You are on page 1of 31

8 Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 3:

Dahilan, Kaganapan at Epekto ng


Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Dahilan, Kaganapan at Epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Argie F. Alcantara
Editor: Name
Tagasuri: Arnaldo C. Relator
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:

Dahilan, Kaganapan at Epekto ng


Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal
Paunang Salita
Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan 8 – (Kasaysayan ng Daigdig) ay
nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magagamit ng mga
mag-aaral sa ikawalong baitang upang matulungang matutuhan ang mga paksa sa
Ikatlong Markahan.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Dahilan, Kaganapan at Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Magandang Araw!
Handa ka na bang matuto!
Halina’t ating simulan ang kapana-
panabik, kasiya-siya at punong- puno ng
kaalaman na paglalakbay sa Panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal!

“Let’s Tour Around the World!”

iv
Alamin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga
dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal

Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang sumusunod:


• Nasusuri ang mga dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal.

Tiyak na Layunin:
• Nasusuri ang mga dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal.
• Natatalakay ang mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal.
• Napahahalagahan ang mga mahahalagang epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal.

Subukin

Subukin mong sagutin ang mga inihandang katanungan. Layunin nitong masukat
ang dati mo ng kaalaman sa paksang pag-aaralan.
I. Maramihang Pagpili
Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan.

1. Ito ay tumutukoy sa panahon ng malawakang pag-iisip gamit ang pagsisiyasat


at pag-eeksperimento na naganap sa kalagitnaan ng ika-16-ika-17 siglo.
A. Renaissance C. Enlightenment
B. Rebolusyong Siyentipiko D. Rebolusyong Industriyal
2. Ito ay isang kilusang intelektwal na binuo ng mga iskolar o pilosopo na
nagtangkang i-ahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng
kawalan ng katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala
noong Middle Ages.
A. Panahon ng Renaissance C. Panahon ng Enlightenment
B. Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko D. Panahon ng Rebolusyong Industriyal

1
3. Ito ang panahon kung saan naging mabilis ang paraan ng paggawa mula sa
gawaing manwal hanggang sa paggamit ng makabagong makinarya na
naging daan sa pagdami ng suplay ng produksyon, malaking kita,
pagkakaroon ng karagdagang pamilihan ng mga yaring produkto at pag-unlad
ng pamumuhay.
A. Renaissance C. Enlightenment
B. Rebolusyong Siyentipiko D. Rebolusyong Industriyal
4. Sa bansang ito nagsimula ang Rebolusyong Industriyal.
A. France B. Amerika C. Germany D. Great Britain
5. Ang Great Britain ay sagana sa likas na yaman tulad ng ____ at _____ na
siyang pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika.
A. uling at ginto B. bakal at pilak C. uling at bakal D. ginto at pilak

II. Pagtatapat-tapat
Panuto: Ilapat ang naging kontribusyon ng mga kilalang personalidad na nasa
Hanay A at piliin at isulat sa patlang bago ang bilang ang angkop na letra ng tamang
sagot na nasa hanay B.

Hanay A Hanay B
____ 6. John Locke A. Ama ng Symphony at String Quartet
____ 7. Isaac Newton B. Pamamaraang Inductive o Deductive
____ 8. Nicolas Copernicus C. Sirkulasyon ng Dugo
____ 9. Thomas Hobbes D. A Vindication on the Rights of Women
____ 10. Francis Bacon E. Social Contract
____ 11. Baron de Montesquieu F. Tabula rasa
____ 12. Franz Josef Haydn G. Teleskopyo
____ 13. William Harvey H. Teoryang Heliocentric
____ 14. Jean Jacques Rousseau I. Batas ng Grabitasyon
____ 15. Galileo Galilei J. Leviathan
K. Spirit of the Laws

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing Paksa:
✓ Dahilan, Kaganapan at Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment
at Industriyal.
Paalala:

Ang mga nakuhang marka ng mag-aaral sa bahaging ito na “subukin” ay hindi


makaaapekto sa gradong ibibigay ng guro dahil hindi ito “graded”. Layunin
lamang nito na alamin ang mga dati nang kaalaman at mga konsepto sa paksang
tatalakayin upang mas lalo pang mahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral at
mabigyang pansin ang mga paksa o konsepto kung saan nahihirapan ang mag-
aaral sa pagsagot.

