You are on page 1of 26

4

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan–Modyul 2:
Iba’t ibang Pakinabang Pang-Ekonomiko:
Turismo at Enerhiyang Likas na Yaman ng
Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Iba’t ibang Pakinabang Pang-Ekonomiko: Turismo at
enerhiyang Likas na Yaman ng Bansa.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maraina M. Badrudin, Muhaima M. Balayanan
Editor: Prescilla G. Cabrillos, Minasol L. Querimit, Elsie A. De Juan,
Gina Lanticse
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Rowena P. Alterado,
Sheryl B. Bautista, Aida S. Delon, Eloisa R. Agni, Ma.
Kristine B. Latris
Tagaguhit: Federico P. Lacia Jr.
Tagalapat: Glen D. Napoles Jay Ar O. Espartero, Allan T. Basubas, Alex C.
Macale, Mark Daryl T. Lazaro
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy V. Nitura – EPSVR, LRMS
Marilou P. Mangansakan – EPSVR, Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region XII

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Coronadal


Telefax: (083)2288825 / (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

i
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Sa mga nakaraang aralin, natutunan mo ang mga iba’t ibang


magagandang tanawin sa ating bansa. Natutunan mo rin na
kabilang sa tinatawag na likas na yaman ng bansa ang
magagandang tanawin at atraksiyon na napapaloob dito. Sadyang
kaaya-aya ang mga tanawin sa ating bansa. Nariyan ang
malalawak na dalampasigan, magagandang kabundukan,
malalim na mga karagatan at mga kaakit-akit na mga istruktura.
Ano nga ba ang pakinabang ng isang bansa sa kanyang likas na
yaman?

Most Essential Learning Competency:

 Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang ekonomiko


ng mga likas na yaman ng bansa (AP4LKE-IIB-2).
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang lubusan
mong maunawaan ang layunin:
1. natatalakay ang pakinabang pang ekonomiko ng Turismo at
Enerhiya bilang likas na yaman ng bansa.

Subukin

Nakapaglakbay ka na ba sa mga magagandang tanawin sa


ating bansa? Alam mo ba ang mga dinarayo ng mga turista na
mga pook - pasyalan? Ano nga ba ang pakinabang ng mga
Pilipino sa pagdagsa ng mga turista sa Pilipinas?
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga katanungan sa
ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang maituturing na yaman ng bansa maliban sa mga
produkto at kalakal nito na nakakaakit sa mga tao sa ibang lugar
na dumayo rito?
A. Mga kabahayan dito
B. Mga taong naninirahan dito
C. Mga magagandang tanawin dito
D. Mga yamang lupa at yamang tubig dito
1
2. Ano ang tawag sa isang napakahalaga sa ekonomiya ng isang
lugar na tumutukoy sa paglalakbay ng tao mula sa kanyang lugar
papunta sa isang lugar na may magagandang tanawin tulad ng
mga dalampasigan at mga bundok?
A. Edukasyon C. Kalusugan
B. Ekonomiya D. Turismo
3. Ano ang pakinabang pang ekonomiko ang naibigay ng turismo
kay Abdul nang matanggap siyang tourist guide?
A. Damit C. Pagkain
B. Hanapbuhay D. Tirahan
4. Ano ang magandang naidulot ng pagiging Tourist destination ng
Asik Asik Falls sa bayan ng Alamada, Cotabato sa ekonomiya
-

nito?
A. Nadoble ang kita ng bayan.
B. Nawalan ng kita ang bayan.
C. Nabawasan ang kita ng bayan.
D. Nadagdagan ang kita ng bayan.
5. May dalawang uri ng turista sa Pilipinas, Domestic o lokal na
turista kung Pilipino. Ano naman ang tawag kung nagmumula pa
sa ibang bansa?
A. Universal Tourists
B. International Tourists
C. Banyagang Turista o Foreigner
D. Pambansang Turista o National
6. Anong enerhiya ang nanggagaling sa init mula sa ilalim ng lupa?
A. Geothermal B. Hydroelectric
C. Solar D. Windmill
7. Paano mo aalagaan ang kalikasan sa iyong munting paraan lalo
na sa enerhiya?
A. Sasabayan ko ang mga batang nagtatapon ng basura
kung saan saan.
-

