You are on page 1of 16

Bakuna vs polio sisimulan sa Okt.

14
MANILA, Philippines — Bilang tugon sa pagbabalik ng polio sa bansa makalipas ang halos 2 dekada,
mamamahagi ang gobyerno ng libreng bakuna laban sa naturang sakit para sa mga batang may edad 5
pababa.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na magkakasa ang gobyerno ng polio outbreak response sa
Metro Manila, Laguna at Mindanao simula Oktubre 14.

“Lahat ng bata na 5 years and below, starting October 14, magbabakuna tayo. Patak lamang ito, walang
injection, libre,” ani Domingo.

Sa mga barangay health center maaaring magpabakuna ang mga bata pero magkakaroon din ng pagbabahay-
bahay, ayon kay Domingo.

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na ang ilan sa mga sintomas ay lagnat, panghihina ng katawan,
pagsusuka, paninigas ng leeg, pangangalay ng mga kamay at paa. Maaaring mauwi ito sa pagkaparalisa o
pagkamatay ng pasyente.

Mas mataas ang tsansa ng mga bata na magkaroon ng polio kumpara sa mga matatanda, ani Domingo.

Nauna nang ibinunyag ng Department of Health na may mga kumpirmadong kaso ng polio sa Lanao del Sur at
Laguna matapos ang 19 taong pagiging polio-free ng Pilipinas.

Nakitaan din ng polio virus ang ilang water sewage samples sa Maynila at Davao.

3 suspek sa pagkamatay ng PMA cadet dahil sa hazing tinukoy ng pulisya


BAGUIO CITY — Itinuturing na ngayong mga suspek sa pagkamatay ng Philippine Military Academy (PMA)
cadet ang 3 taong nauna nang tinukoy na persons of interest sa kaso.

Maaalalang Miyerkoles nang pumanaw ang 20 anyos na si 4th class cadet Darwin Dormitorio dahil sa blunt
force trauma na tinamo umano niya dahil sa hazing.

Ayon sa pulisya, bukod sa 3 suspek na hindi pa pinangalanan ay nadagdag ang 2 kapwa kadete ni Dormitorio sa
mga itinuturing na persons of interest.

"Iyung 2 persons of interest ngayon we officially classify them as suspects and we might add some more
cadets depende sa lalabas sa investigation natin if they are involved directly or indirectly," ani Police Col. Allen
Rae Co, acting director ng Baguio City police.

"Meron pa tayong 2 more persons of interest... Meron na kasing evidence as well as testimonies which tend to
prove 'yung culpability nila," dagdag ng opisyal.

Tinitingnan naman ng PMA kung ilang beses nabugbog si Dormitorio dahil bago namatay ay 2 beses pa itong
na-confine sa ospital noong Agosto.

"Officially sa report... he was first brought to the hospital noong August 20 and was confined for 8 days... And
then noong September 6," rebelasyon ni Co.
Tinitingnan din ang mga CCTV footage sa loob ng akademya.

Noong Sabado ay naiuwi na sa Cagayan de Oro ang mga labi ni Dormitorio, kung saan sinalubong siya ng mga
nagdadalamhating pamilya at kaibigan.

Labi ng PMA cadet na namatay dahil sa hazing, naiuwi na sa CDO


CAGAYAN DE ORO—Sinalubong ng arrival honors ng mga sundalo and labi ng Philippine Military Academy
cadet na si Darwin Dormitorio nang dumating sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental nitong Sabado.

Pagdating sa isang pribadong punerarya sa lungsod na ito, bumuhos ang luha ng kaniyang mga kamag-anak at
kaibigan.

Hindi na tinuloy ng pamilya ang pagpapa-cremate kay Dormitorio dahil ayaw na nilang madagdagan pa ang
paghihirap sa katawan na natamo ng binatilyo.

Kinompirma ng pulisya na namatay ito dahil sa hazing sa loob ng PMA barracks sa Fort del Pilar sa Baguio
noong Septyembre 18.

Hinihinala na upperclassmen, o mga nakakatandang kadete, ang nasa likod ng pagkamatay ni Dormitorio.

Ayon sa tiyahin ni Dormitorio na si Michelle Usman, gusto ng bata maging sundalo at lider para makapagsilbi
sa bayan.

"Pagpasok niya sa PMA he has full of dreams, to be one of our leaders that was his main objective. So who are
we to stop?" ani Usman.

Tinawag naman na mga "sadista" ni Mayor Omaradji Pizarro ng bayan ng Kalilangan, Bukidnon, ang mga nasa
likod ng pagpatay kay Dormitorio.

Malapit ang alkalde sa pamilya Dormitorio dahil kamag-anak ng kaniyang asawa ang pamilya.

"It's not good to know that cadets who are very willing to serve our country. Tapos namamatay lang sila along
the way sa training. Ang gusto namin malaman, bakit sila so sadistic ba? Very cruel 'yung mga upperclassmen,
when in fact they will be soon their comrades," ani Pizarro.

Hustisya ngayon ang panawagan ng pamilya na umaasang sana matigil na ang nangyayaring hazing sa loob ng
akademya.

"This should end the cruelty. 'Yung sadistic, barbaric na ginagawa diyan mismo sa loob ng PMA. It's good that
the father still honors and respect the PMA. Ang hindi lang niya makaya the system," ani Pizarro.

Dagdag ni Usman: "He deserves justice to make sure na hindi na ito mangyari sa iba,"

Nakatakdang ilibing si Dormitorio sa Martes habang hinihintay pa nila ang ibang kamag-anak na dumating sa
Cagayan de Oro.