2
Aralin Kasaysayan ng Daigdig: Dahilan, Kaganapan at Epekto ng
3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal

Balikan

Hanap-salita
Panuto: Hanapin ang sampung (10) mga salitang pinag-aralan sa nakaraang paksa
tungkol sa Dahilan, Pangyayari at Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Gamitin
ang “clue” sa ibaba at magbigay ng maikling paliwanag o detalye sa mga salitang
mahahanap. Isulat sa inyong kuwaderno ang sagot.

X I H P A L M A E S P A N Y A
X K I O P J A E Z R V F W J K
R R Q R I H R S G N C O K X L
N I J T I H C H C M O G Q N K
C S T U G A O B A S L W C D A
O T X G W G P V R B U T T U Y
M I W A Y M O F A O M C P I A
P Y Q L K O L L V M B M A B M
A A R Y Z P O Y E L U S X P A
S N U F E U F B L D S E Q R N
S I R U V Z C E P H E M C I A
T S S Q D L B B W D K K J O N
Y M M O L U C C A S G O D H J
Z O O U V S J T C C F Z M N L
M A G E L L A N A D V G E F K
1.K-_____________________________N 6.M-________________________O
2.K-_____________________________O 7.C-________________________S
3.M-_____________________________S 8.M-________________________N
4.E-_____________________________A 9.C-________________________S
5 P-_____________________________L 10.C-_______________________L

3
Tuklasin

Rebus
Panuto: Isulat ang kasing-tunog na salita na ipinahihiwatig ng mga larawan na may
kinalaman sa ating paksa upang mabuo ang tamang salita. Pagkatapos na mabuo
ang salita, magbigay ka ng sarili mong ideya o detalye tungkol dito. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
Halimbawa:

Belgium
Bansang matatagpuan sa Europa
Bell Gym

1.

Sagot: _________________________________________________
2.

Sagot: ________________________________________________________
3.

Sagot: _________________________________________________________

4
Suriin

Mga Dahilan, Kaganapan at Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,


Panahon ng Enlightenment at Rebolusyong Industriyal

Rebolusyong Siyentipiko
Ang Rebolusyong Siyentipiko ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 at ika-17 siglo.
Ito ay tumutukoy sa malawakang pag-iisip gamit ang pagsisiyasat at pag-
eeksperimento. Sa panahong ito, napalitan ng mga bagong ideya ang mga tradisyunal
na paniniwala mula sa impluwensiya ng simbahan. Ginamit nila ang katwiran at
siyentipikong pamamaraan upang bigyan ng bagong pagpapaliwanag ang mga bagay
bagay sa paligid na may kinalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Ang Geocentric at Heliocentric na Pananaw
Ayon kay Ptolemy, ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang heavenly body
ay umiikot dito sa pabilog na direksyon. Pinaniniwalaan niyang dinisenyo ng Diyos
ang sansinukob para sa mga tao kung kaya’t naniniwala siyang ang daigdig ang sentro
sa kalawakan na tinawag niyang “geocentric view”.
Ayon naman kay Nicolaus Copernicus, isang astronomong taga-Poland. Hindi daigdig
ang sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ang umiikot sa paligid nito.
Ang kanyang aklat tungkol sa bagong pananaw sa daigdig ay hindi agad nailathala
sapagkat sa panahong ito isang mabigat na kasalanan ang pagtuligsa sa pananaw ng
simbahan. Nailathala lamang ang kanyang pananaw tungkol sa daigdig noong 1543
matapos ng kanyang pagkamatay. Nakilala ang kanyang teorya bilang “heliocentric
view”
Pamprosesong tanong #1
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Heliocentric na pananaw ni Nicolaus Copernicus at
Geocentric na pananaw ni Ptolemy.

_____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5
Mga iba pang Siyentista at ang kanilang mga ambag sa Panahong ng
Rebolusyong Siyentipko
Pangalan ng Siyentista Ambag
Galileo Galilei (Italyanong astronomo) Teleskopyo
Tycho Brahe (Danes na astronomo) Pag-oobserba sa kilos ng buwan at mga
planeta at pinag-aralan niya ang
kabuuan ng orbit ng mga planeta.
Johannes Kepler (Alemang matematiko, Natuklasan niyang hindi pabilog o
astrologo at astronomo) sirkular ang orbit ng araw kundi eliptikal
o kilala bilang Laws of Planetary Motion.
Isaac Newton (Ingles na pisiko, Natuklasan niya ang law of gravity at
matematiko, astronomo, pilosopo at nagpanukala ng law of inertia.
alkimiko)
Andreas Vesalius (Planderong Nanguna sa pag-aaral ng anatomiya ng
manggagamot, anatomo, at may-akda) tao.
William Harvey (Ingles na Nakatuklas at nakapagpaliwanag ng
manggagamot) sirkulasyon ng dugo at mga bagay bagay
na may kinalaman sa puso.
Antonie van Leeuwenhoek (Olandes na Nakatuklas ng single-celled na
mangangalakal at siyentipiko) organismo gamit ang microscope.
Carolus Linnaeus (Swekong botaniko, Nanguna sa pag-aaral ng mga halaman
doctor at soologo) at hayop.
Francis Bacon (Ingles na pilosopo, Nagpasimula sa paggamit ng
politico at may-akda) pamamaraang Inductive o inductive
method.
Rene Descartes (Pranses na pilosopo, Nanguna sa paggamit ng pamamaraang
matematiko, siyentipiko at manunulat) matematikal katulad ng Cartesian
Coordinate Plane. Nakilala rin siya sa
kanyang linyang “Cogito, ergo sum” (“I
think, therefore I am”).

