You are on page 1of 15

Marcos pinatitigil nagsusulong na ihiwalay

Mindanao

MANILA, Philippines — Pinatitigil na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga


nagsusulong na ihiwalay ang Mindanao.

Sinabi ng Presidente na malinaw na paglabag ito sa konstitusyon at hindi ito ang Bagong
Pilipinas na ating hinuhubog kundi ito ay magdudulot ng pagkakawatak-watak ng bansa.

“I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao. It is a grave
violation of our Constitution. Hindi ito ang Bagong Pilipinas na ating hinuhubog, bagkus ito
ay pagwasak sa ating bansang Pilipinas,” panawagan ng Pangulo sa pagpupulong ng
Philippine Association and the Manila Overseas Press Club “Constitution Day” sa Shangri-
La, Makati.

Ang panawagan din umano na paghihiwalay ng Mindanao ay tiyak na mabibigo dahil


nakaangkla ito sa mga pangakong walang katiyakan dahil mismong ang liderato ng
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay tinanggihan na ang
nasabing panukala.

‘I’’ve said it before and I’ll say it again. Our national territory will not be diminished, even
by one square inch. We will continue to defend from any threats, external and internal. We
will not allow even an iota of suggestion of its breaking apart.” ayon pa kay Marcos.
Voter’s ID, planong ibalik ng Comelec
MANILA, Philippines — Target ng Commission on Elections (Comelec) na maibalik ang
voter’s identification (ID) cards bago matapos ang taon.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, sinimulan na nilang talakayin ang
naturang posibilidad bunsod na rin aniya nang mabagal na distribusyon ng national IDs.

Sa ngayon aniya ay pinag-uusapan na nila ang mga detalye, gayundin ang


kinakailangang pondo para dito.

Umaasa naman si Garcia na bago matapos ang taon ay maibalik na nila ang voter’s ID at
target umano nilang unang mabigyan nito ang mga overseas Filipinos.

Matatandaang Disyembre 2017 nang suspindihin ng poll body ang pag-iisyu ng voter’s ID
bunsod na rin ng pagsisimula ng rollout ng national ID.

Paglilinaw naman ni Garcia, ang mga rehistradong botante ay maaaring bumoto kahit
wala silang voter’s IDs.

‘Bagong Pilipinas’ maglalapit sa pribadong


sektor sa gobyerno - FL Liza

MANILA, Philippines — Layon ng “Bagong Pilipinas” campaign na ilapit ang pribadong


sektor sa pamahalaan bilang bahagi ng isang “master plan for genuine development” para
sa lahat ng Pilipino, ayon kay First Lady Liza Araneta Marcos.

Sa kanyang sariling pagsisikap, sinabi ng First Lady na, “I will try to follow my husband’s
vision of bringing the private sector closer to government, so we can all work together for
our Bagong Pilipinas.”

Sa “LAB For All” program o “Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat” sa San
Fernando City, La Union noong Lunes, binigyang-diin ng First Lady ang kahalagahan ng
pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang makamit ang agenda ng “Bagong Pilipinas.”

“Sa dami-dami po nating problema, we should realize that government can’t do it alone. It
has to work hand in hand with the private sector,” sabi ng First Lady, at binigyang-diin na
ang “Bagong Pilipinas ay hindi isang political game plan para sa kakaunting may
pribilehiyo.”
“When you hear the words ‘Bagong Pilipinas’, what this really means is that both the
public and the private sector will be joining forces to help our countrymen. Hindi na po uso
ang paninira, hindi na po uso ang pagbabatikos at mga salitang napakasakit. Hindi
ganoon ang Pilipino. Rich or poor, may class naman tayo nang kaunti,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ito ng First Lady, kasabay ng pagkilala sa tagumpay ng “LAB For All”
program na resulta ng pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

3-anyos nahukay nang buhay sa Davao landslide

MANILA, Philippines — Matapos ang halos tatlong araw, buhay na nahukay ang isang 3-
taong gulang na batang babae sa patuloy na retrieval operation kung saan 11 na ang
iniulat na namatay sa gumuhong lupa sa Maco, Davao de Oro.

