You are on page 1of 1

Kapos sa Budget!

“Jeepney Modernization” Hindi matuloy tuloy dahil kulang sa budget o hindi sang-ayan ang
Gobyerno. 2.4 Million hindi bababa diyan ang kailangan gastusin para makabili ng isang modern
Jeepney. Bagama’t may 100,00 pesos na inaalok ang subsidiya ang gobyerno malayo layo pa rin ito
sa kakailanganin para makasabay ang operator at tsuper.

Nararapat na baguhin ang dyip dahil bukod sa magiging ligtas ang mga sasakay na pasahero
sila rin ay magiging komportable dahil sa wala ng alikabok na sabit sabit. Alam nating posibleng
tumaas ang pamasahe ngunit piso o tatlong piso lang ang posibleng ikataas nito.

Ayon sa mga Pasahero at mga tsuper ayos lang na tumaas ang pamasahe maka-uwi lang ng
ligtas sa kanilang pamilya kaysa naman sa murang pamasahe magkakasakit pa sila dahil sa mga
alikabok.

Idinagdag pa ng mga tsuper na mas maayos ang kahihinatnan ng kalikasan dahil sa maayos
na sasakyan ng mga pasaherong pagod dahil sa trabaho.

Ayos lang daw sa mga pasahero na tumaas ang pamasahe basta wala silang galos pag-uwi sa
kanilang tahanan maari pa silang maka pahinga sa maayos at kumportableng dyip.

Kailangan talagang tumaas ang pamasahe sa dyip dahil garintisado naman ang sasakyan
maayos, malinis, malamig at bukod doon hindi na magiging siksikan.

Gobyerno, ituloy niyo ang ‘Jeepney Modernization’ para sa kapakanan ng mga Pasahero at
hindi lang dahil sa mga Biyahero para na rin sa ikagaganda ng Ekonomiya.

You might also like