You are on page 1of 2

Christia Tangin

Totoo ba ang Diwata?

Hindi makapaniwala nang nakita na ang pinakamakinang na tala. Kapag minamasdan ka,
parang ako’y nagmamalikmata. Noon, pangarap ka lang na inaasam na maabot. Sa bawat taong
lumilipas, ginagawa ko ang lahat upang maisakatuparan ang aking hiling. Minsan, nalulungkot ako
sapagkat natutupad na ang mga pangarap ng iba.

Ngunit nagwakas ang lahat noong 2016. Ito ang araw na naghuhudyat ng pagbabago sa agham
at teknolohiya ng Pilipinas. Totoo talaga ang sinabi ni Pangulong Duterte na “Change is Coming”.
pinakawalan sa kalawakan ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong Pilipinas upang
magbigay pag-asa sa sangkatauhan-ang diwata.

Ang PHL-Microsat-1 o mas kilala bilang Diwata-1 ay ang unang micro-satellite ng Pilipinas na
magtagumpay na pinakawalan sa orbit mula sa Japanese Experiment Module Kibo ng
International Space Station noong Abril 27, 2016.

Sa likod bawat tagumpay, may mga kamay na nagtatrabaho, mga utak na nag-iisip at mga
pusong matatag. Pinuntahan lahat ng sulok ng Pilipinas upang mahanap lang pinakamagaling.
Siyam na pilipinong inhenyero mula sa DOST-Advanced Science and Technology Institute (ASTI)
at sa University of the Philippines ang napili. Ang mga x-men ng pilipinas kung baga. Suot ang mga
mapuputing lab gown, sila ay binagsagang Magnificent 9. Sa tulong din ng mga inhenyero at
dalubhasa sa agham mula sa Tohoku University at Hokkaido University, naging matagumpay ang
proyekto.
Ang tao ay may limang pandama na ginagamit upang mapag-aralan ang kapaligiran. Kagaya
natin, ang Diwata-1 ay may tatlong parte na importante upang mapag-aralan ang mundong ating
ginagalawan. Ito ay may high precision telescope na merong ground sample distance (GSD) ng
tatlong metro hangang 400 kilometro. Ginagamit ito upang malaman at mabantayan ang mga sira
na dulot ng mga kalamidad tulad ng mga bagyo.

Ang Space-borne Multispectral Imager with Liquid Crystal Tunable Filter ay may GSD ng 80
metro hanggang 400 kilometro. Nagsisilbing ito panukat na instrumento kung saan sinusukat nito
ang bilang ng phytoplankton biomass sa mga anyong tubig sa Pilipinas.

Ang Wide Field Camera (WFC) ay nagbibigay ng mga larawan sa kalagayan ng Pilipinas lalo na
kung may namumuong bagyo. Ito ay may GSD na 7 kilometro at isang panchromatic CCD na may
field view na 1800 × 1340. Ito ay nakakuha ng 3,600 larawan araw-araw. Pagkatapos, ang mga
larawan ay ipapadala sa ‘Ground Station’ sa Subic na may taglay na bilis ng mahigit 2.4 mbps.

Kung ating titignan, ang Diwata- 1 ay isang lamang simpleng kahon. Ngunit ito ang
nagsisilbing susi upang mabuksan natin ang mga pinto tungo sa kaunlaran. Isang malaking
hakbang para sa Pilipinas. Ang pinakamaliwanag na tala na nagbibigay sa atin ng pag-asa: ating
ilaw, ating gabay, ating diwata.

You might also like