‘Di nagbibiro si Pangulong Duterte


Nabahala tayo sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang unibersidad ng masa o ang Polytechnic
University of the Philippines (PUP).
Ang banta ng Pangulo ay ginawa dahil sa malawakang recruitment ng komunista sa kabataang estudyante.

Kung hindi raw magpapaawat ang mga estudyante at magpapayakag sa mga galamay ng komunista ay hindi
mangingimi ang Pangulo na ipasara ito.

Ang PUP ay isa sa mga unibersidad sa Metro Manila na tinukoy na sentro ng recruitment ng kabataan sa
pamamagitan ng ilang makakaliwang grupo na nauugnay sa kilusang komunista.

Kaya magsilbing paalala sa mga estudyante ng PUP ang bantang ito ng Pangulo.

Kung hangad ninyong magkaroon ng maayos na edukasyon, ang pag-aaral ang inyong atupagin at tablahin ang
panunuyo o panghihikayat ng mga komunistang grupo.

Marami kasing inosenteng estudyante na may magandang pangarap sa buhay ang madadamay kapag
nagpatuloy sa pagpapaimpluwensiya ang ilan sa komunistang grupo

Alam n’yo bang napahanga si House Deputy Speaker Neptali Gonzales sa magandang performance ng Kamara
sa 18th Congress na nasa ilalim ng liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano?

Sabagay si Gonzales ay matagal nang naging congressman at naging majority floor leader na rin pero ngayon
daw nangyari na mataas ang average ng attendance ng kanyang mga kabaro sa mga sesyon.

Ibinida ni Gonzales na 266 kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13 matapos ang paggunita sa Eid
al-Adha Day, at 259 noong August 27 naman pagkatapos ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Malayong-malayo ang senaryo ng Kamara ngayon sa mga nakalipas na panahon kung saan ay problemado dati
ang mga House Speaker dahil sa madalas na pag-absent ng mga mambabatas.

Dumating pa nga ang panahon na naghigpit si dating House Speaker Feliciano Belmonte dahil sa dami ng
absenerong mga mambabatas kaya hindi makaalagwa sa mga gawain partikular sa pagpapasa ng mga
mahahalagang batas.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil hands-on ito at sinigurong mahawakan
ng mga kuwalipikadong kongresista ang mga mahahalaga at malalaking komite upang maayos ang takbo at
proseso ng mga pagdinig.

Dagdag pa ni Gonzales, kailangang kayod kalabaw ang gawin ng mga kongresista upang maisabatas ang mga
priority bills ni Tatay Digong at hindi na muling magkaroon ng aberya sa pag-aapruba ng national budget.

National status ng PUP tinabla ni Duterte


IBINALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang enrolled bill para gawing national university ang
Polytechnic University of the Philippines o ang ‘An Act Amending Presidential Decree Number 1341, o ang
Charter of the Polytechnic University of the Philippines’.
Sa veto message ng Pangulo sa liderato ng Senado, sinabi nitong kailangan pang ire-assess ang performance
ranking ng PUP sa iba pang State University and College (SUC).

Ganito rin ang dapat gawin sa mga satellite campus nito kabilang na ang extension program na ipinatutupad
bago ibigay ang hinihinging privileged status.

“It’s proposed designation as national polytechnic university needs to be reassessed in light of its current
performance ranking among other SUCs.

The comparative performance of its satellite campuses and extension programs needs to be similarly
evaluated before granting the PUP system as a whole such privileged status,” anang veto message ng
Pangulo.

Isa sa suliranin ni Pangulong Duterte kapag ibinigay ang status ng pagiging national university ng PUP ay ang
fiscal impact nito sa gobyerno.

Nakasaad sa enrolled bill ang pagbibigay ng fiscal autonomy sa PUP na taliwas sa ipinatutupad na polisiya ng
institutional autonomy sa lahat ng SUC.

“A reassessment is all the more needful considering that the enrolled bill provides for the grant of fiscal
autonomy to PUP, which departs from the adopted policy of granting only institutional autonomy to SUCs,”
ang bahagi ng veto message ng Pangulo.

Kung sakaling naaprubahan ang enrolled bill ay magiging kahanay ng PUP ang University of the Philippines at
Mindanao State University at iba pang unibersidad na mayroong fiscal autonomy.

Swine flu outbreak sa 7 lugar


MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry ang outbreak o pagkakaroon ng African
swine fever (ASF) sa pitong lugar sa Luzon.

Sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na tumaas ang bilang ng mga namamatay na baboy sa mga sumusunod
na lugar: Antipolo - Barangay Cupang; BULACAN- Guiguinto town; RODRIGUEZ, RIZAL- Barangays San Jose,
Macabud, San Isidro, San Rafael at Mascap.

“Kapag sa isang lugar ay tumataas above the expected occurrence ang pagkakasakit o pagkakamatay ay
puwede ‘yong maituring na isang hitsura ng outbreak,” paliwanag ni Domingo.

“’Yong nangyari sa Rizal, wala naman silang ASF tapos nagkaroon ng mga namamatay na baboy at
nagkakasakit, so ‘yon po ay maituturing na outbreak,” dagdag niya.

Tiniyak ni Domingo na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga hakbang ng pamahalaan para hindi kumalat
ang ASF sa mga karatig na lugar.

“Kung sa akin, hinaharap nila iyan nang tama. Kung merong isolated case sa isang lugar, aasikasuhin nila iyan,”
sabi ni Panelo.
Kaugnay nito, isasailalim naman ng Department of Agriculture sa pagsusuri ang kalidad ng tubig sa Marikina
River upang matiyak kung ligtas ang mga isda rito.