Panahon ng Enlightenment
Ang panahon ng Enlightenment ay umunlad sa Europa noong ika-18 siglo. Ito ay
isang kilusang intelekwal na binuo ng mga iskolar o pilosopo na nagtangkang iahon
ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katwiran at
pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.

6
Nakilala ang mga iskolar na ito na mga Philosope o mga grupo ng mga intelektwal na
humikayat sa paggamit ng katwiran, kaalaman at edukasyon sa pagsugpo sa
pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng simbahan at binatikos
ang kakulangan ng katarungan sa lipunan. Ang mga kaisipang ibinahagi ng mga
intelektwal ang nagsilbing pundasyon sa modernong kaisipan na may kinalaman sa
pamahalaan, edukasyon, demokrasya at sining.

Mga pananaw ng mga kilalang pilosopo sa iba’t ibang larangan sa Panahon


ng Enlightenment
Pangalan ng Larangan Akda/Pananaw Paliwanag
Pilosopo
Thomas Hobbes Pamahalaan May akda ng Sinabi niya na ang
Leviathan (1651) tao ay likas na
(Pilosopong
makasarili.
Ingles)
Samakatuwid,
monarkiya ang
pinakamabisang
paraan ng
pamumuno.
John Locke Pamahalaan Two Treatises of Ayon sa kanya ang
Government (1689) tao ay likas na
(Pilosopong Ingles
mabuti,
at manggagamot)
magkapantay-
pantay at malaya.
Naniniwala siyang
ang tao ay natututo
mula sa kanyang
mga karanasan at
kaya niyang
paunlarin ang
kanyang sarili.
Jean Jacques Pamahalaan The Social Contract Ipinaliwanag niya
Rousseau (1762) na ang malayang
mamamayan ay
(Pilosopong
kailangang
Genevan at
magkasundo
kompositor)
upang makalikha
ng isang lipunan at
pamahalaan.
Francois Marie Pamahalaan Hindi siya sang-ayon Sinabi niya na ang
Arouet o mas sa demokrasya. Ayon naliwanagang hari
sa kanya monarkiya lamang na

7
kilala bilang ang sagot sa pag- pinapayuhan ng
Voltaire unlad at pagbabago. mga intelektwal
ang maaaring
(Manunulat na
makapagdulot ng
Pranses)
pagbabago.
Baron de Pamahalaan On the Spirit of Laws Inihambing niya
Montesquieu (1748), Checks and ang 3 uri ng
balances, Separation pamahalaan-
(Pilosopong
of Powers republika,
Pranses)
monarkiya at
despotismo.
Ipinaliwanag niya
ang kahalagahan
ng checks and
balances sa
pamahalaan kung
saan ang 3 sangay
ng pamahalaan ay
magkapantay-
pantay ng
kapangyarihan
ngunit may
magkakaibang
gampanin o
tungkulin.
Cesare Bonesana Lipunan On Crimes and Tinuligsa niya ang
Beccaria Punishments (1764) parusang
kamatayan at hindi
(Italyanong
makatarungang
Kriminologi at
pagtrato sa mga
Ama ng Criminal
kriminal. Sinabi
Justice)
niya na “ang taong
nasasakdal ay
inosente hanggat
hindi siya
napatunayang
nagkasala”
Mary Lipunan A Vindication of the Tinalakay niya ang
Wollstonecraft rights of Woman karapatan ng mga
(1792) kababaihan
(Manunulat na
kabilang na ang
Ingles)

