You are on page 1of 16

PAGSUNOD-SUNOD NG MGA

PANGYAYARI SA KUWENTO
para sa Learning Strand 1 (Filipino)
Antas Elementarya

1
PAUNANG SALITA

Ang Self Learning Kit na ito ay inihanda para sa mga


mag-aaral upang malinang ang kanilang husay sa
tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga larawan at mga pangungusap.
Ang SLK na ito ay nahahati sa tatlong bahagi.
a. ANO ANG NANGYARI? Sasagutin ang iba’t ibang
gawain na inihanda para malinang ang kanilang mga
kakayahan.
b. ANO ANG DAPAT MALAMAN? Ang bahagi na kung saan
ay ipapaliwanag, tatalakayin at iisa-isahin ang mga
konsepto sa aralin tungkol sa tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga
larawan at mga pangungusap.
c. ANO ANG NATUTUNAN? Ang parte na kung saan ay
malalaman/matutukoy ang kanilang kaalaman sa
aralin tungkol sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan at mga
pangungusap.
Inaasahan na malinang ng mga mag-aaral ang
kanilang kakayahan at maggamit ang mga natutunan
nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

2
MGA LAYUNIN

• Natutukoy ang tamang pagsunod-sunod ng mga pangyayari


sa kuwentong napakinggan o nabasa
• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong
napakinggan o nabasa sa tulong ng mga larawan at
pangungusap
• Napapahalagahan ang tamang pagsunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwentong napakinggan o nabasa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong
napakinggan/nabasa: (a) Sa tulong ng mga larawan (b) Batay sa
pangungusap LS1CS/FIL-PK-PPA-BP/AEMB-1

I. ANO ANG NANGYARI?


A. Hulaan Mo
Panuto: Hulaan mo kung ano ang pamagat ng mga
sumusunod na pabula.

https://lh3.googleusercontent.com/w0ucjqHjqcM9vdtt8GdJ-
CVdg9dnrB1IaRYqBz0ykCRzTPvl1WcdTlgrCtIkgbHPKE9WM7I=s93
3
B. Idugtong Mo
Panuto: Isalaysay muli ang mga pangyayari sa tatlong pabula na
nasa itaas kung ito’y iyong matandaan. Kung hindi mo pa ito
nabasa, gamit ang iyong imahinasyon, bumuo ng pamagat
at ang posibleng sunod-sunod na mga pangyayari base sa
mga larawan. Isulat ito sa iyong kuwaderno o sagutang
papel.

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

MGA SALITANG HUDYAT NG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA


PANGYAYARI

• Kapag ang mga pinagsusunod-sunod ay pangngalan,


gumamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o
ordinal. Ang mga bilang na ito ay makapagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayop, at lugar.

Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna

• Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng


pagsasagawa ng isang bagay tulad ng pagluluto,
paglalaba, pagkukumpuni ng sasakyan, o paggawa ng iba’t
ibang bagay (tekstong prosidyural) makatutulong ang mga
sumusunod:
➢ Ginagamitan ng mga salitang una, kasunod, panghuli,
atbp.
➢ Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-uring
pamilang o ang salitang step + pang-uring pamilang
• Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon
nng dalawang yunit sa pangungusap. Ito rin ay may layuning
pagsunod-sunurin ang mga pangyayari tulad ng mga
sumusunod: pagkatapos, bago, habang, kapag, kaya, kung
kaya, atbp.

4
GAWAIN 1: LUGAW NI MAYA!
Panuto: Tulungan si Maya na makapagluto ng lugaw sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga hakbang sa
pagluluto ng lugaw. Lagyan ng bilang 1 – 6 ang mga
patlang. Gawin ito sa kuwaderno o sagutang papel.

_____ At sa huli, kapag ihahain na ay maaaring timplahan ito ng


pamintang durog o lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at
kalamansi
_____ Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo sa lugaw ang itinabing
pinagpakuluan ng manok. Lakasan ang apoy upang kumulong
muli.
_____ Matapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang
pinagpira-pirasong manok at sibuyas saka timplahan ng patis ayon
sa panlasa.
_____ Hayaang kumulo ng may 45 minuto sa katamtaman
hanggang mahinang apoy upang lumambot ang bigas. Halo-
haluin nang madalas upang hindi dumikit ang kanin sa ilalim ng
kaldero.
_____ Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa kumukulong
tubig at saka haluin.
_____ Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking
kaldero o kaserola.