Sinabi ni Agriculture Office of the Secretary Chief of Staff Cheryl Caballero na isinagawa ang naturang hakbang
bilang tugon sa hiling ng pamahalaang lokal ng Marikina hinggil sa pangambang may dalang sakit ang
natagpuang mga inanod na patay na baboy sa naturang ilog.

Libreng bakuna kontra polio ibibigay sa mga bata simula Oktubre


Bilang tugon sa pagbabalik ng polio sa bansa makalipas ang halos 2 dekada, mamamahagi ang gobyerno ng
libreng bakuna laban sa naturang sakit para sa mga batang may edad 5 pababa.

Sa programang "Salamat Dok," sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na magkakasa ang gobyerno ng
polio outbreak response sa Metro Manila, Laguna at Mindanao simula Oktubre 14.

"Lahat ng bata na 5 years and below, starting October 14, magbabakuna tayo. Patak lamang ito, walang
injection, libre," ani Domingo.

Sa mga barangay health center maaaring magpabakuna ang mga bata pero magkakaroon din ng pagbabahay-
bahay, ayon kay Domingo.

"Kailangan sugpuin natin ito nang mabilis at saka nang maaga para hindi na kumalat," dagdag ng opisyal.

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na ang ilan sa mga sintomas ay lagnat, panghihina ng katawan,
pagsusuka, paninigas ng leeg, pangangalay ng mga kamay at paa. Maaaring mauwi ito sa pagkaparalisa o
pagkamatay ng pasyente.

Mas mataas ang tsansa ng mga bata na magkaroon ng polio kumpara sa mga matatanda, ani Domingo.

Nauna nang ibinunyag ng Department of Health na may mga kumpirmadong kaso ng polio sa Lanao del Sur at
Laguna matapos ang 19 taong pagiging polio-free ng Pilipinas.

Nakitaan din ng polio virus ang ilang water sewage samples sa Maynila at Davao.

Bukod sa pagpapabakuna, pinayuhan din ni Domingo ang mga magulang na turuan ng proper hygiene ang mga
bata para makaiwas sa sakit.

"This is something we can avoid by protecting our children and proper sanitation [gaya ng] paghuhugas ng
kamay, pagluluto nang tama, at pagpapakulo ng tubig na gagamitin ng mga bata," ani Domingo.

MARIKINA
Sa Marikina, nag-umpisa na ang pagpapabakuna sa mga bata kontra polio.

Aabot sa 200 bata ang napatakan ng bakuna sa isinagawang medical mission ng lokal na pamahalaan sa
Barangay Concepcion Uno, ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

Nasa 40,000 bata sa lungsod ang target mabakunahan ng pangontra sa polio.

Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa mga opisyal ng mga barangay at pamahalaan para
makumpleto ang pagpapabakuna, ani Teodoro.
Sasabay din ang Marikina sa polio outbreak response ng DOH para sa mga batang may edad 5 pababa, sabi ng
alkalde.

-- May ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Ilang ka-barangay ng polio victim sa Laguna nangangamba


MAYNILA - Nangangamba ang ilang magulang sa Barangay Lingga, Calamba City, Laguna sa kalusugan ng
kanilang mga anak matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na naroroon ang pinakahuling
nagpositibo sa sakit na polio.

Natakot ang residenteng si Janette Buffe dahil 7 sa 8 niyang anak ay hindi pa nababakunahan.

"May trabaho po kasi ako noon. Ngayon lang po ako nabakante," ani Buffe.

Mas madalas na kabataan na 5 anyos pababa ang mabilis na nakakakuha ng polio virus kaya sisiguruhin ng
residenteng si Anastacia Reyes na pababakunahan na niya ang kaniyang 5 anyos na anak.

Agad na raw dinala sa Maynila ang batang tinamaan ng polio para doon gamutin.

"Malnourished na malnourished eh at baka kung ano pa ang mangyari, kaya dinala [ang bata] sa PCMC
(Philippine Children's Medical Center)," ani DOH-Calabarzon chief Edward Janairo.

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng oral polio vaccine sa Barangay Lingga tuwing Miyerkoles at sapat ang kanilang
suplay ng bakuna, ayon sa mga opisyal.

Pero bukod dito, nanawagan si Cherielyn Federico, kagawad at miyembro ng committee on health ng
Barangay Lingga, sa mga residente na linisin ang kanilang mga paligid.

"Iyung kalinisan po. Pakikipagtulungan din po. Mismong sa pamilya, magkaroon po ng ganoong proper
hygiene, maisagawa po nila," ani Federico.

Nakakahawang sakit ang polio, na karaniwang umaatake sa nervous system ng isang tao.

Nakukuha ang polio kapag nahahawakan ang dumi o feces ng taong mayroon nito.

Sa Maynila, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatayo ng sewage


treatment plant na sasalo sa maruming tubig mula Baseco bago ibalik sa Manila Bay.

Ayon kay MMDA chief Danilo Lim, parte na kasi ito ng dahilan kung bakit nanumbalik sa Pilipinas ang polio.

"Malaking bahagi ang edukasyon ng ating mga kababayan lalo na sa lugar na ito dahil sila ang taga-rito... Hindi
puwede 'yung kung saan-saan lang bumutas at 'yung dumi doon, nagsi-seep din 'yan sa ating water table," ani
Lim.

Umarangkada rin ang clean-up drive kaakibat ng International Coastal Clean-Up day.

Nakiisa rito ang mga residente ng Baseco compound, gaya ni Laarni delos Reyes na nangangamba sa
pagpositibo ng polio virus sa kanilang tubigan.

