You are on page 1of 27

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:

Dahilan, Pangyayari at Epekto ng


Unang Yugto ng Kolonyalismo
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Dlivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Dahilan, Pangyayari at Epekto ng Unang Yugto
ng Kolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Argie F. Alcantara
Editor: Name
Tagasuri: Aireen R. Zipagan
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:

Dahilan, Pangyayari at Epekto ng


Unang Yugto ng Kolonyalismo
Paunang Salita
Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan 8 – (Kasaysayan ng Daigdig) ay
nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magagamit ng mga
mag-aaral sa ikawalong baitang upang matulungang matutuhan ang mga paksa sa
Ikatlong Markahan.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Dahilan, Pangyayari at Epekto ng Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi ng
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Magandang Araw!
Handa ka na bang matuto!
Halina’t ating simulan ang kapana-panabik,
kasiya-siya at punong- puno ng kaalaman
na paglalakbay sa Panahon ng
Paggalugad!

“Let’s Tour Around the World!”

iv
Alamin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang masusuri ang


dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin na
itinuturing na nagpabago sa takbo ng pamumuhay sa Europa at sa buong daigdig.

Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang sumusunod:


• Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng imperyalismong
kanluranin -AP8PMDIII2.

Tiyak na Layunin:
• Nasusuri ang mga dahilan ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin.
• Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng
imperyalismong kanluranin na itinuturing na nagpabago sa daigdig.
• Naipaliliwanag ang mga mahahalagang epekto ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin.

Subukin

Subukin mong sagutin ang mga inihandang katanungan. Layunin nitong masukat
ang dati mo ng kaalaman sa paksang pag-aaralan.

I. Tama o Mali

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay wasto at


MALI kung ito ay di-wasto.
________1. Ang bansang Mexico sa kasalukuyan ay dating naging imperyo
ng mga Aztec na napasakamay ng mga Espanyol.
________2. Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges.
________3. Palay ang pangunahing itinatanim sa mga plantasyong itinatag
ng mga Ingles sa West Indies.
________4. Ang Moluccas na tinaguriang pulo ng pampalasa ay
matatagpuan sa kasalukuyang Indonesia.
________5. Ang sistemang kultura ay ipinatupad ng mga Olandes sa
Indonesia upang sapilitang magtrabaho sa taniman ng produktong mabili sa
pamilihan.

1
II. Maramihang Pagpili

Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan.

1. Ang unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nagsimula noong_______


na siglo.
A. 14 na siglo B. 15 na siglo C. 16 na siglo D. 17 na siglo
2. Ang sumusunod ay mga pangunahing dahilan o motibo ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin maliban sa______
A. Kayamanan B. Inspirasyon C. Katanyagan D. Relihiyon
3. Isa siyang lider na Portuges na nagbigay ng suporta at inspirasyon sa mga
manlalayag.
A. Papa Alexander VI C. Prinsipe Henry
B. Vasco da Gama D. Haring Ferdinand
4. Alin sa mga makabagong teknolohiya ang ginagamit sa pagtukoy ng direksyon
gamit ang buwan, araw at bituin sa panahon ng paggalugad?
A. Compass B. Caravel C. Astrolabe D. Mapa
5. Ito ang pangyayari sa Europa na nagsimula noong ika -14 na siglo kung saan
ang mga kaalaman at impluwensiyang lumaganap ay nagpaunlad sa
kakayahan ng tao.
A. Merkantilismo B. Repormasyon C. Renaissance D. Eksplorasyon
6. Ang aklat na nagsilbing motibasyon ng mga Europeo upang makarating sa
silangan partikular sa lupain ng Tsina.
A. Aklat ng Paglalayag C. Aklat ni Prinsipe Henry
B. Aklat ng Bibliya D. Aklat ni Marco Polo
7. Ang slave trade ay isa sa di-mabuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo.
Saang lugar sa daigdig ang labis na nakaranas nito sa panahon ng
kolonisasyon?
A. Amerika B. Asya C. Europa D. Aprika
8. Isang manlalayag na Portuges na nakaikot sa timog ng Aprika hanggang sa
makarating sa India.
A. Ferdinand Magellan C. Samuel de Champlain
B. Vasco da Gama D. Bartolomeu Diaz
9. Alin sa sumusunod na lugar ang naging unang kolonya ng Pransya sa Hilagang
Amerika?
A. Quebec B. New York C. Jamestown D. Mississippi
10. Alin ang tamang pagkasunod - sunod ng mga bansang Europeo na
nagpaligsahan sa paghahanap ng bagong lupain sa panahon ng paggalugad?
A. Espanya-Pransya-Portugal-Inglatera-Olanda
B. Portugal-Espanya-Olanda-Pransya-Inglatera
C. Espanya-Portugal-Olanda-Inglatera-Pransya
D. Portugal-Espanya-Olanda-Inglatera-Pransya

