You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
FILIPINO
2
Pamagat ng Aralin:
Pagbibigay ng Susunod
Na Mangyayari

Kwarter: 2 MELC No. 4

MELC: Naibibigay ang susunod na mangyayari sa


kuwento batay sa tunay na
pangyayari/pabula/tula/tugma.
(F2PN-Ie-9/F2PN-Iii-9/F2PN-IIIg-9)

Pangalan ng Guro: MARITES S. LANUZA, MT-II


Paaralan: TAGUDIN CENTRAL SCHOOL
Distrito: TAGUDI

Kwarter 2

0
MELC No. 4

Tungkol sa Gabay ng Mag-aaral sa Pagkatuto

Ang Sariling Linangan Kit (SLK) ay isang makabagong


pandagdag na kagamitan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon
na tinatawag na “New Normal”. Ito ay orihinal na ginawa at binago
ng guro para makamit ang pamantayan ng K-12 Kurikulum.
Ang Kagamitan ng Mag-aaral (Learning Kit) na ito ay isinama
ang mga pangkaranasang gawain na makatutulong sa iyo upang
malinang at maipakita dito ang iyong kakayahang maibigay ang
susunod na mangyayari batay sa tunay na
pangyayari/pabula/tula/tugma.

KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang susunod na mangyayari batay sa tunay na
pangyayari.
(F2PN-Ie-9/F2PN-Iii-9/F2PN-IIIg-9)
2. Naipakikita ang pagpapahalaga sa kinabukasan.
3. Maibibigay ang susunod na mangyayari batay sa tunay na
pangyayari/pabula/tula/tugma.
(F2PN-Ie-9/F2PN-Iii-9/F2PN-IIIg-9)

Balik-

Isang mapagpalang araw sa iyo.


Sa nakaraang leksiyon napag-aralan mo ang
pagbibigay ng susunod na mangyayari batay sa
tunay na pangyayari/pabula/tula/tugma.
Tingnan natin kung naalala mo pa ang ating
aralin. 1
Basahin ang panuto at isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Piliin ang sagot
sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong
sagutang papel.

Ang Bagong Tahanan


Masayang pinagmasdan ng magkapatid na Monica at Daryl
ang bago nilang bahay sa barrio. Ibang iba ito sa pinanggalingan
nilang bahay ng kanilang lolo’t lola sa siyudad. Sariwa ang hangin
dito at maluwang ang kanilang bakuran. Maari silang magtanim ng
mga gulay at halamang namumulaklak. Pwede rin silang mag-alaga
ng mga hayop tulad ng manok, kambing at baboy.
Kahit kubo lang ang kanilang tahanan, ang pinakamahalaga
ay kanila na ito. Siguradong magiging masaya ang pamumuhay nila
dito.

Mga Tanong:
1. Bakit masaya ang magkapatid sa bago nilang tahanan?
a. Mas malaki ito kaysa sa dati nilang bahay.
b. Sariwa ang hangin dito at maluwang ang
kanilang bakuran.
c. Malayo ito sa kabihasnan.
2. Kung sariwa ang hangin sa isang lugar, ano ang kahalagahan nito?
a. Wala silang mapapala.
b. Mas masigla sila.
c. Mawawalan sila ng pag-asa
3. Ano ang balak ng magkapatid sa kanilang kapaligiran.
a. Makapagtatanim ng gulay at halamang
namumulaklak.
b. Magpapatayo ng kantina.
c. Maglalaro sa harapan ng bahay.
4. Ano ang maari nilang alagaan sa likod bahay?

2
a. halaman
b. mga hayop tulad ng manok o baboy
c. kalapati
5.Bakit labis ang kanilang kasiyahan sa bago nilang
tahanan?
a. Marami silang kapitbahay
b. Sa kanila na ito.
c. Malayo sila sa kabihasnan.
Narito ako upang
What I Know Maiklin
gabayan ka sa ating
aralin g para sa
ikalawang markahan.
Ating tatalakayin ang
pagbibigay ng
susunod na
mangyayari. Maaaring
unawaing mabuti ang
iyong binabasa. Kung
mayroon kang hindi
maintindihan. Maari
mong balikan ang
iyong binasa.
Panuto. Hulaan ang susunod na mangyayari sa sumusunod na
sitwasyon. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nagsimula nang maglakad ang mga tao nang maging berde ang
ilaw trapiko. May isang matandang mahina na at mabagal
lumakad.
2. Nakita ni Mang Alex ang isang bag na naiwan sa kanyang taxi
noong pumarada na siya. May laman itong pera. Nakakita siya ng
pangalan at tirahan ng may-ari ng bag.
3. Ayaw kumain ng gulay si Charisse. Gustong gusto niyang
kumain ng mga matatamis tulad ng kendi.

