You are on page 1of 24

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 1:


KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit ma 4 4liban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Aralin 1
Kolonyalismo at Imperyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
Paunang Salita
Sa Modyul na ito ng Araling Panlipunan 7 ay suplementaryong material na magagamit ng
mga mag aaral sa ika-7 Baitang upang matutunan ang ang mga paksang nasa Ikatlong
Markahan.Nilalaman nito ang Yunit I- Kolonyalismo at Imperyalismo Timog at Kanlurang
Asya Unang Yugto (ika 16-17 siglo ) at ikalawang yugto (18-20 siglo).Nakabatay ang
tunguhin at layunin sa MELCs o Most Essential Learning Competencies
Binibigyan pansin sa modyul na ito ang mga paraan,dahilan, mahahalagang
panyayari na nagbigay daan upang magkaroon ng interes ang mga kanluranin na sakupin
ang Timog at Kanlurang Asya at ang naging epekto sa mga bansa na kanilang mga
nasakop. Sa Una at ikalawang yugto ng kolonyalismo at Imperyalismo.
Para sa mag-aaral. Malaki ang iyong tungkulin sa iyong sariling pagkatuto. Sa
pamamagitan ng paggamit mo ng modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang mga
mahahalagang pag-unawa at kasanayang dapat mong matutuhan sa pagaaral ng Araling
Panlipunan 7. Sikapin mong pag-aralan, suriin, at isagawa ang bawat bahagi ng modyul
nang buong katapatan sa ilalim ng gabay ng iyong guro at magulang. Sa mga pagkakataong
mahirapan ka sa pagsasagawa o pag-unawa sa nilalaman ng modyul, huwag mag-atubiling
humingi ng tulong sa iyong magulang o makipag-ugnayan sa iyong guro upang ikaw ay
maliwanagan. Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay magpatuloy ang
pagkalinang ng iyong kaalaman at kasanayan kahit ikaw ay nasa bahay lamang.

Para sa magulang/tagapatnubay ng mag-aaral. Kayo ay may malaking bahagi sa


pagkatuto ng inyong anak. Ang inyong paggabay sa bawat aralin at gawain na nasa modyul
na ito ay napakahalaga. Kung may mga paksa at gawaing hindi maunawaan kung paano
gagawin, maaari kayong makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak sa Araling Panlipunan.
Katuwang niyo po ang mga guro ng Araling Panlipunan sa paghahatid at paglilinang ng
kaalaman at kasanayan ng inyong mga anak. Upang makamit ito, kinakailangan ng
ibayong pagtutulungan at bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mga
magulang.
Para sa Guro. Dinisenyo ang modyul na ito batay sa mga pamantayang itinakda sa K-12
Kurikulum. Layunin ng materyal na ito na epektibo mong magampanan ang iyong
tungkulin sa pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral kahit pa sila ay
wala sa pisikal na silid-aralan. Inaasahan ang iyong ibayong paggabay at patnubay sa mga
mag-aaral habang ginagamit nila ang modyul. Sinikap ng may-akda na maiangkop ang
bawat gawain sa kakayahan at pangangailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang
panahon. Sa pamamagitan ng mga layunin, gawain, at pamantayang inilahad sa modyul,
inaasahang epektibo mong matataya ang bawat pag-unlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag sulatan, markahan, tupiin, o punitin
ang anomang bahagi nito. Sagutan ang bawat gawain gamit ang hiwalay na papel.
2. Isagawa ang bawat bahagi ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito.
3. Bago sagutin ang bawat gawain, basahing mabuti at unawain ang mga panuto
. 4. Isagawa nang may katapatan at integridad ang mga gawain gayondin sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Ibalik ang modyul sa iyong guro kapag natapos mo nang maisagawa at masagutan ang
lahat ng bahagi nito.
Alamin
A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang
pag-unawa sa pagbabago ,pag unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya
sa Transisyunal at Makabagong Panahon (ika 16-20 siglo)
B.PAMANTAYANG PAGGANAP: Ang mag-aaral ay makapagsasagawa ng kritikal na
pagsusuri sa pagbabago,pag unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Transisyunal at Makabagong Panahon (ika 16-20 siglo)
C.LAYUNIN SA PAGKATUTO: Nasusuri ang mga dahilan ,paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa unang yugto (ika 16-20 siglo)
pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya. (APHAS
D.Mga Tiyak na Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
naibibigay ang kahulugan ng Imperyalismo at Kolonyalismo .
naipapaliwanag ang nagging epekto mga Kanluranin at Asyano sa mga
pangyayaring nagging dahilan sa paggalugad at pagkatuklas ng mga Kanluranin sa
Asya.
nasusuri ang mga bansang nanakop at sumakop sa Timog at kanlurang Asya
gamit ang mapa.
nasusuri ang mga dahilan at paraan ng pananakop ng mga Kanluranin sa Timog
at Kanlurang Asya
napahahalagahan ang mga dahilan ,paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin mula ika 16-20 siglo sa Timog at Kanlurang
Asya.
naihahambing ang mga dahilan, paraaan at epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya mula ika 16-20 siglo ng Kolonyalismo
at Imperyalismo
E. Paksang Aralin
Kahulugan ng kolonyalismo at Imperyalismo
Mga Dahilan at Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Mga Pangyayaring Nagbigay- daan sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya mula ika
16-20 siglo ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Subukin

