You are on page 1of 4

IKAANIM NA BAITANG

PAGTITIKLOP – ( ORIGAMI )

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang


maipakikita ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng
pagtiklop (origami) tulad ng: bulaklak at papel na hayup.

ALAMIN
ALAMINMO
MO

Ang pagtitiklop ay isang likhang sining na may tatluhang


dimension. Maaaring gumamit ng papel, tela o dahon.
Paglinggo ng palaspas, naggagandahang mga palamuti ang
nakabitin sa palaspas gaya ng espada, ibon o puso.
Ang mga Hapon ay kilala sa kanilang galing sa pagtiklop
Ng papel (origami). Ang pagtiklop ng mga laruang papel ay
pampalipas oras ng mga batang Hapon at ito ay napaka
gandang paraan upang patalasin ang kanilang isipan.
M asdan ang larawan ibaba. Ito ay isang halimbawa ng
Pagtitiklop.

PAGSANAYAN MO

1
Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan.

Papel
Tela
Dahon
Gunting
Pandikit at iba pa

TANDAAN MO

Ang pagtitiklop ay isang likhang sining na may tatlong


dimension, maaaring gumamit ng papel, tela o dahon.

SUBUKAN MO 2
Handa ka na bang gawin ang likhang sining na ito?
Halebang sa pagsasagawa bulaklak na papel:
1.Gumuhit ng biluhaba na may sukat na 28cm sa makapal na
Papel. Gupitin at itiklop na pahugis-apa ng sorbets at idikit
Ang magkabilang-dulo.
2.Para sa rosas: Gumupit ng 10cm, sa crepe paper,tupiin sa
Gitna, at idikit ang dulo nito.
3.Para sa hawakan; Gumupit ng papel 28cm. x 115cm. at idikit
sa ng bibig ng apa.
4.Paikutin ang crepe paper na may pleats sa dulo hanggang
Makabuo ng 14 na rosas.
5.Idikit ang rosas sa dakong bibig ng apa atlagyan ng dahon.

PAGTATAYA

Sagutin ng Oo o Hindi

_________1.Pinalawak ko ba ang aking imahinasyon sa


Paggawa?
_________2.Nasiyahan ba ako sa likhang sining?
_________3.Natapos ko ba ang likhang-sining sa takdang
oras?
_________4.Nagawa ko ba nang maayos ang likhang sining?
_________5.Naibigay ko ba ang aking husay sa pagtitiklop?

3
Binabati kita sa pagpapakitamo ng iyong kaalaman sa
paggawa ng origami. Ipagpatuloy mo ang maagandang
gawi.

You might also like