Gamit ang mga kamay, patuloy ang paghukay sa mga lupa upang makuha ang nasa 100
katao pa na pinaniniwalaang nawawala matapos na matabunan ang dalawang bus at
ilang kabahayan sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.

Noong Huwebes ng gabi, ang bilang ng mga nawawalang tao mula sa landslide ay nasa
110 na, may 11 bangkay na narekober at 31 na nasugatan ang nailigtas.

Ayon kay Davao de Oro Provincial Disaster Official Edward Macapili, umaasa sila na
marami pa ang makukuhang buhay sa lugar kaya nagtitiyaga ang mga rescuers.

“So there’s a chance,” ani Macapili.

Nauna nang sinabi ni Colonel Rosa Ma Cristina Rosete-Manuel, tagapagsalita ng Eastern


Mindanao Command (EastMinCom) ng militar na tumulong sa pamumuno sa rescue
operations, na umaasa ang mga rescuer na makahanap pa ng mga nakaligtas.

Ayon naman kay Maco Mayor Arthur Carlos Rimando ang landslide ay apat na kilometro
mula sa gold mine areas na inooperate ng Apex Mining. Idineklara rin itong “no habitation”
zone.

Taong 2007 pa nang maging prone sa landslides ang lugar subalit hindi mapaalis ang
mga naninirahan dahil nandito ang kanilang kabuhayan.

Samantala, bukod sa mga relief goods at tubig, nagpadala na rin ang PRC ng 20 bags ng
dugo sa Davao de Oro para sa pagpapagamot sa mga biktima ng landslides at flashfloods
sa lalawigan.

“If you need blood, just call 143 and we will deliver blood to hospitals. We have the Blood
Samaritan Program for those who cannot afford blood processing fees,” ayon pa kay PRC
Chairman Dick Gordon.
Pangulong Marcos: Cha-cha hanggang economic
provisions lang
MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok lang sa
economic provisions ang isinusulong na pag amyenda sa Saligang batas o Charter
Change (Cha-cha).

Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Constitution Day sa Shangri-La,


Makati, na layon lang ng Cha-cha ay mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

“I want to make it clear: This Administration’s position in introducing reforms to our


Constitution extends to economic matters alone, or those strategically aimed at boosting
our country’s economy. Nothing more,” pahayag ng Pangulo.

Paglilinaw niya, ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy na magsusulong para


makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para makatulong na makamit ang
ambisyon na maitaas sa middle-class income status sa darating na 2025 ang Pilipinas.

Bagama’t 16 porsiyento lang ang ibinaba ng halaga ng net foreign direct investment (FDI)
inflows, patuloy anya na lumago ang ekonomiya ng bansa at inaasahang lalago pa ng 6
hanggang 7.5 percent sa kalagitnaan ng taon.

Kasabay nito, nanawagan din si Pangulong Marcos sa publiko na suportahan ang


pamahalaan sa pagprotekta sa Konstitusyon pati na ang territorial integrity at people’s
sovereign will kasabay ng pangako na maging “Great Protector of the Constitution.”

Pag-apruba sa medical marijuana bill


ikinabahala
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si internal medicine expert Dr. Tony
Leachon sa posibleng panganib na kaakibat ng pag-apruba sa medical marijuana bill,
partikular na sa gitna ng pagtaas sa kaso ng paggamit ng vape lalo na sa mga kabataan.

Ang panukalang medical marijuana o medical cannabis ay tumutukoy sa cannabidol o


CBD, isang non-addictive, non-intoxicating strain ng cannabis o marijuana plant na iba
mula sa tetrahydocannabinol na klasipikado ng Pilipinas bilang ilegal dahil nagdudulot ito
ng addiction.

Inaprubahan ito ng House Committees on Dangerous Drugs at Health noong Miyerkules.


