You are on page 1of 4

/Headlines/

Gusto ko may pa epek na bagong pilipinas,TAs sabay sabay!! Bet ko


may oagaka cinematic kineme

*Hanap ka Ng Vid ni BBM na ni announce Yung candidacy nya for


Pres. Yung

* Tapos Wala akong alam sa editing Ikaw na bahala mag add Ng kung
anong kineme sa unahang para medg Humaba.

Plataporma niya noong kandidato palang siya

Main Reporter: Sa nalalapit na halalan ay kontrobersyal pa rin kung mayroon ba talagang plano ang
tumatakbong pangulo na si Marcos Jr, anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos. Marami ang umiikot na
plataporma umano ni dating senador Marcos Jr. pero ilan dito ay hindi raw makatotohanan. Ano nga ba ang
opisyal na plataporma niya, ibalita mo, Marylluck Marcelo.

Marylluck Marcelo: Makailang ulit na inihayag ni dating senador Marcos Jr. ang salitang ‘Unity’ sa tuwing
siya ay nagsasagawa ng rally sa iba’t ibang lugar. Ngunit, kulang man sa matinong pagpapahayag ay mayroon
talagang nakalatag na plataporma si dating senador Marcos Jr. at iniupload niya ito sa kaniyang Youtube
Channel at ang iba naman ay sa kaniyang mga social media accounts.

Dito Ma e start Yung Vid ni PBBM Nung campaign nya Yung parang rally this dinidiscuss
nya Yung platform nya e paplay Yung vid pero Walang sound balita lang ni Mary Yung
maririnig

● Plano ni dating senador Marcos Jr. na pababain ang presyo ng pagkain at pataasin naman ang kita ng
mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng KADIWA kung saan magbibigay ang gobyerno
ng mga makina o kagamitan na kanilang gagamitin sa paghahanapbuhay.
● Isa pa sa mga plano ni dating senador Marcos Jr. para sa Pilipinas ay ang paunlarin ang healthcare sa
Pilipinas upang maging abot kaya ito para sa mga mahihirap. Ani pa niya ay padadagdagan daw niya
ang mga rural health units sa mga lublob na lugar at pararamihin ang mga specialty hospitals sa mga
probinsiya gaya na lamang ng mga heart centers.
● Malaki rin ang plano ni dating senador Marcos Jr. para sa turismo ng ating bansa. Aniya ay maglalaan
ang gobyerno ng malaking pondo para sa turismo. Magtatayo ng mga panibagong tourist spots,
seaports, airports, at mga daan upang lumabong lalo ang turismo ng Pilipinas.
● May malaking plano rin ang dating senador Marcos Jr. para sa edukasyon ng Pilipinas. Ito ay ang
paglunsad ng National Education Portal na siyang magiging daan sa mas madali, at epektibong e-
learning. Ang portal ay gagawin sa pagtutulongan sa pagitan ng mahalagang ahensiya ng gobyerno at
mga magagaling na I.T sa pribadong sector.
● Pagdating sa agriculture sector ay may nakalaang plano rin si dating senador Marcos Jr. at ito ay ang
pagpapatupad ng karagdagang research upang makahanap ng mga climate resilent crop varieties
upang masigurado ang food security lalo na tuwing panahon ng bagyo.

*Tapos sa part Dito aalisin na Yung boses ni Mary Yung vid Naman ni PBBM Yung may
sound, Yung nilalakad nya Yung plataporma nya siguro mga 15 seconds lang ganun
Basta Nakita Yung Ilan sa plataporma nya.

*Tas babalik sa Vid Ni Mary

Ilan lamang ito sa mga plano o di kaya’y mga pangako ni dating senador Marcos Jr. na gagawin niya kung siya
ay mananalo sa pagka pangulo ng Pilipinas. Nagbabalita, Marylluck Marcelo.

Administrasyong Duterte na ipinag patuloy ni PBBM

Main Reporter: Sa nalalapit na pagtatapos ng administrasyong Duterte, ay mas dumarami ang katanungan
kung ano sa mga proyekto ng kasalukyang administrasyon ang ipagpapatuloy ni President-Elect Marcos Jr.
Ibabalita ito sa atin ni Kaizelyn Mercado.

Catherine De Leon: Matapos ipahayag ni Pangulong Duterte ang kahilingan na ipagpatuloy ang proyektong
Build Build Build ay opisyal na inanunsyo mismo ni President-Elect Marcos Jr. ang pagpapatuloy nito.