GAWAIN 2: NIYEBE, ANG PUSANG PUTI!


Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa ibaba. Lagyan ng
bilang 1-6 ang mga patlang. Gawin ito sa kuwaderno o
sagutang papel.

_____ Nang ako'y pauwi na, habang akong naglalakad patungo


sa sakayan ng dyip, narinig ko ang isang kaawa-awang pusa na
umiiyak.
_____ Umalis ako ng bahay upang samahan ang aking kaibigan na
bumili ng regalo para sa kaarawan ng aking ina.

5
_____ Pagkatapos, tinanggal ko ang tali ng sako at agad kong
nakita ang pusang kay puti ng mga balahibo. Tinawag ko syang
Niyebe.
_____ Simula noon, siya na ang kasa-kasama ko saan man ako
magpunta.
_____ Iniuwi ko sya sa bahay at pinaliguan.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong Si Pagong at si
Matsing.

Si Pagong at si Matsing

Binigyan ni aling Muning ang magkaibigang si Pagong at si


Matsing ng pansit. Ngunit sa katusuhan ni Matsing ay siya lamang
ang kumain nito. Habang namamasyal ay may nakitang
nakatumbang puno ng saging sina Pagong at Matsing.
Pinaghatian nila ang puno, pinili ni Matsing ang bahaging itaas na
may mga dahoon sa pag-aakalang naisahan niya ulet si Pagong.
Umuwing malungkot si Pagong dala ang ibabang bahagi ng puno
na may mga ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi
dala ang madahon na bahagi ng puno. Magkahiwalay na itinanim
at inaruga ng magkaibigan ang kanilang bahagi ng puno.
Makaraan ang ilang lingo ay nalanta ang tanim ni Matsing
samantalang ang kay Pagong, na bahagyang may ugat ay unti-
unting nagkadahon at kalaunan ay namunga. Nag-alok si Matsing
na umakyat sa puno ni Pagong upang anihin ang bunga kapalit
ng kalahati ng ani. Agad na sumang-ayon si Pagong ngunit
pagdating sa itaas ng puno ay inubos ni Matsing ang mga bunga
at nakatulog ito sa sobrang kabusugan. Sa galit ni Pagong ay
nilagyan niya ng mga tinik ang ibabang bahagi ng puno ng saging
at inis na iniwan ang nagmamakaawang si Matsing. Bumuhos ang
malakas na ulan kaya napilitan si Matsing na bumaba sa puno.
“Arrrraayyy! Arrrrruuyyyy!” daing ng tusong si Matsing.
Nang magkita kinabukasan ay agad na binantaan ni Matsing
na tatadtarin niya si Pagong. “Sige! Tatadtarin mo ako ng pinong-
pino at nang ako ay dumami,” sagot ni Pagong. “Susunugin nalang

6
kita hanggang sa magiging abo ka,” sigaw ni Matsing. “Subukan
mo! Hindi tatalab ang apoy sa makapal at matibay kong bahay,”
paghahamon ni Pagong.”Sige, itapon nalang kita sa ilog upang
malunod ka,” sambit ni Matsing. Takot na takot na
nagmamakaawa si Pagong. Natuwa si Matsing na makakaganti
na siya at buong lakas na inihagis si Pagong sa tubig. Laking gulat
niya ng makitang lumalangoy at naglalaro si Pagong sa tubig.
“Naisahan din kita. Hindi mo a alam na gustong-gusto ko ang
tubig?” sigaw niya kay Matsing. “Ngayon ko lang nararamdaman
na masakit pala ang maisahan ni sang kaibigan,” pagninilay ni
Matsing. “Mula ngayon ay magbabago na ako at magiging
mabuti sa kapwa.”
https://kupdf.net/download/ang-pagong-at-ang-
matsing_58be0d11e12e89e545add374_pdf

Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang inyong mga sagot
sa kuwaderno o sagutang papel.
• Sinu-sino ang mga tauhan sa pabula?
• Ano ang nangyari kay Matsing noong kinain niya lahat ng
saging ni Pagong?
• Tama ba ang ginawang paghihiganti ni Pagong?
• Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Pagong, gagawin mo rin
ba ng kaniyang ginawa?
• Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa
pabulang nabasa. Ipaliwanag.