2
Aralin Kasaysayan ng Daigdig: Dahilan, Pangyayari at Epekto ng
2 Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Ang unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nagsimula noong ika-15


siglo. Ang panahong ito ang simula ng malawakang paglalayag at pagtuklas ng mga
bagong lupain ng mga bansang Europeo. Ilan sa mga pangunahing dahilan ay ang
sumusunod: Kayamanan, Katanyagan at Kristiyanismo (3K’s) o Gold, Glory and God
(3 G’s). Ang naganap na unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nagdulot ng
mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao sa Europa at sa iba’t ibang
mga bansa sa daigdig.

Balikan

Kunin ang kwaderno at sundin ang mga isinasaad na gawain.


Batay sa mga paksang tinalakay sa nakalipas na aralin. Tukuyin ang mga larawan
kung alin sa mga salik sa paglakas ng Europa ang inilalarawan nito at magbigay ng
sariling paliwanag o natutuhan sa bawat salik. Isulat ang buong sagot sa iyong
kwaderno.
Mga Pagpipilian:
A. Bourgeoisie
B. Merkantilismo
C. National Monarchy
D. Renaissance
E. Simbahang Katoliko
F. Repormasyon

1 ._______ 4. _______

2. _______ 5. ________

3. _______ 6. ________

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing Paksa:
✓ Ang Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Mahahalagang Terminolohiya:
✓ Imperyalismo
✓ Kanluranin
✓ Europeo
Tandaan: Ang unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay may tatlong
pangunahing paksa na dapat pag-aralan sa modyul na ito: mga Dahilan,
mga Pangyayari at mga Epekto.

Tuklasin

https://svgsilh.com/image/921901.html

Sitwasyon:
Isipin mong ikaw ay nabubuhay sa panahon ng ika-15 siglo, kung saan ang hari
ang namumuno sa inyong lupain. Inutos ng inyong hari na maghanap ng bagong
lupain na mapagkukunan ng kayamanan, ngunit sa panahong ito wala pang
nakararanas na maglakbay sa ibayong dagat dahil sa mga nakatatakot na kwento
tungkol sa paglalayag sa karagatan. Kung ikaw ay sasama sa paglalayag, mabibigyan
ka ng karangalan mula sa hari at makatatanggap ka ng mga kayamanan sa lupaing
matutuklasan. Sasama ka ba sa paglalakbay?

4
Ang aking desisyon:
Oo sasama ako sa paglalakbay dahil;

______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________

Hindi ako sasama sa paglalakbay dahil;

______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________

Pangunahing tanong:
Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at
pagtuklas ng mga lupain?

______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________

Suriin

Mga Dahilan, Pangyayari at Epekto ng Unang Yugto ng


Imperyalismong Kanluranin

Dahilan
May tatlong mahahalagang dahilan ang unang yugto ng imperyalismong kanluranin:

Kayamanan- Dahil sa pagnanais ng mga Europeo na magkaroon ng


madaming ginto at pilak na nakabatay sa sistemang merkantilismo, nagsimulang
magpadala ng mga ekspedisyon sa ibayong dagat upang maghanap ng pamilihan na
magdaragdag ng malaking suplay ng kayamanan sa Europa. Ang paggagalugad na
ito ay sinuportahan ng hari na naging dahilan ng malaking tagumpay ng nasabing
paglalayag.

