You are on page 1of 2

Ang transportasyon ay isang kalakaran gawi ng mga tao upang makapunta sa kanilang

pupuntahan. Ang ibang bansa ay may klase na sasakyan na ginagamit upang makarating sa destinasyon o
paroroonan. Ngunit ang Pilipinas ay may kakaibang paraan ng transportasyon na kaya magdala ng
dalawang pu’t limang pasahero na may murang bayad lamang sa pag commute at ito ay ang jeepney.
Ang jeepney ay isa sa pinakamatagal nang ginagamit na pampublikong transportasyon sa Pilipinas at ito
rin ay nagsisimbolo sa kultura ng Pilipinas. Subalit habang lumilipas ang mga taon ang jeepney ay mabilis
maluma at ito rin ay notorious polluter, dahil sa petrol na ginagamit ay gumagawa ng malaking
kontribusyon ng polusyon sa hangin. Gusto ng gobyerno pababain ang antas ng polusyon sa pamamgitan
ng pag iinovate sa mga pampublikong transportasyon dahil marami sa lumang jeepney ay gumagawa ng
malaking polusyon sa kapaligiran. Isa rin sa layunin na maging magprovide ng mga bagong ruta at
edukasyon sa mga jeepney drayber at maging convenient ang pagcocommute ng mga pasahero.

Ang Jeepney ay tinagguriang “Hari ng Kalsada” sa Pilipinas, ito ay isa matagal na


ginagamit na transportasyon ginagamit ng mga Filipino dahil mura lang ang pamasahe kumpara sa mga
ibang sasakyan katulad ng tricycle. Subalit ang jeepney ay nakakagawa ng malaking pinsala sa ating
kapaligiran lalo na sa hangin. Ang mga makina ng tradisyunal na jeepney ay medyo luma na at kailangan
na palitan ng bagong materyales upang maging ligtas at hindi nakakasira sa kapalagirian. Ipinahayag ng
Department of Transportation (DOTr) na patuloy sila nanghahanap ng paraan upang matugunan ang mga
problemang kinalamaan sa transportasyon gayundin sa mga panganailangan at patuloy na pagbabago ng
mga teknolohiya sa pamamagitan ng iba’t ibang mga proyekto. Ang panukala na propose ng DOTr ay
“Public Utility Vehicle Modernization Program” o “Jeepney Modernization” na inorganisa ni President
Rodrigo Duterte and Transportation Secretary Arthur Tugade kung saan ipapaphase-out ang mga
jeepney, buses o ibang pang mga Public Utility Vehicles na nasa 15 taon o pababa at papalitan ng
masligtas at eco-friendly pampublikong transportasyon. Iniulat ng LTRB na ang pabor na modernong
jeepney ay kasalukuyang nagkakahalaga ng P2. 2 at P2. 4 milyon.

Ngunit ang pagmomodernize sa jeepney ay makakaepekto sa pagcocommute ng mga


pasahero at sa mga jeepney drayber. Ang kasalukuyan sweldo ng mga jeepney drayber ay hindi sapat sa
mga modern jeepney, hindi ito aabot sa presyo kahit nag-iipon na sila para lumipat sa modernized
jeepney bago mag-phase out ang mga tradisyunal jeepney, panukala ng LTFRB sa 2023 na katapusan ng
Disyembre ang pagphase-out ng mga tradisyunal jeepney. Ang mga bago at upgraded na jeepney ay
nakadepende sa modelo na kanilang kukunin. Dahil sa mga bagong features at presyo ng modern
jeepney na ginagamit ng drayber ay maari magtaas ng pamasahe nila at magiging malaking epekto sa
mga nagcocommute. Batay sa desisyon ng LTFRB, ang tradisyunal na jeepney ay magkakaroon ng bagong
minimum na pamasahe na P12 na sasaklaw sa unang apat na kilometro at P1. 80 para sa bawat susunod
na kilometro. Sa kabilang banda, ang mga modernong jeepney ay magkakaroon ng bagong minimum na
pamasahe na P14 para sa unang apat na kilometro at P2. 20 para sa bawat susunod na kilometro.
Habang nagtataasan ang pamasahe ang sweldo ng mga Pilipino ay hindi magbabago. Ang mga pasahero
ay ginagamit ay jeep sa dahilan ito ay pinakamura at medyo convenient kaysa sa mga bus at iba pang
mga pampublikasyong transportasyon.

Sa maikling pananaw makaktulong ang pagmomoderno ng jeepney upang bumaba ang


lebel ng polusyon ng hangin sa ating bansa. Ang programa ay nangangailangan ng mga driver at operator
na magbigay ng mga modernong yunit sa kanilang mga jeepney. Subalit ang moderno jeepney ng
gobyerno ay medyo magastos at nagkakahalaga ng P2.2 to 2.4 milyon na lagpas sa limitasyon na kita ng
isang jeepney drayber. Ang isang jeepney drayber ay kumikita ng P500-P600 kada araw, hindi nila kaya
kumita ng P2.2 to 2.4P milyon sa maikling panahon. Ang gobyerno ay dapat magkaroon ng isang opsyon
na kung saan mas abot-kaya para sa mga driver upang makakuha ng isa sa modernong jeepney.
Kailangan pahabain pa ng gobyerno ang pagpapaphase-out ng jeepney upang may sapat na panahon na
makaipon ang mga drayber at mapalitan ang kanilang mga sasakyan.

You might also like