You are on page 1of 8

Shielo:

Good morning everyone, we are here today to share to you the issue of Ateneo
valedictorian and daughter of jeepney driver calls for "just modernization” amid
government phase out plan.

Isang anak ng jeepney driver ang tumindig sa gitna ng ipinapatupad na week-long strike
ng transport groups dahil sa plano ng gobyernong i-phase out ang traditional jeepneys.
Si Reycel Hyacenth “Hya” Bendaña ay naging boses ng drivers para manawagan sa
gobyerno at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa
planong phaseout ng traditional jeepneys.

Viral ang video ni Hya na ipinost sa social media kasunod ng transport strike na
nagsimula ngayon, March 6, at mangyayari until March 12, 2023.

Si Hya ay napagtapos ng kanyang amang jeepney driver, na si Renato Bendaña, bilang


valedictorian ng kanyang 2019 batch sa kursong B.A. Management Economics sa
prestihiyosong Ateneo de Manila University.

Siya rin ay naging scholar, at dating presidente ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng


mga Paaralang Loyola ng Ateneo de Manila.

Ito ang dahilan kung bakit malapit ang drivers sa puso ni Hya, na naging barker din
noon sa pamamasada ng kanyang ama, ayon sa ulat ng The Philippine Star.

Ang video ni Hya ay mayroon nang 1.1 million views sa Twitter at higit 13,000 views sa
Facebook.

Sa kanyang video, ipinaliwanag ni Hya ang “just transition” na hinihingi ng transport


sector mula sa gobyerno kaugnay ng phaseout plans.

Sa June 30, 2023, ang deadline ng pamahalaan para sa Public Utility Vehicle
Modernization Program (PUVMP).

Sa programa, isusuko ng jeepney operators ang kanilang individual franchise para


mapabilang sa cooperatives na nasa ilalim ng Fleet Management System.

Ang bawat cooperative ay kailangang may 15 imported minibuses kada ruta.

Mabigat para sa jeepney operators ang modernization program dahil ang bawat unit ng
minibus ay nagkakahalaga ng PHP2.4 million hanggang PHP2.8 million.

Ikumpara ito sa traditional jeepney ay nagkakahalaga lamang ng mula PHP200,000


hanggang PHP600,000 kada unit.
After Shielo

Angel:

Sa simula ng kanyang video, buong pagmamalaking sinabi ni Hya na siya ay anak ng jeepney
driver na nagmaneho sa loob ng dalawang dekada.

At saka niya ipinaliwanag ang “makatarungang transition” na hinihingi ng transport sector mula
sa gobyerno.

Aniya, “Iba-iba man po ang grupong pinanggagalingan, iisa po ang tindig ng jeepney drivers
natin.

“Hindi po kami tutol sa modernisasyon, ngunit nananawagan po kami ng makatarungang plano


na hindi kami maiiwan."

Giit ni Hya, “Modernisasyon po, hindi phaseout.”

Inilatag niya ang tatlong hiling ng transport sector mula sa pamahalaan.


After Angel

Jeff:

FIRST REQUEST
Unang inilatag ni Hya ang requirement ng LTFRB sa operators na mapabilang sa
cooperatives para magkaroon ng “consolidated" Fleet Management System.

Pero para makapasok sa isang cooperative, daan-daang libong piso ang kakailangin ng
operators.

Hiling ni Hya, “Humihingi po kami ng step-by-step na suporta mula sa gobyerno from


the very first requirement hanggang sa pinakahuling requirement po ng program.

“Bawasan o alisin po ang mga barriers o hadlang na nagpapahirap sa sector [para]


makasunod sa gobyerno. Because again, gusto po naming sumunod."

Hinimay-himay ni Hya kung gaano kalaki ang perang kailangang ilabas ng drivers na
bubuo ng kooperatiba.

Paliwanag ni Hya, “Unang requirement sa PUV modernization program, they need to


show PHP300,000 cooperative fee, plus PHP20,000 sa bawat jeepney unit na sasali sa
kooperatiba, according to OTC [Office of Transportation Cooperatives], which is a
government agency.
After Jeff

Chyna:

“So kung 20 kayong jeepney drivers na bubuo ng kooperatiba, that’s 20,000 x 20 units
= PHP400,000, plus PHP300,000 cooperative fee = PHP700,000.

“That is money many of our transport workers do not have.

"At ito po ay unang requirement pa lang ng PUV modernization program,” punto ni Hya.

Binanggit din ni Hya ang Step 2 ng modernization, o modernized fleets, para makabili
ng minibuses.

