You are on page 1of 44

7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Nasyonalismo sa Silangan
at Timog-Silangang Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


May B. Eclar, PhD CESO III
Rhoda T. Razon, EdD CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Princess Marjorie D. Canlas
Catherine S. Anicete
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD/ Grace G. Abad/ Rebecca Sotto
Mary Jane P. Soriano/ Edelwiza L. Cadag/ Rodel D. Lintag
Marieann C. Ligsay PhD
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Marylin R. Abrantes
Tagapamahala: May C. Eclar PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Remedios D. Sitchon
Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Nasyonalismo sa Silangan
at Timog-Silangang Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Inihanda ang modyul na ito nang sa gayon ay iyong mapakinabangan


at magsilbing gabay tungo sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman mula sa
mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 7.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa nasyonalismo


sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Matapos mong maisakatuparan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at


pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya;
2. nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
3. nailalahad ang pamamaraang ginamit ng kilusang nasyonalista sa
Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagtatamo ng kalayaan mula sa
kolonyalismo; at
4. naipahahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagtatamo ng
kalayaan mula sa kolonyalismo.

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga batayang
impormasyon sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa
Silangan at Timog Silangang Asya. Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagtalakay ng aralin sa modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Basahin mo ang sumusunod na tanong at isulat mo ang letra


nang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin ang HINDI salik sa pagsiklab ng nasyonalismong Tsino?


A. paghahalo ng kulturang Tsino at kanluranin
B. mahinang industriya at kalakalan ng mga Tsino
C. extraterritoriality rights ng mga dayuhang kanluranin
D. mahinang pamumuno ng mga dayuhang nagtatag ng dinastiyang
Ming

2. Paano ikukumpara ang Rebelyong Taiping sa Rebelyong Boxer?


A. Pareho itong nagwagi laban sa kaaway.
B. Magkaiba ang kanilang hangarin at kinahinatnan.
C. Magkatulad ito sa layuning palayasin ang mga dayuhan sa Tsina.
D. Natalo ang Rebelyong Taiping samantalang nagwagi ang Rebelyong
Boxer.

3. Alin ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit umusbong ang
nasyonalismo sa Pilipinas?
A. pagiging Kristiyano ng mga katutubong Pilipino
B. pagbili at pagbenta ng tabako sa pamahalaan lamang
C. pagtatalaga sa mga principales bilang cabeza de barangay
D. pagkuha sa mga Pilipino para sa sapilitang paggawa ng daungan

4. Paano naiiba ang nasyonalismo nina Mao Zedong at Sun Yat-Sen?


A. Isinulong ni Mao Zedong ang komunismo at si Sun Yat-Sen naman
ay ang demokrasya.
B. Naniwala si Mao Zedong sa kapitalismo habang si Sun Yat-Sen
naman ay sa merkantilismo.
C. Demokratikong pinuno si Mao Zedong samantalang kapitalismo
naman si Sun Yat-Sen.
D. Naniwala si Sun Yat-Sen sa sosyalismo samantalang sa
totalitaryanismo naman si Mao Zedong.

5. Sa Timog-Silangang Asya, maraming mga nasyonalista ang kumilos upang


mapalaya ang kanilang bansa sa imperyalismo ng mga kanluranin. Ano
ang pagkilos na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar?
A. Nakipaglaban si Ho Chi Minh sa mga Tsino at British.
B. Sinimulan ni Diponegoro ang malawakang pag-aalsa laban sa mga
Dutch.

2
C. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang labanan ang
mga Espanyol.
D. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga
British noong 1930-1932.

6. Ano ang mahihinuha mo kung makikita mo ang mga larawan nina Jose
Rizal, Sun Yat-Sen, Diponegoro, at Mao Zedong?
A. Ang paglaya ng mga bansa ay nasa kamay ng mahuhusay na lider.
B. Dumanas ng paghihirap ang mga Asyano sa kamay ng mga
kanluranin.
C. Karamihan sa mga bansang nasakop ay matatagpuan sa Timog-
Silangang Asya.
D. Iba-iba ang paraan ng pagtugon ng mga Asyano sa hamon ng
pananakop sa kanila.

7. Ang rebelyong ito ay naglalayong mapabagsak ang dinastiyang Qing upang


mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
A. Rebelyong Boxer
B. Rebelyong Saya-San
C. Rebelyong Sepoy
D. Rebelyong Taiping

8. Sa patakarang ito ay napilitan ang bansang China na buksan ang kanyang


bansa sa kalakalan, pati na sa mga bansang walang sphere of influence
dito gaya ng Estados Unidos.
A. Culture System
B. Mandate System
C. Open Door Policy
D. Sakoku

9. Saang mga bansa piniling ipadala ng pamahalaan ng Japan ang kanyang


mga iskolar, sa pagnanais na matuto ang mga ito ng makabagong
kaalaman at kaisipan sa pamamahala?
A. Estados Unidos at Europa
B. Germany at England
C. Korea at Russia
D. Pilipinas at Malaysia

10. Ayon sa tula ni Andres Bonifacio na pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang


Lupa,” kailangang ampunin ng mga Pilipino ang kanilang bayan kung ang
nais ay lunas sa kahirapan. Sa kasaysayan, ito ay nangangahulugang ang
nasyonalismo ang daan tungo sa paglaya ng bansa. Sa kasalukuyang
panahon, ano ang ibig sabihin ng mga katagang “ampunin mo ang bayan”?
A. Pakainin mo ang mga mamamayan.
B. Bigyan mo ng tirahan ang mga walang kabahayan.
C. Tumayo ka ng tuwid sa tuwing aawitin ang Lupang Hinirang.

3
D. Magsilbi ka sa bayan sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligiran,
at iba pa.

11. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-
20 siglo. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga
makabayang samahan. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga
makabayang samahang naitatag sa bansang Indonesia MALIBAN sa isa.
A. Anti Facist People’s Freedom
B. Budi Utomo
C. Indonesian Communist Party
D. Sarekat Islam

12. Ito ang partidong itinatag ni Mao Zedong upang ganap na maisulong ang
ideolohiyang komunismo.
A. Partido Kunchantang
B. Partido Kuomintang
C. Partido Liberal
D. Partido Nasyonalista

13. Siya ang tinagurian bilang “Ama ng Republikang Tsino.”


A. Chiang Kai-Shek
B. Henry Puyi
C. Mao Zedong
D. Sun Yat-Sen

14. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng masidhing damdaming makabayan.


Nagbigay-daan ito para ang mga Asyano ay matutong
_________________________.
A. maging mapagmahal sa kapwa
B. maging laging handa sa panganib
C. makisalamuha sa mga mananakop
D. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin

15. Bilang isang mag-aaral, sa paanong pamamaraan mo maipakikita ang


iyong pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
A. Makikilahok ako sa mga ilulunsad na rally at protesta.
B. Ako ay lilikha ng isang samahang tutuligsa sa pamahalaan.
C. Tatayo ako ng tuwid at aawitin nang may buong kahusayan ang
Lupang Hinirang.
D. Ako ay magiging isang mabuting mag-aaral at makikibahagi ako sa
mga gawaing itatakda ng kinabibilangang komunidad.

