You are on page 1of 1

SOSLIT: MODULE 3

MARYVONE G. CARBONILLA
AB BROADCASTING 1B

Jeepney Phaseout

Bilang bahagi ng Public Utility Vehicles (PUV) modernization program, ang mga jeepney
na mas matanda sa sampung taon ay kinakailangan ng alisin sa mga kalsada upang
mabawasan ang mga emisyon ng trapiko at maibsan ang lumalalang pagsisikip ng trapiko sa
kabisera.
Ayon sa Manila Bulletin, nakasaad na ang PUV Modernization Program ay isang
inisyatiba ng gobyerno na idinisenyo upang ayusin ang pampublikong sistema ng
transportasyon sa kalsada ng bansa. Hunyo 2017, ang programa ay naglayong magbigay ng
mas maingat, mahusay at mahigpit na pagkontrol sa transportasyon para sa riding public. Ang
PUVMP ay aktuwal na sumasaklaw sa lahat ng mga mode ng road-going 4 hanggang 6-
wheeled passenger transport. Sa parehong pahayag nakasaad din sa GMA News, Rappler at
Philstar na ang Jeepney Phaseout ay anti-poor at malaki na ang epektong naidudulot sa
kalikasan. Ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas na pilitin ang mga jeepney driver na lumipat
sa mas environment-friendly, modernong jeepney ay humarap sa backlash dahil sa kontra-poor
terms nito dahilan para mawalan ng trabaho ang 140,000 tsuper at 60,000 operator.
Ang mga jeepney operator na hindi naghain ay pagsamahin bago ang Disyembre 31,
2023 ay hindi papayagang mag-organisa o sumali sa mga judicial entity. Sinaad ni LTFRB
Chairman Atty. Teofilo Guadz III ang paglalabas ng bagong memorandum circular na
pagpapalawig sa deadline ng prangkisa para sa mga tradisyunal jeep hanggang December 31,
2023. Layunin ng PUVMP ng gobyerno na gawing moderno ang mga tradisyunal na jeepney sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga operator sa mga kooperatiba o korporasyon, na
naglalayong “irationalize” ang mga ruta at bawasan ang kompetisyon. Pinabulaanan naman ng
DOTr at LTFRB ang pangamba ng ilang grupo na sisipa nang husto ang pamasahe sa jeepney
buhat ng PUV Modernization Program. Ang pagpapatupad ng anumang taas pamasahe ay
gagawing primaryang konsiderasyon ang presyo ng krudo ayon sa DOTr.
Ang PUVMP ay naglalayong magkaroon ng maayos at environment-friendly na pampublikong
sasakyan upang maisaayos ang trapiko at maibsan ang emisyon ng mga sasakyang luma na
dahil sa higit na taong pag oopera nito sa kalsada.

You might also like