You are on page 1of 2

Napakagandang pakinggan ng mga taong nagkukuwento o nagsasalaysay ng mga

pangyayaring naganap na kung napagsunod-sunod nila nang maayos at tama ang


mga pangyayari sa kuwento.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

Kayo ba’y may matalas na alaala? Madali nyo bang maalala ang mga
nagdaang pangyayari? Maiaayos mo ba ang mga pangyayari ayon sa wasto
nitong pagkasunod-sunod? Ano-ano ang pwede nating gamitin upang
makatulong sa pag-alala ng mga pangyayari?

GAWAIN 1

Ipaalala sa mga bata ang kuwentong, ‘’ Ang Mahiwagang


Sombrero’’. Ipasalaysay ulit ang kuwento sa kung sinuman ang
makapagsalaysay nito.

PAGSUSURI
Gawain 2

Naalala nyo ba lahat ang mga importanteng pangyayari sa


kuwento? Paano nyo naalala ang wastong pagkasunod-sunod nito? Sa
inyong palagay ano kaya ang makakatulong para maalala ninyo lahat ng
mahahalagang pangyayari, ayon sa wasto nitong pagkasunod-sunod?

ALAM MO BA NA…

Isang batang masayahin, palabiro at mahilig kumain si Kryz. Isang


araw habang papunta ng paaralan, nakita niyang nagtitinda sa bangketa
ang Nanay ng kanyang kaibigan. Ang sarap-sarap ng itinitinda ni Aleng
Sol! Ito kasi ang paborito niya, hilaw na mangga na may kasamang
bagoong. Naglalaway si Kryz habang iniisip niya ang hilaw na manga.
Kinahapunan pag-uwi niya, namataan niyang nagliligpit na si Aleng Sol.
Dali-dali siyang lumapit dito at nagtanong kung may hilaw na mangga pa
bang natira. Laking tuwa niya nang may isang supot pang natira.
Binayaran agad niya ito at kinain habang naglalakad pauwi. Pagdating
ng bahay nawalan na ng ganang kumain ng hapunan si Kryz. At
kinagabihan, biglang sumakit ang kaniyang tiyan. Ayaw sana niyang
sabihin sa kanyang mga magulang dahil alam niyang kasalanan niya, na
kumain siya ng hilaw na manga at hindi pa siya kumain ng hapunan,
ngunit hindi na niya kaya. Namimilipit siya sa sakit na nagsumbong sa
Nanay niya.Pinainom agad siya ng Nanay ng Castoria,ito ay pantunaw sa
kinain niya at pagkatapos ng kalahating oras pinakain siya nito ng
hapunan.

Laking pasasalamat ni Kryz sa kanyang Nanay at humingi siya ng


tawad dahil sa ginawa niya.Pinayuhan naman siya ng kanyang Nanay na
sa susunod hindi na kakain ng hilaw na mangga lalo na kapag hapon o
gabi na. At dapat huwag kalimutang kumain ng hapunan para hindi na
PAGSASANAY
ulit mangyayari ang sinapit niya.
Gawain 3

Ano ang unang pangyayari sa kuwento?


Ano ang pangalawa?
Ano ang huling pangyayari?
Naalala nyo ba lahat ang mga pangyayari sa
kuwento?

PAGSASANAY

Gawain 4

Bigyan ng mga larawan ang bawat pangkat tungkol sa kuwentong


napakinggan. Ipaayos ito sa kanila ayon sa wastong pagkasunod-sunod at
isalaysay muli ang kuwento. Tingnan kung sino sa bawat pangkat ang mas
nakaalala sa tulong ng mga larawan.

PAGLALAPAT

Magpakita ng mga larawan sa bawat grupo. Ang isang bondpaper ay


may apat na larawan.Base sa larawan, isaayos nila ang wastong
pagkasunod-sunod nito. Sa kanilang pangungusap pagamitin sila ng mga
pangalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga hayop at lugar na
ipinapakita.

Papel 1 (batang naglalakad, batang hinahabol ng aso, batang nakakita ng aso,


batang hinihingal na nasa loob na ng paaralan at nasa labas ng bakod ang
aso)

Papel 2 (batang masakit ang tiyan, batang kumakain ng mangga, batang bumibili
ng mangga, batang dinala sa ospital)

Papel 3 (babaeng naglalakad sa daan, babaeng yakap ang isang kuting, babaeng
nakakita ng kuting sa daan, babaeng nagpapakain ng kuting sa bahay)

TANDAAN

Maisasalaysay mo uli ang kuwentong napakinggan o nababasa sa


pamamagitan ng mga larawan.Malaki ang maitutulong nito sa
pagsasalaysay ng kuwento ayon sa wastong pagkasunod-sunod ng mga
mahahalagang pangyayari.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Alam na alam natin ang kuwento ni Cinderella. Sa tulong ng mga


larawan, isalaysay ulit ang wastong pagkasunod-sunod nito sa
pamamagitan ng pagsasaayos sa kung ano ang unang pangyayari,
pangalawa, pangatlo, sumunod, gitna at huling pangyayari.

TAKDANG ARALIN

Gawain 5

Mag-isip ng kuwentong narinig mo noon pa at subukang isalaysay ito


ulit sa iyong kaklase sa pamamagitan ng pagguhit sa mga
mahahalagang pangyayari.

You might also like