4
Aralin
Nasyonalismo sa Silangan at
1 Timog-Silangang Asya

Mula sa nakaraang aralin ay ating nabatid ang mga


kaganapan sa unang yugto ng pananakop sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. Ngayon naman ay ating tutukuyin ang ipinakitang
nasyonalismo ng mga Asyano laban sa mga patakarang ipinatupad
ng mga dayuhan sa kanilang bansa.

Balikan

Panuto: Punan mo nang wastong sagot ang tsart at pagkatapos ay


sagutin mo ang sumusunod na tanong na nasa ibaba. Isulat mo ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Nasakop Nakasakop Dahilan ng Paraan ng Patakarang


na Bansa na Bansa Pananakop Pananakop Ipinatupad

China

Pilipinas

Indonesia

Malaysia

5
Sagutin mo ang mga tanong at isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano-anong mga kanluraning bansa ang sumakop sa mga lupaing


matatagpuan sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
_____________________________________________________________________
2. Bakit nananakop ang mga kanluranin ng mga lupain sa Silangan at
Timog-Silangang Asya?
____________________________________________________________________

Kung naibigay mo ang lahat ng impormasyong hinihingi ng tsart,


gayundin ang mga kasagutang nararapat para sa dalawang tanong, nagagalak
akong batiin ka sapagkat matagumpay mong naunawaan ang araling ating
tinalakay noong nakaraan.

6
Tuklasin

Sa bahaging ito ay iyo nang tutuklasin ang mga bagong


kaalamang handog ng bagong leksyon. Hindi lamang ang nasyonalismo
sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang iyong mababatid, kung hindi
pati na rin ang mga nasyonalistang nanguna sa kani-kanilang bansang
matatagpuan sa dalawang nabanggit na rehiyon. Huwag kang
mangamba sapagkat ako’y narito upang ika’y gabayan, kung kaya’t
halina at simulan mo ito sa pagsagot ng paunang gawain.

Gawain A
Panuto: Suriin mo ang liriko ng awiting pinamagatang “Bayan Ko” at
sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang ‘di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
- Freddie Aguilar

https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Flag-map-of-philippines.png
https://pixabay.com/illustrations/crow-bird-cage-cage-bird-animal-2191180/

7
Sagutin mo ang mga tanong at isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng awitin?


_____________________________________________________________________
2. Mahalaga nga bang maituturing ang pagkakaroon ng kalayaan?
Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________

3. Ano ang iyong pangunahing naramdaman habang sinusuri mo ang


bawat kataga ng nasabing awitin?
_____________________________________________________________________

Gawain B
Panuto: Suriin mo ang mga larawang nasa hanay A at kumpletuhin mo
ang mga nawawalang letra upang mabuo ang hinihinging katawagan sa hanay
B. Isulat mo ang sagot sa iyong sagutang papel.

A B

Z D N

1.

S A

2.

U S H O

3.

8
D P E R
OO

4.

J E

I L

5.

N R S

B I C O

6.

9
Suriin

Nakahanda ka na bang mabatid ang mga bagong


kaalamang iyong matutunghayan patungkol sa nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya? Sino-sino ang mga
nasyonalistang nanguna at kinilala ng kanilang kinalakihang
bansang matatagpuan sa dalawang rehiyong nabanggit? Ano-
ano ang kanilang mga naging gampanin? Halina at ating alamin
ang mga kasagutan para sa mga katanungang ito.

NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya

Hindi man tuwirang nasakop ng mga kanluranin ay


nakaranas pa rin ng maigting na imperyalismo ang Silangang
Asya, lalo na noong ika-18 siglo. Isa sa mga patunay nito ay ang
pagpapatupad ng tinatawag na sphere of influence ng mga
kanluranin sa bansang China, gayundin ang paggigiit ng Open
Door Policy ng United States sa bansang Japan.

Ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot


ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ng mga
Asyano. Naghangad ang mga Tsino at Hapones na makawala mula sa
imperyalismong kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa
kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa
pag-usbong ng nasyonalismo sa dalawang bansa.

10
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China

Nagsimula ang kawalan ng kontrol


ng China sa kaniyang bansa nang matalo
ito sa Great Britain sa Unang Digmaang
Opyo (1839 – 1842) at sa Great Britain at
France noong Ikalawang Digmaang Opyo
Kasunduang Nanking
(1856 – 1860). Bunga nito, nilagdaan ang
Kasunduang Nanking (1843) at
Kasunduang Tientsin (1858) na
naglalaman ng mga probisyong hindi patas
para sa mga Tsino.

https://snl.no/Den_andre_opiumskrigen
https://snl.no/Den_f%C3%B8rste_opiumskrigen Kasunduang Tientsin

Upang ipahayag ang kanilang


pagtutol mula sa panghihimasok ng mga
dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon
Rebelyong Taiping ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong
Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850
at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion)
noong 1900.

https://www.history.com/topics/china/taiping-rebellion
https://www.history.com/topics/china/boxer-rebellion
Rebelyong Boxer

Rebelyong Taiping

Pinamunuan ito ni Huang Hsiu Ch’uan


(Hongkong Xiuquan) noong Disyembre 1850
hanggang Agosto 1864 sa Timog China, sa
paglalayong mapabagsak ang dinastiyang Qing na
pinamunuan ng mga dayuhang Manchu. Bukod dito,
hangad din ng rebelyon ang pagbabago sa lipunan,
gayundin ang pagkakapantay-pantay ng karapatan
para sa kababaihan at pagpapalit ng mga
relihiyong Confucianism at Buddhism sa
relihiyong Kristiyanismo. Itinuturing itong isa sa
mga madugong rebelyon sa kasaysayan ng China, Huang Hsiu Ch’uan
dulot ng pagkamatay ng mahigit sa 20 milyong katao.

http://historyworldsome.blogspot.com/2013/11/hong-xiuquan-hung-hsui-chuan.html?m=1

11
Rebelyong Boxer

Sumiklab ito noong 1899 sa pangunguna ng


samahang I-ho Chu’an o Righteous and
Harmonius Fists na taglay ang kasanayan sa
gymnastic exercise. Bukod sa pagtuligsa sa
korupsiyon sa pamahalaan, ang pangunahing
layunin ng rebelyong ito ay patalsikin ang lahat ng
mga dayuhang nasa bansa, kabilang na ang mga
kanluranin.

Nagsagawa ng maramihang pagpatay ang mga


boxer kung saan pinaslang nila ang mga
misyonerong Kristiyano at mga Tsinong naging
deboto ng relihiyong Kristiyanismo. Mula sa
Ipinakikita sa
probinsya, kumalat ang rebelyon hanggang sa
larawan ang
Peking (Beijing), kung kaya’t nagpadala ng
pagtutulungan ng
puwersang militar na mayroong 2,100 na mga
mga
sundalo ang United States, Great Britain, Russia,
imperyalistang
France, Italy, at Japan. Dahil sa kanilang
bansa upang
pagtutulungan, noong Agosto 14, 1900 ay nagapi at
magapi ang
nabawi ng mga imperyalista mula sa mga boxer ang
Rebelyong Boxer.
Peking.