Balikan mo ang unang sitwasyon. Ano ang iyong


masasabi sa maaring mangyari sa matanda?
Tama! Ang matanda
3 ay aalalayan ng mga pulis sa
pagtawid.
Ano naman ang susunod na mangyayari sa ikalawang
Ang pagbibigay ng wastong paghihinuha sa maaring
kalabasan o susunod na mangyayari ay maaring gawin ng
sinumang nakikinig, nanonood o bumabasa. Magagawa ito
kung nauunawaan ang nakapaloob sa kilos o gawain sa isang
sitwasyon o pangyayari/ tula/ tugma/ pabula.
Halimbawa:
Mahigpit na ipinapatupad ang ilang panukalang batas
para sa kaligtasan ng nakakarami sa panahon ng sakuna o
trahedya. May ilang mamamayan na hindi sumusunod.
Tanong: Ano ang maaaring mangyari sa mga
hindi sumusunod sa batas.
( Huhulihin ng mga tanod o pulis at pagmumultahin.)

Handa ka na
ba para sa mga 4
pagsasanay?
Basahing
What’s More Pagsasa
nay

GAWAIN 1

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang kuwento at tukuyin kung


ano ang susunod na mangyayari. Isulat ang mga sagot sa iyong
sagutang papel.
Kasiyahan sa Paaralan

Puspos ang pag-aaral sa paaralan


Sinusunod payo ng guro’t kaibigan
Magbasa’t magsulat ginagalingan.
Isang araw sa aking pag-uwi

Kasiyahan ay hindi ko mawari


Sa paaralang aking pinanggalingan
Mataas na marka aking nakamtan
Siguradong katuwaan, para kay nanay at tatay
Tularan sana ninyo, aking kamag-aral.

1. Ano ang ginagawa sa paaralan?


2. Ano naman ang ginagawa ng mag-aaral sa payo ng guro?
3. Ano ang nagging resulta ng pag-aaral ng mabuti?
4. Ang naman ang mararamdaman ng nanay at tatay?
5. Ano ang maaaring gawin ng ibang mag-aaral?

5
GAWAIN 2

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang pabula at hulaan ang


susunod na mangyayari. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang
papel.
Si Tipaklong…. Magbabago Na!

“Hayun, tingnan ninyo si Tipaklong. Pahiga-higa na naman,” sabi ni


Langgam sa kanyang kasama.
“Oo nga. Tila hindi siya nag-aalala na malapit na ang tag-ulan,”
puna ng isa pa.
Naglalaro, nahihiga at nagsasayaw si Tipaklong maghapon kahit
batid niya na darating na ang tag-ulan. Hindi man lang siya nabalisa.
Patuloy pa rin ang paghahakot ng mga langgam ng kanilang
pagkain at inimbak sa kanilang lungga.
“Huwag mo nang hintayin pang pumatak ang ulan. Kumilos ka
na at baka ka magutom sa darating na tag-ulan,” paalala ng mga
langgam.
Tag-ulan na. Wala nang makuhang pagkain si Tipaklong. Ginaw
na ginaw na siya at gutom na gutom pa. Naalala niya ang paghahakot
ng pagkain ng nga kaibigang langgam. Tinungo niya ito at
nagmakaawang bigyan siya ng kahit kaunting pagkain.
“ O, heto ang kaunting pagkain. Pero, huli na iyan. Mahaba pa
ang tag-ulan. Baka kami naman ang kapusin,” wika ni Langgam.
Malungkot na umuwi si Tipaklong. Alam niyang nagkamali
siya.
“ Tama sila. Hindi ko dapat sinayang ang oras sa paghiga at
paglalaro. Nagsisisi na ako. Magbabago na ako.” wika ni Tipaklong.
Ano ang maaaring mangyari sa kuwento? Lagyan ng tsek (/)
ang kahong katapat ng M kung maaaring mangyari, H kung hindi.
M H
6
Kung hindi sana uulan, ang mga langgam ay hindi mag-
iimbak ng pagkain.
Kung maghahakot ng pagkain ang mga langgam,
mapapakain nila ang lahat ng hayop sa paligid nila.
Kung tutulong si Tipaklong sa mga langgam, hindi siya
magugutom.
Kung naging masipag lamang si Tipaklong, siya ang
tatanghaling lider ng mga hayop.
Kung kinuha nang walang paalam ni Tipaklong ang mga
inimbak na pagkain matutuwa ang mga langgam.
GAWAIN 3

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang tula at iguhit kung ano


ang maaaring mangyayari. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang
papel.

Sabon
Ako si sabon
Isang mabuting kaibigan
Tulong ko’y maasahan.

Aking kaibigan
Kayo’y aking pinaaalalahan
Paggamit sa akin saanman
Kalinisan at kaligtasan ay makakamtan.

