You are on page 1of 1

PETSA NG DEADLINE PARA SA PHASEOUT NG MGA LUMANG PAMPUBLIKONG

TRANSPORTASYONG BEHIKULO, INILUNSAD SA DISYEMBRE?!

Upang mapag usapan pa ng malalim ang contingency plan upang gawin umano ang public
utility vehicle modernization program , inurong ang deadline sa Disyembre.

Batay sa isinabi ng LTRB noong isang lingo, hanggang Hunyo lamang ang pagpapa-phaseout,
ngunit ito ay inilipat sa petsang disyembre 31. Ayon kay LTFRB chairman, Attorney Teofilo
Guadiz III, alinsunod raw ito sa utos ng Transportation secretary, Jaime Bautista at pahayag
ni President BongBong Marcos na dapat may baguhin sa implementasyon ng mordernization
program.

Sabi pa nga ni Guadiz, hindi raw naging problema ang presyon sa isang linggong tigil pasada
na ilalaan sa buong bansa dahil mahigit 90 porsiyento ang sumang-ayon sa desisyong
modernization program, Hindi rin daw naging dahilan ang pagbabanta sa tigil pasada ng
mga tagamaneho ng mga jeepney ang paglipat ng umanong Gawain

Kahit na inilunsad sa Disyembre ang phaseout sa mga behikulo, batay sa pulong MANIBELA,
tuloy parin raw ang kanilang pagpoprotesta laban sa tigil pasada. Ayon kay Mar Valbuena,
presidente ng MANIBELA, hindi raw sana palitan ang mga tradisyonal na jeepney hangga’t
gumagana pa ang mga ito, at sa mga nasimulan na ng pagpapa-rehab, ipagpatuloy lang daw
ang pagpaparada.

Hindi pa man maayos ang pagdedesisyon sa programang ito, ayon kay Guadiz, pinag-aaralan
pa raw ito ng mas Mabuti alinsunod sa sinabi ng pangulo, Inaasahan nila na ang lahat ng
nagmamaneho ng mga jeepney at multikab ay sumunod sa programang ipagagawa sa
buwan ng Kristomasa.

You might also like