You are on page 1of 5

Pagsusuri ng Proyektong BUILD BUILD BUILD

ng Administrasyong Duterte

May infrastructure program ang administrasyon ni Presidente


Duterte (tinaguriang “Dutertenomics”) na naglalayong mapalaya ang
Pilipinas sa katawagang “The Sick Man of Asia.” Ito’y ang “Build, Build,
Build Project” kung saan gugugol ang gobyerno ng P9 trilyon ($180
bilyon) para sa 75 flagship projects sa loob ng isang dekada. Kabilang
sa mga proyekto ang anim na airports, siyam na railways, tatlong bus
rapid transits, 32 lansangan at tulay, apat na seaports, apat na energy
facilities, 10 water resource projects at limang flood control facilities.

Ayon sa World Economic Forum’s Competitiveness Report, ang


Pilipinas ay nasa ika-97 ranggo sa buong mundo sa punto ng
infrastructure. Ang kawalan ng maayos na infrastructure ang sinisisi sa
malubhang problema sa trapiko sa Metro Manila, na ayon sa Japan
International Cooperation Agency (JICA) ay mahigit sa P2.4 bilyon ang
halagang nasasayang araw-araw, at tinatayang ito’y matitriple sa
2030, kung hindi masosolusyunan.
(https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/09/01/1847618/build-

build-build#oPZJuPD5HeWUOwii.99)
Ang pangkaraniwang Pilipino ba tulad ng magsasaka,
mangingisda, mga tindero at tindera, mga pangkaraniwang
empleyado at mga estudyante ay may nalalaman ba sa kung
ano ang BUILD BUILD BUILD?
Tulad ng nabanggit sa panimula nitong papel, ito ay
“flagship” or “pet project” ng administrasyong Duterte na
naglalayong magtayo ng mga imprastraktura na magpapaunlad
sa ating ekonomiya.
Ano na nga ba ang estado ng proyektong ito? Ito ba ay
naisagawa na, ginagawa na o isa lamang itong “drawing”, isang
propaganda na ang tanging layunin lamang ay may masabing
“legacy” ang kasalukuyang gobyerno? Isa ba itong panaginip na
naisasakatuparan na o isa lamang ambisyong tulad ng iba’y
nilipad na lamang ng hangin sa kawalan?

Sa ngayon, ayon sa mga mananaliksik at mga


ekonomista, ang BUILD BUILD BUILD Project ay mabilis ng
nagiging suliraning pang ekonomiya sa ngayon imbes na
ito’y maging solusyon.
Sa aming pagsusuri, ito ay isa ng suliraning pang
ekonomiya sa mga sumsusunod na dahilan:
1. Mabagal na pag usad ng mga proyekto
Ayon sa Comprehensive Status Report ng National
Economic and Dev’t Authority (NEDA), 2 proyekto pa
lamang ang nakukumpleto sa BBB project nitong April
2019
2. Mga under the table na mga negosasyon na nagiging
daan ng korupsiyon
Pag-aayos ng mga daang di naman sira na lalo lamang
nagpapabagal sa daloy ng trapiko at nagagamit ang pondo
sa hindi naman dapat paggamitan dahil maayos pa naman
ang mga kalsadang inaayos

3. Nagkakaroon lamang tayo ng malaking utang na pinasyal


at utang na loob sa ating karatig bansa tulad ng Japan at
China
Sa simula ng proyekto sinasabi nilang 15% lamang nito
ang manggagaling sa mga foreign loans at tulong ng ibang
bansa, ngunit nitong mga bagong datos na lumabas, nasa
75% na ng mga proyekto ang inaasa sa mga utang at tulong
ng ibang bansa lalo na sa China kaya malamang kahit
anong gawin sa ating pambabastos ng China at pagkuha ng
ating mga isla ay hindi tayo makapiyok dahil sa ating utang.

4. Kakulangan sa budget at burokrasya


Marami ang nagdududa kung matatapos nga ba ang
proyektong ito ni Pres. Duterte dahil sa kakulangan sa
badyet at patong patong na burukrasya, limitadong
kakayahan ng mga inatasang opisyal at ahensya na
nagsasagawa ng mga proyektong ito

5. Nagagamit na political propaganda at naging daan ng


pagpapatupad ng TRAIN LAW
Dahil sa kakulangan sa badyet ay gumawa ng TRAIN Law
ang mga kinauukulan upang makasingil ng karagdagang
buwis at maipantustos sa BBB project ngunit nagdudulot
lamang ng lubhang pagpapahirap ang Train law hindi
lamang sa mga malalaking kumpanya kundi sa mga
karaniwang manggagawa at maliliit na negosyante din.
6. Mapanlinlang na pagmamalaki
Bago magkaroon ng SONA si Pres. Duterte ay nauna ng
binanggit ni Public Works and Highways Secretary Mark
Villar na: “We are already halfway in revolutionizing our
infrastructure “
Ito ay walang katotohanan dahil karamihan ng mga
proyektong binabanggit ni Mr. Villar ay carryovers mula sa
administrasyong Aquino tulad ng Mactan Cebu
International Airport at ang Paranaque Integrated Terminal
Exchange na kombenyenteng isinama sa BBB project.

Sa aming pagsusuri, ngayon pa lang ay masasabi ng hindi


tagumpay ang proyektong ito at bagkus ay nagdulot pa ng mga
karagdagang problema hindi lamang pang ekonomiya kundi
pangsosyedad at pangkasiguruhang pambansa. Na ito ay isa
lamang pipe dream o pagpapantasya.

Sa aming opinion batay sa mga datos na nakalap, ito ay


hindi solusyon sa ating mga problema. Dahil sa tayo’y isang
bansang nagpupunyagi sa pag-unlad at mapabilang sa
malalaking bansa sa mundo, ang dapat na ating inuuna ay ang
pagpapaunland ng ating Agricultural Sector. Ito ay isang susi
sa pagkakaroon ng pagbabagong pang ekonomiya at food
security.
Aanhin naman natin ang mga imprastraktura kung bawat
pagkain na ating ihahain ay kailangan pang angkatin sa ibang
bansa?
Para sa amin bilang mga estudyante, unahin muna ang
Agrikultura bago ang imprastraktura. Kung puro na tayo mga
imprastraktura at nagagamit na natin ang mga lupain sa
pagtatayo ng mga gusali, daan, subdibisyon at mga malls, saan
na tayo magtatanim? Kung wala na tayong pagtataniman, saan
tayo kukuha ng pagkain tulad ng bigas, gulay at asukal?
Aaangkatin natin ito sa ibang bansa sa mataas na halaga na
magdudulot na naman ng ibayong pagpapahirap sa mga
Pilipino.
Dapat nating pinag uukulan ng panahon ang kung anong
meron tayong resources na pwedeng magamit ng hindi tayo
nababaon sa utang sa ibang bansa na kalauna’y magiging daan
na ng pananakop sa atin.
Mayaman tayo sa mga likas na yaman. Ito ang dapat nating
denedevelop at hindi ang mga imprastrakturang nagdudulot
lamang ng mga polusyon, trapiko at korupsiyon.

You might also like