Professional Documents
Culture Documents
Sa isang kompetisyon, may nananalo at mayroon din namang natatalo. Ang bawat
paaralan ay nagpapakita ng kakaibang estilo upang ipakita ang kanilang husay sa
pamamahayag. Iba-iba ang naging technique ngunit mas nanaig pa rin ang
pagbabahagi ng kaalaman sa kapwa na siya namang tunay na diwa ng Campus
Journalism.
Kapwa lahat ay ibinibigay ang kanilang makakaya upang sa huli ay sila ang makakuha
ng titulo. Kabilang pa sa pinaglabanan ay ang Most Outstanding High School Teacher,
Most Outstanding Elementary Teacher, Most Implementer ng School Based
Management, Campus Journalism Implementer High School and Elementary, maging
ang Outstanding Researcher.
Ayon kay Ernesto Manalo Jr., ang naging susi ng kanilang pagkapanalo ay ang
dedikasyon at pursigidong makikita sa mga school paper advisers at sa mga campus
journalists. Isa na ring dahilan kung bakit nakamit ang titulo ay dahil sa iba’t ibang
proyekto na kanilang isinasagawa.
Hindi lang tinutukoy dito ang mismong paaralan kundi pati na rin sa ibang paaralan –
mayroong mga trainings ang mga mag-aaral na pangunguhan ng mga staffs ng BNHS.
Makabubuti para sa nakararami na hindi lang sarili ang pinagyayabong. Mainam pa rin
na ang mga kaalamang natututunan ay naibabahagi sa kapwa gaya na lamang ng
programang ‘Kaalaman ko, ibabahagi ko.’