Sa bahaging ito, subukin mong sagutan ang mga sumusunod na tanong upang mataya ang
iyong paunang kaalaman tungkol sa aralin
Paunang Pagtataya:Basahin at Unawain ang mga sumusunod na tanong at piliin ang tamang
sagot.
Panuto:Piliin ang tamang sagot.Titik lamang
Tumutukoy sa proseso ng pamamahagi ng mga Europeo at pagkakaroon ng
kapangyarihang politikal sa malaking bahagi ng daigdig.
A.Kolonyalismo C. Merkantilismo
B.Imperyalismo D.Kapitalismo
2.Aling pamamaraan ang ginamit ng mga kanluranin sa kanlurang Asya upang magkaroon sila
ng Kontrol dito?
A. Sphere of Influence C. Management System
B.Mandate System D. Resident Syetem
3.Bakit sinakop ng mga kanluranin ang mga bansa sa Asya?
A.Dahil nasakop na nila ang iba pang kontinente
B.Dahil nasakop na nila ang kanilang mga katutubong naninirahan dito.
C.Nais nilang makilala ang kanilang bansa bilang magagaling at matatalinong
mananakop
D.Dahil ang mga bansa sa Asya ay maraming mapapagkunan ng hilaw na materyales.
4.Paano nahikayat ng ang mga kanluranin na maglakbay sa Asya noong naganap ang
krusada.
A.Nakita nila ang karangyaan at kagandahan ng kontinente
B.Nakita na likas na masayahin at masipag ang mga Asyano
C.Nabatid nila na ang mga Asyano ay malakas at matapang ang mga Asyano
D. Napansin nila na ang mga Asyano ay maaring makatulong sa kanila upang
mapalawig ang kanilang mga lupain.
5.Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagbigay daan upang magkaroon ng interes ang
mga kanluranin na sakupin ang Timog at Kanlurang Asya sa Unang Yugto maliban sa:
A.Paglulunsad ng Krusada
B.Paniniwala sa Merkantilismo
C.Paglalakbay ni Vasco de Gama
D.White Man’s Burden
6.Bakit naging pangunahing interes ng mga Europeo ang Contantinople?
A.Dahil sa estratihikong lokasyon nito.
B.Kontrolado nito ang rutang pahilaga at patimog sa pagitan ng Medeterranean Sea at
Black Sea
C.dahil kontrolado nila ang pakanluran at pasilangang ruta sa pagitan ng Europa at
Asya.
D.Lahat ng nabanggit
7.Paraan ng pagkontrol ng mga kanluranin sa mga lupain na kanyang sinakop na kung saan
ganap na pinangasiwaan ng mga dayuhang mananakop ang bansa.
A.Tuwiran C. pakikipagkaibigan
B.Hindi Tuwiran D.paggamit ng dahas
8.Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice, ang sumulat ng aklat na
inilarawan ang karangyaan at kayamanan ng Asya kaya maraming adbenturerong Europeo
ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa Asya.
A.Vasco de Gama C.Rudyard Kipling
B.Marco Polo D.Ernest H. Crosby
9.Imperyong naging makapangyarihan sa buong daigdig dahil sa lawak ng teritoryong nasakop
sa kanlurang Asya na naging dahilan upang hindi masakop ng mga kanluranin.
A.Chaldean C.Babylonian
B.Assyrian D. Ottoman
10.Bansang Europeo na nagpapaligsahan sa pagkontrol ng mga lupain.
A.France at England C. Spain at Portugal
B.Spain at France D. England at Nethearlands
11.Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga kanluranin ang Kanlurang Asya sa unang Yugto ng
kolonyalismo at Imperyalismo?
A.Matalino at malakas ang kanilang mga pinuno.
B.Nasa ilalim ng pamumuno ng mga Turkong Ottoman
C.Karamihan sa mga bansang kabilang ditto ay binubuo ng mga Muslim.
D.May malakas na armas para labanan ang mga kanluranin
12.Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga Kanluranin?
A.Naging matiyaga at matiisin ang mga Asyano
B.Naging masunurin at mapagbigay ang mga Asyao sa mga kanluraning bansa
C.Nagsilibing dahilan ito upang sila ay manakop ng lupain
D.Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalsmo ng mga Asyanao
upang ibangon ang kaunlaran ng bansa
13.Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng kolonyalismo sa Asya?
A.Napalawak ang teritoryo ng mga kanluranin.
B.Nakilala ang mga bansa sa Asya bilang mapanganib na bansa.
C.Nakahanap ang mga kanluranin na mapagdadalhan ng kanilang mga sobrang
produkto.
D.Paggalugad at pakinabang ng mga kanluranin sa mga likas na yaman ng mga
bansa.
14.Ano ang katangian ng India na nakaakit sa mga kanluranin upang ito ay sakupin?
A.May malawak na lupain.
B.May matabang lupa ang lupain dito
C.May mga mamayang masipag na kakailanganin sa kanilang pagtatayo ng mga
kompanya
D.Mainam na himpilan pangkalakalan at mapagkukunan ng likas na yaman
15.Paano nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga Asyano sa Kanlurang at Timog Asya ang
kolonyalismo at Imperalismo ng mga kanluranin?
A.Nakapasok sa rehiyon ang Kristiyanismo
B. Nabago ang Sistema ng pamahalaan batay sa uri na ginamit sa Europe
C.Pagpapaibayo ng kalakalan,nagpatayo ng mga gusali at imprastaktua sa India.
D.Lahat ng nabanggit
Aralin
Kolonyalismo at Imperyalismo
1 sa Timog at Kanlurang Asya
Natalakay sa mga nakaraang pag aaral na ang Asya ay mayroong masaganang mga
kabihasnang. Kung kaya’t ito ang naging dahilan upang magkaroon ng interes ang mga
Kanluraning bansa.Kaya’t pinaunlad ng mga Europeo ang sistema ng kanilang paglalayag at
pakikidigma, paraan upang masakop ang mga bansa sa Asya.