"Iyung mga anak ko rin, turuan ko sila na maski papaano makipagtulungan sa paglilinis dito," ani Delos Reyes.
Nanawagan naman si Pasig River Rehabilitation Commission spokesperson George Dela Rama na sundin ang
environmental laws para maiwasan pa ang pagdami ng basura lalo't bumalik sa bansa ang polio.

Polio outbreak, idineklara ng DOH


Idineklara na ng Department of Health na may polio outbreak sa bansa. Ito ay matapos ang halos 20 taon mula
nang ideklara ng World Health Organization na polio-free na ang Pilipinas.

Disinformation, takot sa Dengvaxia sinisi sa pagbabalik ng polio


MAYNILA — Ang kontrobersiya sa bakunang Dengvaxia ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit mababa
ang coverage ng oral polio vaccine (OPV) sa bansa, dahilan para manumbalik ang sakit na polio matapos ang
halos 2 dekada.

Ayon sa World Health Organization (WHO), labis na nakababahala ang pagbabalik ng polio dahil 19 taon nang
polio-free ang Pilipinas.

"Problem is in the Philippines you have coverage of 60 percent. When it starts circulating, it doesn't die out. It
changes, changes, at some stage it acquires ability to cause disease," sabi ni WHO country representative Dr.
Rabindra Abeyasinghe.

Noong 2018, 66 percent lang kasi ang coverage ng OPV sa bansa. Ito ang pinakamababang coverage sa loob ng
10 taon.

Gaya ng mababang coverage sa tigdas noong unang bahagi ng taon, Dengvaxia rin ang isa sa mga nakikitang
dahilan nito.

"Scare ng Dengvaxia, the anti-vaxers, misinformation [should be blamed]... On the ground level, parents are
both working, they aren’t able to bring their child to health center nor are they able to have their children
vaccinated for polio at the time of the door to door campaign," sabi ni Health Secretary Francisco Duque.

Sa Lanao del Sur naitala ang unang kaso ng polio matapos ang halos 2 dekada. Nitong Biyernes, kinumpira
naman ng Department of Health (DOH) na isang 5 anyos na batang lalaki sa Laguna ang nakumpirmang may
ika-2 kaso ng polio sa bansa.

Dahil dito, muling nakaramdam ng kaba ang inang si Sheena Ayeda, residente ng Baseco, Tondo, ang lugar
kung saan nakuha ang sample ng tubig sa imburnal na nagpositibo sa polio.

Hindi tinukoy ng DOH ang eksaktong lugar kung saan nakuha ang sample ng tubig, pero ang lugar daw na ito
ay masikip at marumi.

Aminado si Ayeda na may pagkakataong ito na talaga ang ginagawang palikuran ng mga residente.

"Opo dito talaga dumudumi ang tao... Binabalot sa plastic tapos tinatapon na lang po diyan," aniya.

Ayon kay Duque, ang ganitong gawain ang isa sa mabilis na paraan para kumalat ang polio.

"Ang hawaan dito ay galing sa dumi ng tao o bata na infected tapos nakahawak ng pagkain at susubo. 'Yun ang
umpisa. I appeal to all LGUs, let’s push for zero open defecation. Hindi puwedeng kung saan-saan ka lang
magbabawas dahil ito ay magdudulot ng sakit at kawawa naman 'yung mga bata," ani Duque.

Ito rin ang opinyon ng isang eksperto.


"Marami pa rin tayong mga lugar na may open defecation, 'yung dumudumi sa labas... Ito po ay maaaring
mabasa, maulanan, at maaaring andun ang mikrobyo," ani Dr. Susan Mercado, public health expert.

KULELAT SA BAKUNA

Tinukoy naman ng DOH ang 3 siyudad na mababa ang turnout ng nagpapabakuna ng polio sa National Capital
Region. Ito ay ang Maynila, San Juan, at Makati City.

Ayon sa city health chief ng Manila, marami kasing natakot sa Dengvaxia scare noon.

"Iyung mga tao kasi 'yun pa rin ang takot nila regarding Dengvaxia. Pero we keep on telling these people na
itong mga vaccines na ito ay mga safe po ito," sabi ni Dr. Albert Pangan, hepe ng Manila Health Office.

Ayon naman sa alkalde ng San Juan, importanteng maibalik ang kumpiyansa ng mga tao sa mga bakuna.

"Importante mawala sa isipan nating mga mamamayan 'yung takot dulot ng Dengvaxia. Ito'y ginagawa natin sa
pag-iikot ngayon sa mga barangay. Meron tayong sapat na suplay ng bakuna para sa polio," sabi ni San Juan
Mayor Francis Zamora

DAVAO RIVER

Samantala, nananawagan ngayon ang Davao City Health Office sa publiko na wag munang maligo sa ilog, sa
dagat, at sa mga swimming pool sa Davao.

Ito'y matapos magpositibo sa polio virus ang Davao River base sa ginawang water sampling examination ng
DOH noong Agosto 2019.

Inaalam pa ng City Health Office kung saan posibleng nagmula ang polio virus kaya nagbabahay-bahay sila para
mag-imbestiga.

"We were tracing saan ito galing... Last week we decided to have active surveillance," sabi ni Dr. Josephine
Villafuerte, hepe ng Davao City Health Office.

Dahil dito, target ngayon ng DOH na maabot ng OPV ang 5.5 milyon na bata sa bansa.