*If may Video or picture ni PBBM na about sa signing contract sa build build build or
inannounce nya na itutuloy Yung buildbuildbuild, ilagay mo Dito TAs e p-play habang
boses ng news ni Cathaerin BG sound. Pero pag Wala vid nalang ni Catherine Kasi may
pa effect na nilagay si Cia sa baba.😎🤌

Ayon kay President-Elect marcos Jr., ang mga proyektong nasimulan na ay dadagdagan niya pa at kabilang na
rito ang mga Digital Infrastructures na magiging daan sa kaniyang plano na pagkalooban ang mga Pilipino ng
mabilis, malakas, malawak, at abot kayang wifi connection.

Catherine De Leon: Ayon pa kay President-Elect Marcos Jr. ay 5 percent ng GDP o Gross Domestic Product
ang gagastusin para sa infrastucture development. (zoom in dito sa article ulit
https://newsinfo.inquirer.net/1634242/marcos-to-continue-dutertes-infra-program )

Catherine De Leon: May kabuuang 88 na proyekto ang maipapasa sa susunod na administrasyon at 60 rito ay
nasa “advance stage” tulad ng mga Paliparan, tulay, daan, dams, railways, at iba pa. Ilan din sa mga
proyektong ito ay mga ipinagpatuloy pa mula sa administrasyong Aquino tulad na lamang ng LRT-1 Cavite
extension. 35 sa 88 mga proyekto ay nakatakdang matapos sa taong 2023. Nagbabalita, Catherine De Leon.

(zoom in dito sa article example will be shown underneath


https://www.philstar.com/headlines/2022/06/30/2192053/marcos-vows-comprehensive-infrastructure-plan-
continuation-dutertes-build-build-build)

Ano anong mga naipatatag na niya

(https://www.manilatimes.net/2022/08/13/news/national/bbm-doing-very-well-in-first-100-days/1854378)

Main Reporter: Mahusay o maayos na pamumuno, iyan ang komento ng Malacañg sa unang 100 araw ni
Pangulong Marcos Jr. Ayon naman kay Pangulong Marcos Jr. ay nakapagbuo siya ng “functional” na
gobyerno sa loob ng 100 araw. Ibabalita sa atin ni Kaizelyn Mercado. Dito Pala dapat Catherine to if di
nabago ni Lenin pa Cut nalang hihe

Kaizelyn Mercado; (About editing, play muna tong youtube vid 0:04-0:08
https://youtu.be/V5pJrKY3cmE) functional na gobyerno, Ayon kay Pangulong Marcos Jr., iyang ang
nagawa niya sa unang 100 araw sa gobyerno. Ngunit, marami ang nagsasabi na wala siyang detalyadong
accomplishments kung ikukumpara sa mga naunang administrasyon ngunit sinalo naman siya ng Malacañang
at sinabing maayos o mahusay na nagagawa ni Pangulong Marcos Jr. ang kaniyang trabaho.

Ayon kay Press Secretary Rose Beatrix (zoom in sa article regarding this
https://www.manilatimes.net/2022/08/13/news/national/bbm-doing-very-well-in-first-100-days/1854378) hindi
raw napapansin ng mga tao ngunit ang pangulo ay may naiibang “style” pagdating sa pamumuno at ito raw ay
deliberative, science based, at propesyonal.

Hindi rin daw naka focus ang pangulo sa pagmamalaki ng mga nagawa sa unang 100 araw dahil mas
pinagtutuunan daw ng pangulo ang paggawa ng solusyon sa mga long term, medium term, at short term
problems ng ating bansa.

If possible Yung mga react Nung mga netizen sa fb Yung mga comment something about
Walang nagawa TAs pa blurr Ng mga pangalan pero if Wala Ng time TAs di ka
makahanal, K.
Dagdag pa ni beatrix na madalas, patungkol sa institution ang inaasikaso ng pangulo dahil gusto umano nito na
maging institutional ang responses. Ayon pa kay Beatrix ay gusto ng pangulo na nakaplano ang lahat ng bagay.
Well planned organization, at well planned na mga aktibidad.

Ang mga naunang administrasyon simula kay Former President Corazon Aquino at Benigno Simeon Aquino
3rd ay inanunsyo ang mga accomplishment upang markahan ang kanilang unang 100 araw ng pagiging
pangulo habang si dating oangulong Duterte naman ang bumuwag ng tradisyon na ito ng maglabas na ng
accomplishment ni Duterte ang Malacanang sa unang 50 araw pa lamang ni dating pangulong Duterte.
Nagbabalita, Kaizelyn Mercado.

The End

You might also like