B. Magtatanim ako ng punong kahoy para may


mabenta kaming uling.
C. Magkaroon ng disiplina sa sarili at disiplina sa ating
mga gawaing nakakaapekto sa kalikasan.
D. Hahayaan ko na lang na maaksaya ang kuryente
dahil hindi naman ako ang nagbabayad nito.
8. Paano nakatutulong ang solar energy sa suliranin ng bansa
tungkol sa elektrisidad?
2
A. Nagbibigay ito ng lakas sa tao.
B. Nakasisira ito sa mga likas na yaman.
C. Nagbibigay ito ng renewable energy at makatitipid sa
kuryente.
D.Nakakatulong ito dahil nakakaipon ng enerhiya
pag gabi.
9. Alin sa mga sumusunod ang natalang mas ligtas gamitin at
hindi nakakasira ng kalikasan?
A. Gas
B. Coal
C. Hangin
D. Turbina
10. Ang lahat ng enerhiya ay nakakatulong sa pang araw-araw na
ginagawa at ginagamit sa mga industriya upang mapaandar ito.
Ngunit sa labis na paggamit nito ay nakakasira na sa ating
kalusugan. Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong upang
mapanatili ang kagandahan ng mga likas na yaman?
A. Magtatapon ako ng basura sa ilog.
B. Magsusunog ako ng mga goma at plastik.
C. Hihikayatin ko ang aking mga kamag aral na mag
-

tanim ng mga punong kahoy.


D. Hahayaan ko nalang kung ano ang mangyari sa
kalikasan dahil hindi naman ito akin.
Aralin
1 Pakinabang Sa Turismo

Balikan

Naaalala mo pa ba ang mga magagandang tanawin na ating pinag


- aralan ? Halina’t ating balikan .
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga salita o lipon ng mga salita
sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.
 Mt. Apo
 Siargao
 Lake Sebu
 Dinagyang Festival
 The Grand Mosque of Cotabato
 Mariano’s Blooming Agri-Tourism Park
3
1. Alin sa mga tanawin sa kahon ang dinarayo ng mga lokal at
foreign tourists dahil sa makukulay at magagandang tanawin nito
na angkop sa mga mahihilig sa adventure?
2. Alin sa mga sumusunod ang matatagpuan sa lungsod ng
Cotabato na dinarayo lalo na ng mga Religious Travellers dahil sa
magandang istruktura nito na animo’y nasa Gitnang Silangan?
3. Matatagpuan sa Purok A, Poblacion, Tupi, South Cotabato.
Dinarayo ng mga turista dahil sa nagagandahang mga bulaklak
dito.
4. Pinakaangkop na lugar para sa surfing activity.

5. Tinatawag na Summer Capital ng Southern Philippines dahil sa


malamig na klima nito

Tuklasin

Basahin at unawain ang tula sa ibaba.


Turista sa Sariling Bayan
Ni Maraina M. Badrudin

Sa loob ng ilang araw na paglalakbay namin


Aming natunghayan mga tanawing sariling atin
Ang mga pasyalang pawang magaganda
Na hindi ko inakalang sa lugar natin ay makikita

Unang araw pa lang ay amin nang pinuntahan


Ang Hills View Mountain Villa na iyan
Aming natunghayan at amin ding nasaksihan
Ang tinatawag nilang sea clouds na naggagandahan

Mga turistang di lang Pilipino ang tumatangkilik dito


Kundi maging mga Amerikano na pera ay hindi peso
Kaya turismo ay patuloy na umuunlad at umaasenso
Ang noo’y karaniwan at para lang sa mga katutubo.

Ang Sunflower Garden Sa South Cotabato


At maging ang Lake Sebu ay amin ding tinungo
Di lang pala atraksiyon kundi malaking negosyo
Sa turismo ng bayan ang pagkakaroon nito.
Ang Asik-Asik, Daday at Pidatan sa Alamada
Iba ang nadarama kapag ito ay nakita
4
Ibig mo na talaga na bumalik - balik dito
Kaya maraming turista ang dito ay dumadayo

Kami ay bumalik sa aming sariling bayan


Dapat ko palang ipagmalaki ang aking Kabacan
Nariyan ang mga Talon at Kuweba sa Tamped at Pisan
Na dapat tangkilikin ng lokal na turista sa sariling bayan

Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa binasang tula at isulat


iyong sagutang papel.
1. Ano ang unang pinuntahang lugar ng may akda?
A. Pisan Cave sa Kabacan
B. Asik-Asik Falls sa Alamada
C. Bukidnon Hills View Mountain Villa
D. Sunflower Garden sa Tupi, South Cotabato
2. Saan sa mga nabanggit na pook pasyalan nakatira malapit
-

ang may akda?