Paliwanag ni Dr. Leachon, ang mga potensyal na panganib nito ay addiction exposure sa
mga bata at sa general population, gayundin ang posibleng hamon sa healthcare system
lalo pa ang pagdating sa kahinaan sa regulasyon at sa mga ahensiyang magpapatupad
nito.

“If cannabis is legal, does that send kids the message that it’s safe to use? If some people
use it to try to relieve pain, sleep better, or cope with the symptoms of a serious illness,
will young people assume it’s just another kind of medicine?” tanong pa ni Leachon.

Balido umano ang tanong ng doktor lalo ngayong ang panahon ay laganap ang
misinformation, disinformation, fake ads, at ang pinakamahalaga ay online selling.

Kaya mungkahi ni Leachon na maging maingat sa diskarte at iginiit na dapat ang


cannabis ay manatiling mahigpit ang pagkontrol bilang mga gamot.

Pasaporte ni Teves pinakakansela ng korte


MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng korte sa Maynila ang agarang pagkansela ng
pasaporte ng napatalsik na kongresista na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr.,

Kinumpirma ng Department of Justice (DaOJ) na nakatanggap sila ng utos mula sa


Manila Regional Trial Court Branch 51, na inilabas noong Huwebes, Pebrero 8, na
nagkansela ng pasaporte ni Teves.

Si Teves, na kinatawan ng 3rd District ng Negros Oriental, ang itinuturong utak sa


pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023.

Itinuturing na siyang isang pugante at pinaniniwalaang nasa labas ng bansa.

Mayroong dalawang standing warrant laban kay Teves: isa para sa murder, frustrated
murder, at attempted murder na mga kaso kaugnay ng pagkamatay ni Degamo at iba pa
na napatay sa pag-atake sa gobernador, at isa pa dahil sa kanyang diumano’y
pagkakasangkot sa mga pagpatay na nangyari sa kanyang sariling lalawigan noong
2019.

Bukod sa pagkansela ng pasaporte, inutusan din ng Manila court ang Department of


Foreign Affairs at National Bureau of Investigation na “gumawa ng tamang hakbang” para
mapadali ang pagbabalik ni Teves sa bansa.

DOLE tutulong sa Senado sa P100-wage increase


bill
MANILA, Philippines — Handang makipagtulungan ang Department of Labor and
Employment (DOLE) sa Senado upang maisulong ang Senate Bill No. 2534 na
nagsasaad ng P100-wage increase sa mgAa manggagawa sa pribadong sektor.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma kahapon na may papel ang kanilang
kagawaran na magpatupad at gamitin ang mga umiiral na batas at mga mekanismo para
tumugon sa mga panawagan sa pagtataas sa sahod.

Nirerespeto umano ng DOLE ang kapangyarihan ng Kongreso para magpasa ng batas, at


laging handa na mabigay ng “technical inputs” ukol sa kanilang karanasan sa sahod.

Dapat rin umanong ikonsidera ang kanilang karanasan sa pagpapatupad nila ng Republic
Act 6727 na nagtatatag sa mga Regional Tripartite Wage and Productivity Boards
(RTWPBs) na siyang nagtatakda ng mga “minimum wage increases” sa mga rehiyon.

Sa kasalukuyan, 15 sa 16 RTWPBs ang nakapagpalabas na ng wage orders sa pagtaas


sa minimum wages mula noong Hulyo 2023. Tanging ang Davao region na lamang ang
hindi nakakapagpalabas nito, ngunit nagsasagawa na umano ng public consultations.

Nasa 4.1 milyong minimum wage earners sa pribadong sektor na ang direktang
nagbenepisyo sa mga taas-sahod sa 15 rehiyon, habang nasa 8.1 milyon pang regular na
manggagawa ang inaasahan na matataasan rin ng suweldo dahil sa pagtatama sa “wage
distortions”.