Dahil sa pagkabigo ng Rebelyong Taiping at


Rebelyong Boxer, nagpatuloy ang pamamayani ng
mga dayuhan sa China. Sinikap ng mga Tsinong
magsagawa ng reporma subalit hindi ito
naisakatuparan dahil sa impluwensiya ng mga
kanluranin sa pamahalaang Manchu. Nang mamatay
si Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908, lalong
lumala ang sitwasyon sa kahirapan ng China. Siya ay
pinalitan ni Puyi na naging emperador sa edad na
dalawang taon. Si Puyi o Henry Puyi para sa mga
kanluranin ang huling emperador ng dinastiyang
Qing (Manchu) at itinuring ding huling emperador Henry Puyi
ng China ng reporma.
https://www.thefamouspeople.com/profiles/puyi-8528.php

12
Ang China sa Gitna ng Dalawang Magkatunggaling
Ideolohiya

Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugang


pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa China.
Lumaganap sa bansa ang ideolohiya ng demokrasya at
komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at
naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsinong
nagsusulong ng demokrasya at komunismo.

Ideolohiyang Demokrasya sa China

Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay


senyales ng pagwawakas ng mahigit sa 2,000
taong pamumuno ng mga dinastiya sa China.
Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon
sa kanilang bansa – ito ay ang pagtukoy sa
ipapalit na pamumuno ng mga emperador.

Sa panahong ito ng kaguluhang


pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala
si Sun Yat-Sen na siyang nagsulong sa
pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong
prinsipyo (three principles): ang san min chu-i
o nasyonalismo, min-tsu-chu-i o demokrasya, Sun Yat-Sen
at min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga
Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga
imperyalistang bansa. Naging ganap ang kanyang
pamumuno nang pangunahan niya ang
pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na
Double Ten Revolution na naganap noong
Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten
dahil naganap ito sa ikasampung buwan ng taon
(Oktubre) at ikasampung araw ng buwan. Sa
araw ding ito, itinatag ang Republika ng China.
Dahil sa kanyang tagumpay, pansamantalang
itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong
Oktubre 29, 1911 at tinagurian siya bilang “Ama Double Ten
ng Republikang Tsino.” Revolution

https://www.laphamsquarterly.org/contributors/yat-sen
https://alphahistory.com/chineserevolution/xinhai-1911-revolution/

13
Itinatag ni Sun Yat-Sen ang Partido
Kuomintang o Nationalist Party noong 1912.
Naging batayan ng kanyang pamumuno ang
paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at
pagkakasundo (compromise) upang maiwasan
ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa.
Naniniwala rin siyang dapat pagtuunan ng pansin
ang regulasyon ng puhunan (regulation of
capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa
(equalization of land ownership). Higit sa lahat,
hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang
tunggalian ng mga uri o class struggle upang
Partido Kuomintang makamit ang pagkakaisa, kaayusang
(Nationalist Party) panlipunan, at kaunlarang pang-ekonomiya.

http://factsanddetails.com/china/cat2/sub5/item51.html

Humalili si Heneral Chiang Kai-Shek


bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang
mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay
ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban
sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupang may
sariling sandatahang lakas).

Matapos magapi ang mga warlords,


hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban –
ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa
China – ang komunismong ipinalaganap ni Mao
Zedong sa China.
Chiang Kai-Shek
https://nara.getarchive.net/media/artwork-chiang-kai-shek-artist-martha-sawyers-18e089

Ideolohiyang Komunismo sa China


Ang pagpasok nito ay nagsimula noong 1918 at
naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno
ni Mao Zedong na nanggaling sa pamilya ng
magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at
isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo
tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o
proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois.
Sa tunggaliang ito, naniniwala ang mga komunistang
mananaig ang mga manggagawa at maitatatag ang
isang lipunang sosyalista, kung saan ang estado ang
siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa.
Mao Zedong
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Mao_Zedong_portrait.jpg

14
Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya,
itinatag ni Mao Zedong kasama ang iba pang komunistang Tsino
ang Partido Kunchantang noong 1921. Lalo pang lumakas ang
komunismo sa China sa pagdating ng Russian advisers sa
Canton. Lumaganap ang ideolohiya, hindi lamang sa mga
pangkaraniwang magsasaka at manggagawa, kundi pati na rin
sa mga opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga edukadong
Tsino.

Maraming Tsino ang yumakap sa komunismo. Sa mga


panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay unti-unti nang
nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai-Shek dahil
sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at malawakang
kahirapan na dinaranas sa bansa. Nabahala si Chiang Kai-Shek
sa lumalakas na impluwensiya ng komunismo sa China kung
kaya’t iniutos niya ang paglulunsad ng kampanyang militar
laban sa mga komunista. Bagama’t marami sa mga komunista
ang hinuli, pinahirapan, at napatay, mayroon pa ring iilan sa
kanila ang nakaligtas.

Pinamunuan ni Mao Zedong ang mga nakaligtas na Red


Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino, at sila ay
tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong long march dahil sa
kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang
taon kung saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom, at
patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-Shek.

Kalaunan ay pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng


dalawang puwersa dahil sa banta ng pananakop ng mga Hapones.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan

Magkatulad at magkaiba ang naging pakikitungo ng


mga Tsino at Hapones sa mga kanluranin. Magkatulad dahil
noong una ay parehas nilang isinara ang kanilang bansa at
daungan mula sa mga ito, subalit nagkaiba ang kanilang
naging tugon sa banta ng imperyalismo.

15
Patuloy na naging sarado ang China na
nagresulta sa sapilitang pagpasok ng mga kanluranin
sa pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang banda,
tinanggap ng Japan ang mga kanluranin nang hilingin
nitong ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Sa
panahong ito, umusbong ang damdaming
nasyonalismo ng mga Hapones na kanilang ipinakita sa
kabila ng pananatili ng mga kanluranin sa kanilang
teirtoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador Mutsuhito
na siyang namuno sa panahong kilala bilang Meiji
Open Door Policy restoration.
https://picryl.com/amp/media/the-tug-of-war-in-the-far-east-keppler

Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji Restoration

Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring


maging epekto sa Japan kung patuloy silang
magpupumilit na isara ang bansa mula sa mga
kanluranin. Natuto siya mula sa karanasan ng China
sa pakikidigma nito, kung kaya’t kahit na handang
lumaban ang mga Hapones para sa kanilang bansa,
napagtanto nilang magiging magastos ang digmaan at
maraming mga inosenteng mamamayan ang
madadamay. Bukod pa rito, batid nilang mahihirapan
silang manalo dahil sa lakas ng puwersang pandigma
Emperador
ng mga kanluranin.
Mutsuhito
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Mutsuhito,_The_Meiji_Emperor_MET_DT8575.jpg

Nang tanggapin ng mga Hapones ang


mga kanluranin sa bisa ng Kasunduang
Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si
Emperador Mutsuhito na tumagal mula 1867
hanggang 1912.
Kasunduang Kanagawa
https://www.thoughtco.com/treaty-of-kanagawa-1773353

Si Mutsuhito rin ang naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa


kasalukuyan), at bukod pa rito ay nakilala rin siya nang dahil sa kanyang
pagyakap sa impluwensiya ng mga kanluraning kanyang ginamit upang
mapaunlad ang Japan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

 EDUKASYON
 Nagpatupad ng sapilitang edukasyon (compulsory) sa elementarya.
 Nag-imbita ng mga mahuhusay na guro mula sa ibang bansa.
 Ipinadala ang mga iskolar na Hapones sa ibang bansa.