GAWAIN 2
Panuto: Pagsunod-sunurin ang diyalogo ng mga tauhan sa ibaba.
Gayahin ang pormat na kahon at isulat lamang ang inyong
sagot sa kuwaderno o sagutang papel.
1
“Mula ngayon ay magbabago na ako at magiging mabuti sa
kapwa.” 2 “Arrrraayyy! Arrrrruuyyyy!” daing ng tusong si
Matsing 3 ”Sige, itapon nalang kita sa ilog upang malunod
ka,” 4 “Sige! Tatadtarin mo ako ng pinong-pino at nang ako ay
dumami,” 5 “Ngayon ko lang nararamdaman na masakit pala
ang maisahan ng isang kaibigan,” pagninilay ni Matsing.

7
8
GAWAIN 3: I-KWENTO MONG MULI
Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-
Panuto: sunod ng mga pangyayari sa pabula. Gamitin ang bilang 1-7.
Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

GAWAIN 4
Panuto: Basahin at unawain ang seleksiyon sa ibaba.

Amang Pipit… Nanay Pipit

“Twit! Twit!” ang huni ng mga munting inakay nina Amang


Pipit at Nanay Pipit.
“Naku! Nagugutom na ang ating mga inakay,” wika ni
Amang Pipit.
“Oo. Kailangang maghanap tayo ng kanilang pagkain,”
sagot ni Nanay Pipit.

9
“Sandali lamang kami ng inyong nanay. Maghahanap kami
ng inyong pagkain,” wika ni Amang Pipit.
“Twit! Twit!” parang sagot ng mga inakay sa pugad.
Lumipad nang palayo sa pugad ang dalawang ibon. Bakit
umalis sa pugad sina Amang Pipit at Nanay Pipit?
Nakakita si Amang Pipit ng malaking uod sa puno. Tutukain
na sana niya ito nang may naramdaman siyang pumukol sa kanya.
Tinirador pala siya ng isa sa mga batang naglalaro. Tinamaan
si Amang Pipit. Siya ay bumagsak.
Samantala, si Nanay Pipit ay nakakita ng bulate. Tinuka niya
ito at mabilis na lumipad. Nadaanan niya si Amang Pipit na hawak
na sa kamay ng mga bata.
Natakot si Nanay Pipit. Baka siya makita ng mga bata. Mabilis
siyang lumipad.
Bakit natakot si Nanay Pipit?
Ngunit nakita siya ng tumirador kay Amang Pipit. Kumuha ng
malaking bato ang bata. Tinirador niya si Nanay Pipit. Tinamaan at
bumagsak sa lupa si Nanay Pipit. Tuwang-tuwa ang mga bata
habang hawak nila ang dalawang ibon.
Ano ang nangyari kay Nanay Pipit?
“Twit! Twit!” ang parang iyak ng mga inakay sa pugad.
Nagugutom na sila. Ang hindi nila alam, hindi na babalik sa
kanilang pugad sina Amang Pipit at Nanay Pipit.
Mula sa Gintong Diwa, pahina 184–186, ni Liza M. Lemi

Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang inyong mga sagot
sa kuwaderno o sagutang papel.

• Bakit humuhuni ang mga inakay?


• Bakit umalis sina Amang Pipit at Nanay Pipit?
• Ano ang ginawa ng mga bata kay Amang Pipit?
• Ano ang nangyari kay Nanay Pipit?
• Bakit hindi na sila makakabalik sa pugad?
GAWAIN 5
Panuto: Pagsunod-sunorin ang pangyayari sa kuwento sa
pamamagitan ng larawan. Maaaring gumuhit ng larawan sa
pamamagitan ng biswal na presentasyon sa bond paper.
Gawing gabay sa pagguhit ang mga pangungusap sa
ibaba. Lagyan ng 1-5 ang bawat guhit.

10
• Naghanap ng pagkain sina Amang Pipit at Nanay Pipit.
• Tinamaan din ng tirador si Nanay Pipit.
• Pareho silang namatay.
• Nagugutom ang mga inakay.
• Tinirador ng bato si Amang Pipit.