5
Kristiyanismo- Napakahalaga para sa mga Europeo ang relihiyong
Kristiyanismo. Matatandaan na maraming beses na ipinaglaban ng mga Europeo ang
Kristiyanismo sa kamay ng mga Muslim na isa sa pinakamahigpit na katunggali ng
mga Krisyanong Europeo sa mga panahong ito. Kung kaya’t sinamantala ng mga
Europeo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo habang sila ay naghahanap ng mga
bagong lupain. Sa bawat lugar na matuklasan ng mga Kristiyanong Europeo,
ipinapalaganap nila ang turo ng Simbahang Katoliko. Maraming mga misyonero ang
ipinadala sa Asya, Hilaga at Timog Amerika upang ipalaganap ang aral ng Bibliya.
Ang mga bansang Espanya at Portugal ang nangunang nagpalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo sa mga lupaing kanilang natuklasan at nasakop tulad ng Pilipinas na
isang nangungunang bansa sa Timog Silanagang Asya na may maraming tagasunod
hanggang sa kasalukuyan.

Katanyagan- Malaki ang epekto ng impluwensiya ng Renaissance sa panahon


ng paggagalugad ng mga Europeo dahil ito ang isa sa nagsilbing pagganyak ng mga
manlalakbay na Europeo upang maipakita at mapatunayan ang kanilang kahusayan,
at magkamit ng karangalan at katanyagan para sa kanilang sarili at bansang
kinabibilangan.
Pamprosenong Tanong #1:
1. Ano-ano ang tatlong pangunahing dahilan ng unang yugto ng imperyalismong
kanluranin?

Maglagay ng iyong tala

Public

Itala

Pangyayari na Nagbunsod sa Unang Yugto ng


Kolonisasyon
Iba’t ibang mahahalagang pangyayari ang naganap sa unang yugto ng
imperyalismo na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga tao sa daigdig.
Impluwensiya Dulot ng Renaissance
Malaki ang naging epekto ng Renaissance sa paggalugad ng mga Europeo. Ang
mga kaisipan at mga teknolohiyang naipakilala sa panahong ito ay naging malaking

6
tulong upang mapagtagumpayan ng mga Europeo ang nasabing paglalakbay sa
ibayong dagat. Ang muling pagkamulat sa kulturang klasikal ng Greece at Rome ang
nagbigay-diin sa kahalagahan at kakayahan ng tao. Ang mga kaisipang bilog ang
mundo at hindi patag ay isang patunay na may malawak ng kaalaman ang mga tao
sa heograpiya sa panahong ito. Ang mga maling paniniwala na nakasentro ang
daigdig sa sansinukuban ay pinabulaanan din ng mga siyentista gamit ang
makaagham na pamamaraan gaya ng teleskopyo na naimbento ni Galileo Galilei.

Ang Aklat ni Marco Polo


Malaki ang naging papel ng mga naisulat sa aklat ni Marco Polo dahil ito ang
nagsilbing inspirasyon ng mga hari, mga maharlika, lider ng simbahan, mga
mangangalakal at manlalakbay na Europeong naghangad na makapunta sa Silangan
partikular sa lupain ngTsina upang matamasa ang yaman at kasaganaan ng bansang
ito matapos na mabasa ang mga kwentong nakalahad sa aklat na tinawag na” The
Travels of Marco Polo”.
Pag-usbong ng Teknolohiya
Ang mga naimbentong kagamitan sa paglalayag katulad ng astrolabe,
compass, sasakyang pandagat tulad ng caravel at ang mga inspirasyong inihain ni
Prinsipe Henry the Navigator para sa mga manlalakbay ay mga pangyayaring
nakatulong upang mapagtagumpayan ang naturang paggagalugad.
Ang Paligsahan ng mga Bansang Europeo
Ang pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa ruta ng kalakalan patungong silangan
ang naging pangunahing dahilan ng Portugal at Espanya upang maghanap ng mga
bagong ruta gamit ang karagatan.
Portugal- Ang nangunang bansa sa paglalayag na nagsimula noong ika-15 siglo.
Vasco da Gama- Naikot niya ang Cape of Good Hope sa Timog Africa hanggang sa
makarating sa India.
Hindi nagtagal ang mga lupaing natuklasan ng mga Portuges dahil napasakamay ito
ng iba pang manlalakbay na Europeo
Espanya- Bansang naging katunggali ng Portugal sa paghahanap ng lupain.
Christopher Columbus- narating niya ang Amerika partikular ang Caribbean Islands
noong 1492.
Mga iba pang Manlalakbay:
Hernando Cortez- narating niya ang imperyo ng mga Aztec noong 1519
(kasalukuyang Mexico)