16
 EKONOMIYA
 Nagtungo sa United States at Europe upang matutuhan ang paraan
ng pagnenegosyo at pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya.
 Nagpagawa ng mga kalsada, tulay, at linya ng kuryenteng
nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon at transportasyon.
 SANDATAHANG LAKAS
 Pinalakas ang sandatahang lakas sa pamamagitan ng pagpapagawa
ng makabagong barko at kagamitang pandigma.
 Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong Hapones.

Modernisasyon ng Japan

Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga


kanluraning makatutulong sa kanilang pag-unlad at ang ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:

Bansa Natutuhan
Germany Sentralisadong pamahalaan; ginawang modelo ang
konstitusyon nito
England Kahusayan at pagsasanay ng mga sundalong British
United States Sistema ng edukasyon

Hindi nagtagal ay naging isang maunlad at makapangyarihang bansa


ang Japan. Nagsimula na rin siyang manakop ng ibang lupain upang
matugunan ang kanyang mga pangangailangan. Ilan sa kanyang mga
nasakop ay ang Korea, bahagi ng Russia, China, at Pilipinas.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa
Timog-Silangang Asya

Lubos na naramdaman ang kalupitan ng kolonyalismo


at imperyalismong kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Ito
ay dahil sa mga hindi makatarungang patakarang ipinatupad
ng mga kanluranin sa mga lupain na kanilang sinakop.
Nagdulot ang mga patakarang ito ng paghihirap, kawalan ng
dignidad at kalayaan, pagbabago ng kultura, at
pagkakawatak-watak ng mga Asyano, na siyang nagbigay-
daan sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo rito.

17
Nasyonalismo sa Indonesia

Ang mga patakarang pang-ekonomiyang ipinatupad ng mga Dutch tulad


ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng
negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan
sa mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na kanluranin.
Bagama’t hindi gaanong pinanghimasukan ng mga Dutch ang kultura ng
Indonesia, naapektuhan naman ang kultura at antas ng karunungan ng mga
Indones dahil sa kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones


noong 1825 at sa taong ito ay pinamunuan ni
Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-
aalsa, subalit noong 1930 ay nalupig din sila ng mas
malakas na puwersa ng mga Dutch. Nagpatuloy ang
pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong
ika-20 siglong isinagawa nila sa pamamagitan ng
pagtatatag ng mga makabayang samahan.

Diponegoro https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:COLLECTIE_TROPENMUS
EUM_Portret_van_Diponegoro_TMnr_157432.jpg

Mga Makabayang Samahan sa Indonesia

Budi Utomo
 Itinatag noong 1908 sa pamumuno ni Mas
Wahidin Sudirohusodo.

 Ito ay isang samahang pangkultura na


naglalayong maipakilala sa daigdig ang
mayamang kultura ng Java at mabigyan ng
karapatan sa edukasyong kanluranin ang
mga Indones.
https://library.tanahimpian.web.id/2016/01/the-history-of-boedi-oetomo-1908-ad.html?m=1

Sarekat Islam
 Itinatag noong 1911 sa pangunguna ni
Omar Said Tjokroaminoto.

 Ito ay itinatag upang isulong ang


kabuhayan ng mga Indones at mabigyang-
diin ang politikal na kalagayan ng
Indonesia.
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:LogoSI.svg

18
Indonesian Communist Party
 Itinatag noong 1920 sa paghahangad ng
kalayaan mula sa mga Dutch.

 Namuno sa pag-aalsa noong 1926 at 1927


subalit parehong nabigong makamit ang
kalayaang kanilang minimithi.

https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Communist_Party_of_Indonesia.png

Indonesian Nationalist Party


 Itinatag noong 1919 sa pamumuno ni
Sukarno.
 Naglayong malabanan ang mapaniil na
patakaran ng mga Dutch at naniniwalang
matitigil ang mga pagpapahirap na ito sa
kanilang mga kababayan kung makakamit
nila ang kalayaan.
https://the-new-order-last-days-of-europe.fandom.com/wiki/Indonesian_National_Party

Ang mga nabanggit na samahan ang nanguna sa pagpapamalas ng


nasyonalismong Indonesian. Kinailangan nilang makipaglaban sa
pamamagitan ng paghihimagsik upang makamit ang kalayaan. Maraming
Indones ang namatay dahil na rin sa malakas na puwersa ng mga Dutch.
Ganap na nakamit ng mga Indonesian ang kalayaan dahil sa isang
matagumpay na rebolusyong kanilang inilunsad matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Nagpalabas si Sukarno ng dekreto noong Agosto 17,
1945 na nagdedeklara ng kasarinlan ng Indonesia.

Nasyonalismo sa Burma

Tulad ng China, nagsimulang mawala ang


kalayaan ng Burma bunga ng pagkatalo nito sa
digmaan sa mga British. Nilagdaan ang Kasunduang
Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol
ng Great Britain sa teritoryo ng Burma. Isa sa mga
hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing
lalawigan lamang ng India ang Burma. Hinangad ng
maraming Burmese na maihiwalay ang kanilang bansa
mula sa India. Magaganap lamang ito kung sila ay
lalaya mula sa pananakop ng mga British. Ang
paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese Kasunduang
na ipahayag ang kanilang damdaming nasyonalismo. Yandabo
Ito ay isang samahang https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Yandabo_treaty.jpg
pangkultural na naglalayong
maipakilala sa daigdig ang mayamang kultura ng Java
at mabigyang ng karapatan sa edukasyong
19 kanluranin
ang mga Indones.
Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay
nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na
nakapag-aral sa loob at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng
mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging
sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka
ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga
makabayang samahan.

Nasyonalismo sa Indo-China

Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng


mga taga-Indo-China ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop
na kanluranin. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming
nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga kanluranin.
Nagkaroon ng malaking epekto sa kalayaan ng Indo-China ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig dahil sa pagkakasangkot ng France na siyang
nakasakop sa bansa.

Si Saya-San ay isang monghe at physician


na naghangad ng mas maayos na pamumuhay
para sa kanyang mga kababayan. Pinamunuan
niya ang serye ng rebelyon laban sa mga British
mula noong 1930 hanggang 1932. Nagapi ng
malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong
Saya-San.

