You are on page 1of 5

Charlotte

Isinulat ni Jeng Prixx Seno

Ang bansang Japan ay may Japan Self-Defense Forces (JSDF), na binubuo ng Ground Self-Defense
Force, Maritime Self-Defense Force, at Air Self-Defense Force. Ang JSDF o mas kilala sa tawag na Japan
Self-Defense Forces ay nilagyan ng moderno at advanced na armas at aktibong nakikilahok sa iba't
ibang humanitarian at peacekeeping operations sa buong mundo. Ang Japan ay mayroon ding isang
malakas na alyansa sa pagtatanggol sa Estados Unidos, na higit pang nagpapahusay sa mga kakayahan
nitong militar patunay na ang bansang Japan ay may malakas na puwersang militar. Kaya naman
bihira lang itong kuntrahin at labanan ng ibang bansa.

Malaki rin ang kontribusyon ng mga siyentipiko sa pagpapalakas ng mga armas pandigma subalit sa
paglipas ng panahon nadiskubre ng mga siyentipiko ang mga ilang kabataan na nagtataglay ng mga
di-kapanipaniwalang kapangyarihan kaya naman bumuo sila ng organisasyon para gagawa ng
eksperimento. Palihim nilang dinadakip at hinuhuli ang mga kabataang may taglay nito at gawing
sundalo upang mapakinabang ito sa digmaan. Kaya naman iniiwasan ng mga kabataang may
kapangyarihan na maisapubliko ito ngunit habang tumatagal mas maraming kabataan ang nahuhuli
ng mga siyentipiko. Sa laboratoryo ng mga siyentipiko walang tigil ang paggawa ng experimento sa
katawan ng mga kabataan,kawangis sa mga hayop ang trato sa kanila ng mga siyentipiko at
masasabing kahit ang paggalaw ng daliri ay imposibleng magawa dahil sa higpit ng siguridad sa
laboratoryo.

Maraming kabataang kinilala ang lugar na ito bilang Impyerno at kailan man hindi nila ginusto ang
magkaruon ng kapangyarihan. Sa mga dahilang ito maraming kabataan sa laboratoryo ang bumigay at
hindi kinaya ang pangaaping ito. Sinasabing dalawa lang ang patutunguhan mo kung napunta sa
lugar na ito, ang matrauma o bumigay at mamatay. Isang araw may binatang nagngangalang Alex ang
nabiyayaan ng napakagandang kapangyarihang makapaglakbay sa panahon. Siya ay may busilak na
puso at para sa kanya ito ang pinakamalakas na sandata.

Hindi nagtagal nalaman niya ang madilim niyang sasapitin kung malalaman ng mga siyentipiko na
nagtataglay siya ng kapangyarihan at huhulihin ngunit hindi man lang siya nasindak sa mga salitang
ito at buong tapang na sinabi ang mga katagang " Ipaglaban natin ang ating kalayaan at ililigtas natin
sila". Malaki ang naging parti ng mga siyentipiko sa pagpapaunlad ng mga armas pandigma ngunit sa
likod ng lahat ng ito may madilim itong itinatago sa publiko na mapapatawad. Hindi nila
pinagtuonang pansin ang maaring epekto nito sa mga kabataan at mas pinahahalagahan kung paano
mas mapalakas pa ang puwersang militar sa kanilang bansa. Ito ang mapait na katotohanan sa likod ng
kanilang mayamang bansa.

Sa mga sumunod na araw bumuo si Alex ng organisasyon, Ang bawat miyembro ay nagtataglay ng
iba't ibang kapangyarihan. Sa makatwid ninanais ni Alex na magkaroon ng kalayaan ang lahat na
kabataang nagtataglay ng kapangyarihan. Mahigit dalawang buwan nilang plinanohan ang pagsalakay
sa laboratoryo ngunit hindi nila magawang mangalahati man lang sa inaasahang pagkapanalo ito ay
nangangahulugang mababa pa sa limang pung porsyento ang tsansa nilang manalo pero dahil sa
kapangyarihan ni Alex maglakbay ginagamit niya ito ng paulit-ulit upang makatakas, ngunit habang
padalas ang paggamit niya ng kapangyarihan unti-unti niyang nalalaman ang kahinaan nito habang
padalas ang paggamit niya nito unti-unti ring mawawala Ang kanyang paningin. Sa huling
pagkakataon sinubukan ulit nilang salakayin ang laboratoryo ngunit hindi talaga humampi ang swerte
sa kanila at sa kasamaang palad sila ay nadakip. Takang-taka si Alex sa mga naging resulta dahil kahit
ilang ulit nila ito gagawin bigo pa rin silang mailigtas ang mga kasamahan nito. Maya-maya pa nakita
niya ang ssa sa kasamahan niyang inaaklang nakatakas ngunit ito pala ay ispiya ng mga siyentipiko na
ito naman ay ikinagalit ni Alex. Dahil sa pagka dismaya ni Alex tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.

