You are on page 1of 5

IMBENSYON

Baliclic, Rhyysel Roccini S.


BSN 1204
Litr 101 - Sosyedad at Literatura
Sa isang maunlad na siyudad sa bansang Amerika, nakainbento ang mga
imbentor at mga siyentipiko ng isang teknolohiya kung saan ang mga
panaginip ng mga bata ay nagiging katotohanan. Sa pamamagitan nito
ay maaari silang makapag dala ng kahit anong bagay sa kanilang
panaginip at dalhin ito sa tunay sa buhay. Ang imbensyong ito ay tinawag
na “The Dream”. Ang mga bata na maaaring sumailalim sa teknolohiyang
ito ay pili lamang sa mga kilalang paaralan sa bansa. Bukod duon, ang
mga batang ito ay pawang anak ng mga kilala, mayayaman, at mga
makapangyarihang personalidad sa buong mundo. Ngunit sa hindi
inaasahang pangyayari, ang imbensyong “The Dream” iyo ay naging sanhi
isang kapahamakan na haharapin ng mga tao, hindi lamang sa bansang
iyon, pati na rin sa buong sangkatauhan.

Taong 3108 ng maimbento ng mag asawang Elbert Franklin at Jessica


Franklin ang imbensyong “The Dream” kung saan ang panaginip ng
kanilang anak, na si Elaine, ay nagiging isang katotohanan. Ibig sabihin
nito, ang kanilang anak ang naging test subject nila sa kanilang
eksperimento. Sa mga unang pagsubok nila para sa The Dream, hindi
naging matagumpay ang kanilang pagsusuri sapagkat walang nangyari sa
portal ng sumailalim si Elaine sa machine. Sa mga sumunod na buwan ay
walang pagod na inayos ng mag asawang Franklin ang kanilang
imbensyon, ginawa nila ang lahat upang mapabuti ang resulta ng The
Dream. Matapos ang dalwang taong paghihintay at paggugol sa
imbensyon, matagumpay na naging reyalidad ang panaginip ng kanilang
anak, na ngayon ay apat na taong gulang na. Sa isang portal kung saan
makikita at mapupuntahan ang mga panaginip, naroon ang panaginip ng
kanilang anak kung saan ang lugar ay hindi kapanipaniwala. Naroon ang
isang kaharian kung saan ang mga kabahayan at ang kastilyo ay gawa sa
matatamis na pagkain. Lahat ng bagay ay halos gawa sa pagkain, pati na
rin ang mga halaman, hayop, at ang tubig na gawa sa tskolate na gatas.
Talagang kamangha-mangha ang pangyayaring ito at mistulang mayroong
ibang dimensyon sa kabila ng portal na iyon. Nang lumaon ay
ipinagpatuloy ang pagpapabuti sa imbensyon na ito bago pa man ito
ilabas sa publiko.
Ilang mga pagsusubok at mga tests pa ang ginawa upang masigurado na
ito ay ligtas para sa mga bata. Ilang buwan bago ito ilabas at ipakita sa
isang tanyag na unibersidad ay nagkaroon ng problema ang imbensyon.
Habang isinisasagawa ang trial sa ibang bata ay nagkaroon ng bangungot
ang isa sa mga bata kung saan ito ay hinahabol ng isang hindi
maipaliwanag na nilalang. Dahil sa kaganapan na ito, maaaring hindi
lumabas ang The Dream at pwede ring masayang ang ilang taon nilang
iginugol para dito. Isa pa, kapag ang isang bata ay nagkaroon ng
bangungot, maaaring makalabas sa portal ang kahit ano mang masama
na gumagambala sa panaginip ng mga bata. Ito ay maaaring magresulta
sa suliranin na maaaring ikapahamak ng maraming tao.