8
karapatang
bumoto.
John Locke Edukasyon Two Treatises: An Tinalakay niya ang
Essay Concerning konsepto ng
Human Understanding “tabula rasa” ayon
(1690) dito, ang utak ng
tao ay parang
blankong papel na
magkakaroon
lamang ng laman
sa pamamagitan
ng paggamit ng
limang pandama.
Dagdag pa niya,
ang tamang
edukasyon ay
maaaring humubog
ng matalino at
responsableng
mamamayan.
1. Franz Josef Sining Tatlong kilalang Ipinahayag ng mga
Haydn (Musika) kompositor sa alagad ng sining ang
(Kompositor panahong klasikal kanilang pagiging
na (1750) artistiko sa mga
museo at
Austriyano) 1. Ama ng pampublikong
2. Wolfgang Symphony at bulwagan.
Amadeus Ama ng String
Mozart, Quartet
(Kompositor 2. Bihasa sa
na halos lahat ng
Austriyano) uri ng musika
3. Ludwig Van 3. Itinuturing na
Beethoven isa sa
(Kompositor pinakamagaling
na Aleman) na kompositor.

9
Pamprosesong tanong #2
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba sa paniniwala nina Hobbes, Locke, Rousseau,
Arouet at Montesquieu tungkol sa konsepto ng pamahalaan?

_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Nakatulong ba ang mga kaisipan ng mga pilosopo sa panahon ng


enlightenment sa pagkamulat ng kaisipan ng mga tao? Patunayan.

________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________

Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Industriyal ay isang malawakang pagbabago sa pamumuhay ng tao
mula sa paraan ng paggawa gaya ng paggamit ng mga makinarya, pagtuklas ng
bagong mga enerhiya, mga pagbabago sa agrikultura at industriya na naganap noong
1700 at 1800 sa England na lumaganap sa mga bansa sa Europa at Amerika.

Sa panahon ng Rebolusyong Industriyal naging mabilis ang paraan ng paggawa


mula sa gawaing manwal hanggang sa paggamit ng makabagong makinarya na
naging daan sa pagdami ng suplay ng produksyon, malaking kita, pagkakaroon ng
karagdagang pamilihan ng mga yaring produkto at pag-unlad ng pamumuhay.

Pinagkunan: docplayer.net

10
Ang Simula ng Rebolusyong Industriyal

Nagsimula ang Rebolusyong


Industriyal sa Great Britain dahil
sagana ito sa likas na yaman tulad ng
uling at bakal na siyang pangunahing
gamit sa pagpapatakbo ng mga
makinarya at pabrika

Noong 1760 ay Noong 1793 ay


nagsimulang naimbento ni Eli
magprodyus ang Whitney ang cotton
Great Britain ng gin na nagpabilis sa
tela na paghihiwalay ng
kadalasang buto sa bulak. Ito
ginagawa lamang ang naging daan sa
sa tahanan sa simula ng paglaki
manwal na ng produksiyon ng
pammaaraan. tela.

Hindi nagtagal ay dumami na ang mga


naimbentong makinarya tulad ng
spinning jenny na nagpabilis sa
paglalagay ng sinulid sa bukilya na lalong
nagpalaki sa pagprodyus ng tela at mura
na itong naipagbibili sa pamilihan.

Pamprosesong tanong #3

1. Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?

______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
11
Ang Pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal

Maraming mga imbensyon at inobasyon ang nagawa ng mga imbentor sa panahong


ito na mas lalong nagpabilis sa paggawa ng tela. Ilan sa mga imbensyon ay ang
sumusunod:

Flying shuttle (1733) – ito ay may abilidad na humabi ng mas malaking tela sa iisang
habian lamang na naimbento ni John Kay.
Spinning Jenny (1764)– Ito ay isang makinarya na may kakayahang lumikha ng
maramihang ikiran ng sinulid nang sabay-sabay na naimbento ni James
Hargreaves
Spinning Mule (1779) – Ito ay pinabuting spinning jenny na higit na mabilis magpa-
ikot ng sinulid kung ihahambing sa manwal na pagpapaikot nito gamit ang
kamay.na naimbento ni Samuel Crompton.
Power Loom (1780)– Ito ay makinarya na nagpoproseso ng paghahabi ng tela na
naimbento ni Edmund Cartwright.
Cotton Gin (1794) – ito ay ginagamit upang mapabilis ang paghihiwalay ng buto sa
bulak na naimbento ni Eli Whitney.