A. Alamada C. Kabacan
B. Bukidnon D. South Cotabato
3. Bukod sa mga Pilipino, sino pa ang mga dumarayo sa mga
tanawin sa Mindanao ang nabanggit sa tula?
A. Mga Arabo C. Mga Amerikano
B. Mga Aprikano D. Mga Australiano
4. Sa mga nabanggit na tourist destinations na sariling atin, bakit
gusto mo itong tangkilikin ?
A. upang hindi na makagasto nang malaki
B. upang hindi na makapunta sa ibang lugar
C. upang makatulong sa turismo ng ating bayan
D. upang makakita ng maraming turista na taga ibang
bayan
5. Nasabi sa tula na ang pera ng hindi Pilipinong turista ay hindi
peso, paano ito nakakatulong sa ekonomiya?
A. dahil hindi sila Pilipino
B. dahil mas malaki ang halaga ng dolyar kaysa sa peso
C. dahil mas kailangan nilang makatulong sa turismo ng
ating bayan
D. dahil mas lalakas ang turismo kung banyaga ang
palaging bumibisita.

5
Suriin
Iba’t ibang Pakinabang na Pang-Ekonomiko na
Turismong Likas na Yaman ng Bansa
Nasagot mo ba lahat ang mga katanungan? Hindi bale at mas
maiintindihan mo ngayon ang paksa sa susunod na mga aralin.
Basahin mo ito at unawain.
Bukod sa kalakal at produkto, likas na yaman ding
maituturing ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malaki
itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at
maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga
dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan, at
maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo din ng mga turista ang mga
makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito, Malaki ang
naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ano nga ba ang Turismo? Ito ay tumutukoy sa paglalakbay


ng mga tao mula sa kanilang mga tirahan papunta sa mga
magagandang tanawin upang magliwaliw, magrelaks at magsaya.
Nakikinabang ang mga lugar na may ganitong tanawin o pasyalan.
Ang Turismo ay isang akto ng paglalakbay para sa layunin ng
rekreasyon, at ang paghahanda ng serbisyo para dito. Ito ay
patungo sa ibat - ibang lugar sa Pilipinas at mga rehiyon nito
upang makita nila kung gaano kaganda ang mga ito.

“Ang industriya ng Turismo ay makakapagpataas ng kita ng


empleyado at magsisilbing tulay o daan sa pagbubukas ng marami
pang mga trabaho.” (Barnett,2010).
Ang kumpletong kahulugan ng turismo ay ang Industriyang
Serbisyo (Industrial Services). Kinabibilangan ito ng mga ilang
nahahawakan at di nahahawakang sangkap. Ang mga elementong
nahahawakan ay ang mga Sistema tulad ng transportasyon sa
himpapawid, riles, kalye at pantubig. Kasama ng elementong
nahahawakan ay ang serbisyong maasikaso (Attentive Services)

6
tulad ng akomodasyon, pagkain, inumin, paglilibot, mga subiner,
iba pang kaugnay na serbisyo tulad ng pagbabangko, seguridad at
kaligtasan. Kabilang naman sa mga di -

nahahawakang elemento ang pamamahinga,


kultura, scaping, adventure, mga bago at
lumang mga karanasan.

Tinatawag na Turista ang sinumang


naglalakbay ng 50 milya o 80.5 kilometro ang
layo mula sa kanyang tirahan (Base sa World
Tourism Organization) isang katawan ng mga
nagkakaisang bansa. Ang Department of
Tourism (DOT) ang pangunahing ahensiya ng
pamahalaan na may tungkuling hikayatin,
palaganapin at paunlarin ang turismo bilang
pangunahing panlipunan at pangkabuhayang gawain upang
makalikom ng banyaga/lokal na pananalapi at makalikha ng
trabaho. Layunin ng ahensiya na ipamahagi ang mga benepisyo
ng turismo sa mga mamamayan o kaya kapuwa pribado at
publikong sektor.

Pagyamanin

Naintindihan mo ngayon ang nilalaman o kabuuan ng ating


paksa. Halina at gawin mo ang mga sumusunod na mga gawain.

Gawain 1. “BUUIN MO AKO”


Panuto: Ayusin ang jumbled na letra para mabuo ang mga salita.
A. Mga paraan kung paano pakikinabang ng pamahalaan sa
turismo.
1. Y A N U B H P A
2. T A K I G N N A A A H L M A P
3. G M A A T S I R U T
B. Mga uri ng turista
4. Y A G A B A N
5. L A L O K

7
ISAISIP

Ngayong nagawa mo na ang mga iniatas na mga gawain sa


iyo, kaya mo na bang i -proseso ang mga natutunan mo mula r ito?
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang konsepto ng talata
at isulat sa sagutang papel.