Para masolusyonan ang problemang ito ay gumawa ng chip ang mag


asawa upang malagyan ng tinatawag na barrier o pangsangga sa portal
at sa mundong ito. Ngunit ang chip na ito ay may hangganan lamang at
kinakailangang malimit na mapalitan. Kung kaya’t kinakailangan ng
maraming reserba ng chip na ito. Nang lumaon ay isinapubliko na rin ang
The Dream at ito ay tuluyan nangang ipinagamit sa piling mga bata. Ang
mga tao ay nakakita ng iba’t ibang pangyayari sa mga panaginip ng mga
bata. Kabilang na dito ang mga mahiwagang hayop katulad ng mga
mababait na dragon, pati na rin ang mga unicorn. May ilan naman na
mistulang nasa isang video game kung saan sila ang main character at
kinakailangan nila malampasan ang iba’t ibang challenges upang manalo.
Hindi kahalintulad sa tunay na buhay, sa kanilang panaginip ay maaari pa
silang mabuhay muli kahit na hindi sila nagtagumpay sa isang partikular na
lebel sa larong iyon. Gayunpaman, ay hindi maiiwasan na magkaroon ng
bangungot ang mga bata. Mayrooong mga bangungot na hindi
nakakapahamak sa iba. Halimabawa na rito ay ang pagkalagas ng ngipin,
pati na rin ang kawalan ng saplot sa isang publikong lugar.
Isang araw, may mga magulang na nais ipasubok sa kanilang anak ang
The Dream sapagkat ang kanilang anak ay likas na matalino at talentado.
Ngunit ito ay madalas magkaroon ng masasamang panaginip at kahit
anong therapy pa ang pagdaan nito ay hindi ito nakikipag ugnayan sa
mga doktor. Ang pamilya Stanford ay isa sa mga maimpluwansyang tao sa
mundo sapagkat sila ang nagmamay-ari kumpanyang The Panel of the
Future. Isang manufacturer at supplier ng pinakamakabagong solar panel
na kung saan kaya nitong gumawa ng malakas enerhiya sa loob ng isang
araw, na maaaring umabot ng ilang linggo. Samantala, siinabihan ng
mag-asawang Franklin ang mga Stanford na maaaring maging delikado
ang proseso sapagkat ang kanilang anak na si George ay lagi
binabangungot. Hindi nagpatinag ang mga Stanford at sila ay handang
gumastos para lamang malaman kung ano ang problema sa panaginip ng
kanilang anak. Sa unang paggamit ng The Dream ay makikitang may
masamang nilalang ang gustong kumuha kay George. Ang nilalang ay
isang malaking halimaw na mayroong matataalim na pangil, pero salamat
sa chip na ginawa ng mga Franklin ay hindi maaaring makalabas ang
nilalang sa portal at sa gayun ay hindi ito makakasakit ng ibang tao.

Nang lumipas ang ilang session ay nagkaroon ng hindi inaasahang


pangyayari na makakapagpabago sa buhay ng nakararami. Sa ika-6 na
session ni George ay nagkaroon ito ng bangungot kung saan mayroong
space rock ang mabilis na naglalakbay patungo sa planetang Earth.
Bagaman mayroong chip ang portal, ito pa rin ay mahirap mapigilan
sapagkat ito ay nasa kalawakan at walang kakayahan ang mga tao na
mapigilan ito. Isa pa, hindi na magising si George dahil tila ay sobrang
lalim ng tulog nito, isang phenomena na tinatawag na hypersleep. Sa
sunod na ilang oras ay maaaring tumama ang napakalaking space rock sa
mundo pero sabi ng ilang eksperto ay mayroong maliit na posibilidad na
ito ay dumaan lamang ng napakalapit sa mundo.
Lingid sa kanilang kaalaman na ito ay may kahihinatnan pa rin. Sa loob ng
ilang oras ay nagkakagulo na ang mga tao at nagdarasal na sana’y hindi
tuluyang tumama ang space rock sa planeta. Gayunpaman, wala pa ring
malay si George sa isang pasilidad at patuloy nilang minomonitor ang
kalagayan nito pati na rin ang panaganip nito ukol sa space rock.
Matapos ang ilang oras, halos mahagip na nga ng space rock ang
planeta. Sa kasamaang palad ay may debris na tumama sa planeta at
nawala sa orbit ng solar system ang Earth dahil sa lakas ng pagtama ng
debris na ito. Ito ay nagresulta sa paglisan ng planetang Earth sa solar
system kung saan ito ay naglalakbay papalayo sa araw. Dito na nagsimula
ang pagbaba ng temperatura sa buong mundo. Nagsimula na mamatay
ang mga halaman sa kawalan sikat ng araw. Makalipas ang ilang buwan
ay unti-unti na ring namatay ang mga hayop at tumigas na rin ang mga
karagatan sa sobrang lamig ng klima. Sa sumunod na mga buwan ay
malayo na nga ang nalakbay ng planeta sa kalawakan. Tila isang malaking
yelo ang planet na gumagala sa malamig at madilim na kalawakan at sa
puntong ito wala na rin ang mga tao na dati ay namumuhay sa planetang
Earth. Ang dating pangarap ng mga tao ay nabura na sa mundo dahil sa
isang imbensyong tinatawag na The Dream.

You might also like