GAWAIN 6
Panuto: Gumawa ng sariling kuwento tungkol sa isang hayop na
kapareho ng nangyari sa “Ang Pipit”. Bumuo ng limang
pangungusap batay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari. Isulat ito sa kuwaderno o sagutang papel.

a. __________________________________
__________________________________
b. __________________________________
__________________________________
c. __________________________________
__________________________________
d. __________________________________
__________________________________
e. __________________________________
__________________________________

11
Mga Sanggunian
Retrieved from www.rexinteractive.com/Filipino-baitang1-
ikatlong-markahan/
Retrieved from https://www.coursehero.com/file/25238497/Mga-
Salitang-Hudyat-sa-Pagkakasunod-sunod-ng-mga-
Pangyayaripptx/
Retrieved from https://kupdf.net/download/ang-pagong-at-ang-
matsing_58be0d11e12e89e545add374_pdf

12
PASASALAMAT

Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Oriental

SENEN PRISCILLO P. PAULIN, CESO V


Tagapamanihala ng Sangay

ADOLF P. AGUILAR
Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay

FAY C. LUAREZ, PhD,EdD, TM


Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay

NILITA L. RAGAY, EdD


Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay

FAY C. LUAREZ, EdD,PhD, TM


OIC - CID Chief / Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay

RACHEL B. PICARDAL, EdD


SGOD Chief

DONRE B. MIRA,EdD
Education Program Supervisor in ESP, ALS

JOY EMILY A. TANIO


Education Program Specialist in ALS
Tagamasid

FRANCIS C. AUSTERO
Education Program Specialist in ALS

KARL CREDO, EdD


Education Program Specialist in ALS

NORLITA NEMENZO, EdD


Education Program Specialist in ALS

ARLENE A. PEPITO
Education Program Specialist in ALS

RAMEL JANN A. ANFONE/RESHEL B. YBARSABAL/FATIMA JESSICA I. DEGUIT


Manunulat at Tagaanyo

JAN NIÑO RAE C. RODRIGUEZ


Tagaguhit

13
SINOPSIS
Ang Self Learning Kit na ito ay tumatalakay sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga larawan at mga pangungusap. Inaasahan na malinang ng
mga mag-aaral ang kanilang kakayahan at maggamit ang mga
natutunan nila sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA

Author: RAMEL JANN A. ANFONE


Nagtapos ng Elementarya sa Mabinay
Central School at Sekundarya sa Mabinay
National High School. Natapos niya ang
kursong Bachelor of Secondary Education
major in Social Science sa Negros Oriental
State University, Dumaguete City. Siya ay
nagtamo ng National Certificate (NCII) sa
Welding at Driving. Kasalukuyang nagturo sa
ALS – Division of Negros Oriental.

Co-author: RESHEL B. YBARSABAL


Nagtapos ng Elementarya sa Mambaid
Elementary School School at Sekondarya sa
Infant King Academy sa Jimalalud, Negros
Oriental. Nagtapos ng Bachelor of
Secondary Education major in English sa
Silliman University, Dumaguete City. Nagturo
sa Infant King Academy (JHS & SHS),
Bangcal High School (SHS) at sa kasalukuyan
ay sa DepEd – ALS Jimalalud District.

14
BATAYAN SA PAGWAWASTO

ANO ANG NANGYARI?

A. Hulaan Mo
1.Si Langgam at Tipaklong
2.Si Baka at Kalabaw
3.Si Pagong at si Matsing
B. Idugtong Mo
*Iba-iba ang mga sagot.

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

GAWAIN 1: LUGAW NI MAYA!


6-4-5-3-2-1
GAWAIN 2: NIYEBE, ANG PUSANG PUTI!
2-1-4-6-5

III. ANO ANG NATUTUNAN?

GAWAIN 1
*Iba-iba ang mga sagot.
Mga posibleng sagot gabay na tanong:
1. Sina Pagong at Matsing
2. Natinik siya sa inilagay na tinik ni Pagong
3. Tama,upang mararanasan din ni Matsing kung paano
maloko.
4. Opo, upang mabigayan ng leksyon si Matsing.
5. Huwag mong gawin sa iba ang mga bagay na ayaw
mong gawin sa iyo. Katulad ng ginawa ni Matsing kay
Pagong. Kung hindi sana miloko ni Matsing si Pagong ay
hindi sana makaisip si Pagong ng panloloko kay Matsing.

15
GAWAIN 2
3-5-4-1-2

GAWAIN 3
1. 3 4. 6 7. 5
2. 1 5. 2
3. 7 6. 4
GAWAIN 4
*Iba-iba ang mga sagot.
GAWAIN 5
2-4-5-1-3
GAWAIN 6
*Iba-iba ang mga sagot.

16

You might also like