1. Ang turismo ay______________________________________________.


2. Ang mga p
_________________
______________.
Ang mga estratehiya ng DOT sa hangaring mapasigla ang pagbisita
ng mga turista sa bansa.
3._______________________________________________
4.__________________________ _ ____________________

5._______________________________________________
akinabang ng pamahalaan sa Turismo ay

Isagawa

Ngayong alam mo na ang mga pakinabang sa turismo,


maisasagawa mo kaya ito sa iyong pang araw-araw na
pamumuhay?
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa iyong sariling
panana w. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1.Ano ang naging epekto ng pandemyang dala ng COVID-19
na nararanasan natin ngayon sa turismo ng bansa?
2. Bilang isang bata, ano ang maaari mong maitulong upang
manumbalik ang kalakasan ng ekonomiya sa kabila pandemyang
dala ng COVID 19 nararanasan natin?

8
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Tukuyin ang letra ng


tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Turismo?


A. Ito’y pangunahing kailangan sa pag unlad ng
-

edukasyon.
B. Ito’y pangunahing kailangan sa pag-unlad ng
ekonomiya.
C. Ito’y pangunahing kailangan sa pag unlad ng
-

komunikasyon.
D. Ito’y pangunahin g kailangan sa pag- unlad ng
Tranportasyon.
2. Ano ang tawag sa sinumang naglalakbay ng 50 milya o 80.5
na kilometro ang layo mula sa kanyang tirahan upang
magliwaliw at magmuni-muni?
A. terorista B. titser
C. tsuper D. turista
3. Ano ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may
tungkuling hikayatin, palaganapin at paunlarin ang turismo?
A. Department of Tourism
B. Department of Trade and Industry
C. Department of Social Welfare and Development
D. Department of Communication and Transportation
4. Maliban sa lokal na turista, ano naman ang tawag sa turista
na hindi galing sa ating bansa?
A. banyaga B. imported
C. national D. original

5. Anong uri ng serbisyo ang tumutukoy sa akomodasyon,


pagkain, inumin, paglilibot, mga souvenir, at iba pang kaugnay
na serbisyo tulad pagbabangko, seguridad at kaligtasan?
A. Serbisyong masipag
B. Serbisyong maasikaso
C. Serbisyong mapag-alaga
D. Serbisyong maalalahanin

9
6. Alin sa mga sumusunod ang estratehiya ng Department of
Tourism upang maisakatuparan ang hangaring mapasigla ang
turismo ng bansa?
A. Pagpapaunlad at pagsusulong sa mahuhusay na
produktong pang turismo at destinasyon.
-

B. Pagpapaunlad at pagsusulong sa mga di mahuhusay na


produktong pang turismo at destinasyon.
-

C. Pagpapaunlad at pagsusulong sa mahuhusay na pang-


edukasyong alternatibo.
D. Pagpapaunlad at pagsusulong sa mahuhusay na
pangkomunikasyon at transportasyon.
7. Ang mga sumusunod ay mga estratehiya ng Department of
Tourism upang maisakatuparan ang hangaring mapasigla ang
turismo ng bansa MALIBAN sa
A. ang pagpapabuti ng institutional governance human
resources
B. pagpapanatili ng ka ayusan at katahimikan ng bansa at ng
mga mamamayan
C. pagpapabuti ng market access, connectivity at
imprastruktura sa mga destinasyon
D. pagpapaunlad at pagsusulong sa mahuhusay na
produktong pang-turismo at destinasyon

8. Ang Asik- Asik Falls ay may maayos na daanan, may


konkretong hagdan pababa sa talon kay a madali na lang sa
mga turista ang pagpunta rito. Anong layunin ng Department
of Tourism ang naipatupad dito?
A. Ang pagpapabuti ng institutional governance at human
resources
B. Pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ba at ng
mga mamamayan.
C. Pagpapabuti ng market access, connectivity
imprastruktura sa mga destinasyon
D. Pagpapaunlad at pagsusulong sa mahuhusay na
produktong pang-turismo at destinasyon.
9 . Si Mang Kardo ay nakatira malapit sa bagong bukas na
Resort sa kanilang bayan. Paano kaya makikinabang dito si
Mang Kardo?
A. Maaari siyang magtago upang di makita ng mga bisita ng
resort.
10
B. Maaari siyang maligo dito araw araw kasama ang mga
bisita ng resort.
C. Maaari siyang magpatayo ng Kantina upang doon mamili
ang mga bisita ng resort.
D. Maaaring magbisita ang kaniyang mga kamag-anak
araw-araw kasama ang mga bisita ng resort.