—Ulat nina Raphael Bosano, Jeck Batallones, Bonna Pamplona, at Jasmin Romero, ABS-CBN News

SOGIE bill hindi sersertipikahang 'urgent' ni Duterte


MANILA, Philippines — Kontra-diskrimininasyon sa pangkalahatan at 'di lang kasarian, 'yan daw ang tipo ng
panukalang sesertipikahan bilang "urgent" ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kagabi kasi, inakala ng lahat na pinapapaspasan na ni Duterte ang Sexual Orientation and Gender Identity and
Expression Equality Bill, na magpaparusa sa diskriminasyong batay sa kasarian at pagkaakit.

"[A]numang magpapasaya sa kanila. Gusto ko kagaya kay Senator Enrile, 'gusto ko happy siya,'" sabi ni Duterte
nitong Martes.
Pero ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, tinutukoy niya yaong panukala na kahawig ng sa
meron sa Davao.
"Ang tinutukoy niya ay 'yung anti-discrimination law o bill, hindi 'yung SOGIE bill. Hindi 'yon," paglilinaw ni
Panelo.

Duda naman ang tagapagsalita ng presidente kung sesertipikahan ito ng pangulo bilang urgent: "Sa tingin ko
hindi."

Aniya, dapat ay walang paboran na iisang sektor ang gobyerno. Magkakaroon daw kasi ng problema pagdating
sa "class legislation," na una nang ipinunto ni Sen. Vicente Sotto III.

"'[Y]ung anti-discrimination law sa Davao, patungkol sa lahat. Hindi mo pwedeng i-discriminate ang may
kapansanan, special children 'yung may piniling kasarian. Sa lahat," dagdag niya.

"Dapat talagang general. 'Yun ang ayaw ni presidente kasi, 'pag nagdi-diskrimina ka laban sa isang uri."

Matagal na itong inilalaban ng mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender at kanilang mga kakampi para
magawaran ng mas pantay na turing sa lipunang Pilipino.

Gayunpaman, tinututulan ito ng ilang konserbatibong grupo, kabilang ang ilang relihiyoso, sa dahilang
matatapakan daw nito ang "religious" at "academic freedom" nila.

'Walang dapat ika-dissappoint'


Sa kabila ng 'di pagsuporta sa SOGIE bill, sinabi ni Panelo na mas makatutulong pa nga kung ang mas "general"
na anti-discrimination bill ang maisabatas ng Kongreso.

"[B]akit naman madi-disappoint sila? 'Pag anti-discrimination bill, na mas malaking bill kumpara sa iniisip niyo,
oh 'di sasama rin sila doon," dagdag pa ni Panelo.

Nang tanungin si Panelo kung nabasa na ni Duterte ang SOGIE bill, winika ni Duterte na, "Sa tingin ko hindi."
Basta't ayaw lang daw ng presidente ang diskriminasyon.

Hindi pa naman daw alam ng spokesperson kung maglalabas ng executive order ang pangulo patungkol sa
paghihiwalay ng mga banyo.

Uminit kasi noong nakaraan ang isyu ng pag-aresto sa isang transgender woman sa Quezon City, matapos igiit
na makagamit ng banyo ng babae.

Pakambyo-kambyong tingin sa isyung LGBT


Sa paglaon ng panahon, paiba-iba ang tindig ng presidente pagdating sa pagkilala sa kasal ng mga LGBT.

Marso 2017 nang sabihin ni Duterte na para lang sa lalaki at babae ang kasal.
Disyembre 2017 naman nang bumaliktad siya at sabihing pabor na siya rito.
Pero pagdating naman ng Hulyo 2018, sinabi ng Palasyo na tutol si Duterte sa same-sex marriage at
pinapaboran ang isang civil union.
Bumuhos muli ang galit ng publiko ngayong 2019 nang sabihin ni Digong na "gumaling" na siya sa pagiging
bakla noon.
Ilang beses na rin ginamit ng presidente ang salitang bakla bilang pag-atake sa kanyang mga kritiko — 2018
laban sa mga paring Katoliko at 2019 laban sa rebeldeng New People's Army.
‘SOGIE bill hindi papasa’ – Sotto
MANILA, Philippines – Muling tiniyak kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malabong
pumasa ang panukalang naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon base sa sexual orientation and gender
identity or expression (SOGIE) bill. Ayon kay Sotto, kaduda-duda ang pagpasa ng panukala dahil marami ang
kontra rito. Sinabi pa ni Sotto na hindi dapat ikumpara ang halos kalahati ng populasyon ng mundo o ang mga
babae sa isang grupo lamang. Tahasan ding sinabi ni Sotto na kahit kailan ay hindi maaaring maging babae ang
isang lalaki. Kahit anya anong mangyari ay hindi manganganak ang isang lalaki dahil wala silang obaryo.

Iba’t ibang grupo ng LGBT, nagtipon sa pagtutulak ng SOGIE bill

Ang pagtitipon ay pagpapakita ng suporta sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality
(SOGIE) bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso.

May temang "Fight for Love, Fight for Equality" ang rally.

May malaking rainbow flag ang nakalagay sa People Power Monument at karamihan sa mga dumalo ay
nakasuot ng itim na damit.

Ang iba ay may dala ring mga maliliit na rainbow flag na sumisimbolo sa LGBT community.

May malaking LED screen din na nakalagay sa ilalim ng monumento at may malalaking letra na equality ang
nandito.

Sa pagtataya ng Quezon City Police District (QCPD), mahigit kumulang sa 150 ang bilang ng mga rallyista.

Ayon naman sa organizers, inaasahan nilang madaragdagan pa ang bilang nila pagsapit ng gabi.

Wala naman epekto sa daloy ng trapiko sa EDSA northbound ang naturang kilos-protesta dahil sa mismong
monumento sila nakapuwesto.