What I Have Learned


Paglala
gom

Ang pagbibigay ng wastong paghihinuha sa maaring


kalabasan o susunod na mangyayari ay maaring gawin ng
sinumang nakikinig, nanonood o bumabasa. Magagawa ito
kung nauunawaan ang nakapaloob sa kilos o gawain sa isang
sitwasyon o pangyayari/ tula/ tugma/ pabula.

7
What I Can Do Aplikas
yon
May natutunan ka ba sa aralin natin?
Binabati kita kung gayon!
Mahalaga bang tumulong sa kapwa? Ano ang
magandang naidudulot nito?
Ang tugma sa ibaba ay tungkol sa pagtulong sa
panahon ng pandemia. Basahin itong mabuti at sagutin
ang mga tanong.

Sa pandemiyang ito
Napahalagahan pagiging makatao

Pagtulong sa kapwa napagtanto


Ng bawat isa saan mang sulok ng mundo.

Tanong:
1. Ano ang nararanasan ng mga tao?
2. Anong kaugalian ang ipinakita ng bawat tao?
3. Sino ang bibigyan natin ng tulong?
4.Ano ang gagawin kung may kapitbahay/kakilala kang
nangangailangan ng tulong?
5. Paano ka makakatulong sa kapwa?
What I Can Do Pagtata
ya
Ngayon naman, sa bahaging ito bibigyan kita
ng panghuling pagsubok. Dito malalaman kung
ikaw ay mayroong natutunan sa mga aralin.
Maghandang muli ng sagutang papel para sa
susunod na pagsubok. Basahin at intindihin ang
panuto para sa iyong gagawin.

A. Panuto. Hulaan ang susunod na mangyayari sa sumusunod


na sitwasyon.. Isulat ang mga
8 sagot sa iyong sagutang
papel.
1. May dalang mainit na sabaw sa mangkok si Aling Coring. Habang
naglalakad, natapilok siya.
a. Masayang sasalubong ang kaniyang mga anak.
b. Mabubuhusan ng mainit na sabaw si Aling Coring
c. Masasarapan ang mag-anak sa sabaw na dala ni Aling Coring
2. May sakit si Alicia. Ayaw niyang uminom ng gamot na reseta ng
doctor.
a. Madaling magagamot ang kanyang sakit.
b. Matutuwa ang doktor sa kalagayan niya.
c. Lalala ang kanyang sakit.
3. Gabing gabi na at ayaw pang matulog ni Jose. Pinatutulog na siya
ng ina ngunit ayaw niyang sumunod.
a. Maaga siyang magigising kinabukasan.
b. Mahuhuli siya sa pagpasok sa paaralan
c. Matutuwa ang kanyang nanay.
4. Nag-iipon si Marco kasi nais niyang makabili ng bagong sapatos.
Itinatago niya ang perang dapat ay pamasahe niya. Pinili na lang
niyang maglakad sa pagpasok.
a. Mabibili niya ang nais niyang bagong sapatos.
b. Hihingi sa kaibigan ng karagdagang pera.
c. Ibibili niya ng damit ang naipong pera.
5. Para makapili ng sariwang isda at gulay, Si Aling Helena ay
maagang nagigising at dala dala ang basket patungong palengke.
a. Mag-uulam si Aling Helena ng sariwang gulay at isda.
b. Bilasa ang madadatnan niyang isda at gulay.
c. Magagalit ang kanyang asawa dahil maaga siyang nagising.

B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang masayang mukha ( )kung ito


ay nagpapakita n susunod na mangyayari at malungkot na
mukha ( ) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Ang mga bata ay hindi pinapayagang lumabas sa


9
panahon ng pandemic kaya hinuli ng mga tanod ang mga
batang naglalaro sa kalsada.
2.Kung mag-uulam ng gulay, lalakas ang resistensiya.
3.Mawawalan ka ng kaibigan kung tutulong sa kapwa.
4.Maging masikap at masipag upang pangarap ay
makamtan.
5.Kung may itinanim may aanihin.

Mga Sagot:

Balik-Aral:
1. a
2. b
3. a
4. b
1. Nag-aaral nang b
5. mabuti
2. sinusunod
3. magkakaroon ng mataas na marka
Pagsasanay: 4. matutuwa ang tatay at nanay
Gawain 1 5. mag-aaral nang mabuti./ tutularan ang ginagawa ng bata na mabuti.

Gawain 2 M H

10
1. /
2. /
3.
4. /
1. Pademia
2. Pagiging matulungin 5. /
3. Kakilala/kapitbahay/frontliner /
4. Tulungan
5. Pagbibigay ng pagkain/ulam/pera
Aplikasyon:

1. b 4. a
2. c 5. a
Pagtataya:
3. c
A.

B.
1. Sina Lito at kanyang kaibigan
2. Sa kanyang tatay
3. Maliligo sa ilog1./
4. 4. Malakas ang ulan at lumalakas ang agos ng tubig
2./
5. Malulunod/tatangayin ng malakas na agos ng tubig
3 /
4./
5./

C.

11

You might also like