You are on page 1of 30

Department of Education

Republic of the Philippines


Region 1
Colegio de San Juan de Letran - Manaoag
Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino 5

Pebrero 23, 2023

I. Layunin:

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na


pagsusunod-sunod);

b. Napahahalagahan ang kronolohikal na pagsusunod-sunod; at

c. Naisasagawa ang mga bagay na dapat gawin sa pagsusunod-sunod sa tekstong napakinggan


(Kronolohikal na pagsusunod-sunod)

II. Paksang Aralin:

Paksa: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayaring Tekstong Napakinggan(Kronolohikal na


pagsusunod-sunod)

Sanggunian: MELCs

Kagamitan: Powerpoint Presentation, Litrato

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain:
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtatala ng mga liban at di-liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
b. Balik-aral:

Napag-aralan natin ang Pang-abay at ang tatlong Uri ng Pang-abay.

c. Pagganyak:

Pagpapakita ng Litrato ukol sa Kronolohikal na pagsusunod-sunod

d. Pagtatalakay:

Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay nakabase sa kwentong


napakinggan at ayon sa pagkakaganap ng bawat sitwasyon.

Sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod na pangyayari, ang paksa ay ang tao o


kung anong bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol,
impormasyon at mahalagang pangyayari at ito ay ginagamit ayon sa petsa gaya ng araw
at buwan.
Ang halimbawa nito ay ang pagsusunod-sunod ng presidente ng Pilipinas

ANG KWENTO NG TIPAKLONG AT PARU-PARU

Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng pangangailangan.

Kay lakas ng ulan! Kay lakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon. Nagsasayawan ang
mga puno maging ang mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi ako sa aking
pinagtataguang kahoy”.

“Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang bumabalot sa katawan
mo, at Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang
kaibigang Paruparo.
“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka lalabas sa pinagtaguan mo. Ang
lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang
bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni
Paruparo.

“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon.


“Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni
Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.

“Ang katawan mo ay mahaba, matibay pa. Bakit giniginaw ka pa? Samantalang ako, ang nipis-
nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin
at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.

“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw
mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga pakpak mo
ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang mga pakpak
mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”

“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako makalalapit kay Bulaklak
kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot na tanong ni Paruparo.

“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man ay
natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw mababali ang aking mga paa
na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong.

“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating gawin para maligtas ang
ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong.
“Paano?” ang tanong ni Paruparo. “Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni
Tipaklong. “At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang bulaklak na
pagtataguan mo para hindi malaglag” ang sagot ni Tipaklong

At sabay na kumapit sa bulakbulak ang magkaibigan si Paruparo at Tipaklong.

e. Paglalapat o Gawain:
1. Kailan mo masasabing may bagyong darating?
2. Ano ang maaring Mangyari kung magkubli na lamang si Tipaklong?
3. Kung makapal ang katawan ng paruparo, ano kaya ang maaaring mangyari?
4. Bakit nakatulong sa paruparo ang makulay nitong pakpak?
5. Ano ang sinabi ni Tipaklong upang lumakas ang loob ni Paruparo?
f. Paglalahat:
Ano ang natutunan niyo sa tinalakay natin ngayong araw?
Natutunan na ba ninyo kung paano ang tamang pagsusunod-sunod sa kronolohikal?

IV. Pagtataya

Panuto: Balikan ninyo ang mga pangyayari sa kuwento. Pagsunud-sunurin ang mga ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa patlang.

______ Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.

______ Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.

______ May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. ang mga puno, maging ang
mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan.

______ Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni Tipaklong.

______ Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.

______ Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng bulaklak. Nahahawakan ang
dulas ng mga dahol at halaman.
V. Takdang Aralin:

Gumuhit ng limang magkasunod-sunod na mga pangyayarig iyong naranasan bilang bata


tulad ng kaarawan, bakasyon ng iyong pamilya, pasko at iba pa. Pumili lamang ng isa.

Inihanda ni:

Lyka N. Catangogan

BEEd IV
Department of Education
Republic of the Philippines
Region 1
Colegio de San Juan de Letran - Manaoag
Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino 5

Marso 17, 2023

I. Layunin:

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Matatalakay ang kahulugan ng Pang-angkop;

b. Natutukoy kung saan at kailan gagamitin ang Pang-angkop na ng, g, na; at

c. Magagamit ng wasto ang mga pang-angkop na ng, g, na sa pangungusap

II. Paksang Aralin:

Paksa: Paggamit ng mga Pang-angkop

Sanggunian: Batayang Aklat Alab Filipino Pahina 144-149

Kagamitan: Powerpoint Presentation, Litrato

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain:
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtatala ng mga liban at di-liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
b. Balik-aral:

Ang natalakay natin noong nakaraang araw ay ang Pagbabahagi ng Pangyayaring nasaksihan at
Paggawa ng Timeline batay sa pangyayaring nasaksihan o narinig

c. Pagganyak:

May inihanda akong laro para sa niyo. Ito ay tinatawag na Pic-


to-Word na kung saan may mga larawan kayong makikita sa inyong screen at aalamin ninyo
kung anong mga salita ang mabubuo kapag pinagsama ang mga larawan
Magbibigay ako ng halimbawa bago ninyo sagutan ang mga susunod na larawan.