Isa rin ang All-Burma Students’ Union sa


mga naghangad na makamit ang kalayaan ng
nasabing bansa. Tinatawag na thankin ang mga
miyembro ng samahang ito na ang ibig sabihin ay
master. Isinulong nila ang kanilang mga hangarin Saya-San
sa pamamagitan ng demonstrasyon at rally.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig, nasakop ng Japan ang Burma. Ang
kaganapang ito ay sinamantala ng mga Burmese
at idineklara nila ang kanilang kalayaan mula sa
Great Britain. Subalit sa kabila ng paglaya mula
sa mga British ay nananatili pa rin ang
katotohanang sila ay sakop ng isang dayuhang
bansa.
All-Burma Students’
http://bios.myanmar-institut.org/2018/10/21/174/
https://www.refworld.org/docid/3ae6abab80.html Union

20
Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang
mga Burmese ngunit sa pagkakataong ito ay
upang mapalayas ang mga Hapones. Itinatag ni
Aung San ang Anti-Facist People’s Freedom
League. Nakipagtulungan ang samahang ito sa
hukbo ng Allied Powers. Nagtagumpay ang
samahang mapatalsik ang mga Hapones at dahil
sa kanyang pamumuno’y itinalaga siya bilang
Anti-Facist People’s punong ministro ng Burma noong 1947.
Freedom League
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:State_seal_of_Myanmar_(1974-2008).svg

Hindi nasilayan ni Aung


San ang bunga ng kanyang
pakikipaglaban para sa kalayaan
dahil siya ay binawian ng buhay
noong Hulyo 19, 1947, bago
idineklara ang kasarinlan ng
Burma. Ang kanyang
kasamahang si U Nu ang siyang
pumalit bilang pinunong
ministro, at kalaunan ay nahalal
bilang pangulo ng bansa sa taong
Aung San 1951, na naulit pa noong 1956.
U Nu
https://www.britannica.com/biography/Aung-San
https://burmafile.wixsite.com/burmabooks/photos

Nasyonalismo sa Pilipinas

Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon at sila ay


nagpatupad ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika, at
pangkulturang nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Marami ang
naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis, pagkamkam
sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino. Nabago rin ang kultura ng mga
Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.

Bukod pa rito ay naging laganap din ang racial


discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at mga
Pilipinong tinatawag na Indio ng mga mananakop. Higit
sa lahat ay nawala ang karapatan at kalayaan ng mga
Pilipinong pamunuan ang kanilang sariling bansa, buhat
ng kanilang pagiging sunud-sunuran sa ilalim ng
mapagmalupit na mga mananakop.
Racial
https://pixabay.com/illustrations/racism-hands-black-white-5266891/
Discrimination

21
Bagama’t may mga pag-aalsang naganap sa Pilipinas sa
pagitan ng ika-16 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-19 siglo,
lahat ng ito ay nabigo. Ilan sa mga kadahilanan ay ang mas
malakas na armas ng mga Espanyol, kawalan ng damdaming
makabansang mag-uugnay at mag-iisa laban sa mga mananakop,
gayundin ang pagtataksil ng ilang Pilipino.

Sa pagpasok ng ika-19 siglo, nagkaroon ng malaking


pagbabago sa ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang
Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, at pumasok ang mga
produkto mula sa mga kanluranin. Naging tanyag at mabili sa
kanluran ang mga produkto ng mga Pilipino tulad ng asukal,
kopra, tabako, at iba pang siyang nagbigay-daan sa pag-unlad
ng kalakalan sa bansa.

Umusbong din ang mga tinatawag na


gitnang uri o middle class na binubuo ng mga
mayayamang Pilipino, mestisong Tsino, at
Espanyol. Ang kanilang mga anak ay nakapag-aral
sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging
sa Espanya. Ang grupong ito ay kinilala bilang mga
ilustrado, mula sa salitang Latin na ilustre na ang
ibig-sabihin ay “naliwanagan.” Jose Rizal

Ang pagpapamalas ng nasyonalismong


Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustradong gaya
ni Jose Rizal na nagtatag ng Kilusang
Propaganda, at siyang ipinagpatuloy ng mga
katipunerong nagpasimula ng Katipunan sa
pangunguna ni Andres Bonifacio.

https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Joserizal-1.jpg Andres Bonifacio


https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18438404521

22
Pagyamanin

Ngayon ay natapos na ang pagsusuri na iyong isinagawa mula


sa mga paksang natalakay ukol sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya, gayundin ang mga nasyonalistang
nanguna sa kani-kanilang bansang matatagpuan sa dalawang
rehiyong nabanggit. Batay sa mga kaalamang iyong nabatid ay lapatan
mo ng kasagutan ang bawat gawaing inihanda upang masubok ang
iyong galing at husay sa pagpapayaman sa araling iyong natunghayan.

Gawain A
Panuto: Basahin mo at unawain ang mga pahayag. Ayusin mo ang mga
nakahalong letrang kumakatawan sa konseptong ipinaliliwanag ng bawat
pangungusap. Isulat mo ang sagot sa iyong sagutang papel.

_______________1. ONSYLNAAIMSO – Ito ay isang damdamin ng


pagmamahal sa bayang naipamamalas sa pamamagitan
ng pagtatanggol sa kalagayan nito.
_______________2. ELERBNYOG XREOB – Ang mga naghimagsik ay
miyembro ng samahang Righteous and Harmonius Fists,
at may kasanayan sa gymnastic exercise.
_______________3. NIKOMUMOS – Ito ang ideolohiyang naging tanyag sa
China na isinulong ni Mao Zedong.
_______________4. DER MYRA – Ito ang tawag sa mga komunistang
sundalong Tsino.
_______________5. TAKEARS ALMIS – Ito ang makabayang samahang
itinatag upang isulong ang kabuhayan ng mga Indones.
_______________6. KINHATN – Ito ang tawag sa mga miyembro ng samahang
All-Burma Students’ Union na nangangahulugang master.
_______________7. URECULT TYSEMS – Ito ay tumutukoy sa patakarang
pang-ekonomiyang ipinatupad ng mga Dutch sa
Indonesia na nagkaroon ng negatibong epekto sa
kabuhayan ng mga Indones.
_______________8. UNKADUASNG NAAGKAWA – Sa bisa nito ay tinanggap
ng mga Hapones ang mga kanluranin sa pamumuno ni
Emperador Mutsuhito.
_______________9. SULIADTRO – Ang grupong ito ang nagpasimula sa
pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino at nagtatag ng
Kilusang Propaganda.
_______________10. ROLSWADR – Sila ang mga nagmamay-ari ng lupang
may sariling sandatahang lakas.

23
Gawain B

Panuto: Punan mo ang impormasyong hinihingi ng diagram sa


pamamagitan ng pagbibigay sa pangalan ng nasyonalista, gayundin ng
bansang kanyang pinangunahan. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

BANSANG
NASYONALISTA
PINANGGALINGAN
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain C

Panuto: Suriin mo ang mga larawan at ilapat mo ang wastong


katawagan ng bawat isa na matatagpuan sa mga pagpipiliang nasa ibaba.
Isulat mo lamang ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Saya-San F. Kasunduang Yandabo


B. Open Door Policy G. Huang Hsiu Ch’uan
C. Henry Puyi H. U Nu
D. Partido Kuomintang I. Chiang Kai-Shek
E. Aung San J. Kasunduang Tientsin

__________ 1. __________ 2.

24
__________ 3. __________ 4.

__________ 5. __________ 6.

__________ 7. __________ 8.

__________ 9. __________ 10.

Gawain D
Panuto: Basahin mo at suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat mo
ang DEAL kung wasto ang ideyang ipinahihiwatig ng bawat bilang,
samantalang NO DEAL naman kung ito ay mali. Isulat mo ang sagot sa iyong
sagutang papel.

_______________1. Parehong hangad ng Rebelyong Saya-San at Anti-Facist


People’s Freedom League na makamit ang kalayaan ng
Burma.
_______________2. Dahil sa pagkatalo ng Japan sa United States noong 1945,
ito ay sumailalim sa superbisyon ng bansa at naging
demokratikong estado.