Nagbilin ng mga salita ang tradyor ito ang mga katagang "gumising ka sa realidad! Walang anumang
bagay na napupunta gaya ng pinlano sa isinumpang mundong ito. Habang nabubuhay ka, mas
napagtanto mo na ang tanging mga bagay na tunay na umiiral sa katotohanang ito ay pasakit,
pagdurusa at kawalang-saysay. Makinig, kahit saan ka tumingin sa mundong ito, kung saan may
liwanag, palaging may mga anino na makikita rin. Hangga't may konsepto ng mga nanalo, iiral din
ang mga natalo. Ang makasariling hangarin na gustong mapanatili ang kapayapaan, nagpasimula ng
digmaan at ang poot ay ipinanganak upang protektahan ang pag-ibig. May mga ugnayang sanhi ng
relasyon na hindi maaaring paghiwalayin". Sabay umalis na parang walang nangyari.

Ito Ang kwento kung saan ang isang kometa na pinangalanang 'Charlotte' ay dumadaan sa Planeta
natin isang beses bawat 75 taon. Habang nangyayari ito, ikinakalat ng kometa ang alikabok nito sa
atmospera ng planeta, at ang mga bagong nagbibinata na nakalanghap ng alikabok na ito ay
nakakakuha ng mga higlikas na kakayahan. Kabilang ang binatang nagngangalang Yuu na nagkaruon
ng abilidad. May abilidad si Yuu na kayang papasok sa ibang katawan ng mga tao ng limang segundo,
habang siya ay pumapasok sa ibang katawan hindi niya ma kukuntrol Ang kanyang katawan at
madalas niyang nasasaktan ito. Maaari lang siyang lumipat sa ibang katawan kung tititigan sa mata
ang target,kaya hindi niya ito magagamit sa mga mahalay na bagay.

Sa klase naman ginagamit niya ang kanyang abilidad sa pangungupya sa paraang papasok sa katawan
ng mga kaklasing matatalino at kabisaduhin ang mga sagot at isulat sa kanyang papel. Sa mga
pagsusulit sa pasukan naman kinikilala niya muna ang mga mag-aaral na matatalino at uulitan lamang
ang karaniwang pagpasok sa ibang katawan, sa mga pagsusulit ginagawa niya ito upang maka- pasok
sa mga magagandang paaralan.

Sa paaralang Hoshinoumi Academy napiling pumasok ni Yuu dahil sa mga resulta ng kanyang
pandaraya hindi na nakakapagtaka na siya ay ang nangunguna sa kanilang klase. Dahil sa mga
kanyang mga naabot gamit ang kanyang abilidad lumaki ang ulo ni Yuu at naging mayabang, madalas
pinupuri niya ng husto ang kaniyang sarili. Hindi nagtagal naging sikat na din si Yuu sa kanilang
campus at sa mga kababaihan. Marami na ring mga kababaihan na umamin ni Yuu ngunit sa taas ng
tingin sa sarili binaliwala niya ito at sinabi ang mga katagang "Upang mapanatiling mataas ang aking
mga marka wala akong panahon sa inyo dahil kinakailangan kong mag-aral sa ugma at Gabi " sabay
bulang sa sarili na"Nagsisinungaling lang ako hindi Ako nag-aaral".
Kinabukasan Ipinatawag si Yuu sa student council sa kanilang paaralan. Pagdating sa opisina ng
student council ni Yuu bigla siyang kinausap ng President council na si Tomori na ulitin sagutan ang
pagsusulit ni Yuu,sumagot pabalik si Yuu na wala itong kwenta at aalis na siya.Ngunit sinabihan si
Yuu na kapag aalis sya ay awtomatiko siyang mapapaalis sa paaralan walang nagawa si Yuu kundi
sumunod nalang sa nila , sinubukan ni Yuu gamitin ang kanyang abilidad at papasok sa katawan ng
nagbabantay sa pagsusulit dahil pag-aakala niyang ang hinawakang papel nito ay naglalaman ng sagot
ngunit pagpasok niya sa katawan ng bantay blanko lang ang papel agad siyang bumalik sa kanyang
katawan ngunit nakuhanan ito ng video ng ni Tomori habang ginagamit ni Yuu ang kanyang abilidad.
Ipinakita ni Tomori ang video ni Yuu at walang siyang imik dito. Nahiya siya sa kanyang mga nagawa
at tumakbo palabas sa kampus.