Batang kumasa sa 0.5 challenge, nagsermon nang makita ang kalat


sa kanilang bahay
Kinagigiliwan ang isang batang babae nang mauwi sa panenermon ang kaniyang pagkasa sa 0.5 challenge
matapos niyang makita ang kalat sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, mapapanood ang video ng Slampack TV tampok ang batang si
Stephanie Origenes.

"Ang daming kalat sa bahay katulad nitong mga tiklupin!" sigaw ni Stephanie.

"Tapos dito pa sa lababo hindi pa matakluban 'yung pagkain," patuloy niya.

Sa video, mapapansing tila "0.5" na lang din ang natitirang pasensya ng walong taong gulang na bata.

Sa halip kasi na OOTD ang ibida ni Stephanie, mga tiklupin at kalat sa bahay ang naging sentro ng kaniyang
entry.
Ayon naman sa mga magulang niyang sina Marvin at Joy, nagkaroon ng kasiyahan sa kanila kaya nagkaroon ng
maraming kalat.

Matapos mag-request si Stephanie na gawin ang 0.5 challenge, naisipan nilang pamilya na lagyan ito ng twist.

Tumutulong sa mga gawaing bahay si Stephanie kaya lang may kasama siyang talak. —Jamil Santos/VBL,
GMA Integrated News

Binatilyo sa Tondo, patay matapos mabaril ng pinsan habang


naglalaro umano ng 'Russian Roulette'
Patay sa tama ng bala ang isang binatilyo sa Tondo, Maynila matapos umanong maglaro ng "Russian Roulette"
kasama ang kaniyang pinsan, ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Biyernes.

Nabaril ang 14-anyos na biktima ng kaniyang 22-anyos na pinsan habang naglalaro umano ng "Russian
Roulette" sa kuwarto ng suspek nitong Huwebes.

"Nung una hindi raw ito (baril) pumuputok, pangatlo, pang-apat tsaka ito pumutok at tinamaan na nga 'yung
bata sa ulo," ani Police Captain Dennis Turla, homicide section chief ng Manila Police District.

Naisugod pa raw sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay kalaunan.

Agad namang naaresto ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag. Inaalam pa ng otoridad kung saan
niya nabili ang baril.

"Inaalam namin ngayon kung may nagawa ba siyang dating mga krimen," ani Turla.

Mahaharap ang suspek sa reklamong homicide. —KBK, GMA Integrated News

Lalaki na umanoý nag-amok, patay matapos barilin ng gwardiya sa Maynila


Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin ng isang gwardya sa bahagi ng Mabini kanto ng Pedro Gil sa
Ermita, Maynila.

Ayon kay Felix Laurio, nakakita sa insidente, na bago ang pamamaril, isang alyas Bogart ang nakaaway ng
lalaki.
Sa hindi malamang dahilan ay ilang ulit niya itong hinataw ng itak.

Nakatakbo pa palayo si Bogart pero tumumba rin di kalaunan.

“Hinabol ng matanda, eh 'di na siguro kaya ng biktima dahil malaking mama din sya, tumawid pa siya at
umupo doon, pinuntahan din siya, hinabol, tinaga tsaka sinaksak," kwento ng saksi.

Agad naman lumapit ang gwardya ng kalapit na hotel at sinubukang awatin ang suspek.

Pero dahil sa hindi humihinto ang lalaki ay dito na nagdesisyon ang gwardya na gamitin ang kaniyang service
firearm at mag warning shot.

Maya maya ay humarap umano sa kaniya ang suspek at sa pangamba na hatawin din siya ng itak, muli niya
itong binaril sa ilalim ng dibdib na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Ayon naman kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD),
binigyan pa ng paunang lunas ng gwardya si Bogart bago isinugod sa ospital.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang biktima ng pananaga.

“Masasabi natin na sobra yung galit niya sa sobrang dami nung taga na inabot niya,” ayon sa pulisya.

Dalawang basyo ng bala ang narekober sa crime scene.

Hawak na ng MPD-Homicide ang gwardya na sumasailalim sa imbestigasyon. Tumanggi siyang magbigay ng


pahayag. — BAP, GMA Integrated News

You might also like