QUARTER 2 WEEK 3 DAY 2 Ano ang mga pinapanood niyo tuwing umaga, tanghali o gabi?
May mga magagandang asal ba na
inyong nakukuha dito? 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa pelikuha o kuwento? 2. Batay sa pananalita at kinikilos ng mga tauhan sa pelikula, ano ang masasabi ninyo sa kanila? 3. Ano ang inyong naging obserbasyon? 4. Saan naganap ang pelikula o kuwento? Ilarawan. 6. Ngustuhan niyo ba ang ipinamalas ni Sarah? Bakit? 7. Dapat bang taglayin ang ugaling ipinakita ni Sarah? Bakit? Tauhan - Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay. Ang tauhan ay maaaring tao, hayop, halaman o mga bagay. Tao man o hindi ang tauhan, sila ay kailangang magkaroon ng mga katangiang pantao. Ibig sabihin, may kakayahang ipahayag ang niloloob, nakapagdedesisyon, nakakikilos, at may damdamin. Tagpuan - Ito ay tumutukoy sa lugar na ginagalawan ng mga tauhan at pinagganapan ng mga pangyayari sa kuwento Basahin nang malakas at sabay- sabay ang kuwento. Ilarawan ang mga tauhan o tagpuan sa mga sumusunod na teksto. Si Benjamin ay isang batang nasa ikalimang baitang. Natutuwa sa kaniya ang mga guro dahil sa sipag nitong pumasok sa paaralan at tumulong sa kaniyang kaklase upang bumasa.Pagkauwi niya ay tinulungan naman niya ang kaniyang ina sa mga gawaing bahay. Tauhan: Si Benjamin ay isang masipag na bata. Siya rin ay matulungin sa kanyang mga kaklase at guro sa paaralan, maging sa bahay. Tagpuan: Ang kwento ay nangyari sa kanilang silid-aralan at bahay. May kaisa-isang anak si Mang Juan. Ang ngalan ay Kaloy. Ito ay pinag-aral niya ng medisina. Nang matapos si Kaloy sa kaniyang kurso. Nagpasiya siya na sa kanilang maliit na nayon siya manggagamot. Marami man siyang natanggap na alok mula sa malalaking ospital sa lungsod at paanyaya sa Amerika upang magpakadalubhasa roon tinanggihan niya lahat iyon. Alam niyang higit siyang kailangan ng kaniyang mga kanayon, kaya inilaan niya ang kaniyang paglilingkod sa mga mahihirap. Sana maging katulad ni Kaloy ang lahat ng kabataang magtatapos. P inyong gustong tularan dahil sa Sino ang angking pag-uugali mayroon siya? Ano ang tauhan? Paano inilaarawan ang isang tauhan?
Ano ang tagpuan?
Ilarawan P ang tauhan at tagpuan sa kwento. Mahilig si Adrian sa paglalaro ng baseball. Tuwing naglalaro sila ng ng kaniyang kaibigan sa bakuran ng kanilang P paaralan. Isang hapon dala niya ang lahat ng kailangan nila sa paglalaro, kagaya ng gwantes para sa cather, fielder at baseman, pananggalang sa mukha at bat. Nakasukbit sa kaniyang balikat ang mga bolang kanilang gagamitin. Nakalagay ito sa supot na lambat. Masaya siyang P nagtungo sa bakuran ng kanilang paaralan.Maya-maya ay narinig na niya ang sigawan at tunog ng bat kapag tinatamaan ng bola. Takdang Aralin P Magsaliksik tungkol sa iniidolo mong tao. Ilarawan siya.