Steam Engine

Ang pagkakaimbento ng steam engine ang naging daan upang madagdagan ang
suplay ng enerhiya na nagpapatakbo sa mga pabrika. Ang enerhiya sa steam engine
ay nagmumula sa singaw. Ang lakas-tubig at hangin ang dating pinagkukunan ng mga
pangunahing industriya ng mga pabrika subalit hindi ito sapat sa pangangailangan ng
mas malakas na enerhiya sa maramihang produksyon. Kalaunan, mas dumami pa
ang mga imbensyon dahil sa pagkakaimbento ng steam engine na karaniwang gawa
sa bakal tulad ng mga riles ng tren.

Ang imbensyon ni Thomas Newcomen unang praktikal na steam engine noong


1712 na ginamit upang bombahin ang tubig palabas sa mga minahan at ni James Watt
na pinabuting steam engine mula kay Newcomen na nakatulong sa pag-pump ng tubig
upang mapatakbo ang mga makinarya sa pabrika, sasakyan at barko ay naging daan
upang umunlad ang transportasyon sa panahong ng Rebolusyong Industriyal.

Napaunlad din ang telekomunikasyon sa pagkakaimbento ng telepono ni Alexander


Graham Bell at telegrapo ni Samuel Morse na nakatulong sa pagpapadala ng mga
mensahe sa malalayong lugar. Sa paggmit naman ng lakas ng elektrisidad nakilala si
Thomas Alva Edison gamit ang bombilya na nagsilbing pailaw sa madilim na
komunidad.

Epekto ng Rebolusyong Industriyal

Marami ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa pamumuhay ng mga tao


gaya ng pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanap-buhay, kasabay nito
ang pagdagsa ng mga tao sa lungsod galing sa probinsya na lalong nagpabilis sa

12
paglaki ng populasyon. Napadali at napabilis ang mga gawain dahil sa makabagong
makinarya at nagkaroon ng malaking puhunan at kita ang mga tao.

Sa kabilang banda, nakapagdulot din ang rebolusyong industriyal ng polusyon dahil


sa pabrika, lumaki ang agwat ng mahirap at mayaman, marami ang nawalan ng
hanapbuhay dahil napalitan ng mga makina ang mga taong manggagawa, pagdami
ng tao sa lungsod at nagsimula ang pagsasamantala sa mga manggagawa na
karamihan ay mga kabataan gaya ng child labor na sapilitang pinagtrabaho sa mga
pagawaan. Noong ika-19 na siglo, naitatag ang mga samahan ng mga manggagawa
na nagbigay ng proteksyon laban sa mapang-abusong kapitalista.

Sa pag-unlad ng Industriya mas lalong naging agresibo ang mga bansang


kanluranin sa pananakop ng mga teritoryo dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na
materyales na gagamitin sa paggawa ng produkto. Mga mga nasakop na kolonya ay
ginawa ding pamilihan ng produktong kanluranin. (Tatalakayin ang buong detalye nito
sa susunod na modyul)
Talaan ng mga iba pang Imbensyon sa Ibat’ ibang larangan

Imbensyon Taon Imbentor


Seed drill 1701 Jethro tull
Vaccine 1798 Edward Jenner
Incandescent light 1802 Humphry Davy
Electromagnet 1825 William Sturgeon
Microphone 1827 Charles Wheatstone
Typewriter 1829 W.A. Burt
Sewing Machine 1830 B. Thimonnier
Refrigerator 1834 Jacob Perkins
Mechanical calculator 1835 Charles Babbage
Rubber vulcanizing 1839 Charles Good year
Pedal bicycle 1839 Kirkpatrick Macmillan
Pasteurisation 1856 Louis Pasteur
Washing Machine 1858 Hamilton Smith
Fan 1882 Schuyler Skaats Wheeler
gas-engine motorcycle. 1885 Gottlieb Daimler
Petrol – powered automobile 1885 Karl Friedrich Benz
Radar 1887 Heinrich Hertz
Ceiling fan 1887 Philip Diehl
AC Induction Motor 1887 Nikola Tesla
Escalator 1891 Jesse W. Reno
Electric stove 1909 Lloyd Groff Copeman
electromechanical television 1924 John Logie Baird
Penicillin 1928 Alexander Fleming
Polaroid camera 1937 Edwin Herbert Land
Aqualung 1943 Jacques-Yves Cousteau
Microwave oven 1946 Percy LeBaron Spencer
Pinagkunan: Ugat ng Lahi: Kasaysayan ng Daigdig, NCR: AKM Publishing House.

13
Pamprosesong tanong #4

Nakatulong ba ang mga imbensyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-araw-araw mong


pamumuhay? Patunayan.