7
Francisco Pizarro- - narating niya ang imperyo ng mga Inca noong1532 (kasalukuyang
Peru).
Ferdinand Magellan- Nakatuklas na ang mundo ay bilog sa pamamagitan ng
paglalayag pakaunlaran upang marating ang Silangan. Ito ang dahilan kung bakit
narating ng mga Espanyol ang Pilipinas noong 1521 at nasakop noong 1565.
Upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng Portugal at Espanya nagtakda si Papa
Alexander VI ng demarcation line kung saan ang lahat ng lupain na matatagpuan sa
kanluran ay mapapasakamay ng Espanya at sa silangan naman ay sa Portugal.
Olanda -Nagsimulang maglakbay at manakop ng lupain noong ika-17 siglo.
Nagkaroon ng mga kolonya sa Amerika katulad ng New York City na dating New
Amsterdam noong 1624. Nakuha ng mga Olandes ang Moluccas sa mga Portuges na
tinaguriang pulo ng pampalasa dahil isa ito sa may pinakamalaking pinagmumulan ng
produktong pampalasa. Pinairal nila ang sistemang kultura (culture system) kung saan
sapilitang pinagtrabaho ang mga tao sa taniman. Nakapagtatag din sila ng mga
kumpanyang tinawag na Dutch East India Company na isa sa kumontrol sa kalakalan
sa bahagi ng Timog Silangang Asya.
Naging pangunahing manlalayag ng mga Olandes si Henry Hudson na isang Ingles.
Napasok niya ang New York Bay noong 1609 na pinangalanang New Netherland.
Inglatera- Interes sa kalakalan ang pangunahing pinagtuunan ng pansin ng bansang
Inglatera. Naitatag ang English East India Company na kumontrol sa kalakalan sa
East Indies sa Asya. Noong 1655 nakuha ng mga Ingles ang Jamaica mula sa mga
Espanyol. Nakapagtatag din ito ng kanyang kolonya sa West Indies sa Amerika kung
saan nagtatag sila ng taniman ng tubo. Kalaunan, naging pangunahing bansang
mananakop ng tinaguriang labintatlong (13) orihinal na kolonya sa Amerika.
Pransya
Noong 1600, nagawang mapasailalim ng Pransya ang Canada sa pangunguna ni
Jacques Cartier. Narating din ang Quebec na naging unang kolonya sa pangunguna
ni Samuel de Champlain. Marami pang mga manlalakbay na Pranses ang tumuklas
at nanakop ng mga lupain gaya nina Rene Robert Cavelier, Jacques Marquette,
Louise Jolliet at iba pa.
Pamprosesong tanong #2:

1. Alin sa mga mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng kolonisasyon ang


lubos na nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga Europeo? Ipaliwanag.

Maglagay ng iyong tala

Public

Itala

8
Epekto
Ang unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nagkaroon ng mabuti at di-
mabuting epekto sa mga Europeo at sa mga lupaing nasakop.
Mabuting Epekto:
1. Lumawak ang kaalaman ng mga Europeo sa Heograpiya, halimbawa,
natuklasan na magkakaugnay ang mga dagat sa mundo.
2. Dumami ang produksiyon ng pagkain.
3. Tumaas ang suplay ng ginto at pilak ng mga Europeo dahil na rin sa mga
bagong produktong naipakilala sa pamilihan.
4. Paghahalo ng iba’t ibang kultura na naging dahilan ng pagsibol ng mga bagong
lahi.
5. Pag-unlad sa paggamit ng teknolohiya.
Di -Mabuting Epekto