Tuwang-tuwa si Yuu noong siya ay tumatakbo palayo sa Campos na dahil na walang humabol sa
kanya ngunit laking niyang nasa harapan na pala ang kasama ni Tomori na si Denji, Tinanong ni Yuu
si Denji kung anong abilidad mayroon siya. Si Denji ay may abilidad na makapag teleport sa iba't-
ibang lugar kung gugustuhin niya kalaunan ipinaliwanag ni Denji at Tomori Ang kanilang pakay na
kinakailangan nila Ang tulong ni Yuu na hanapin Ang mga iba pang mga may abilidad binanggit din
nila na kung hindi papayag si Yuu ay may kakayahan silang ipaalis sa paaralan dahil sa mga
pangongopya sa mga pagsusulit walang magawa si Yuu dito kundi sumama nalang.Sa sunod na araw
ipinatawag si Yuu para sa pagpupulong para sa hahanapin nilang mga taong may mga abilidad ngunit
bago ito ipinakilala ni Tomori ang kanyang sarili kay Yuu maging ang kanyang abilidad na may
kakayahanng mawala sa paningin sa mga tao o Invisibility sa Ingles,ganoon din ang kanilang isang
miyembro na si Hito na may abilidad malaman kung saang lokasyon mahahanap ang mga taong may
abilidad. Pagkalipas ng ilang buwan marami ng nakakaharap na mga taong may iba't ibang abilidad
sina Yuu. Ang unang nakaharap nila ay may kapangyarihan makalipad dahil sa napakaingat nitong
kumilos inabot sina Yuu ng dalawang buwan mahanap ito.

Ang pangalawa nilang nakaharap ay may kapangyarihan na kayang bumasa ng isipan. Ang sumunod
naman ay kapangyarihang kayang pagalawin ang bagay-bagay at iba pa .Pinipigilan nila ito na
maabuso ang pagamit nito at pinipigilan ang paggamit nito upang maiwsan maisapubliko para sa
kanilang kaligtasan. Dalawa lang ngunit masayang namumuhay sina Yuu kasama ang kanyang
babaeng bunsong kapataid na nagngangalang Hina. Si Hina ay isang mapagmahal na bunso at dating
nangunguna tin sa skwela subalit napapansin ni Yuu na madalas hindi na ito pumapasok sa hindi
malamang dahilan.Isang araw hindi isinali si Yuu para sa gagawing paghahanap ng mga taong may
abilidad at ito ay nagbunga na lubos na ikinapagtaka ni Yuu at nagresulta ito ng pagkamausisa ni Yuu.
Nagpanggap nalang si Yuu na uuwi sa kanila ngunit kalaunan sinudan niya ang kanyang mga kasama
ng hindi nila alam.

Napagtanto at takang-taka si Yuu habang sumusunod siya ng palihim napag-alaman ni Yuu na


tutungo sa paaralang pinapasukang paaralan ni Hina at inunahan ni Yuu sila. Agad na hinanap ni Yuu
si Hina sa nasabing paaralan kung saan-saan. Sinuri ni Yuu ang lumang gusaling malapit sa paaralan
at natagpuan ni Yuu si Hina na binubully ng mga ibang kababaihan. Napag-alaman ni Yuu na kaya
pala hindi siya isinali sa misyon dahil si Hina ang tinutukoy nila na may taglay na delikadong
kapangyarihan ito ay ang pagwasak. Sa panahong nadatnan ni Yuu si Hina ay huli na ang lahat dahil
sa mga babaeng nambully hindi na nakontrol ni Hina ang kanyang galit at gumuho ang gusali.
Sa kasamaang palad hindi niya naligtas si Hina dahil sa pagkamatay ni Hina nawalan si Yuu ng pag-
asa na mabuhay at naging misarable. Siya ay hindi na pumapasok at lagi nalang nagkukulong sa
kuwarto ng ilang buwan hindi naging madali sa kanya ang paglimot sa mga nangyari . Ngunit sa gitna
ng kanyang problemang kinakaharap, si Tomori ay laging nandyan para Kay Yuu.Gamit ang kanyang
abilidad lagi siyang nasa ni Yuu kahit anumang mangyari nang hindi namalayan at nakikita. Si Tomori
ay nakiramay at minulat si Yuu na maging positibo.Tinulungan siya ni Tomori na matanggap ang
pagpanaw ni Hina dahil sa kabutihang ipinakita ni Tomori nahulog ang loob ni Yuu sa kanya.