--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

National dengue alert idineklara ng DOH (UPDATE)


Nagdeklara ngayong Lunes ang Department of Health (DOH) ng national dengue alert dahil sa umano ay
mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa bansa.
Ayon sa DOH, nakapagtala sila ng 106,630 kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 29.
Mas mataas daw ito ng 85 porsiyento kumpara sa dami ng kasong naitala sa parehong panahon noong
nakaraang taon.

Sa Western Visayas naitala ang pinakamaraming kaso sa 13,164. Sinundan ito ng (11,474), Central Visayas
(9,199), Soccsksargen (9,107), at Northern Mindanao (8,739).

Kabilang sa mga rehiyon na lumampas sa "epidemic threshold" ang Mimaropa, Western Visayas, Central
Visayas, at Northern Mindanao.

Ang mga sumusunod na rehiyon naman ang binabantayan ng DOH matapos lumagpas sa "alert threshold":
Ilocos region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao,
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Cordillera Administrative Region.
Kasama sa mga sintomas ng dengue ang matinding pananakit ng ulo, pananakit ng mga kalamnan at
kasukasuan, pagkahilo, pagsusuka, at pamamantal, ayon sa DOH.

Itinigil ng gobyerno noong 2017 ang pamamahagi ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia matapos ibunyag ng
manufacturer nitong Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ng malubhang sintomas ang bakuna kapag naibigay
sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

-- May ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Dengue alert dapat seryosohin: DOH


Iginiit ng Department of Health (DOH) na seryosohin ang kanilang mga panawagan na mag-ingat laban sa sakit
na dengue, lalo at may mataas na bilang ang mga kaso nito sa unang 7 buwan ng taon.

Nakapagtala ang DOH ng 115,986 kaso ng dengue sa buong bansa simula Enero 1 hanggang Hulyo 6.

Umabot na rin sa 491 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit, ayon sa datos ng DOH.

Lumagpas naman sa epidemic threshold ang mga rehiyon ng Calabarzon, Bicol region, Western Visayas,
Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Ibig sabihin, marami na ang kaso sa mga rehiyon na ito ngayon kumpara noong nakaraang 5 taon.

Lumagpas naman sa alert threshold ang mga rehiyon ng Central Luzon, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN,
at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Ferchito Avelino, direktor ng DOH Epidemiology Bureau, may tamang paraan din na dapat sundin
para mas epektibo ang fogging, isang paraan ng pagpatay sa mga lamok.

"Ang pag-fog po ay hindi sa kalye at sa labas ng bahay," ani Avelino.

"Ginagawa po ito sa loob ng bahay at dapat talagang pinupuntirya iyong madidilim at kulob na lugar," dagdag
ni Avelino.

Nilinaw din ni Avelino na walang bagong strain ng dengue.

Nagdeklara noong Hulyo 15 ang DOH ng national dengue alert dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng sakit sa
ilang rehiyon. -- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

National dengue epidemic idineklara ng DOH


MAYNILA — Nagdeklara ngayong Martes ang Department of Health (DOH) ng national dengue epidemic sa
gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahalaga ang deklarasyon para mapabilis ang pagtugon sa
epidemya.

"It is important that a national epidemic be declared in these area to identify where a localized response is
needed, and to enable the local government units to use their quick response fund to address the epidemic
situation," sabi ni Duque isang press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ginawa ang deklarasyon matapos ang pulong ng mga opisyal ng gobyerno kasama si Duque at Defense
Secretary Delfin Lorenzana.
Inatasan naman ni Lorenzana ang lahat ng ahensiya sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC) na umagapay sa mga hakbang ng DOH laban sa dengue.

"Lahat nung mga member ng NDRRMC na agencies will now support the efforts of the DOH to stop this
epidemic, eliminate this epidemic," ani Lorenzana.

Ipinaliwanag din ni Lorenzana na hindi pa nagdedeklara ng "national emergency" o "state of calamity" dahil
mga piling lugar pa lang ang apektado ng sakit.

"May mga areas na malaki, mas malaki ang tama, may mga maliliit. It's up to the provinces [and] towns to
declare their own state of calamity," aniya.

Nasa 146,062 kaso ng dengue na ang naitatala ng DOH mula Enero hanggang Hulyo 20 ngayong taon, doble sa
73,818 kasong naitala noong parehong panahon ng nakaraang taon.-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Tagalo g News: Natio nal Dengue Alert itinaas ng DOH


MAYNILA, Hulyo 16 (PIA) - -Itinaas ng Department of Health (DOH) ang “National Dengue Alert” dahil sa
mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Sa isang televised press conference kahapon, Hulyo 15, 2019, sinabi ni Health Secretary Francisco T. Dugue
III kasama sa mga rehiyon na nalampasan ang “epidemic threshold” ng dengue ay ang MIMAROPA (Rehiyon
IV-B), Western Visayas (Rehiyon VI), Central Visayas (Rehiyon VII), at Northern Mindanao (Rehiyon X).

Ayon kay Duque, idinedeklarlang may epidemya sa isang lugar kapag kapag nakitaan ito ng departamento
nang klastering ng mga kaso.

Patuloy din ang kanilang pagsubaybay sa mga lugar na nalampasan na ang “alert threshold.” Ang mga lulgar na
ito ay ang -- Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao,
Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao, at Cordillera Administrative Region.

Sa pakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ni


Undersecretary Ricardo Jalad ng Office of Civil Defense, isinailalim naman sa ang “code blue alert sa mga
ospital”.

Kaugnay nito, pupulungin ng DOH bilang pangunahing ahensiya ng Health Cluster ng NDRRMC ang kanilang
mga miembro upang masugpo o malabanan ang nakababahalang problema kaugnay ng dengue.