Balikan
Gawain :Punan ng sagot ang talahanayan isulat ang mga mahahalagang
pamana ng mga sinaunang Asyano sa iba’t ibang larangan.

Pamprosesong Tanong:
Anu ano ang mga mahahalagang pamana ng mga sinaunang Asyano sa daigdig?
Alin sa mga kontribusyon ng mga sinaunang Asyano ang itinuring mong pinkamahalaga
at bakit?
Bakit masasabing mahalaga pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnang Asyano?
Tuklasin

Gawain : Suriin ang larawan sa ibaba at bumuo ng hinuha gamit ang concept map.

Pamprosesong Tanong

Ano ang mga konseptong nabuo mula sa larawan?


Sino sino ang mga taong nasa larawan?
Ano ang nagging kaugnayan nito sa mga bansa sa Asya?
Ano ang kolonyalismo at Imperyalismo?
Bakit karamihan sa mga ito ay nagkaroon ng bahagi sa kasaysayan ng mga bansa
sa Asya?

Suriin
Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa A
Mula pa noong ika 15 siglo,masasabing ang Asya ay maunlad at masagana. ang
pamumuhay sa kontinente dahil sa mga likas na yamang matatagpuan dito. Nakatulong ito sa
mga Asyano dahil dito sila ang kumukuha ng mga produktong Asyano sa Europe sa
pamamagitan ng kalakalan na tinatayang nagsimula noon pang ikalawang siglo B.C.E.Ang
pinaka tagpuan nila ay naganap sa tatlong pangunahing ruta.Una ang Hilagang Rutan a
nagsisimula sa Peking (kasalukuyang Beijing)sa China,na daadan sa disyerto ng Gitnang Asya at
tatawid sa Samarkandat Bukhara sa Uzbekistan,Caspian Sea ,Black Sea at
Constantinople.Pangalawa,ang Gitnang Ruta,na mula India , papunta sa baybayin ng Syria at
sa Golpo ng Persia , Antioch,Aleppo, hanggang Damascus Turkey,at ang huli ay ang Timog na
Ruta na maglalayag mula sa India ,babagtasin ang karagatang Indian,dadaan sa may Arabian
Peninsula ,hanggang sa makarating sa Egypt sa pamamagitan ng Red Sea. Makikita sa mapa
ang sinaunang ruta ng kalakalan

Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo


Pananakop ng mga bansang Europeo sa Timog Asya
Ang pagkakatuklas ng mga Europeo ng daan papuntang Silangan na dumadaan sa
kanluran,ang nagbigay daan para masakop ng mga ito ang mga bansa sa Asya.Bagama’t
kakaunti ang tauhang dala ay nagawa pa rin nilang malupig ang mga katutubong Asyano dahil
sa pagkakaroon ng mga ito ng malakas na puwersang pandigma, gaya ng kanyon at baril.
Awtomatikong ginawang kolonya ng mga bansang Europeo ang kani kanilang bansang
nasakop upang mas ganap nilang mapakinabangan ang likas na yaman ng mga nasakop na
bansa.
Ang Pananakop ng mga Portugal.
Matatandaan na sa kasaysayan ng daigdig, ang bansang Portugal ay isa sa mga
bansang naging masigasig sa paggalugad at pananakop ng mga bansa na matatagpuan sa
kanlurang bahagi ng Europa.Pinangunahan ito ng dalawang tanyag na tao sa larangan ng
nabigasyon na si Bartolomeo Diaz at Vasco de Gama at pinundohan naman ng Prinsipe
Henry,ang manlalakbay .May layunin itong galugarin at manirahan sa Timog Amerika, Aprika,
at Asya.Noong 1502 nagbalik at nagtatag si Vasco de Gama ng sentro ng kalakalan sa Calicut
,India. Noong 1505 ipinadala si Francisco de Albuquerque,1510 nasakop ang Ormuz , sa
golpo ng Persia (Iran ngayon). Ilang sa mga itinuturing na mahalagang nasakop ng Portugal
sa Asya ang Goa,India, Macao sa Tsina,Formosa (Taiwan ngayon) East Timor ,Malacca sa
Malaysia at Ternate sa Moluccas.
Ang pakikipagkalakan gamit ang produktong ginto at pang-agrikultura, ang pag
papalaganap ng relihiyong katolisismo , at ang pagpapaunald ng mga lugar na masasakop ay
ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nagsagawa ang Portugal ng pananakop at kalaunan
naging kolonya .
Labis na nakinabang ang Portugal sa mga likas na yaman ng kanyang mga naging
kolonyang bansa.Nagtamasa ng maraming ginto,diamante at mga pampapalasa.Bukod dito,
maraming mga Asyano ang naging alipin sa pamamahala ng Portugal sa mga bansang nagging
kolonya nito.Karamihan sa mga Asyanong nakaranas ng pang aalipin, at papapahirap at
pinagpapatay.Nang humina ang kapangyarihan ng Portugal matapos magupong Espanya sa
ilalim ng pamamahala ni Haring Felipe II noong 1580 , nakatulong din sa pagpapahina sa
puwersa ng Portugal ang ilang sa pag- aaklas na ginawa ng mga Asyanong bansa kaya
nagawang makalaya ang mga Asyano sa kamay ng mga mananakop na Portuges.