1. Labis na pang-aabuso na naranasan ng mga katutubo mula sa mga kanluranin.


Halimbawa nito ay ang naganap na pang-aalipin sa mga katutubong Aprikano.
2. Paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit.
3. Pang-aabuso sa likas na yaman.
Halimbawa nito ay ang pagmimina
4. Maraming bilang ng mga katutubo at Europeo ang nasawi sa mga digmaan.
5. Pagkawala ng lupain, ari-arian at ang unti unting paglaho ng kulturang
kinagisnan ng mga katutubo.
6. Pagkawala ng kalayaan ng mga bansa o lupain na nasakop.
Pamprosesong tanong # 3:

1. Pumili ng isang mabuti at di mabuting epekto ng unang yugto ng


imperyalismong kanluranin. Alin sa mga ito ang labis na pumukaw sa iyong
isipan? Pangatwiranan ang sagot.

Maglagay ng iyong tala

Public

Itala

2. Sa tingin mo, makatwiran ba ang ginawang pang-aalipin ng mga kanluranin sa


mga Aprikano? Bakit?

Maglagay ng iyong tala

Public

Itala

9
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing Paksa:
✓ Dahilan, Pangyayari at Epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin.
Mahahalagang Terminolohiya:
Renaissance Caravel
Compass Merkantilismo
Astrolabe Kristiyanismo
Tandaan: Ang eksplorasyon ng mga bansang kanluranin ay nagdulot ng
mabuti at di- mabuting epekto sa mga lupaing kanilang nasakop.

Pagyamanin

Gawain 1. LODI ko ‘to!


Panuto: Isulat sa loob ng hugis pentagon ang mga lupaing nasakop ng mga Europeo.
Magbigay ng tig-tatlong lugar/lupaing nasakop.

Portugal Espanya Olanda Pransya Inglatera

Mga Bansang Kanluranin at mga


Lupaing Nasakop

10
Gawain 2. I-Ban Mo!

1
Pang -aalipin

E Pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit


2
P
E Pagkawala ng kinagisnang kultura
3
K
T
Pagdami ng namatay dahil sa digmaan
4
O

Pang-aabuso sa likas na yaman


5

Pumili ng tatlong di-


mabuting epekto ng
imperyalismo ang gusto
mong i-ban. Isulat ang
numero sa loob ng tatlong
(3) bilog sa itaas na may
ekis at ipaliwanag ito sa
iyong kwaderno.

11
Gawain 3. Oh my KULAY!
Panuto: Hanapin at kulayan ang limang bansang kanluranin na nanguna sa
paghahanap ng lupain sa unang yugto ng imperyalismo.

Mga panandang kulay:


Berde-Portugal
Dilaw-Espanya
Asul-Olanda (Netherlands)
Pula- Pransya
Kahel-Inglatera
Mapa ng Europa

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Europe_political_chart_complete_blank.svg

12
Isaisip

➢ Nagsimula noong ika- 15 na siglo ang unang yugto ng paggalugad ng lupain


sa ibayong dagat ng mga Europeo. Ang paghahanap ng kayamanan,
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at ang paghahangad na makilala
ang sarili para sa katanyagan ay mga dahilan ng kanilang pananakop.
➢ Maraming pangyayari ang nagbunsod sa mga Europeo na tumuklas at
manakop ng lupain kabilang na rito ang inspirasyong inihain ni Prinsipe Henry,
ang mga impluwensya ng Renaissance, pag-unlad ng teknolohiya at ang aklat
ni Marco Polo.
➢ Ang paligsahan ng mga bansang Europeo tulad ng Portugal, Espanya, Olanda,
Pransya at Inglatera ay nagbigay daan upang lumawak ang kaalaman at
mabago ang takbo ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig.
➢ Nagdulot ng mabuti at di-mabuting epekto ang naganap na imperyalismo ng
mga bansang kanluranin.

Isagawa

Alin sa tatlong simbolo o larawan ang itinuturing mong


pinakamabigat na motibasyon sa pagkamit ng iyong pangarap sa
buhay? Ipaliwanag.