______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pagyamanin

A. Ibigay ang mga kontribusyon ng sumusunod:


1. Galileo Galilei-
2. Nicolas Copernicus-
3. Alexander Graham Bell-
4. Eli Whitney-
5. John Locke-
6. Mary Wollstonecraft-
7. Thomas Hobbe-
8. Thomas Alva Edison-
9. Isaac Newton-
10. William Harvey-
11. Samuel Crompton-
12. Baron de Montesquieu-
13. Jean Jacques Rousseau-
14. Samuel Morse-
15. Francis Bacon-
Pamprosesong tanong # 5

1. Paano nakatulong ang kanilang kontribusyon sa paglawak ng kapangyarihan


ng Europe?
2. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang
kontribusyon?
3. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga nabangggit na mga personalidad ang lubos
mong hinahangaan? Bakit?

14
B. Punan ang sumusunod na tsart ng mga hinihinging impormasyon.
Panahon Mga Dahilan Mga Kaganapan Mga Epekto

1. Rebolusyong
Siyentipiko

2. Panahon ng
Enlightenment

3. Rebolusyong
Industriyal

C. Timbangin mo!

1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabuting dulot ng Rebolusyong Industriyal?


Ipaliwanag.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano naman ang pinakamasamang dulot nito? Ipaliwanag.

________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Isaisip

➢ Sa Rebolusyong Siyentipiko, ang mga kaisipang ipinalaganap nina


Copernicus, Newton, Bacon, Descartes, Galileo, Brahe, Kepler at iba pang
siyentista ay napakahalaga upang maunawaan ang mga bagay bagay sa
paligid na sinusuportahan ng mga ebidensya at maka-agham na paliwanag
gamit ang siyensya.

15
➢ Naimulat naman ng Panahong Enlightenment ang kaisipan ng mga tao sa iba’t
ibang larangan gaya ng Edukasyon, Pamahalaan, Lipunan at Sining upang
bigyang katwiran at linaw ang mga suliraning panlipunan sa tulong ng mga
tinaguriang “Philosope” o grupo ng mga Intelektuwal na gumagamit ng
katwiran, kaalaman at edukasyon sa pagsugpo ng kamangmangan.

➢ Sa panahong ng Rebolusyong Industriyal ang transpormasyon sa agrikultura,


industriya, transportasyon at komunikasyon ay napakahalagang yugto sa
kasaysayan ng daigdig dahil ito ang nagpabago sa takbo ng pamumuhay ng
mga tao mula sa gawaing manwal hanggang sa paggamit ng makabagong
makinarya na nakatulong upang mapabilis at mapagaan ang pamumuhay ng
tao noon hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang Rebolusyong Industriyal
ay nakapagdulot ng mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao.

Isagawa

Magtala ng tig-3 mahahalagang imbensyon na ginagamit o nakikita


mo sa kasalukuyan at isulat ang kahalagahan o gamit nito.

1. Komunikasyon-
Halimbawa:
a. Cellphone- ginagamit sa paghahatid ng mensahe online or
offline
b.
c.
2. Transportasyon-
a.
b.
c.
3. Medisina-
a.
b.
c.
4. Agrikultura-
a.
b.
c.
5. Pabrika-
a.
b.
c.

16
Tayahin

MARAMIHANG PAGPILI

Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan.