10. Ang pamahalaan ay gumagasta ng malaki upang maisaayos o


mapaunlad ang mga destinasyon gaya ng Boracay na
sumailalaim sa ilang buwang pagsasara magkaroon lamang
ng Rehabilitation at maging mas lalong kaakit-akit sa mga
turista. Bakit kailangan pang gumastos ang pamahalaan?
A. dahil wala ng pumupunta dito
B. dahil gusto lang nilang gumastos
C. dahil para makita na gumanda ito
D. dahil kapag gumanda at umunlad ang lugar mas
maraming turista ang tatangkilik ditto.

Karagdagang Gawain

PAG-AARAL NG GRAP
Panuto: Pag-aralan ang grap sa ibaba at sagutin ang mga
katanungan sa iyong sagutang papel.
Mga Tala ng mga Turista na nagbisita sa Pilipinas.

1. Anong taon ang may pinakamaraming turistang dumating sa


Pilipinas?
2. Ano namang taon ang may pinakamaliit na tala ng turista sa
bansa?
3. Ano ang masasabi mo sa mga tala ng bumisita sa bansa sa mga
taong 2015 at 2016? 2015 hanggang 2019? Ipaliwanag.
4. Kung makikita mo ang bar graph mula 2015, pataas ito. Ano
ang ibig sabihin nito? 11
5. Kaugnay sa bilang 4, papaano magpapatuloy ang pagdagsa ng
mga turista sa ating bansa?

Aralin
Pakinabang Sa Enerhiya
2

Balikan

Larawan ko, Tinutukoy ako!


Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A B

1. Ang tanawing ito ay A.


itinanghal bilang
World Heritage Site
dahil sa kamangha-
manghang
pagkakagawa nito.

2. Isang malawak na B.
lupain kung saan
matatagpuan ang
burol.

3. Pinakatanyag sa
mga bulkan na may
C.
halos perpektong
hugis.

12
4. Isang mahabang ilog sa
ilalim ng yungib na may mga D.
batong mineral.

5. Ito ay ipinagmamalaki
ng lungsod ng Iligan
dahil narito ang
E.
plantang
hydroelectriko na
nagtutustos ng lakas
elektrisidad sa
maraming industriya
sa lungsod.

Tuklasin
Likas na Yaman, Ingatan at Pagyamanin!

Panuto. Basahin at unawain ang diyalogo nila Rodhino at Kovyd.


Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa iyong
sagutang papel.

Rodhino: Nababahala na ako sa posibleng paglala ng krisis ng


enerhiya sa ating lugar dahil sa El Niño kaya
nararanasan na natin ang sobrang init.
Kovyd: Tama ka , Rodhino. Sobrang init na nga dito sa ating lugar
at halos wala ng tubig sa ating sakahan kaya
naaapektuhan ang paglago ng ating mga pananim.

13
Rodhino: Madalas rin ang pagkawala ng kuryente kaya halos
nasisira na ang mga kagamitan sa bahay. Halos abutin
ng walong oras ang pagkawala ng kuryente.

Kovyd: Balita ko nga hindi lang dito sa atin ang nakararanas ng


kakulangan sa kuryente dahil humina ang power supply
sa lungsod bunsod ng manipis na reserba ng kuryente
ngayong tag -init.
Rodhino: Malaking problema ang ating kakaharapin kung
posibleng lumala pa ang krisis sa enerhiya dito sa ating
bayan.
Kovyd: Alam mo ba Rodhino, itong pagsusunog ng fossil fuel na
nagmumula sa coal-fired power plant dito sa ating lugar
ang pangunahing dahilan ng pagtindi ng climate change.
Ito ang dahilan ng pagdami ng carbon emissions na
naiipon sa kalawakan na siya namang dahilan ng pag-
init ng mundo. Dahil sa ganitong uri ng pinagmumulan
ng enerhiya, ang pangunahing napipinsala ng masamang
epekto nito ay tayong mga mahihirap na naninirahan
dito sa kinatatayuan ng mga planta.
Rodhino: Tama ka jan Kovyd, tayong mga mahihirap ang lubhang
napipinsala sa pagpapatayo ng coal fired power plant
-

dito sa ating lugar. Nakakalungkot lang isipin na ang


pangunahing sanhi ng climate change ay yung
pagsusunog ng fossil fuels. Sana’y maghanap nalang
sila ng alternatibong paraan ng pagkukuhaan ng
enerhiya na hindi makakapinsala sa ating mga tao at
sa ating mga likas na yaman.
Kovyd: Oo nga Rodhino, hangad natin ang patuloy na pag -unlad
ng ating bansa kaya sana’y maisaayos na ang
nagtutustos ng kuryente sa ating bayan at kailangan na
din nating magtipid ng pagkunsumo ng kuryente ng sa
gayo’y makatulong tayo na ating bayan.
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong batay sa
diyalogong binasa.
1. Tungkol saan ang pinag uusapan nina Rodhino at
-

