nagpinta ng Sistine Chapel


A. Michelangelo C. Santi
B. da Vinci D. Bounarotti

2. Sumulat ng Don Quixote de la Mancha


A. de Cervantes C. Erasmus
B. Machiavelli D. Newton

3. Naglahad na ang Araw ang sentro ng Sansinukob


A. Newton C. Kepler
B. Galilei D. Copernicus

4. Sumulat ng The Prince


A. More C. Machiavelli
B. Guttenberg D. Petrarch

5. May akda ng Romeo and Juliet


A. Santi C. de Cervantes
B. Shakespeare D. Da Vinci

6. Nakatuklas ng paggamit ng Teleskopyo


A. Galilei C. Copernicus
B. Newton D. Kepler

7. Mga Kulturang Klasikal


A. Tsino. C. Griyego-Romano
B. Indo-Europeo D. Amerikano

8. Isinulat ni Thomas More


A. Utopia C. The Prince
B. In Praise of Folly D. Divine Comedy

9. May akda ng Alba Madonna


A. Raphael Santi C. Raphael Santi
B. Leonardo da Vinci D. Miguel de Cervantes

10. Kaisipang natuklasan ni Newton


A. Revolution C. Mikroskopiyo
B. Grabitasyon D. Evolution

20
11. Sinilangan ng Renaissance
A. Gresya C. Roma
B. Italya D. Espanya

12. Kilusang kumikilala sa kahalagahan ng tao


A. Repormasyon C. Humanismo
B. Krusada D. Renaissance

13. Pagsilang ng kaalaman sa Europa


A. Krusada C. Guild
B. Humanismo D. Renaissance

14. Tinaguriang Prinsipe ng Humanista


A. Machiavelli C. Erasmus
B. More D. Petrarch

15. May obra maestrang Mona Lisa


A. Da Vinci C. Titian
B. Michelangelo D. Santi

Karagdagang Gawain

Paano nakaimpluwensiya o nakatulong ang sumusunod sa kanilang naging


ambag noong panahong Renaissance sa kasalukuyang panahon? Isulat sa sagutang
papel ang paliwanag.

1. Roger Bacon
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. William Shakespeare
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Leonardo da Vinci
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Galileo Galilei
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Isaac Newton
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

21
22
B.
1. Sistine Chapel
2. Santi Subukin
3. Boccacio 1. D
4. Madonna Loouise 2. B
Ciccone 3. A
5. Huling Hapunan 4. B
C. 5. A
Tayahin 6. A
1. D 1. B 7. C
2. B 2. C 8, B
3. D 3. A 9. C
4. C 4. D 10. A
5. B 5. E 11. A
6. A D. 12. C
7. C 1. C 13. A
8. A 2. D 14. B
9. A 3. B 15. B
10. B 4. E
11. B 5. A Balikan
12. C E.
13. D 1. D 1. Maharlika
14. C 2. D 2. Pampalas
15. A 3. C a
4. B 3. Malawak
Pagyamanin na Lupain
5. D
F. 4. Panginoon
A.
1. E g may
1. Leonardo da lupa
Vinci 2. A
2. Galileo Galilei 3. D
3. Copernicus 4. B
4. Buonarotti 5. C
5. Boccacio
6. Newton Isaisip
7. Francesco 1.Griyego
Petrarch 2.Romano
8. Humanismo 3.Desiderious Erasmus
9. More 4. Leonardo Da Vinci
10. Santi 5. Don Quixote de la Mancha
11. Renaissance 6. Italya
12. Machiavelli 7. Raphael Santi
13. Huling Hapunan 8. Muling Pagsilang
14. Copernican 9. Michelangelo Buonarotti
15. Italya 10. Heliocentric
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bibliographic Entry:
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigdig. 1st
ed. Reprint, Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014.

“K To 12 Gabay Pangkurikulum Aaling Panlipunan Baitang 1-10”. Department of


Education, 2014. https://ww.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/grade/8.

“Most Essential Learning Competencies (MELCs)”. Learning Resource Management


and Development System, 2020. https:lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

Perry, Marvin, and Daniel Davis. History of The World. Reprint, Boston,
Massachusetts: Houghton Mifflin Company, 1989.

“Project EASE: Araling Panlipunan II – Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng


Teritoryo

http://mapsopensource.com/images/italy-political-map.gif

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/22/The-Last-Supper-
Restored-Da-Vinci_32x16.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/86/%27David%27_b
y_Michelangelo_Fir_JBU013.jpg/165px-
%27David%27_by_Michelangelo_Fir_JBU013.jpg

https://www.google.com/search?q=monalisa&tbm=isch&ved=2ahUKEwjhr7eUs-
7uAhWtTPUHHZ4wDKAQ2-
cCegQIABAA&oq=monali&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCA
AyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxAnOgUIABCxAzoHC
AAQsQMQQ1D1uxBY78MQYKzZEGgAcAB4AIABdogBlAWSAQMwLjaYAQC
gAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=t7krYKH4FK2Z1e8Pn
uGwgAo&bih=744&biw=1326&hl=fil

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

24

You might also like