Ayon sa datos ng DOH mula Enero hanggang Hunyo 29, 2019, karamihan sa mga kaso ay mula sa Western
Visayas na mayroong 13,164 kaso, kasunod ang CALABARZON na may 11,474 kaso, Central Visayas, 9,199,
SOCCSKSARGEN 9,107, at Northern Mindanao na mayroong 8,739 kaso.

Ayon sa DOH records, umabot na sa 106,630 ang nagkasakit ng dengue sa buong bansa ngayon taon. Ito ay
85% na mas mataas kumpara sa nakaraang taon sa parehong panahon na nagtala ng 57,564 kaso. Sa bilang na
ito, 456 ang namatay na karamihan ay mga batang may edad lima hanggang siyam na taon.

Paliwanag ni Duque na base sa obserbasyon ng DOH ang kaso ng dengue ay umaakyat bawat tatlo hanggang
apat na taon. Ang huling pagtaas ng insidente ng dengue ay noong taong 2016.

Payo ni Duque na upang maiwasan ang pagkamatay ng mga nagkakasakit nito, kailangan ang maagang
deteksyon at maayos na pamamahala ng kaso.
Ang dengue ay isang sakit sanhi ng virus at wala pang alam na tiyak na gamot o bakuna para dito. Ang
epektibong pagsubaybay ay makatutulong nang malaki upang mabawasan ang tungo sa pagkamatay nang may
mga sakit nito lalo na sa mga lugar na nakitaan nang maraming kaso.

Kabilang sa mga simtomas ng dengue ang matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, matinding sakit
ng kasukasusan at kalamnan, pagkapagod, pagkahilo at rases sa balat.

Kaugnay nito, mariing isinusulong ng DOH ang 4S na estratehiya upang malabanan ang nakamamatay na
sakit:– Search and destroy mosquito breeding places (hanapin at puksain ang mga lugar na pinamamahayan
ng lamok), Self-protective (pangalagaan o proteksiyunan ang sarili katulad ng pagsusuot ng long pants/long
sleeves, paggagamit ng insect repellent at iba pa); Seek early consultation (maagaang magpatingin sa doctor
kapag nakitaan na ng mga simtomas); at Say yes to fogging (pumayag sa fogging kapag mayroong maraming
kaso).

“Maiiwasan o malalabanan ang dengue sa pamamagitan ng apat na estratehiya na ito. Mariing ipinapayo ko
na gawin ang 4S na estratehiya at alamin ang senyales at simtomas ng dengue upang malabanan ang
nakababahalang sakit na ito,” pagwawakas ni Duque. (PIA InfoComm)

Natio nal Dengue Epidemic idineklara ng DOH


LUNGSOD QUEZON, Agosto 7, (PIA)—Nagdeklara na ng National Dengue Epidemic and Kagawaran ng
Kalusugan matapos itong mapagkaisahan sa ginanap na Full Council Meeting ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na batay sa DOH Dengue Surveillance
Report, umabot sa 146,062 ang naitalang tinamaan ng dengue mula Enero hanggang nakaraang Hulyo 20,
2019.

Ayon kay Duque ang bilang ng kaso ng dengue 98% na mas mataas kumpara sa nakaraang taon sa parehong
panahon.

Sa bilang na ito ay mayroong 622 na mga namatay. Ang Region VI (Western Visayas) ang may pinakamataas sa
bilang na 23,330, sinundan ng Region IV-A (CALABARZON) na may 16,515, Region IX (Zamboanga Peninsula) na
umabot sa 12,317, Region X (Northern Mindanao) may 11,455 nagkasakit, at ang Region XII (SOCCSKSARGEN)
na may 11,083 mga kaso.

Pagdidiin ni Duque, “Mahalagang ideklara ang national epidemic sa mga lugar na ito upang matukoy kung saan
lugar ang dapat pagtuunan ng tulong, at upang magamit ng lokal na pamahalaan ang kanilang Quick Response
Fund sa pagsagot sa naturang epidemiya.

Sa parte naman ni NDRRMC Tagapangulo Delfin Lorenzana, nagpalabas siya ng memoranda sa mga disaster
response unit sa buong bansa para sa mahigpit na implementasyon ng deklarasyon ng national dengue
epidemic.

Sa datos pa rin ng DOH, pito sa labimpitong (17) rehiyon ang naitalang lumampas na sa epidemic threshold ng
dengue sa kanilang rehiyon sa nakaraang tatlong linggo. Kasama sa mga rehiyon na ito ay ang: Region IV-A
(CALABARZON) na may 16,515 kaso; MIMAROPA – 4,254; V (Bicol) may 3,470; VI (Western Visayas) 23,330
kaso; VIII (Eastern Visayas) may 7,199; IX (Zamboanga Peninsula) may 12, 317; X (Northern Mindanao) na may
may 11,455 mga kaso.
Ang mga rehiyon naman n lumampas sa alert threshold level, ay ang Region I (Ilocos) na may 4,396 mga kaso;
VII (Central Visayas) may 10,728; at BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) na may
2,301 .

Ang kabuuang bilang sa buong bansa para lamang sa 29th Morbidity Week (Hulyo 14-20) ay 10,502. Ito ay 71%
na mas mataas kumpara sa nakaraang taon sa parehong panahon na may 6,128 mga kaso.

Simula kahapon pagkatapos ng deklarasyon ng National Epidemic ay gagawin na ang Sabayang 4-O’clock Habit
para Deng-Get Out, na pamumunuan ng Department of Health, kasama ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan,
mga eskuwelahan, mga tanggapan at mga komunidad na naglalayong puksain ang pinamumugaran ng mga
lamok.