25
_______________3. Ang mga Indones at Burmese ay kapwa nakipaglaban upang
makamit ang kanilang kasarinlan.
_______________4. Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.
_______________5. Pinatunayan ng mga Asyanong wala nang hihigit pa kung
hindi ang makitang maging malaya ang kanilang bansa,
kahit buhay pa ang maging kapalit nito.

Gawain E

Panuto: Suriin mong mabuti ang bawat paghahambing. Piliin mo ang


sagot mula sa mga pagpipiliang nasa kahon upang mabuo mo ang tinutukoy
sa bawat bilang. Isulat mo ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Pagpipilian:

Burma Modernisasyon
Demokrasya Japan
Katipunan France

1. Mao Zedong : Komunismo :: Sun Yat-Sen : __________________


2. Sphere of Influence : China :: Open Door Policy : __________________
3. Kasunduang Kanagawa : Japan :: Kasunduang Yandabo : _______________
4. Jose Rizal : Kilusang Propaganda :: Andres Bonifacio : __________________
5. Indonesia : Makabayang Samahan :: Japan : __________________

Gawain F
Panuto: Sagutan mo ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa Silangang Asya, gayundin sa Timog-Silangang Asya. Isulat
mo ang sagot sa iyong sagutang papel.
PARAAN NG
MGA SALIK SA PAGPAPAMALAS
BANSA PAG-UNLAD NG NG
NASYONALISMO NASYONALISMO

China

SILANGANG
ASYA

Japan

26
Indonesia

TIMOG-
Myanmar
SILANGANG
(Burma)
ASYA

Pilipinas

27
Isaisip

Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisakatuparan ang


mga gawaing itinakda upang masubukan ang iyong kahusayan at
kaalamang nakalap mula sa araling natalakay. Sa bahaging ito ay
muli kang susubukin upang lubusang matiyak ang iyong pagkatuto.

Panuto: Basahin mo ang sumusunod na pahayag. Pagkatapos ay


punan mo nang tamang sagot ang bawat patlang gamit ang mga pagpipiliang
nasa ibaba. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

Mga Pagpipilian:

lipunan nasyonalismo
rebolusyon Hapones
Tsino mapayapang

Ang naging pangunahing reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismo at


kolonyalismong kanluranin ay ang (1) ____________________. Modernisasyon
ang pangunahing reaksyon ng mga (2) ____________________ na kung saan
humiram sila ng impluwensiyang kanluraning kanilang iniangkop sa kultura
at (3) ____________________. Sa Timog-Silangang Asya naman ay may
nagpamalas ng marahas na nasyonalismong nauwi sa
(4) ____________________. Sa kabilang banda ay mayroon din namang mga
bansang nagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng (5) ____________________
pamamaraan.

28
Isagawa

Panuto: Lumikha ka ng isang picture collage na binubuo ng mga


larawang hindi bababa sa lima (5) ang bilang, at sa iyong palagay ay
nagpapakita ng masidhing pagmamahal sa bayan. Ang kalakip na rubrics na
matatagpuan sa ibaba ay maaaring magsilbing gabay mo para sa itinakdang
gawain. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

Rubrics sa Paggawa ng Picture Collage

Pamantayan 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos Iskor

Tatlong Isa o
Lima o higit Apat na larawan dalawang
pang mga larawan lamang larawan
Mga Larawang larawan ang ang nagamit ang lamang ang
Ginamit nagamit sa sa paggawa nagamit sa nagamit sa
paggawa ng ng collage. paggawa paggawa ng
collage. ng collage. collage.

Hindi
Lubos na gaanong
Naging Walang
nagpamalas malikhain naging naipamalas
Pagka- ng sa paggawa malikhain na pagka-
malikhain malikhaing ang mag- sa malikhain sa
paggawa ang aaral. paggawa paggawa.
mag-aaral. ang mag-
aaral.

Bagama’t Hindi ganap


May
konsistent ang
Buo ang kaisahan,
at may pagkakabuo,
kaisipan, sapat na
kaisahan kulang ang
kumpleto ang detalye, at
ang detalye, at
Organisasyon detalye, at malinaw na
nalikhang hindi
napakalinaw intensyon
collage, malinaw ang
ang
kulang ito intensyon ng

29
ng nalikhang nalikhang sa detalye nalikhang
collage. collage. at hindi collage.
gaanong
malinaw
ang
intensyon.

Hindi
gaanong
May naipakita Hindi
Mahusay ang
kaisahan sa ang naipakita ang
pagkakabuo
Kaisahan ng pagkakabuo kaisahan kaisahan ng
ng mensahe
Mensahe ng mensahe ng mensahe sa
sa picture
sa picture mensahe picture
collage.
collage. sa picture collage.
collage.

May Hindi
kaayusan gaanong Hindi
Mahusay at ngunit hindi maayos at maayos at
malinis ang gaanong malinis malinis ang
Kaayusan at pagkakalikha malinis ang ang pagkaka-
Kalinisan ng picture pagkaka- pagkaka- likha ng
collage. likha ng likha ng picture
picture picture collage.
collage. collage.

KABUUANG PUNTOS

30
Tayahin

Ngayon ay muli mong alalahanin ang lahat ng kaalamang


iyong natunghayan mula sa aralin. Ikaw ay nalalapit na sa huling
bahagi ng gawain, gayundin sa pagkamit ng masinsinang
pagsusuri mula sa mahahalagang puntong natalakay sa
nagdaan, kung kaya’t iyo nang sagutin ang inihandang tayahin.

Panuto: Basahin mo at unawain ang bawat tanong. Piliin mo ang letra


ng tamang sagot at isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang unang rebelyong isinagawa ng mga Tsino noong 1864 na ang
layunin ay mapabagsak ang dinastiyang Qing.
A. Rebelyong Boxer
B. Rebelyong Saya-San
C. Rebelyong Sepoy
D. Rebelyong Taiping

2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Republikang Tsino.”


A. Achmed Sukarno
B. Diponegoro
C. Mao Zedong
D. Sun Yat-Sen

3. Kung komunismo ang tinanggap ng China bilang batayan ng kanyang


nasyonalismo, aling bansa naman ang gumamit ng modernisasyon upang
mapabuti ang kanyang kalagayan?
A. Indonesia
B. Japan
C. Pilipinas
D. Vietnam

4. Ito ay isang damdamin ng pagmamahal sa bayang naipamamalas sa


pamamagitan ng pagtatanggol sa kalagayan nito.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Komunismo
D. Nasyonalismo

31
5. Ito ang samahang itinatag ni Aung San na kalaunan ay nakipagtulungan
sa hukbo ng Allied Powers.
A. All-Burma Students’ Union
B. Anti-Facist People’s Freedom League
C. Indonesian Communist Party
D. Indonesian Nationalist Party

6. Ito ay tumutukoy sa isang makabayang samahang itinatag ng mga


Indones sa paglalayong maipakilala sa daigdig ang mayamang kultura ng
Java at mabigyan ng karapatan sa edukasyong kanluranin ang mga
Indones.
A. Budi Utomo
B. Indonesian Communist Party
C. Indonesian Nationalist Party
D. Sarekat Islam

7. Anong kasunduan ang nilagdaan na naging dahilan ng tuluyang


pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng Burma?
A. Kasunduang Kanagawa
B. Kasunduang Nanking
C. Kasunduang Tientsin
D. Kasunduang Yandabo