1. Ang Rebolusyong Siyentipko ang naging dahilan ng pagkamulat ng mga tao sa


makabagong pananaw at kaugalian kapalit ng mga katotohanang napatunayang
totoo sa pamamagitan ng:
A. Pagmamasid at pagsusuri
B. Pagsusuri at pag-eeksperimento
C. Pangangatwiran at pagsusuri
D. Pagsasaliksik at pangangatwiran
2. Ayon kay John Locke, may likas na karapatan ang tao, tulad ng karapatang
mabuhay, magkaroon ng ari-arian at mabuhay ng malaya. Ito ay pagdidiin na:
A. Ang mga tao ang nagtatag ng pamahalaan at binigyan nila ito ng
kapangyarihan upang pangalagaan ang kanilang mga likas na karapatan.
B. Ang pamahalaan ang bahalang magsakatuparan ng batas para sa
mamamayan.
C. Ang pamahalaan ay para sa ikatitiwasay ng mamamayan sa pamumuno ng
hari.
D. Ang pamahalaan ay dapat magpatupad ng batas ayon sa pagpupulong ng
ilang pinagkakatiwalaang tao.
3. Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng Rebolusyong Industriyal?
A. Tumaas ang antas ng pamumuhay dahil sa bagong imbensyon at mga
produkto.
B. Naging salik ito sa pagdami ng populasyon dahil sa mga salik na ekonomiko
at mga natuklasan sa larangan ng medisina.
C. Nagpabago ito sa pamumuhay ng tao.
D. Dumami ang mga pabrika ngunit di napagaan ang mga gawain na nagdulot
ng pagdami ng produksyon.
4. Ang positibong epekto ng Rebolusyong Industriyal ay ang:
A. polusyon C. labis na kalakal
B. kaginhawaan sa pamumuhay D. monopolyo ng mga kumpanya
5. Pinasidhi ng Rebolusyong Industriyal ang pananakop ng mga bansa dahil sa
pangangailangan ng:
A. Tagatustos ng mga hilaw na sangkap
B. Pamilihan ng produkto at tagasuplay ng mga hilaw na materyales
C. Pamilihan ng labis na produkto
D. Mga kaalyado
6. Ito ay tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at
paniniwala na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang ika-17 na siglo.
A. Enlightenment B. Industriyal C. Siyentipiko D. Renaissance

17
7. Sinabi niya na “ang tao ay likas na makasarili kung kaya palagi niyang
katunggali ang kapwa tao”
A. Thomas Hobbes C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Francois Marie Arouet
8. Si Nicolaus Copernicus ay isang astronomong Polish na nagbigay ng
rebolusyonaryong pagpapaliwanag ukol sa paggalaw ng mundo at mga planeta
sa sansinukob. Ano ang mahalagang binigyang-tuon ng teoryang ito?
A. Na ang mundo ang sentro ng sansinukob
B. Na ang araw ang sentro ng sansinukob
C. Na umiikot ang mundo at araw sa isa’t isa
D. Na hindi gumagalaw ang mga planeta sa kanilang orbit
9. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa aspetong
agrikultural at industriyal ng bansa. Sa panahong ito, pinalitan ang gawaing
manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Dahil dito,
lumaki ang produksyon at nagkaroon ng karagdagang kita ang mga
mamumuhunan. Saang bansa nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?
A. United States B. France C. Germany D. Great Britain
10. “Ang taong nasasakdal ay inosente hangga’t di siya napatunayang nagkasala”,
ang kaisipang ito na ginamit na batayan sa kodigo penal ng mga bansa ay
hango sa kaisipan ni ____________
A. Desiderius Erasmus C. Isaac Newton
B. Casare Beccaria D. Rene Descartes
11. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay
nagmumula sa karanasan? Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay
maihahalintulad sa “tabula rasa” o “blank sheet”
A. John Locke C. Jean Jacques Rousseau
B. Thomas Hobbes D. Baron de Montesquieu
12. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong
Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa
sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga
Kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europa.
C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob.
D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.
13. Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag-unlad sa lipunan at ekonomiya ng
Europa, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa sumusunod ang
pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang ekonomiyang idinulot ng
Rebolusyong Industriyal?
A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsya
B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy
C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho
D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika
14. Tinalakay niya ang karapatan ng mga kababaihan kabilang ang karapatang
bumoto sa kanyang aklat na “A Vindication on the Rights of Women.
A. Francois Marie Arouet C. Mary Wollstonecraft
B. Jean Jacques Rousseau D. Eli Whitney
15. Ito ay isang kagamitan na naimbento sa panahon ng Rebolusyong Industriyal na
nagpabilis sa paghihiwalay ng buto mula sa bulak upang gawing tela.
A. Flying shuttle B. Steam engine C. Cotton gin D. Spinning jenny

18
Karagdagang Gawain

Imbensyon mo! Show mo!

Isipin mong isa ka sa mga imbentor sa panahong ito. Mag-isip ng


isang bagay na hindi pa naiimbento na sa tingin mo ay
makatutulong sa kasalukuyang panahon. Iguhit sa bondpaper ang
nais mong imbensyon at isulat ang layunin, kahalagahan at gamit
nito. Sundin ang “format” na makikita sa ibaba.