Pananakop ng Netherlands
Nang ganap na matamo ng Netherlands ang kanyang kalayaan mula sa Espanya noong
1648 ay sinimulan na rin nila ang pananakop ng ibat ibang bansa sa Asya . Sa pamamagitan
ng pagtatag ng Dutch East India Company, isang kompanyang namumuhunan na binuo
para mapalawig ang kalakalan, ay nagawang makapanakop ng Netherlands ng mga lupain sa
Asya. Sa katunayan, sa ilalim ng pagtangkilik ay nagawang makuha ng Netherlands ang
Moluccas noong 1605 , nagtaglay ng maraming pampapalasa.Itinatag din nila sa Batavia
(Jakarta) noog 1619 bilang capital ng kanilang imperyo sa Asya.Hindi nagtagal ay nasakop na
rin ng Netherlands ang Formosa Taiwan.Nagawa rin nitong maagaw sa Portugal ang Malacca
na nagbigay daan upang magkaroon ito ng kapangyarihan sa komersiyo sa Timog Silangan
Asya .Bukod dito nakausap din ng Netherlands ang bansang Hapon at ang Ceylon (Sri Lanka).
Pananakop ng England
Ang pananakop ng mga Ingles ay nagsimula noong ika-17 dantaon .Gaya ng tatak ng
Netherlands,itinatag ng mga Ingles ang British East India Company,isang kompanyang
naglalayong magkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa Sumatra ,Java , at Moluccas.Ngunit
hindi sila pinayagan ng mga Dutch,na nooy kasalukuyan may hawak sa mga nasabing lugar,na
manatili rito.Ang pangyayaring ito ang nagbigay daan sa mga Ingles, na ibaling ang atensiyon sa
iba pang mga lupain sa Asya , at hindi naman sila nabigo. Sa katunayan , ganap na naskop ng
mga Ingles ang India noong 1757.Nagtatag sila ng iba’t ibang pamayanang pangkalakalan sa
Surat, Bombay (ngayon ay Mumbai), Madras, at Calcutta. Naganap ito matapos matalo ng mga
Ingles, ang mga Pranses sa isang digmaan sa India.
Sa ilalim ng pamamahla ng mga Ingles nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng mga Indian.Sa katunayan umunlad ang produksiyon ng mga pananim at ibat
pang produkto dahil sa makabagong teknolohiyang dala ng mga Ingles. Bukod sa sistemang
pangkabuhayan ay nabago rin ang buhay panlipunan ng mga Indian. Sa katunayan ,ipinag utos
ng mga Ingles ang pagtigil sa pag-aalay ng buhay para sa mga diyos at diyosa na pinaniniwalaan
ng mga Indian.Winakasan ang sinaunang paniniwala gya ng suttee,na tumutukoy sa pagsunog
sa katawan ng balong babae , kasama sa pagsunog sa bangkay ng namatay na asawa;at
thuggee,isang ritwal na pag aalay ng buhay ng isang tao para sa diyosang si Kali.
Sa ilalim din ng pamamahala ng mga dayuhan ito ay nabago ang sistema ng ng mga
Indian.Nagpatayo rin ang pamahalaan ng mga irigasyon para sa mga sakahan at inayos ang
sistema ng transportasyon at kunikasyon.
Bukod sa India ay nakuha rin mga Portuges ang Lupain ng Ceylon (Sri Lanka) at Malaya
matapos lumaya sa kamay ng mga Dutch noong Napoleonic Wars. Samantala ang British East
English (Malaysia) ay nanatiling kolonya ng mga Inges hanggang 1957 at ang Ceylon (Sri Lanka)
hanggang 1948.
Pananakop ng Pranses
Ang pagdating ng mga Pranses sa Asya ay nakatuon sa rehiyong Indochina (bahagi ng
kasalukuyang Vietnam, Laos at Cambodia). Ang Vietnam ay nahahati sa Annam, Conchina, at
Tonkin , kung saan naging matagumpay ang pananakop ng mga Pranses sa Annam, ito ang
nagsilbing tulay upang maipalaganap ng mga Pranses ang relihiyong Kristiyanismo sa buong
kapuluan.
Ang France ang pangatlong bansa na gustong sumakop sa bansang India,
Nakipagsabwatan ito sa pinunong lokal ng Bengal.Ginamit nito ang French East India Company
na naitatag noobg 1664. Nakapagtatag din ang French East India Company na naitatag noong
1664.Napagtatag din ang franc eng pamayanang pangkomersiyal sa
Pondicherry,Chandarnagore, Mahe ,at Karikal. Natapos di ang interes na ito ng nagkaroon ng
labanan sa Plassey nang pitong taong digmaan sa pagitan ng England at France,sa tulong ni
Robert Clive, na siyang nagtatag nang tunay na pundasyon ng mga Ingles sa India .Ang
England ay nagtagumpay laban sa France .Ang England ay nanatiling matatag na mamakop ng
India .
Pananakop ng mga bansang Europeo sa Kanlurang Asya
Sa unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi
nagkakainteres ang mga kanluranin ,dahil ditto ay sakop ng mga Turkong Ottoman.Ang
naghahari sa panahong ito ay ang relihiyong Islam.Noong 1507 , nakuha ang Oman at Muscat
ng mga mangangalakal na Portuges ngunit pinatalsik naman ng mga Arabe noong 1650 .Noong
1907, ang Bahrain ay naging protectorate ng Great Britain, ngunit hindi rin nagtagal ,
pinatalsik ng mga British ng isang Heneral sa si Sha Resa Pahlavi.
Ang Portugal, England, at France ang mga bansang kanluranin na nakarating sa India.
Sa pag iral ng prinsipyong pang –ekonomiya merkantilismo, ang mga bansang Kanluranin at
may iisang layunin sa pagpunta sa Asya,ang makasakop ng mga lupain .Sa huli ang England
ang nagtagumpay para maisakatuparan ang interes sa likas na yaman at mga hilaw na
materyales ng India.Samanatalang ang kanlurang Asya ay hindi agad nasakop dahil sa
panahong ito pinagahaharian pa ito ng napakalakas na Imperyong Ottoman, at pinagbibitay
ng pagkakaisa dahil sa relihiyong Islam na ipinalaganap sa rehiyon.