8. Ito ang partidong itinatag ni Mao Zedong at ng iba pang mga komunistang
Tsino.
A. Partido Kunchantang
B. Partido Kuomintang
C. Partido Nasyonalista
D. Partido Pederal

9. Sa araw na ito naganap ang tanyag na Double Ten Revolution, at ito rin
ang araw ng pagkakatatag ng bagong Republika ng China.
A. Oktubre 10, 1910
B. Oktubre 10, 1911
C. Oktubre 10, 1912
D. Oktubre 10, 1913

10. Siya ang pumalit kay Aung San bilang punong ministro ng Burma at
nahalal na pangulo noong 1951, na muling naulit noong 1956.
A. Diponegoro
B. Henry Puyi
C. Huang Hsiu Ch’uan
D. U Nu

32
11. Ilang taon si Henry Puyi noong siya ay naging emperador ng China kapalit
ni Empress Dowager Tzu Hsi?
A. Dalawampung taon
B. Dalawampu’t dalawang taon
C. Dalawang taon
D. Labindalawang taon

12. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa tatlong prinsipyong ginamit ni


Sun Yat-Sen sa pagsulong ng pagkakaisa ng mga Tsino?
A. Demokrasya
B. Kabuhayang Pantao
C. Komunismo
D. Nasyonalismo

13. Siya ang namuno sa panahong kilala bilang Meiji restoration.


A. Aung San
B. Chiang Kai-Shek
C. Emperador Mutsuhito
D. Huang Hsiu Ch’uan

14. Ang kanilang pagdating sa Canton ang nagbigay-daan upang lalo pang
lumakas ang komunismo sa China.
A. Russian advisers
B. Russian instructors
C. Russian lecturers
D. Russian teachers

15. Sa taong ito itinatag ang samahang Sarekat Islam sa pagnanais na


maisulong ang kabuhayan ng mga Indones, gayundin ang kanilang
politikal na kalagayan.
A. 1908
B. 1911
C. 1919
D. 1920

Napakahusay! Lubos akong nasisiyahan dahil hindi ka


sumuko at tumigil sa ating ikalawang modyul. Ngayon ay
nakahanda ka nang humarap sa mga susunod pang paksa ng
modyul. Kung nais mo pang higit na mapalalim ang iyong pang-
unawa patungkol sa ating aralin ay maaari mong isagawa ang
inihandang karagdagang gawain. Muli ang aking pagbati!

33
Karagdagang Gawain

Nagagalak ako sa kadahilanang napatunayan mo ang iyong


kahusayan at kagalingan sa pagsasakatuparan ng lahat ng mga
gawaing inihanda para sa iyo. Ang pagkakaroon ng isang positibong
pananaw sa malayang pag-aaral ang magbibigay-daan upang sa
gayo’y hindi maging balakid ang kamangmangan sa pagkatuto sa
iyong sariling mga paa. Ang susunod na karagdagang gawain ang
higit na magpapalalim upang ikaw ay patuloy na matuto.

Panuto: Bagama’t malaya na ang mga bansang Asyano sa


kasalukuyan, mahalaga pa rin na ipahayag nila ang damdaming
nasyonalismo. Makatutulong ito sa pag-unlad ng bansa at maayos na
ugnayan ng mamamayan. Bilang isang mag-aaral, sumulat ka ng isang
pangako patungkol sa iyong gagawing pagpapamalas ng nasyonalismo upang
maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang kalayaan ng Pilipinas. Ang
kalakip na rubrics na matatagpuan sa ibaba ay maaaring magsilbing gabay
mo para sa itinakdang gawain. Isulat mo ang iyong pangako sa iyong sagutang
papel.

Ang Aking Pangako

Ako si ________________________________ ay
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
______________________________________________.

______________________________
Lagda

34
35
CONTINUATION
SURIIN
III. Pamprosesong Tanong (Mga Posibleng Kasagutan)
3. Nagkaroon ng malaking epekto sa kalayaan ng Indo-China ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
dahil sa pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa.
SURIIN TUKLASIN
I. Pamprosesong Tanong (Mga Posibleng Kasagutan) A. (Mga Posibleng
1. Ang pagpapatupad ng Sphere of Influence ng mga kanluranin sa Kasagutan)
China ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, 1. Ang
at kulturang Asyano. pagmamahal sa
2. Magkaiba sila ng ideolohiya o prinsipyo. Magkatulad sila dahil Inang Bayan
pareho silang nakikipaglaban para sa kalayaan ng China. 2. Oo
3. Magkaiba man ang kanilang paniniwala, magkasama silang 3. Malungkot
nakipaglaban sa mga mananakop para makamit ang kalayaan. B. (Mga Posibleng
II. Pamprosesong Tanong (Mga Posibleng Kasagutan) Kasagutan)
1. Si Emperador Mutsuhito ang namuno sa panahong kilala bilang
1. Mao Zedong
Meiji restoration at siya ay naging tanyag dahil sa kanyang pagyakap
2. Sun Yat-Sen
sa impluwensiya ng mga kanluraning kanyang ginamit upang
3. Mutsuhito
mapaunlad ang Japan.
4. Diponegoro
2. Bagama’t pinayaganng Japan na makapasok ang mga kanluranin sa
5. Jose Rizal
kanilang bansa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang
6. Andres Bonifacio
tunay na hangarin.
3. Oo, dahil ito ang naging daan sa pag-unlad ng bansang Japan sa
kabila ng pamamalagi ng mga kanluranin.
III. Pamprosesong Tanong (Mga Posibleng Kasagutan)
1. Ang mga patakarang pang-ekonomiyang ipinatupad ng mga Dutch
tulad ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay
nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones.
2. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa
pamamagitan ng pakikidigma sa mga kanluranin.
BALIKAN SUBUKIN
NASAKOP NAKASAKOP DAHILAN NG PARAAN NG PATAKARANG 1. D
NA BANSA NA BANSA PANANAKOP PANANAKOP IPINATUPAD 2. C
Pilipinas Espanya Mayaman sa Pakikipag- Polo Y Servicio 3. A
ginto kaibigan 4. A
Indonesia Netherlands Mayaman sa Divide and Dutch East 5. D
pampalasa Rule Policy India 6. D
Company 7. D
Malaysia Portugal, Mayaman sa 8. C
Netherlands, pampalasa at 9. A
England mga sentro 10. D
ng kalakalan 11. A
China Great Britain Likas na Pakikipag- Sphere of 12. A
/ France yaman laban Influence 13. D
14. D
15. D
Pamprosesong Tanong: (Mga Posibleng Kasagutan)
1. Ang Espanya, Netherlands, Portugal, at England
2. Dahil sa mayamang pampalasa at mga maayos na daungang naging sentro
ng kalakalan.
Susi sa Pagwawasto
36
KARAGDAGANG GAWAIN
Magkakaiba ang likha o sagot ng bawat mag-aaral.
TAYAHIN ISAGAWA
1. D 6. A 11. C Magkakaiba ang likha o sagot ng
2. D 7. D 12. C bawat mag-aaral.
3. B 8. A 13. C
4. D 9. B 14. A
5. B 10. D 15. B
ISAISIP
SILANGANG ASYA (Mga Posibleng Kasagutan)
BANSA MGA SALIK SA PAG-UNLAD NG PARAAN NG PAGPAPAMALAS NG
NASYONALISMO NASYONALISMO
China Sphere of Influence Pakikipaglaban
Japan Open Door Policy Modernisasyon / Westernisasyon
TIMOG-SILANGANG ASYA (Mga Posibleng Kasagutan)
BANSA MGA SALIK SA PAG-UNLAD NG PARAAN NG PAGPAPAMALAS NG
NASYONALISMO NASYONALISMO
Indonesia Culture System Pagtatatag ng mga makabayang samahan
Myanmar Gawing lalawigan ng India ang Burma Rebelyon at mga makabayang samahan
(Burma)
Indo- Kahirapan Pakikipaglaban
China
Pilipinas Racial Discrimination Kilusang Propaganda / Katipunan
PAGYAMANIN
E. F.
1. Demokrasya 1. nasyonalismo
2. Japan 2. Hapones
3. Burma 3. lipunan
4. Katipunan 4. rebolusyon
5. Modernisasyon 5. mapayapang
PAGYAMANIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
C. D. B. A.
1. I 1. NO DEAL 1. Emperador Mutsuhito – 1. Nasyonalismo
2. F 2. DEAL JAPAN 2. Rebelyong Boxer
3. A 3. DEAL 2. Sun Yat-Sen – CHINA 3. Komunismo
4. B 4. DEAL 3. Diponegoro – INDONESIA 4. Red Army
5. G 5. DEAL 4. Ho Chi Minh – HILAGANG 5. Sarekat Islam
6. D VIETNAM 6. Thankin
7. C 5. Aung San – BURMA 7. Culture System
8. H 8. Kasunduang
9. E Kanagawa
10. J 9. Ilustrado
10. Warlords
Sanggunian
"Andres Bonifacio". Flickr, 2015.
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18438404521.

