You are on page 1of 39

Unit 1

Napapanahong
Alternatibong Tulay
sa Pagkatuto
Modyul 1:
Unang Linggo
PAGGAMIT NG NAUNANG
KAALAMAN O KARANASAN SA
PAG-UNAWA NG NAPAKINGGANG
TEKSTO
LAYUNIN

Pagkatapos mabasa ang modyul na


ito, inaasahan na ang mag-aaral ay
nagagamit ang naunang kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng
napakinggang teksto.
Paksang-Aralin

PAGGAMIT NG NAUNANG
KAALAMAN O KARANASAN SA
PAG-UNAWA NG NAPAKINGGANG
TEKSTO
Basahin ang mga sumusunod na salita.

Hanapin ang kasingkahulugan ng


bawat salita sa pangungusap.
1. sorpresa isang bagay na hindi
ko inaasahan
Nagulat ako nang ibigay sa akin
ni Tatay ang isang bagay na
hindi ko inaasahan. Ito ang
kaniyang
sorpresang pasalubong sa akin
mula sa ibang bansa.
2. tahanan bahay
Upang makaiwas sa anumang
sakit, hindi lumalabas ang mga
tao mula sa kanilang tahanan.
Nananatili lamang sila sa kani-
kanilang bahay para manatiling
ligtas.
3. patimpalak paligsahan
Magsanay para manalo sa
darating na patimpalak,
ang paligsahan sa pag-awit.
Sagutin ang mga tanong:
Naranasan na ba ninyong makatanggap ng isang
sorpresa?

Anong sorpresa ang inyong natanggap?

Magbigay ng halimbawa ng mga sorpresang


natatanggap.

Ano ang nararamdaman mo kapag


nakatatanggap ka ng sorpresa?
Tingnan ang larawan.

Sagutin:

Malalaman natin sa kuwento


1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
kung bakit masaya ang batang
nasa larawan. Pakinggang
2. Bakit kaya masaya
mabuti ang kuwento. ang bata sa
larawan?
Sorpresa
kay Sophia
Masayang umuwi sa kanilang
tahanan si Sophia. Pagpasok niya
sa kanilang tahanan ay nakita
niya ang isang bag na may
disenyong Hello Kitty. Ito ang bag
na matagal na niyang gusto na
nakita niya sa isang mall.
Nakita siya ng kanyang ina na
hawak-hawak ang bag.
“Para sa iyo ang bag na iyan anak.
Gantimpala ko sa iyo dahil nanalo ka
sa patimpalak sa inyong paaralan.”
Dahil dito, ay masayang niyakap ni
Sophia ang kanyang nanay at
nagpasalamat sa sorpresa nito sa
kanya.
Nakita siya ng kanyang ina na
hawak-hawak ang bag.
“Para sa iyo ang bag na iyan anak.
Gantimpala ko sa iyo dahil nanalo ka
sa patimpalak sa inyong paaralan.”
Dahil dito, ay masayang niyakap ni
Sophia ang kanyang nanay at
nagpasalamat sa sorpresa nito sa
kanya.
Panuto: Sagutin ang mga tanong
tungkol sa kuwento.
1. Ano ang pamagat ng maikling
kuwento na inyong
napakinggan?
2. Sino ang batang masayang umuwi sa
kanilang tahanan?
3. Ano ang nakita niya pagpasok niya
sa kanilang tahanan?
4. Kanino galing ang bag?
5. Bakit siya binigyan ng bag ng
kaniyang nanay?
6. Ano ang naramdaman niya sa
sorpresa ng kaniyang
nanay?
7. Kung ikaw ang bibigyan ng sorpresa ng iyong
nanay, ano ang mararamdaman mo? Bakit?

8. Anong sorpresa ba ang gusto mong


matanggap? Bakit?
9. Ano ang mabuting naidudulot ng pagiging
isang mabait at masunuring bata?

10. Paano mo pinahahalagahan ang bigay sa iyo


ng taong mahalaga sa buhay mo?
Takdang Gawain
Sagutan ang mga sumusunod na gawain.
Isulat ang inyong kasagutan sa sagutang
papel. Picturan at isend sa Messenger ng
guro.
❖ PAGYAMANIN NATIN 1-5
❖ ISAGAWA NATIN 1-5
❖ TAYAHIN NATIN 1-5
Panuto: Lagyan ng tsek (/)
kung nagawa mo na o
nangyari na sa iyo ang nasa
larawan at ekis (x) naman
kung hindi pa.
Ano ang naitutulong ng mga
naunang kaalaman o karanasan sa
pag-unawa ng napakinggang
teksto?
Tandaan:
Nakatutulong sa pag-unawa ng
pinakinggang kuwento o teksto ang pag-
uugnay ng narinig sa naunang kaalaman o
sariling karanasan.
Ang tao ay may iba’t ibang
karanasan sa iba’t ibang
sitwasyon. Ito ay nagtuturo sa kanya ng
bagong aral upang mas lalong maging
mahusay at matatag sa buhay.
Panuto: Basahin ang teksto at
sagutin ang kasunod na mga
tanong.
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong
bagay sa ating paligid
tulad ng mga basyo ng
bote, plastik na
nakatambak sa mga
basurahan at looban ng
ilang kabahayan.
Ang mga lumang diyaryo at
maruruming damit ay nagkalat din
kung minsan. Para sa iba, ang mga
ito ay basura lamang.
Patapon at wala
nang silbi kaya
naman ang ating
kapaligiran ay
punong-puno ng
mga
kalat.Pinamumugar
an tuloy ang mga
ito ng mga daga at
insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng
pagbabara ng mga daluyan ng tubig
at sanhi ng pagbaha. Nakasasama din
ang ilan sa mga ito.
Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho
ng hanging ating nalalanghap. Huwag na
nating hintayin ang salot na idudulot ng
mga basura. Panahon na para tayo ay
kumilos at magkaisa.
1. Ano-anong patapong bagay ang
makikita sa ating paligid?

2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?

3. Ano ang mangyayari kung maraming


basura sa ating paligid?

4. Sino ang hinihiling na kumilos at


magkaisa?
5. Batay sa iyong
karanasan, ano ang maaari
nating gawin para
mabawasan ang ating
basura?
Tandaan Natin
Nakatutulong sa
pag-unawa ng
pinakinggan ang
pag-uugnay nang
narinig sa sariling
karanasan.
Isulat ang tsek sa
sagutang papel kung
naranasan mo na ang
pahayag at ekis naman
kung hindi.
1. Nagtatapon ako ng basura sa
tamang tapunan.

2. Inuuwi ko ang aking basura.

3. Tumutulong ako sa proyektong


pangkalinisan sa aming barangay.
4. Hinihiwalay ko ang
nabubulok sa di-nabubulok na
basura.
5. Tinatakpan ko ang
basurahan upang hindi
mangamoy at maiwasan ang
pagkalat ng mikrobyo.

You might also like