Mga Dahilan ng Pananakop sa Unang Yugto (Ika 16-17 siglo) ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Asya
Ang mga pangyayaring natalakay ang nagbigay daan upang ang mga Eropeo ay magkaroon ng
interes sa Asya.Dahil Nakita ng mga Eropeo na maari nilang mapakinabangan ang mga likas na
yaman at mga hilaw na produkto ng mga Asyano.
Sa unang yugo nagkaroon ng tuwirang kompetisyon sa pagitan ng nag aagawang bansang
Spain,Portugal,Great Britain ,Netherlands, at France para sa mga lupain sa Asya.Tinatawag
nilang Kolonyalismo.
Kolonyalismo ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop
upang magamit ang likas na yaman ng ma sinakop para sa sariling interes.Kapag nakuha na
ang loob ng mga nasasakupan ay saka nila isasakatuparanang kanilang hangarin na
gamitin,pagsamantalahan ,at pakinabangan nang husto ang likas na yaman.Dahil sa
kolonyalismo ,ang mga kolonyalista ay nakapagtakda ng mga patakaran at nakapagyari sa
mga tao at lugar na kanilang sinakop o nagging kolonya.Nagawang baguhin ng mga Europeo
ang estrakturang panlipunan,pampamahalaan,at pang ekonomiya ng kanilang mga
kolonya.Nangibabaw ang kanilang mga Karapatan at interes kaysa sa kapakanan ng
katutubong populasyon ng mga kolonya.
Samantala ang Imperyalismo ay siang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan
ang malalaki o makapangyarihang mga bansang naghahangad upang palawakin ang kanilang
kjapangyarihan sa paamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga paglalaban o pagkontrol
sa kabihayan at pulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.

Dahilan ng Ikalawang Yugtong Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


mula ika- 18 hanggang ika- 20 siglo.
Pagyamanin

Gawain :Ipaliwanag ang nagimg epekto sa mga Asyano at mga Kanluranin batay sa mga
sumusunod na pangyayari.

Gawain :Pagsusuri ng Mapa


Batayan:
-England -Imperyong Ottoman -Netherlands

-Portugal -France

Pamprosesong Tanong:
Ano ang mga bansang sumakop sa Timog at Kanlurang Asya?
Ano ang mga lugar at bansang nasakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya>
Bakit hindi nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya?
Bakit nagkaroon ng interes ang mga kanluranin na maging kolonya ang mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya?
Ano ang naging kahalagahan ng kolonyalismo at Imperyalismo sa mga Kanluranin bansa at sa
Timog at Kanlurang Asya?

Gawain :Pagsusuri ng Larawan


Panuto :Suriin kung alin sa mga ito ang tumutukoy sa mga dahilan at paraan ng pananakop
ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya.Isulat ang titk D sa maliit na bilog kung ito at
dahilan at P naman kung ito ay paraan ng pananakop.

Pamprosesong Tanong:

Ano ang mga dahilan at paraan ng pananakop ng mga Kanluranin?