“Kaya sabaysabaytayong mag-search and destroy tuwing 4’ o clock para deng-get-out!”, paghihimok ni Duque
sa publiko.

Aniya pa, gawin natin ang 4S na estratehiya; search and destroy the mosquito breeding site; self protective
measures katulad ng pagsuot ng long sleeves, long pants at maliliwanag na mga damit; seek early consultation
sa inyong pinakamalapit na doktor o health facilities at suportahan ang fogging, spraying o misting sa mga
lugar lamang na mataas ang itinaas nang mga kaso. (PIA InfoComm)

P98 bilyon 'ginalaw' ng mga mambabatas sa 2019 budget


Tinatayang P98 bilyon ang ginalaw at nilipat-lipat ng mga mambabatas bago nila maisapinal at ratipikahan ang
P3.7 trilyon proposed national budget para sa 2019, batay sa isinapublikong bicameral conference committee
report nitong Miyerkoles.

Biyernes noong ratipikahan ng Kamara at Senado ang proposed budget at ngayon ay iniintay na lang ang lagda
ni Pangulong Rodrigo Duterte para aprubahan ito.

Pinakamalaki sa mga nabuhusan ng dagdag na pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH)
na mahigit P46 bilyon.

Pero paliwanag ni House appropriations committee chair Rolando Andaya, mga "piling" proyekto na ito ng
mga senador at mambabatas at hindi pareho sa mga dapat popondohan ng Department of Budget and
Management (DBM) sa kanilang kontrobersiyal na P75 bilyon "insertion" na inalis na ng bicam.

"No, there is no P75 billion insertion to talk about at this point in time... Wala. The Senate and the House panel
have agreed to do away with that, iyong mga project na iyon, unfunded iyon, wala na," paliwanag ni Andaya.

Pero ayon kay Marikina Rep. Bayani Fernando, hindi pa rin nila nakikita kung alin sa mga proyekto nila ang
pasok sa budget dahil hindi pa lumalabas ang pangakong itemized list.

PATUTSADA

Samantala, binalik naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno kay Andaya ang bintang kung sino ang
pasimuno sa pagpapa-bid ng proyekto kahit hindi pa aprubado ang budget.

Maaalalang dati nang sinita ni Andaya si Diokno dahil pina-bid out umano nito ang mga proyektong saklaw ng
insertions sa DPWH kahit hindi pa pinal ang proposed budget.
"The system was started by the lawmaker (Andaya) in 2009, when he was still Budget secretary of then-
President Gloria Macapagal-Arroyo, who's now House Speaker," patama ni Diokno.

Sumagot naman si Andaya at sinabing "fake news" ang alegasyon ni Diokno laban sa kaniya.

"It's fake news. During my time, there were no biddings and awards prior to the effectivity of the General
Appropriations Act. Such activities commenced only after the enactment of the national budget," depensa ni
Andaya.

Maaalalang natapos ang 2018 na hindi nagkasundo ang mga mambabatas sa 2019 national budget.
Kasalukuyang reenacted budget lang noong 2018 ang pinapaandar ng pamahalaan habang iniintay ang pirma
ni Duterte sa bagong batas para sa pambansang budget sa kasalukuyang taon. —Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN
News

2019 national budget, ipasa na ngayon!


Ang pagpasa ng 2019 national budget ng gobyerno ay isang napakahalagang hakbangin para maisakatuparan
ang mga plano at proyekto ng gobyerno alang-alang sa ikaaangat ng estado ng ekonomiya ng Pilipinas.

Bilang isa sa mga mambabatas sa Senado, muli po nating ipinaaabot ang panawagan sa mga kongresista na
wakasan na ang anumang sagabal o hindi pagkakaintindihan sa pag-aapruba ng 2019 General Appropriations
Bill (GAB), at ang tanging pagbabasehan lamang dapat ay ang bersyong naratipikahan ng Senado at ng Kamara
noong nakaraang buwan.

Magtatapos na po ang buwan ng Marso at magsisimula na namang muli ang paghahanda para sa susunod na
school year. Kasama na rito ang pagpapatayo ng mga karagdagang klasrum at pagkuha ng dagdag na teacher.
Hindi ito magagawa ng Department of Education (DepEd) hangga’t hindi naisasabatas ang budget para sa
taong ito.

Hindi natin maaaring hayaang lubos na maapektuhan at mahirapan ang mga estudyante, guro at magulang
dahil lamang sa mga hindi pagkakasundo sa pagpapasa at pagpapatupad ng nasabing budget.

Kongreso OT sa pagpasa sa 2019 national budget

PUSPUSAN nang tinatrabaho ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pag-apruba sa 2019 national budget.

Ayon kay House committee on appropriations chairman at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., nasa
huling yugto na ang pagkamada sa pambansang pondo.

“This refutes the repeated lies peddled that the House wants a re-enacted budget when all our actions prove
that we want a new one,” pahayag ni Andaya.

Kahapon, Enero 22, ay nagharap na ang mga miyembro ng Senado at Kamara para sa bicameral conference ng
2019 national budget.
“This meeting comes less than 24 hours after the Senate had finally passed their version of the national
budget,” ani Andaya.

Kumpiyansa si Andaya na sa huli ay mapagkakayarian ng mga mambabatas na ang kapakanan ng taumbayan


ang mananaig sa aaprubahan nilang budget.

“I have made my position clear. The House contingent will push for full transparency in the bicameral
conference deliberations. We know that our senators want the same,” sabi ni Andaya.

You might also like