You are on page 1of 2

Paggawa ng Posisyong Papel:

Isang daang Patungo Saan?

Isandaang araw. “I think we have managed to do in the first 100 days, is put together
government which is functional and which has a very very good idea of what we are targeting in
terms of strict economic target” ang nakaraang isandaang araw mula nang ang pangulo’y umupo
sa opisina ay itinuturing niyang produktibo. Ang iba’y kumukontra, lahat ay nanindigan sa
kanilang mga pinaniniwalaan.

Nakasanayan nang maglabas ng ulat para sa mga naisakatuparan ng bagong upong


pangulo sa loob ng unang 100 araw bilang pagbibigay obserbasyon sa progreso ng bayan. Ngunit
ang Opisina ng Pangulo ay handang hindi sumunod sa naging tradisyon na ito sa politika ng
Pilipinas. “Marcos Jr. breaks tradition, will not release First 100 Days Accomplishment Report”
ang ulat na ito ni Exec. Sec. Lucas Bersamin ay nagpaingay sa madla. Maraming hindi
makapaniwala at hindi natuwa.

Sa ulat ng Philippine Information Agency na may temang pagkakaISANDAAN: the first


100 days of Unity, maraming naisakatuparan ang kasalukuyang administrasyon sa loob ng nitong
isandaang araw. Sa sector ng Kalusugan, higit 73 milyon ang kompleto nang nabakunahan at
Naipatupad ang Executive Order No. 3 o boluntaryong pagsusuot ng face mask. Sa kabila nito ay
hindi pa rin maitatago ang pagkukulang sa kawalan pa rin ng Kalihim sa Kagawaran ng
Kalusugan (DOH). Ito ay kasalukuyang pinamamahalaan ni Usec Maria Rosario Vergeire na
nagsisilbing OIC o Officer-In-Charge ng ahensya. Ang kawalan ng mamamahala ay dinagdagan
pa ng problema sa mga healthcare professionals kung saan nagkakaroon na tayo ng kakulangan
sa mga nurse dahil mas marami na ang pinipiling mangibang bansa sang-ayon na rin sa tinuran ni
USEC na kulang tayo ng 106,000 na nurses, dahil na rin sa baba ng sahod dito sa Pilipinas. Nasa
tatlong bahagi ng kabuuavg bilang ng mga registered nurses ang mas piniling mangibang bansa.

Sa sektor ng Kabuhayan, sinasabing higit 100,000 na trabaho ang maaaring malikha mula
sa USD 18.9 bilyong investment deals galling sa Indonesia, Singapore at Estados Unidos. “The
engagement that we have had with ASEAN countries such as Indonesia and Singapore and then
our contracts that we renewed, it was very very important to find our place in the world” dito
binigyang punto ng pangulo ang kahalagahan ng mga naging pagbisita niya sa ibang bansa sa
panahong hnahanap siya ng mga mamamayang nasalanta ng bagyong Karding. Sa mga pagbisita
niyang ito ay nagawa niya ring isingit ang panonood ng konsyerto ni Eric Clapton at Formula 1
grand prix kung kailan kailangan ang kaniyang presensiya sa bansa. Lumubo rin ang
unemployment rate sa 5.8% na katumbas ng 2.68M na Pilipino, malayong-malayo sa maaring
magbukas na trabaho. Umbot na rin sa 6.9% ang inflation rate at nasa 59 piso ang palitan ng
dolyar, tanda ng humihinang ekonomiya at mas humihirap na buhay ng mga Pilipino.

Sa sektor ng kapayapaan, iniulat ang pagkakaroon ng balanseng representasyon ang


MILF, MNLF at iba pang sektor ng Bangsamoro Transition Authority. Ngunit sa unang isandaan
ay may 13 nang reported cases of violence laban sa malayang mamamahayag. Dalawang
mamamahayag na ang naiulat na ipinapatay, kasama na ang pagkamatay ni Percy Lapid
kumakailan lamang. Dalawa rin ang nabiktima ng red-tagging at iba pang mga pag-abuso sa
malayang pamamahayag. Nandiyan din ang pagkakabiktima ng hostaging kay dating senadora
Leila de Lima at kabi-kabila pa ring patayan sa buong bansa.

Malaki rin ang hamon sa Agrikultura kung saan importasyon ang palaging nakikitang
solusyon sa problema sa suplay ng pagkain na nagbubunga rin ng pagtaas pang lalo sa presyo ng
mga bilihin na tila hindi magawang matugunan ng kaukulang ahensya sa kawalan na rin ng
kalihim nito. Ang krisis sa pagsasaka ay hindi nasosolusyunan ng pagbibigay diskwento sa
abono o pataba at pagpapaayuda sa mga magsasaka na siyang iniuulat na nagawa ng
administrasyon.

“I said, ‘Well in the first 100 days will be finding the best and brightest to help and serve
the government’ and I think we have managed to do that.” Nasaan na nga ba ang mga tong ito na
tinutukoy ng pangulo kung ngayo’y hindi pa rin nabubuo ang gabinete. Bukod sa mga bakanteng
upuan sa gabinete ay may mga posisyon din sa executive directory ang binitawan nina Vic
Rodriguez (Executive Secretary) at Trixie Cruz-Angeles (Press Secretary). Malaking problema
rin ang panukalang confidential fund para sa OVP na aabot sa 9.2B kasama ang para sa office of
the president na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilinawan kung para saan. Ito ay sa kabila ng
matinding pangangailan ng bayan sa limitadong pera na mayroon ang kaban ng bayan.

Maraming na pagsasakatuparan daw ng mga pangako ang naiulat. Marami ring


pagsasawalang-kibo ang napansin. Sa loob ng unang 100 na araw ay maraming naganap at
marami ring nadagadag na pahirap sa mga mamamayan. Hindi madaling sumang-ayon sa ideya
ng “functional” na gobyernong umusbong daw sa panahong ito. Ang pangakong pagkakaisa ba
ay sumapat para lahat ng problemang minana pa sa nagdaang mga administrasyon ay
matugunan? Itong isang daan, san nga ba ang patutunguhan?

You might also like