Bakit sinakop ng mga Kanluranim ang Timog at Kanlurang Asya?
May nabago ba sa pamumuhay ng mga Asyano sa Kanlurang Asya at Timog Asya
dahil sa pananakop ng mga kanluranin?Ipaliwanag?
Gawain : Paghahambing
Panuto:Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga bansa sa Timog at
kanlurang Asya sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.Punan ng tamang sagot ang
Chart.
Rehiyon Bansang Dahilan ng Paraan ng Patakarang Epekto
Nanakop Pananakop Pananakop Ipinatupad
Timog Asya

Kanlurang
Asya

Pamrosesong Tanong:
Anu-ano ang mga bansang nanakop sa Timog at Kanlurang Asya?
Mayroon bang pagkakatulad at pagkakaiba ang paraan at dahilan ng pananakop
sa Timog at kanlurang Asya? Ipaliwanag.
Paano naapektuhan ang kalagayan ng mga bansa sa Timog at kanlurang Asya sa
unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo?
Gawain :Road Test
Panuto:Isulat sa bawat bilog ang hakbang o pangyayaring nagbigay daan sa pananakop ng mga
kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.
Pamrosesong Tanong:
Ano ang unang hakbang na ng mga kanluranin sa pananakop sa Timog at
Kanlurang Asya sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo?
Ilahad ang mga paraan at patakarang ipinatupad ng mga kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya sa ikalawang Yugto,
Paano naka apekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at kanlurang Asya sa ikalawang Yugto?

Isaisip
Gawain 7: Photo Connection.Suriin ang mga sumusunod na larawan.Tukuyin kung ano ang
naging kaugnayan sa mga dahilan, paraan ,mga pangyayari na naging dahilan sa pagpunta ng
mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa Unang Yugto (Ika 16-17 siglo)ng Kolonyalismo
at Imperyalismo.Ipaliwanag ang sagot.

Pamprosesong Tanong:
Ano ang kaugnayan ng unang larawan sa kolonyalismo at Imperyalismo sa
Asya?Ipaliwanag.
Paano nagkaroon ng kaugnayan ang mga nasa larawang ito sa pananakop ng
mga kanluranin sa Asya?
Ano ang epekto sa sa mga Asyano ng pananakop ng mga Kanluranin?
Isagawa
Gawain : Gumawa ng isang Blog tungkol sa katangian ,kakayahan at pangangailangan taglay
ng isang manalalakbay na Eropeo upang maging mahusay na manlalakbay at manalalayag.
RUBRIC SA PAGMAMARKA NG BLOG
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman Wasto ang lahat ng impormasyon.Gumamit ng ibat 3
ibang sanggunian sa pagbuo ng nilalaman
Paglalahad Malinaw at organisado ang paglalahad ng mga 4
pangyayari sa Blog.Nailahad ng maayos ang mga
katangian ng isang Eropeong manlalayag.
Pagkamalikhain Gumamit ng mga angkop na mga salita at upang 3
maging kaaya aya at madaling maunawaan ang Blog
Kabuoan 10

Tayahin
Panuto:Pagtatapar-tapatin.Basahib ang mga pahayag sa hanay B ang katumbas nito sa hanay
A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A B
Karagdagang Gawain
Gawain 9: Tayahin ang sariling kakayahan sa pamamagitan ng pagtukoy sa paksa na
natalakay sa kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya sa unang Yugto at
Ikalawang yugto na may kaugnayan dito.Ipaliwanag ang inyong sagot
Mga Tekstong Binasa Paksa Ipaliwanag

(Aking naunawaan)
(kayang kaya)

(kailangang basahin at unawain)


(kailangan pang ng masusing pag aaral)

5. (pag usapan)

6. (kailangan ng tulong kamag aral ,guro at


magulang)
7. (aking higit na naunawaan )

9. (kailangan maipaliwanag ng guro)


10.
(Kailangang kung balikan)
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
https://www.google.com/search?q=agham+at+matematika+art+line&safe=active&sxsrf=ALeKk01P
OH9ymgM0p2GkBi7TRKs54VGLQw:matematika
https://www.google.com/search?q=medisina&tbm=isch&ved=2ahUKEwjssuGSpKjqAhUMVJQKH
dbIDncQ2- cCegQIABAA&oq=medis&g
https://www.google.com/search?q=crown&tbm=isch&ved=2ahUKEwjf9tDLtqjqAhWRuJQKHWM
1CwQQ2-cCegQIABAA&oq=crown

Mga Aklat

Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan Vival Publishing Pahina 327-389


Asya Bilang Ehemplong Kontinente St Augudtint Publication Pahina271-275
Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba DEPED

You might also like