You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Dahilan at Epekto ng
Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Mga Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Dahilan at Epekto ng
Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Dahilan at Epekto ng Ikalawang
Yugto ng Imperyalismong Kanluranin!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

4
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin
A. PANIMULA
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay magkaroon ng lubos na pag-unawa sa
mga paksang tatalakayin, maging isang mapanuring mag-aaral at mahasa ng
lubusan ang mga kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok ng
kaalaman sa pagtatapos ng mga aralin.
Sa modyul na ito ng Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig
tatalakayin natin ang mga Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin. Ito ay nakatuon sa mga sumusunod na paksa:
1. Manifest Destiny
2. White Man’s Burden
3. Protectorate
4. Concession
5. Sphere of Influence

B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL


Pamantayang Pangnilalaman:
Sa pagtatapos ng yunit, ikaw ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa
sa nagging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at
rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng kaisipan sa agham, politika at
ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.

Pamantayan sa Pagganap:
Sa pagtatapos ng yunit, ikaw ay kritikal na nakapagsusuri sa nagging
implikasyon sa kanyang bansa, komunidad, at sa sarili ng mga pangyayari sa
panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto:


1. Naipaliliwanag ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.
2. Nasusuri ang mga Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo.
Mga Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng inyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo;
2. Nasusuri ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto
ng Imperyalismong Kanluranin.

1
Subukin

GAWAIN 1: Maraming Pagpipilian


Panuto: Basahin mong mabuti ang tanong at piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kwaderno.
1. Alin ang higit na naglalarawan sa kolonyalismo?
a. Di tuwirang pagkontrol sa isang bansa
b. Pananakop at pamamahala sa isang bansa
c. Pag-impluwensiya sa kultura, ekonomiya at politika ng bansa
d. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa
2. Alin ang higit na naglalarawan ng imperyalismo?
a. Tuwiran o di tuwirang pagpapalawak ng awtoridad ng isang
makapangyarihang bansa sa mahinang bansa
b. Pananakop ng isang bansa sa ibang bansa
c. Pamamahala ng isang bansa sa ibang bansa
d. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa
3. Alin ang higit na nagpapahayag ng konsepto ng “White Man’s Burden?
a. Tungkulin ng mga Kanluranin na ikalat ang kanilang sibilisasyon sa mga di
sibilisadong tao
b. Tungkulin ng mga Kanluranin na sakupin ang mga di sibilisadong tao
c. Tungkulin ng mga putting tao na sakupin ang buong mundo
d. Tungkulin ng mga puting tao na alagaan ang mga di sibilisadong tao
4. Tumutukoy sa karapatan na ipinagkaloob ng isang mahinang bansa sa
makapangyarihang bansa na gamitin ang likas yaman nito
a. Sphere of Influence c. Concession
b. Protectorate d. Kolonya
5. Isang uri ng pananakop na kung saan nagkakaloob ng proteksiyon ang
makapangyarihang bansa sa mahinang bansa
a. Protectorate c. Sphere of Influence
b. Kolonya d. Concession
6. Isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at
politika ng mahinang bansa
a.Concession c. Protectorate