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

Directorate, Research, and Immigration and Refugee Board. "Refworld | Myanmar:


The All Burma Student Union (ABSU) (January 1998 To January 1999)".
Refworld, 1999. https://www.refworld.org/docid/3ae6abab80.html.

Erdemuygar. Flag Map Of Philippines. Image, 2009.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Flag-map-of-philippines.png.

Hays, Jeffrey. "EARLY KUOMINTANG AND CHINESE WARLORDS | Facts And


Details". Factsanddetails.Com. Accessed 1 March 2021.
http://factsanddetails.com/china/cat2/sub5/item51.html.

Historyandideology. Indonesian Communist Party's Emblem. Image, 2016.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Communist_Party_of_Indonesi
a.png.

"Hong Xiuquan (Hung Hsui-Ch’Uan)". Historyworldsome.Blogspot.Com. Accessed 1


March 2021. http://historyworldsome.blogspot.com/2013/11/hong-
xiuquan-hung-hsui-chuan.html?m=1.

Iaan, Violanta. Jose Rizal. Image, 2020.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Joserizal-1.jpg.

"Indonesian National Party". The New Order: Last Days Of Europe Wiki. Accessed 1
March 2021. https://the-new-order-last-days-of-
europe.fandom.com/wiki/Indonesian_National_Party.

Ivo, Spira. "Signing Of The Agreement In Nanking". Store Norske Leksikon, 2019.
https://snl.no/Den_f%C3%B8rste_opiumskrigen.

Ivo, Spira. "Signing Of The Agreement In Tientsin". Store Norske Leksikon, 2019.
https://snl.no/Den_andre_opiumskrigen.

Keppler, Udo. "The Tug Of War In The Far East / Keppler. - PICRYL Public Domain
Image". Picryl.Com, 1898. https://picryl.com/amp/media/the-tug-of-war-in-
the-far-east-keppler.

37
Kucha, Glenn, and Jennifer Llewellyn. "The Xinhai Or 1911 Revolution". Chinese
Revolution, 2016. https://alphahistory.com/chineserevolution/xinhai-1911-
revolution/.

Kuichi, Uchida. Mutsuhito, The Meiji Emperor. Image, 2008.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Mutsuhito,_The_Meiji_Emperor
_MET_DT8575.jpg.

McNamara, Robert. "The 1854 Treaty Of Kanagawa Opened Japan To Trade With
Americans". Thoughtco, 2018. https://www.thoughtco.com/treaty-of-
kanagawa-1773353.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management


and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

Narodnaya, Respublika. The Logo Of Syarikat Islam, The Prominent Organization In


Indonesia During The National Awakening. Image, 2018.
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:LogoSI.svg.

Nash, loulou. Crow Bird Cage Cage Bird Animal. Image, 2017.
https://pixabay.com/illustrations/crow-bird-cage-cage-bird-animal-
2191180/.

Onion, Amanda, Missy Sullivan, and Matt Mullen. "Boxer Rebellion". HISTORY,
2009. https://www.history.com/topics/china/boxer-rebellion.

Onion, Amanda, Missy Sullivan, and Matt Mullen. "Taiping Rebellion". HISTORY,
2018. https://www.history.com/topics/china/taiping-rebellion.

"Puyi Biography". Thefamouspeople.Com. Accessed 1 March 2021.


https://www.thefamouspeople.com/profiles/puyi-8528.php.

Sawyers, Martha. "Artwork: "Chiang Kai-Shek"- Artist: Martha Sawyers - U.S.


National Archives Public Domain Image". U.S. National Archives, 1986.
https://nara.getarchive.net/media/artwork-chiang-kai-shek-artist-martha-
sawyers-18e089.

Snodgrass, Major John James. Treaty Of Peace At Yandabo. Image, 1827.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Yandabo_treaty.jpg.

State Seal Of Myanmar (1974–2008). Image. Accessed 1 March 2021.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:State_seal_of_Myanmar_(1974-
2008).svg.

38
The Editors of Encyclopaedia Britannica. "Aung San | Myanmar Nationalist".
Encyclopedia Britannica, 1998.
https://www.britannica.com/biography/Aung-San.

"The History Of The Boedi Oetomo 1908 AD". Library.Tanahimpian.Web.Id. Accessed


1 March 2021. https://library.tanahimpian.web.id/2016/01/the-history-of-
boedi-oetomo-1908-ad.html?m=1.

Tropenmuseum. Portrait Of Diponegoro. Image, 1835.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:COLLECTIE_TROPENMUSEU
M_Portret_van_Diponegoro_TMnr_157432.jpg.

Tumisu. 2014. Racism Hands Black. Image.


https://pixabay.com/illustrations/racism-hands-black-white-5266891/.

"U Nu". Burmafile.Wixsite.Com. Accessed 1 March 2021.


https://burmafile.wixsite.com/burmabooks/photos.

"Yat-Sen". Lapham’S Quarterly. Accessed 1 March 2021.


https://www.laphamsquarterly.org/contributors/yat-sen.

Zhenshi, Zhang. Portrait Of Mao Zedong. Image, 2009.


https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Mao_Zedong_portrait.jpg.

Zöllner, Hans-Bernd. "Saya San (1876-1931) – Biographien Projekt". Bios.Myanmar-


Institut.Org, 2018. http://bios.myanmar-institut.org/2018/10/21/174/.

39
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like