Ilang araw ang nakalipas pag-uwi ni Yuu galing sa paaralan gulat na gulat siya dahil pagpasok niya sa
kanyang tinutuluyang bahay may isang taong yumakap bigla sa kanya at tila pamilyar ito sa
kanya .Ipinakilala niya ang kanyang sarili ito pala ang nakakatandang kapatid na si Alex at kwenento
ang kanyang karanasan sa laboratoryo kasama rin sa nabanggit ni Alex ang matagumpay na pagwasak
nila sa laboratorya na naging dahilan ng kanilang pagtakas at kwenento rin ni Alex ang tungkol sa
pagbura niya sa alala ni Yuu bago siya madakip at paglayo niya sa kanila, ginawa niya ito upang
magkaroon sila ng tahimik na pamumuhay at malayo sa kapahamakan. Sa gitna ng pagkwekwento ni
Alex bigla syang napatanong kung saan si Hina ang bunso nilang kapatid. Nang nalaman ni Alex ang
mga nangyari, siya ay nalungkot.Ibinanggit ni Alex na nakakalakbay siya sa nakaraan kaya naman
ibinalik ni Alex ang nakaraan at iniligtas si Hina. Gayon paman hindi pa ito ang pagtatapos ng
kanilang probelma, sa mga sumusunod na araw may mga taong inutusan ng mga natitirang
masasamang mga siyentepeko na hulihin sina Alex ngunit agad naman nila itong nalaman. Brutal ang
naging paglaban nina Yuu at Alex sa mga inutusanng masasamang siyentepeko at tinalo ito subalit si
Yuu ay nagtamo ng maraming sugat at isinugod sa ospital. Noong nagkamalay na si Yuu nalaman niya
na may kakayahan siyang manakaw ang kapangyarihan ng iba siya ay nakapagdisisyon nakawin
nalang at burahin ang mga kapangyarihan sa mga taong natitira sa iba't-ibang sulok ng mundo para
maging normal at mapayapa ang kanilang mga buhay. Si Tomori ang unang nag boluntaryo sabay
sabing "mag-iingat ka" at sumunod na ang mga kaibigan at mga kakilala maging ang mga kapamilya
ni Yuu na nagpabura ng mga kapangyarihan.

Bago simulan ni Yuu ang kanyang paglalakbay binigyan ni Tomori si Yuu ng isang bagay bilang
pagpapasalamat ni Tomori sa kanya na maging parti sa kanyang binuong grupo hindi lang iyon sinabi
ni Yuu ang totoong nararamdaman niya kay Tomori at sabay sabing " pwede ba kitang ligawan kung
makakabalik ako ng ligtas?" ngunit hindi umimik si Tomori katanungan ni Yuu na tila ba pilit niyang
tiantago ang kilig na nararamdam. Hindi naging madali ang paglalakbay ni Yuu, maihahambing ito sa
pagdaan sa butas ng karayum dahil habang dumadami ang nananakaw niyang abilidad ang kapalit
nito ay ang pagkawala ng kanyang alaala at hindi madaling makuntrol ang kinikilos ngunit dahil sa
dala-dalang pampaswerte na bigay ni Tomori sa kanya naaalala niya si Tomori at ang kanyang
pagkatao.

Hinang-hina na si Yuu at muntik na siyang mahimatay noong papunta na sya sa huling taong
nanakawang kapangyarihan subalit may mga gustong pumatay sa kanya at sinamantala ang
pagkakataong sugurin Siya at patayin ngunit dahil sa subrang daming kapangyarihan na taglay ni Yuu
walang kahirap hirap niya itong natalo .

Patuloy siyang naglalakad papunta sa kanyang pakay at tila ba nawawalan na ng pag-asa at biglang
hinimatay ng ilang minuto ngunit paggising niya laking gulat niya na iniligtas siya ng binatang may
kapangyarihan at bumulong sa kanyang isipan na "bakit? bakit ang huling kukunan ko ng
kapangyarihan ay subrang bait sa akin?". Lubos na nagpapasalamat si Yuu sa kabutihang pagtulong sa
kanya at ipinaliwanag ang kanyang kapay .Hindi tutol ang tumutulong sa kanya kaya naman sa huli
walang kahirap-hirap niya itong nakuh. Naging matagumpay si Yuu sa kanyang misyon at naka-uwi
ng ligtas.

Sa naging paglalakbay at pagsubok na dinaanan ni Yuu napagtanto natin minsan sa buhay marami sa
atin ang inaakalang hindi natin kayang gawin ang isang bagay lalong-lalo na mga mabibigat na mga
responsibilidad ngunit malinaw na sa atin na ang tanging pumipigil sa atin gawin ang isang bagay ang
ating mismong isipan lamang. Sana ito ang nagsilbing aral sa ating lahat .

You might also like