Iguhit sa espasyong ito ang bagay na nais mong maimbento

Layunin ng naisip na Paglalarawan o detalye ng Gamit o kahalagahan ng


imbensyon naisip na imbensyon naisip na imbensyon

19
20
Balikan
X I H P A L M A E S P A N Y A
X K I O P J A E Z R V F W J K
R R Q R I H R S G N C O K X L
N I J T I H C H C M O G Q N K
C S T U G A O B A S L W C D A
O T X G W G P V R B U T T U Y
M I W A Y M O F A O M C P I A
P Y Q L K O L L V M B M A B M
A A R Y Z P O Y E L U S X P A
S N U F E U F B L D S E Q R N
S I R U V Z C E P H E M C I A
T S S Q D L B B W D K K J O N
Y M M O L U C C A S G O D H J
Z O O U V S J T C C F Z M N L
M A G E L L A N A D V G E F K
1. KAYAMANAN 6. MARCO POLO
2. KRISTIYANISMO 7. COMPASS/COLUMBUS
3. MOLUCCAS 8. MAGELLAN
4. ESPANYA 9. COLUMBUS/COMPASS
5. PORTUGAL 10. CARAVEL
*Ang sagot ng mga mag-aaral sa bawat konsepto ay maaring magka-iba.
Subukin
I. MARAMIHANG PAGPILI II. PAGTATAPAT-TAPAT
1. B 6. F 11. K
2. C 7. I 12. A
3. D 8. H 13. C
4. D 9. J 14. E
5. C 10. B 15. G
Susi ng Pagwawasto
21
Pagyamanin
B.
Panahon Mga Dahilan Mga Kaganapan Mga Epekto
1. Rebolusyong Nagsimula ang Natuklasan ang Maraming
Siyentipiko pagsisiyasat sa teleskopyo at Batas pagbabago at pag-
pamamagitan ng pag- ng Grabitasyon unlad sa agham.
eeksperimento Maraming
katanungan ang
naipaliwanag ng
mga siyentista.
2. Panahon ng Pag-usbong ng mga Pagkamulat ng Pagbabago sa mga
Enlightenment ideya nina Locke, mga tao sa maling kaugalian,
Rousseau, Hobbes, katotohanan gamit pag-sibol ng
Descartes at iba pang ang katwiran demokrasya,
pilosopo. nasyonalismo at
kalayaang personal
3. Rebolusyong Sagana sa likas na Pagbabago sa Pagtaas ng antas
Industriyal yaman, kahusayan sa paggawa, paggamit ng pamumuhay ng
imbensyon, pagdami ng ng makabagong tao, pagdami ng
kapitalista teknolohiya, at produksyon at
pagtayo ng mga populasyon at
pagawaan paglaki ng kita
*Maaring may iba pang sagot ang mga mag-aaral.
Pagyamanin Tuklasin
A. Rebus
1. Teleskopyo 1. Siyentipiko
2. Heliocentric
3. Telepono 2. Enlightenment
4. Cotton Gin
3. Industriyal/Industrial
5. Tabula rasa
6. Rights of Women Pransya: Quebec, Canada
7. Leviathan
8. Bombilya
9. Batas ng Grabistasyon
10. Sirkulasyon ng dugo
11. Spinning mule
12. Spirit of the Laws
13. Social Contract
14. Morse Code
15. Inductive or Deductive method
15. C
14. C
13. B
12. D
11. A
10. B
9. D
8. B
7. A
6. C
5. B
4. B
3. D
2. A
1. B

Tayahin

Sanggunian

A. Book

Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, PhD. et.al, ph. 250-260

Ugat ng Lahi: Kasaysayan ng Daigdig, Elizabeth A. Auxillo NCR: AKM

Publishing House.

B. Module

Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando, et.al, ph. 347-351

Iisang Daigdig, Adelina Sebastian, et al, ph. 85

C. Website

http://bit.ly/docplayernet_pag-usbong_ng_makabagong_daigdig ph. 317


https://pixabay.com/vectors/church-bell-bell-gold-sound-152195/
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/64/Pilates_at_a_Gym.JPG

22
https://pixabay.com/photos/zoom-background-sea-water-ocean-5485045/
https://iconscout.com/icon/yen-149
https://pxhere.com/en/photo/1449403
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Peas_in_pods_-_Studio.jpg
https://pixy.org/93885/
https://pixabay.com/vectors/end-sign-road-signage-warning-44184/
https://pixabay.com/illustrations/light-bulb-think-idea-solution-2010022/
https://pixabay.com/vectors/number-ten-mark-traffic-39489/
https://pixabay.com/illustrations/patient-elderly-care-helps-old-3793490/
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Brownlows_Inn.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Dust_is_in_the_air.jpg
https://pixnio.com/media/alone-hillside-hilltop-lonely-tree
https://pixy.org/src/212/thumbs350/2127095.jpg
https://pixabay.com/illustrations/man-fighter-training-bruce-lee-2584823/

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like