Kovyd?
2. Ano ang ikinabahala nina Rodhino at Kovyd?
3. Ano ang pangunahing sanhi ng climate change?
4. Bakit nagkakaraoon ng climate change?
5. Paano maiiwasan ang pagkasira ng mga likas na yaman
ng ating bansa?
14
Suriin

Iba’t ibang Pakinabang Pang-ekonomiko na Enerhiyang mga Likas


na Yaman ng B ansa
Ang yamang enerhiya ay kapakipakinabang dahil ito ang mga
pangunahing pinagkukunan ng lakas at kakayanan sa paggawa.
Ito ay ginagamit sa pagpapatakbo ng makinarya ng mga
industriya. Halimbawa ng yamang enerhiya ay ang kuryente o
elektrisidad. Alam naman natin na ang lahat ng mga likas na
yaman ay itinuturing na mahalaga at kapakipakinabang .
N akakatulong ito sa pagdaloy ng produksyon ng mga produkto at
kagamitan na tumutulong sa ating pamumuhay. Ang yamang
enerhiya ay importante sa pamumuhay ng isang tao, kung wala
ito, wala tayong panustos ng kuryente na nagpapagana sa halos
lahat na ng bagay na makikita natin sa ngayon. Isa itong malaking
bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin
kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis. Ang
yamang enerhiya ay mauuri sa lima, ang enerhiyang mula sa lupa
o geothermal energy, mula sa tubig o hydroelectric energy, mula sa
araw o solor energy, mula sa hangin o wind energy at enerhiyang
mula sa fossil.
Mga Pinagkukunang-Enerhiya ng Ating Bansa:
1. Enerhiyang Heotermal (Geothermal Energy)- isang uri ng
enerhiyang galing sa init, na
nakatago at nabubuo sa ilalim ng
lupa. Ito rin ay kinikilala bilang
“Green Energy” na
makapagbibigay ng alternatibo
sa mga konsyumer para sa isang
uri ng enerhiya na hindi
mapaminsala sa kalikasan.
Ang Malitbog Geothermal Power Station ay matatagpuan sa
Malitbog, Kananga, Leyte, Philippines.

15
Ang Maria Cristina Falls sa Lanao Del Norte na nagsusuply ng
elektrisidad sa Mindanao.

Ang geothermal leader Energy


Development Corporation’s (EDC) Mount Apo
Geothermal Power Plants ay nagbibigay ng
malinis at sapat na kuryente sa Mindanao.

2. Enerhiyang mula sa tubig (Hydroelectric Energy)- Ito ay


enerhiyang nagmumula sa anyong tubig tulad ng talon. Ang
pinaka karaniwang uri ng hydroelectric power plant ay gumagamit
ng isang dam sa isang ilog upang mag-imbak ng tubig sa isang
imbakan. Kung paano magprodyus ng elektrisidad ay sa
pamamagitan ng mga turbine na pinapaikot ng tubig.

Ang Angat Dam ay matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan. Ito


ay nagsusuplay ng maiinum na tubig sa Metro Manila at sa mga
kalapit na lugar. Ang tubig na duma daan sa dike ay unang
-

ginagamit para sa koryente. Pinapakinabangan ng MWSS (dating


NAWASA) ang dam para sa tubig na maiinom ng Maynila.
Nakatutulong ito sa National Irrigation Administration (NIA) para
sa irigasyon.

3. Ang enerhiyang solar


(solar energy)- ay ang pinaka-
masagana at tiyak na
mapagkukunan ng enerhiya
dito sa mundo. Ang solar power
ay ang pagkuha ng enerhiya
mula sa araw at ginagamit
upang lumikha ng kuryente.
Kapag malakas ang sinag ng
araw ay maraming kuryente ang nakukuha. Walang kuryente na