2
b. Sphere of Influence d. Kolonya
7. Ayon sa doktrinang ito, may karapatang ibigay ng Diyos sa United States ang
magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang Amerika
a. Protektorate c. Manifest Destiny
b. Concession d. White Man’s Burden
8. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng mabilis na paglalakbay sa mga karagatan
ng mga Europeo?
a. Dahil sa imbensyon sa teknolohiya at agham dulot ng Rebolusyong
Siyentipiko sa Europa
b. Dahil sa industriyang nabuo sa Europa kaya kinailangan nilang maglakbay
c. Dahil nagbigay ng kautusan ang Simbahang Katoliko na magtungo sa iba’t
ibang lugar sa Amerika at Afrika
d. Dahil sa mga hilaw na materyales na makikita sa ibang panig ng daigdig
9. Alin sa mga sumusunod ang higit na dahilan ng pagkakaroon ng Ikalawang Yugto
ng Imperyalismo
a. Nagkaroon ng malaking pangangailangan para sa pamilihan at mga hilaw na
materyales para sa industriyang nabuo sa Europa
b. Ang mga bansang Europeo ay nagsimulang tumuklas ng mga bagong lupain
upang humanap ng kanilang masasakop
c. Dahil sa mga surplus o labis na produkto ng mga Europeo dulot ng
imbensiyon sa mga teknolohiya
d. Dahil sa pag-aasam ng labis na kapangyarihan
10. Paano nakaapekto ang kolonyalisasyon sa Asya?
a. Hinayaan ng mga Asyano ang mga dayuhang bansa
b. Umigting ang damdaming nasyonalismo sa bansa
c. Nagparaya ang mga Asyano upang matamo ang katahimikan ng bansa
d. Naging utak kolonyal ang mga Asyano
11. Ang Asya at Africa ang pangunahing naging biktima ng imperyalismo ng mga
Europeo dahil sa
a. Kawalan ng matatapang na pinuno
b. Mayaman ito sa likas na yaman
c. Dahil ang mga naninirahan dito ay hindi sibilisado
d. Madaling puntahan ang mga ito
12. Nagkaroon ng pagbabago sa Morocco noong 1912 sa pagsakop ng mga British.
Gayunpaman ay nananatili ang mga katutubo bilang mga pinuno ngunit nasa
mananakop na bansa ang tunay na kapangyarihan. Ang ganitong imperyalismo ay
a. Protectorate
b. Concession
c. Manifest Destiny
d. Sphere of Influence
13. Nakatuklas sa Victoria Falls at naglathala ng mga obserbasyon niya sa Africa
a. John Speke
b. Charles Darwin

3
c. James Grant
d. David Livingstone
14. Alin ang hindi naging dulot ng Berlin Conference?
a. Nagbunga ng pagkakahati hati ng Africa sa teritoryong kanluranin
b. Pagsasaayos ng kompetisyon ng mga bansang Kanluranin sa pagmamay-ari sa
Africa
c. Pag-unlad ng sistemang pangkabuhayan at panlipunan
d. Pagkontrol ng mga Ingles sa Suez Canal
15. Ito ay isang sistema na kung saan namumuhunan ng salapi ang isang tao mula sa
kanluraning bansa sa isang bansang sakop upang magkaroon ng malaking tubo o
interes
a. Kapitalismo c. Isolationism
b. Rebolusyong Industriyal d. Nasyonalismo

Balikan
GAWAIN 2:
Panuto: Isulat mo ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto, samantala isulat ang
salitang MALI kung ang sinasaad sa pahayag ay hindi wasto tungkol sa nakaraang aralin.
1. Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis
para sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa
anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya
2. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihan pinuno ng isang nasyon
sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine
rights of king
3. Si Baron de Montesquieu ay isang pilosopo na tahasang tumuligsa sa absolutong
monarkiyang nararanasan ng mga Pranses
4. Ang Social Contract ay naging saligan ng mga batas ng rebolusyong France
5. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay nakasentro sa paggamit ng reason o katuwiran
sa pagsagot ng mga suliraning panlipunan, pampolitika at pang ekonomiya

Tuklasin
GAWAIN 3: Basahin at Unawain ang tula ni Rudyard Kipling na pinamagatang “The
White Man’s Burden”. Ano ang ibig ipahiwatid ng tula?

4
White Man’s Burden
By: Rudyard Kipling

5
Suriin
Ang Kolonyalismo at Ang Imperyalismo
Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang ibig sabihin
ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga
sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling
interes. Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang
hangarin ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob
ng mga nasasakupan ay saka nila isasakatuparan ang kanilang hangarin na
gamitin, pagsamantalahan at pakinabangan ang likas na yaman ng kolonya. Ito ay
sa pamamagitan ng pagtatatag ng pamahalaang kolonyal, pagpapataw at
pagtatakda ng paniningil ng buwis at pagsasagawa ng mga batas na makabubuti sa
mga mananakop.
Samantala, ang imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang
ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sa
panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay
nangangahuluganng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa
aspektong pangpolitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng mahina at
maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Ang
pagtatatag ng maraming kolonya ang magbibigay daan sa pagpapalawak ng mga
nasasakupan upang makapagtatag ng imperyo.