______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________

13
Tayahin

MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan.
1. Alin sa mabuting epekto ng unang yugto ng paggalugad ang nararanasan pa
rin sa kasalukuyan?
A. Pang-aalipin C. Paglaganap ng sakit
B. Pagtaas ng produksiyon ng pagkain D. Pagkawala ng kultura
2. Siya ang nakatuklas na ang mundo ay bilog sa pamamagitan ng paglalayag
pakanluran upang marating ang silangan.
A. Christopher Columbus C. Francisco Pizarro
B. Hernando Cortez D. Ferdinand Magellan
3. Ang pagkakaimbento ng astrolabe, compass at mga sasakyang pandagat ay
halimbawa ng pag-unlad sa larangan ng:
A. Siyensya B. Teknolohiya C. Heograpiya D. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang direksyon na tinahak ni Magellan para makarating sa Silangan
A. Pahilaga B. Pasilangan C. Patimog D. Pakanluran
5. Ang Moluccas na tinaguriang “Pulo ng Pampalasa” ay matatagpuan sa
bansang____________sa kasalukuyan.
A. Malaysia B. Pilipinas C. Indonesia D. Tsina
6. Bakit kailangang maghanap ng bagong ruta ng kalakalan ang Portugal at
Spain?
A. Ang kalakalan ay kontrolado ng Italy sa Mediterranean kaya mahal ang
mga ipinabibiling produkto dito.
B. Ang lahat ng daanan ng kalakalan sa pagitan Asya at mga bansa sa
Europe ay isinara ng mga Turkong Muslim.
C. Ang mga Portuges at Espanyol ay naghangad ng madaling daan patungo
sa silangan.
D. Ang matupad ang kanilang hangarin na makapasyal sa mga lugar na
hindi pa napupuntahan.
7. Ang pagkakatuklas ng bagong ruta ng mga manlalayag na Europeo ay
naging hudyat na natagpuan na ang:
A. Daang dagat patungong silangan
B. Daang lupa patungong silangan
C. Daang-bakal papuntang Asya
D. Lahat ng nabanggit
8. Isa sa mga nakatulong sa paglalayag ng mga Europeong manlalakbay ay
ang suportang inilaan ng mga hari. Sino ang tinaguriang “The Navigator” na
nagpamalas ng interes sa paglalakbay at pagtataguyod sa paglalayag?
A. Prinsipe Philip B. Prinsipe William C. Prinsipe John D. Prinsipe Henry

9. Bakit ipinatupad ng mga Olandes ang sapilitang paggawa sa Indonesia?


A. Upang mapakinabangan ang mga walang trabaho
B. Upang dumami ang suplay ng manggagawa

14
C. Upang magtanim ng produktong mabili sa pamilihan
D. Upang maging produktibo ang lahat ng manggagawa

10. Ang sumusunod ay di mabuting epekto ng unang yugto ng imperyalismong


kanluranin. Alin ang may malaking epekto sa pangkultural na aspeto sa mga
lupaing nasakop?
A. Pang-aalipin C. Pagsupil sa kinagisnang kaugalian
B. Pang-aabuso sa likas na yaman D. Pagkasira ng mga ari-arian
11. Bakit malaki ang naging impluwensiya ng Renaissance sa mga manlalakbay
na Europeo?
A. Ang Renaissance ay pinasimulan ng mga hari at Maharlika.
B. Ang Renaissance ang naging daan upang maging makapangyarihan ang
mga Maharlika.
C. Ang Renaissance ay nagsilbing-daan upang magtiwala ang tao sa
kanyang sariling kakayahan.
D. Ang Renaissance ang nagpayaman sa mga manlalakbay na Europeo
12. Bakit hinati ni Papa Alexander VI ang daigdig batay sa demarcation line?
A. Upang mas mabilis ang pagkuha ng mga lupain pag hinati ito.
B. Upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng Portugal at Espanya.
C. Dahil sa utos ng hari
D. Para mabigyan ang ibang bansa na makakuha ng lupain.
13. Ang paglalayag na isinagawa ni Magellan ay mahalaga sa heograpiya
dahil______.
A. Nakarating ang impluwensiya ng Espanya sa Pilipinas.
B. Nagkaroon ng paghahalo ng kultura ng silangan at kanluran.
C. Nagkaroon ng malawak na kaalaman sa mga katubigan at kalupaan sa
daigdig.
D. Naging bihasa ang mga Pilipino sa pagsasalita ng wikang Espanyol .
14. Bakit Portugal at Espanya ang mga bansang nanguna sa paglalayag sa
panahon ng eksplorasyon?
A. May malawak na kaalaman sa heograpiya ang mga bansang ito.
B. Ang dalawang bansang ito ang naging dahilan kung bakit naisara ang
daang lupa patungong Asya.
C. Ang estratehikong lokasyon ng kanilang lupain ay nakatulong sa mainam
na paglalakbay.
D. Ang pagnanais ng dalawang bansang ito na maging makapangyarihan sa
buong mundo.
15. Bakit mahalaga ang aklat ni Marco Polo sa mga manlalakbay na Europeo?
A. Ito ang nagsilbing inspirasyon ng mga manlalakbay na makarating sa
Tsina.
B. Si Marco Polo ay isang sikat na manlalakbay kung kaya’t marami ang
gustong tumangkilik sa kanyang aklat.
C. Ang aklat ni Marco Polo ay napakamahal at tanging mga maharlika, hari
at mga nakaaangat lamang sa lipunan ang nakakabasa nito.
D. Naglalaman ang aklat ni Marco Polo ng mga ruta na kailangan ng mga
manlalakbay.