16
nakukuha kapag gabi kahit gaano pa kaliwanag ang buwan. Ang
paggamit ng mga solar panel ay kapaki-pakinabang sa mga liblib
na lugar na hindi naaabot ng kuryente. Ang paggamit ng solar
panels ay hindi lamang makapagbabawas ng konsumo ng
koryente ng isang bahay o estruktura, kundi makatutulong din ito
sa paglilimita ng gastusin sa koryente. Nakatutulong din ang
paggamit ng mga ito sa pag-iwas ng pagkasira ng mga likas na
yaman.
Isang halimbawa nito ang bayan ng Kabacan na may ilang
paaralan na di naaabot ng kuryente dahil sa layo. Ang Mulita
Elementary School ay isa lamang sa malayong mga paaralan na
pinagkalooban ng solar panel. Ito ngayon ang pinagkukunan ng
kuryente na pinakikinabangan ngayon ng mga bata at guro sa
pagtuturo at pag-aaral. Ang solar streetlight naman sa
Bagontapay, Mlang North Cotabato ay nagagamit na sa
kasalukuyan at nagbibigay liwanag sa daanan ng Mlang.

Pagyamanin

Gawain 1: Ayos ka, Kung Ayusin mo ako!


Panuto: Isaayos ang mga titik sa kahon ng bawat bilang upang
mabuo ang salita na inilalarawan ng parirala. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. s s i l f o l e u f mula sa
-

labi ng mga tuyong halaman


at hayop.
2. w d i n g y n e r e -

galing mula sa hangin at


nagiging kuryente.
3.
4. s o a r l e g n e r y -
enerhiyang nagmula sa
init ng araw.

5. l a r u t a n s a g - ito ay
walang kulay at amoy.

17
6. D r o h y t r i c e l e c e n g e r y - buhat naman sa yamang
tubig, tulad ng Maria Cristina Falls.

Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang talata, punan ang bawat patlang ng


tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
renewable sources enerhiya natural gas
solar energy hydroelectric power hydropower

Ang enerhiya ay kinakailangan ng bawat tao sa pang araw-


araw na gawain. Nakadepende tayo sa (1) ______________ na
nagbibigay ng lakas sa atin. Ang (2) _______________ ay
nakatutulong sa patubig, irigasyon at transportasyon. Ang
pinaka-masaga at tiyak naman na pinagkukunan ng enerhiya ay
ang (3) _______________ na ginagamit sa malalayong lugar na
hindi naaabot ng kuryente. Ang Pilipinas ay sagana sa
(4) _______________ na matatagpuan sa ilalim ng lupa o dagat. Ito
ay nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin
kailangang umangkat pa ng langis o krudo. Ang paggamit ng
enerhiya ay may hangganan kaya palawigin ang paggamit ng (5)
_______________ upang mapangalagaan natin ang mga likas na
yaman na biyayang mula sa panginoon.

Isagawa

Panuto: Piliin ang bilang ng larawan na may pakinabang na pang-


ekonomikong enerhiya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

18
1. 2.

3. 4.

5. 6.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Saang lugar matatagpuan ang Maria Cristina Falls na kung
saan isa ito sa pinagkukunan ng enerhiya?
A. Bukidnon C. Marawi
B. Iligan D. Tacurong
2. Anong enerhiya ang nagmula sa ilalim ng lupa na nagagamit ng
tao sa paglalaba at inumin sa kanilang tahanan?
A. Coal C. Solar
B. Hydropower D. Windmill
3. Kailan nakagagawa ng kuryente ang solar panel?
A. kung tag-ulan C. kapag may bagyo
B. kapag madilim D. kapag may sinag ng araw
4. Ano ang naglilinang at gumagawa ng elektrisidad na
nagmumula sa hangin?
A. Power C. Windmill
B. Energy D. Wind turbines
5. Ang Geothermal Energy ay kinilala bilang “green energy” dahil
ito ay malinis. Saan nanggagaling ang geothermal energy na isa
sa mga pangunahing pinagkukunan ng kuryente?
A. Bulkan C. Dagat
B. Bundok D. Lupa
6. Ang Liguasan Marsh ay mayaman sa enerhiya na
pinapakinabangan sa Mindanao. Anong likas yaman ang
makukuha sa Liguasan M arsh?
19
A. Coal C. Natural gas
B. Fossil fuel D. Yamang enerhiya
7. Ito ay matagal ng ginagamit ng tao tulad ng paglalayag,
pagpapaikot ng mga gilingan at pagbomba ng tubig. Anong
enerhiya ang nabanggit?
A. Fossil C. Solar
B. Hangin D. Tubig
8. Sa iyong palagay paano napapakinabangan bilang isang
alternatibong pinagmumulan ang enerhiyang solar?
A. dahil sa agos ng tubig
B. dahil sa sinag ng araw
C. dahil sa tubig mula sa talon
D. dahil sa pag imbak ng tubig sa dam
-