Yuan:

“Nire-require po ang transport cooperatives natin para makapag-apply sila at maka-avail


ng loan and subsidy from the bangko and LPTRP o Local Public Transport Route Plan.”

Chyna:

Bunyag ni Hya ukol sa LPTRP,

Yuan:

“In the last five years, hindi pa rin tapos ang karamihan po sa ating LGUs.”

Chyna:

Ang LPTRP ay

Yuan:

“basically a detailed plan route network with specific modes of transportation and
required number of units per mode for delivering land transport services,”

Chyna:

Ani Hya, dito naiipit ang transport workers.

Yuan:

“Meron pong requirement ang gobyerno [modernized fleets], na hindi po makapag-


comply ang transport workers natin, dahil may sub-requirement ang gobyerno (LPTRP)
na hindi pa rin po tapos ng gobyerno (LGU).

“So the million-dollar question is, Kung kayo po ay transport workers, saan po tayo
lulugar?”
After Yuan

David:

SECOND REQUEST
Ang pangalawang hiling ni Hya para sa transport sector ay taasan ang subsidy.

Sa pagpapatuloy niya,

Maria:

"Just transition also means that the state/estado/gobyerno should answer their share of
the modernization cost. Again, their share.

“Kasi, friends, yung PHP1.5 million—PHP2 million per jeepney unit, pinapasa nilang
lahat sa jeepney drivers.

“Maximum PHP360,000 equity subsidy lang ang ino-offer ng estado sa bawat jeepney
driver.

“Ang panawagan po namin: at least PHP500,000, or better yet, 50 percent of the


acquisition cost.

“Tandaan po natin: this entire modernization, ideya po ito ng gobyerno.”

David:

Ang ibinigay na analogy ni Haya,

Maria:

“Para po silang magkabarkada, tapos nakapag-isip silang mag-ayang kumain sa


mamahaling restaurant, PHP3,000 per head eat-all-you-can / PHP5,000 per head…

“Tapos yung pinakapobre nilang kaibigan yung taya para manlibre—di ba, stressful!”

David:

THIRD REQUEST
Ang huling request na sinabi ni Hya ay para sa “displaced [transport] workers,”
partikular na ang mga may edad nang drivers.

Sabi niya,

Maria:
“Mga, mars, hindi ko alam kung na-notice niyo, ha, pero hindi po Daniel Padilla at
James Reid ang edaran ng ating transport workers.

“Karamihan po sa kanila ay kasing-guwapo ni Edu Manzano, 50-60 years old, or even


older ang age range.

“Siyempre, nag-aalangan na umutang ng PHP1.5 million, PHP2.5 million, PHP2.8


million.

“Ikaw ba naman, magreretiro ka na lang, magkakautang ka pa ng milyun-milyon? It’s


hard for them.”

David:

Katuwiran ni Hya,

Maria:

“Ang panawagan po nila ay social security because they are in informal labor.

“Wala po silang social security benefits, at sila po ay nakaasa sa boundary from their
unit ng pampagamot at pangtustos sa araw-araw, in the event na hindi na po nila
kayang magmaneho.”
After Maria

Marvin:

Bagamat may government agencies na puwedeng makatulong tulad ng TESDA


(Technical Education and Skills Development Authority), “that is effective only to the
Daniel Padillas of the world, because, again, they are young and they are able to
transition.”

Nakakaawa raw sa sitwasyong ito ang drivers na senior citizens na gusto nang
magretiro.

Saad ni Hya,

Stephanie:

“Abolishing their units is basically robbing them of their pension.

"Fix that, provide social security, and you will have least resistance from the program.”

Marvin:

Sabi pa ng Ateneo cum laude,

Stephanie:

Our call is really simple: Gusto po naming sumunod, pero gobyerno po mismo ang
nagpapahirap sa aming sumunod.

“Kaya ang panawagan po namin, hayaan niyo po kami, allow us, ang pinakaapektadong
sector, na mag-codesign ng transition plan with the state.

“Handa po kaming tumulong."

Marvin:

Dito ay binanggit ni Hya ang naiambag ng pamamasada ng kanilang mga ama sa


lipunan.

Stephanie:

“Karamihan po sa mga tatay namin—nakapagpatapos na ng urban planners, ng


transport engineers, ng attorneys, ng policy researchers, at iba pa.

“The priority is to have our jeepney drivers sit in the decision-making table. Pero kung
hindi po hahayaan na sila po ang umupo, at least have us.

“Yung mga anak po nandito po kami para tumulong. Ang komunidad po ng mga tatay
namin at laban po ng mga tatay namin ay laban rin namin."
Marvin:

Pagtatapos ni Hya:

Stephanie:

“No to jeepney phaseout!"

You might also like