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO

Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng Ikalawang Yugto ng


Imperyalismo. Naging mas madali ang paglalakbay sa malalawak na karagatan para sa
mga Europeo dahil mga imbensyon sa teknolohiya at agham dulot ng Rebolusyong
Siyentipiko. Nagkaroon ng malaking pangangailangan para sa pamilihan at mga hilaw na
materyales para sa indutriyang nabuo sa Europa. Lalo itong nagpaigting sa panibagong
paglalakbay ng mga Europeo. Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap,
pagsunod sa sistemang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga
kanluranin na magpalawak ng teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnan naganap
ang ikalawang yugto ng pananakop. Maraming pagbabagong politikal, kultural at
pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang sinakop.
Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol at pananakop ng mga
Europeo upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman ng kolonya.

6
Dahilan ng Pananakop
-Ayon sa doktrinang ito, may karapatang
Manifest Destiny ibigay ng Diyos ang United States na
magpalawak at angkinin ang buong
kontinente ng Hilagang Amerika.
-Naniniwala ang mga Europeo na tungkulin
White Man’s Burden nila at ng kanilang mga inapo na panaigin
ang kanilang maunlad na kabihasnan sa
mga katutubo ng mga kolonyang kanilang
sinakop.

Uri ng Pananakop
-Tuwiran o direktang pinamamahalaan o
Kolonya pinangangasiwaan ng makapangyarihang
bansa ang mahinang bansa.
-Isang lugar o maliit na bahagi ng bansa
Sphere of Influence kung saan kontrolado ang pamahalaan at
politika ng makapangyarihang bansa.
-Pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon
Protectorate laban sa paglusob ng ibang bansa.
-Pagbibigay ng espesyal na karapatang
Concession pangnegosyo.

Mga halimbawa ng mga bansang nanakop at ang kanilang naging kolonya:


Great Britain Africa (Sierra Leone, Liberia, Nigeria,
Sudan, Timog Africa, Congo, Tanzania),
India, Burma, Canada, Ceylon, Egypt,
Bahamas, Honduras, New Zealand,
Hongkong
France Algeria, Canada (Quebec), Tunisia,
Morocco, North America, Indo-China
(Laos, Cambodia, Vietnam), Madagascar
Estados Unidos Guam, Puerto Rico, Pilipinas, Samoa at
Hawaii ( Pearl Harbor)
Netherlands Dutch East Indies at Dutch New Guinea

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga kolonyang bansa na dulot ng
pananakop ng mga Europeo. May mga mabuti o positibong implikasyon sa
kolonyang bansa tulad ng paglawak ng kanilang kaalaman sa agham, teknolohiya,
medisina at iba pa. Sa kabilang banda, nagdulot din ito ng negatibong epekto tulad
ng pang-aabuso at pagsasamantala na nagpahirap ng husto sa mga bansang naging
kolonya.

7
Pagyamanin
GAWAIN 4: Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga pamamaraang ginamit ng mga Europeo sa Ikalawang Yugto ng
Imperyalismo?
_________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Naging makatwiran ba ng pananakop ng mga Kanluraning bansa? Ipaliwanag ang
sagot ____________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Sa inyong palagay, ang imperyalismo ba ay nagbigay ng magandang kinabukasan


at kaginhawaan sa mga bansang kolonyal? Pangatwiranan __________________
_________________________________________________________________

8
Isaisip
Narito ang mga mahahalagang pag-unawang dapat mong tandaan tungkol sa Ikalawang
Yugto ng Imperyalismo.
1. Ang imperyalismo ay dominasyon ng makapangyarihang nasyon-estado sa
aspektong politika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit
na bansa upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Ang Imperyalismo sa
Africa at Asya ay naging daan upang pagsamantalahan ng mga Kanluranin ang
kanilang likas na yaman at lakas-paggawa.
2. Ang kolonyalismo ay patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop para
sa sariling interes. Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing
sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at
pangkultura. At ang nakikinabang ay ang mga Kanluraning bansa.
3. May mga uri ng pananakop tulad ng Protectorate, Kolonyal, Sphere of Influence
at Concession.
4. At ang dahilan ng kanilang pananakop bukod sa pangangailangan ng hilaw na
materyales at pamilihan ay Manifest Destiny at White Man’s Burden.