9. Ang isang dam ay imbakan ng tubig na kapakipakinabang


sapagkat ito ang nagsusuplay ng malinis na tubig at
nakatutulong para sa mga irigasyon. Bakit mahalaga ang
tamang pagtapon ng basura?
A. Para madaling ikalat sa daan
B. Para maitapon ito sa ilog at dagat
C. Para may mahakot ang mga basurero
D.
magbabara sa mga kanal
10. Ang elektrisidad ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya
na ginagamit sa tahanan, industriya at iba pa. Paano mo
para hindi mapunta sa mga ilog o dagat at hindi
maiiwasan ang pag aaksaya ng kuryente?
-

A. Paaandarin ko ang aircon buong araw para malamig.


B. Ibubuhos ko ang natirang maduming tubig ng labahan.
C. Kung hindi ginagamit ang kuryente ay papatayin ko
muna.
D. Maliligo ako ng limang beses sa isang araw para malinis
ang aking katawan.
Karagdagang Gawain
Gawain 1: Jingle mo to!
Panuto: Lumikha ng isang jingle song tungkol sa iba’t ibang
pakinabang na pang ekonomikong enerhiya na mga
likas na yaman ng bansa. Isulat sa iyong kuwaderno ng
pagsasanay.
Pangalan: ________________________ Baitang: ____________
Pamagat ng Jingle:__________________________________
21
Aralin 2
Subukin
1. C
2. D
3. D Isaisip
4. D 1. isang akto ng paglalakbay
Balikan 5. C para sa layunin ng rekreasyon,
6. A at ang paghahanda ng serbisyo
Tayahin 1. Mt. Apo 7. C para dito.
8. C 2. Mga Turista, Kita, at
1. D 2. The Grand Mosque
9. B Hanapbuhay.
2. C of Cotabato 3.Pagdedevelop at pagsusulong
10. C
3. A sa mahuhusay na produktong
4. A 3. Mariano Blooming -
pang turismo at destinasyon. 4.
5. B Agri-tourist Park Pagyamanin Pagpapabuti ng market access,
6. A connectivity at imprastruktura
7. B 4.Siargao 1. HANAPBUHAY sa mga destinasyon
8. C 2. KITA NG 5 Ang pagpapabuti ng
9. B 5. Lake Sebu PAMAHALAAN institutional governance at
10. D 3. MGA TURISTA
human resources.
4. BANYAGA
5. LOKAL
( Aralin 1)
Susi sa Pagwawasto
10. C
9. D
8. B sources
7. B 5. Renewable
6. C 5.6 4. Natural gas 5.Hydroelectric power 5. C
5. D 3. Solar energy 4.Natural Gas 4. A
4.5
4. D 3.Solar Energy 3. B
3.3 power
3. D 2. F
2. D 2.2 2. Hydroelectric 2.Wind Energy
1. C 1.1 1. enerhiya 1.Fossil fuel 1. D

Tayahin Isagawa Isaisip Pagyamanin Balikan

Sanggunian
Kagamitan ng mag-aaral sa Araling Panlipunan 4 ph.
L.M. pp. 129
Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 4 ph. 41 42 -

(n.d.). Retrieved from https://mimirbook.com/tl/0d5bdab3aa8

(n.d.). Retrieved from https://mimirbook.com/tl/0d5bdab3aa8


(n.d.). Retrieved from https://www.veritas846.ph/enerhiya -at-kaunlaran/
(n.d.). Retrieved from https://www.slideshare.net/paoloesteves/aralin-4
(n.d.). Retrieved from http://luntiang -enerhiya.blogspot.com/2013/01/bakit-mahalaga- ang-
geothermal-energy.htm
(n.d.). Retrieved from http://www.tupanggala.com/maria cristina falls/
- -

(n.d.). Retrieved from https://prezi.com/qn0xl6pu175y/yamang-enerhiya/


(n.d.). Retrieved from http://pageone.ph/edcs kidapawan geothermal power plants back online/
- - - - - -

(n.d.). Retrieved from


https://www.doe.gov.ph/sites/default/files/pdf/consumer_connect/natural_gas_enerhiyang_likas_
at_malinis.pdf
(n.d.). Retrieved from https://www.slideshare.net/edithahonradez/aralin -3- mga-pakinabang -na-
pang -ekonomiko-ng -m ga-likas-na-yaman
Adriano, M. V., Caampued, M. A., Capunitan, C. A., Galaroza, W. F., Miranda, N. P., Quintos, E. R., . . .
Naval, E. P. (n.d.). Araling Panlipunan 4. Vibal Group, Inc.

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax: (083) 2288825 / (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like