15
Karagdagang Gawain

Talahanayan ng Manlalayag
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon tungkol sa mga
nanguna sa pagtuklas ng lupain. Magbigay ng tig-dalawang manlalakbay sa bawat
bansang mananakop.

MGA NANGUNA SA PAGTUKLAS NG LUPAIN


PERSONALIDAD BANSANG TAON LUGAR NA
PINAGSILBIHAN NARATING
Ferdinand Magellan Espanya 1519 Pilipinas

Pinagkunan: Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral, Gawin 5 p.336

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na naguna sa
paggalugad sa daigdig?
2. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan
ng Europe?
3. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas ng mga personalidad na nanguna sa
paglalayag sa mga bagong lupain?

16
17
Suriin Balikan Subukin
1. Kayamanan 1. C I. TAMA O MALI
(Gold) 2. A
2. Kristiyanismo 3. B 1. TAMA
(God) 4. E 2. TAMA
3. Katanyagan 5. F 3. MALI
(Glory) 6. D 4. TAMA
5. TAMA
Maaaring II. MARAMIHANG
magkaiba-iba PAGPILI
ang paliwanag 6. B
ng bawat mag- 7. B
aaral.
8. C
9. C
10 C
11 C
12 D
13 B
14 A
15 D
Susi ng Pagwawasto
15.A
14.C
13.C
12.B
Pransya: Quebec, Canada 11.B
10.C
India 9. C
Indies, Hilagang Amerika. 8. D
Inglatera: Jamaica, West 7. A
6. B
Olanda: Indonesia, Moluccas 5. C
4. D
Peru, Caribbean Islands 3. D
Espanya: Pilipinas, Mexico, 2. D
1. B
Portugal: Timog Aprika India NG PAGPILI
MARAMIHA I.
ko ‘to
Gawain 1: LODI Tayahin

Mga Sanggunian

A. Aklat

Kasaysayan ng Daigdig, Bagong Edisyon, 2012. Grace Estela C. Mateo, PhD.


et.al, ph. 240-248

B. Module

Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon, 2013. Rosemarie C. Blando, et.al,


ph. 320-338

C. Website/Elektronikong Sanggunian

https://bit.ly/AP8Q3M2p3Bourgeoisie
https://bit.ly/AP8Q3M2p3Church
https://bit.ly/AP8Q3M2p3Coins
https://bit.ly/APQ3p13Cross
https://bit.ly/AP8Q3M2p3Crown
https://bit.ly/AP8Q3M2p13Crown
https://bit.ly/AP8Q3M2p3LogoHumanismo

18
https://bit.ly/AP8Q3M2p3MartinLuther
https://bit.ly/APQ3M2pivMomentCamApp
https://bit.ly/AP8Q3M2p13Treasure

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like