You are on page 1of 1

“Build, Build, Build program: Tagumpay o Kapahamakan”

Ang Pilipinas ay ang isa sa may pinakamababang ekonomiya sa buong mundo.


Bago paman nagsimula ang Build Build Build program ay malaking hamon talaga
ang kahirapan para sa mga Pilipino. Taong 2020 nang dumating ang pandemya,
nasubok talaga ang katatagan ng bawat mamamayan. Maraming trahedya ang
naganap, trabaho o hanap buhay na nawala, at iba pang mga balitang labis na
ikinalungkot ng marami. Gayunpaman, hindi sila nawalan ng pag-asa dahil alam
nilang isang pagsubok lamang ang mga iyan na tiyak malalampasan din. Hanggang
sa dumating ang administrasyong Duterte na isa sa nagbigay sa kanilang ng
pag-asa. Sapagkat ang administrasyong Duterte ay may hatid na programa na tiyak
makakatulong sa mga mahihirap at makakatulong para palaguin ang ekonomiya.Ito
ang programang Build, Build, Build! na naglalaayong palaguin ang ekonomiya ng
bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura. Ang Build Build Build
ay isang programa ng pangunahing inisyatiba ng administrasyong Duterte na
naglalayong mapabuti ang imprastraktura sa buong bansa. Ito ay lilikha ng
maraming trabaho at makakatulong sa pagsisimula ng ekonomiya, na isang bagay
na ikinatutuwa ng maraming tao. Magbibigay daan din ang programang ito upang
mabansagang “Golden Age of Infrastructure” ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa
Duterte.

Taong 2016, nang maupo bilang pangulo si Duterte ay inilaan ang pinakamataas na
pondo para sa proyektong pang imprastraktura. Kabilang na rito ang ang mga
pagsasaayos ng mga kalsada, daungan, pa­liparan, terminals, evacuation centers,
ospital, paaralan, at iba pang government facilities. Ang mga ito ay higit na
nakakatulong upang palakasin at palaguin ang ekonomiya ng bansa. Base sa
survey na ginawa para sa mga 2022 presidential candidates, Halos lahat ay
sumangayon na Matagumpay ang ginawang Build Build Build program ng
administrasyong Duterte dahil unti-unting lumalakas ang ekonomiya ng bansa at
ngayong administrasyong Marcos na ay tinitiyak parin ni Pangulong Bongbong
Marcos na ipagpatuloy niya parin ang nasimulan ng administrasyong Duterte na
Build Build Build program dahil naniniwala si Pangulong Marcos na mas
mapapasigla pa ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng programa na iyan.

Sa pangkalahatan ang Build, Build, Build program ay lubhang nakakatulong sa


ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng programa na ito ay magkakaroon ng
maraming trabaho ang mga Pilipino at mapapalakas na ang ekonomiya ng bansa.
Kawalan ng trabaho, Taggutom, at kahirapan ay unti-unting masosolusyanan.
Malaking tulong o bagay ito para sa mga Pilipinong nawalan ng pag-asa dahil sa
kahirapan. Hindi hadlang ang kahirapan para hindi magpatuloy sa buhay. Maraming
mga programa ang nakalaan para sa mga mahihirap na sanay hindi ipagkait sa mga
corrupt na lider. Katulad ng programa na ito na magsisilbing liwanag sa
pangaraw-araw nilang buhay. Build, Build, Build program ang susi para sa mas
matatag na ekonomiya.

You might also like