Isagawa

Panuto: Sa isang bond paper gumawa ng tula, awit o gumuhit ng larawan na nagpapakita
ng iyong saloobin ukol sa Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan 10 5 3 Puntos
Kaangkupan Lubhang Angkop ang ilang Hindi angkop ang
sa paksa napaka-angkop ang bahagi sa paksa (2-3 ginawa sa paksa.
mga bahagi sa paksa bahagi)

Kaisipan ng Buo ang kaisipan o Kulang ang kaisipan Nakalilito ang


tula, awit o diwa sa paksa sa paksa kaisipan o diwa sa
larawang paksa
ginuhit

9
Salitang Angkop na angkop May 2-3 na mga salita Hindi angkop ang
ginamit ang mga salitang ang hindi angkop sa mga salitang ginamit
ginamit sa mga mga pahayag. sa mga pahayag.
pahayag.
Pagguhit Angkop na angkop May ilang larawan at Walang kaugnayan
ang mga larawan at pahayag (2-3) na may ang larawan sa
pahayag na ginamit. angkop na pahayag na ginamit.
interpretasyon.
Kabuuang Puntos

Tayahin
Maikling Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kwaderno.
1. Alin ang higit na nagpapahayag ng konsepto ng White Man’s Burden?
a. Tungkulin ng mga Kanluranin na ikalat ang kanilang sibilisasyon sa mga di
sibilisadong tao
b. Tungkulin ng mga Kanluranin ang sakupin ang mga di sibilisadong tao
c. Tungkulin ng mga Kanluranin na turuan ang mga di sibilisadong tao
d. Lahat ng pahayag ay tama.
2. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na dahilan kung bakit nagsagawa ang
mga Europeo ng kolonisasyon noong ika labing-anim na siglo?
a. upang makipagkaibigan
b. upang ipakita na sila ay mas mataas at makapangyarihan
c. upang makipagkalakalan
d. upang mapantayan ang lakas ng kalabang bansa
3. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng pananakop ng mga Kanluranin
a. Pagsikil sa karapatan ng mga katutubo
b. Eksploytasyon ng mga pinakukunang yaman ng mga sinakop na bansa
c. Pagkawasak ng kultura ng mga katutubo
d. Lahat ng ito.
4. Alin ang higit na naglalarawan ng imperyalismo?
a. Pananakop ng isang bansa sa ibang bansa
b. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa
c. Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong politika,
ekonomiya at kultural
d. Pamamahala ng isang malakas na bansa

10
5. Ang kolonyalismo ay nakaimpluwensiya ng malaki sa gawi ng mga tao at isa na
rito ang pagkahumaling sa mga imported na produkto. Sa iyong palagay, ano ang
dahilan ng ganitong kaisipan?
a. Dahil sa mas matibay at mura ang mga imported na produkto
b. Dahil sa kaisipang neo-kolonyal na mas nakaaangat na tignan ang imported na
produkto
c. Dahil sa mas marami ang produktong imported sa panahon ngayon
d. Lahat ng nabanggit.

Karagdagang Gawain

Panuto: Panoorin ang mga sumusunod na video sa youtube. Gumawa ng reaction tungkol
sa napanood na video. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

1. https://youtu.be/PzF88HBlAHY
2. https://youtu.be/frF33emgn5g
3. https://youtu.be/alJaltUmrGo
4. https://youtu.be/QfsfoFqsFk4

Susi sa Pagwawasto

11
Sanggunian
Aklat
1. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
2. Kasaysayan ng Daigdig Bolyum 6, Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyunal na
Panahon nina Ederlina Balena, Sandra Ileto-Balgos, Dolores M. Lucero, Arnel M.
Peralta at Jose B. Bilasano
3. Kasaysayan ng Asya sa Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo Bolyum 6
nina Ruby De Jesus, Erna Golveque, Norma Pacaigue, Tess Busadre at Jose B.
Bilasano

Website
1. https://www.slideshare.net/JtEngay/grade-8-ikalawang-yugto-ng-imperyalismong-
kanluranin
2. Quipperschool.com
3. https://youtu.be/PzF88HBlAHY
4. https://youtu.be/frF33emgn5g
5. https://youtu.be/alJaltUmrGo
6. https://youtu.be/QfsfoFqsFk4
7. http://www.kiplingsociety.co.uk/poems_burden.htm

12

You might also like