+
Halimbawa nito , makikita sa unang larawan ay isang lalaki
samantalang sa ikalawang larawan makikita ang mga sumasayaw na pigura. Kaya ang sagot dito
ay lalaking sumasayaw.

1. +
2. +

3. +

4. +

5. +
d. Pagtatalakay:

Ang pang-angkop ay isa rin sa mga pang-ugnay. Ito ay nag-uugnay ng isang salita sa kapwa
salita. Kung inyong natatandaan ang nilaro natin kanina kung saan ang dalawang larawan ay
napagsama natin sa pamamagitan ng pang-angkop.

Basahin ang mga Halimbawang ito upang matukoy kung alin rito ang mga pang-angkop
1. Nabasa ko ang ulat na sinulat mo
2. Ang dalagang iyon ay tunay na maganda
3. Ang salaming basag ay itinapon na
Kung niyong mapapansin sa pangungusap may dalawang salita na pinag-uugnay gamit ang mga
pang-angkop. Ang pang-angkop ay ang letrang may salungguhit.
May tatlo uri lamang pang-angkop at ang mga ito’y –g, –ng, na.
Ang g, ay ginagamit sa mga salitang inaangkupan na nagtatapos sa n.
Ang kahon ay nagtatapos sa n at kapag sasamahan natin ito ng salitang malaki ito ay magiging
kahong malaki.
Halimbawa:
Halamang malago Layuning tulungan
Aming bahay mariing itinanggi
Pagsikapang pag-aralan kadalasang sagot
Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng mga salitang ginagamitan ng –g na pang angkop
Samantalang ang –ng ay ikinakabit naman sa mga salitang inaangkupan na nagtatapos sa patinig.
Ang kaunti ay nagtatapos sa patinig na I at kapag ito ay sinamahan natin ng salitang bigas ito ay
magiging kaunting bigas
Halimbawa:
Dalagang mahinhin Sariling pag-iisip
Malaking gulo Butiking Payat
Kaninong sapatos Pekeng paninda

Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng mga salitang ginagamitan ng –ng na pang angkop.
Ang na ay ginagamit kasunod ng mga salitang inaangkupan na nagtatapos sa katinig maliban sa
n.
Halimbawa:
Malalim na bangin bitbit na mabigat
Butas na makipot kalabaw na tamad
Banig na bago itak na matalas
Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng mga salitang ginagamitan ng –na na pang angkop

e. Paglalapat o Gawain:
Panuto: Anong pang-angkop ang nararapat sa mga sumusunod Isulat sa
patlang ang sagot
1. Malaki ______ gulo
2. Maluwag ____ damit
3. Mahinin _____ babae
4. Malamig _____ hangin
5. Mabuti _____ gawain
6. Sapin _____ malambot
7. Solo _____ anak
8. Inumin _____ malamig
9. Balon_____ malaki
10. Mataas _____ bundok

f. Paglalahat:
Ano ang tinalakay natin ngayong araw?
Ano ang Pang-angkop?
Ano ang katinig at patinig?
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga ginamit na pang-angkop sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa iyong papel.

1. Matalik na magkaibigan ang dalawang mag-aaral.


2. Masayang bumalik ang tatay sa kaniyang mahal na pamilya.
3. Probinsiyang mutya ang tawag niya sa lugar na pinagmulan.
4. Ang babaeng maganda ay bituing marikit para sa kaniya.
5. Mahusay na guro ang inilagay sa klaseng maingay.

V. Takdang Aralin:

Gumawa ng limang pangungusap gamit ang mga pang-angkop. Isulat sa iyong kwaderno.

Inihanda ni:

Lyka N. Catangogan
BEEd IV
Department of Education
Republic of the Philippines
Region 1
Colegio de San Juan de Letran - Manaoag
Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino 4

Pebrero 23, 2023

I. Layunin:

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang pang-abay sa isang pangungusap;

b. Nagagamit ang pang-abay upang makabuo ng pangungusap; at

c. Nauuri ang pang-abay

II. Paksang Aralin:

Paksa: Pang-abay

Sanggunian: Batayang Aklat: Alab Filipino

Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain:
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtatala ng mga liban at di-liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
b. Balik-aral:

Napag-aralin natin ang Pang-uri

c. Pagganyak:

Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan tungkol sa pang-abay at uri ng pang-abay.

d. Pagtatalakay:

Pang-abay ito ay bahagi ng pananalita na tumuturing sa pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay.

May tatlong uri ng Pang-abay

Pang-abay na Pamanahon

Pang-abay na Panlunan

Pang-abay na Pamaraan

Pang-abay na Pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o gaganapin


ang isang pangyayari o kilos.

Halimbawa

1. Pumunta kami sa Pangasinan sa susunod na linggo.


2. Bukas darating ang aking kaibigan.
3. Maaga akong nagising kanina.

Sa paggamit ng mga pang-abay pamanahon, gumagamit ng mga salitang nagtatakda ng panahon


tulad ng kahapon, ngayon, bukas, tuwing, at iba pa.

Kung ang pang-abay na pamaraan ay sumasagot sa tanong na Paano, may mga pang-
abay ring palaging naglalarawan kung saan isinasagawa ng isang tao ang kaniyang ikinikilos.
Ang tawag sa mga ito ay pang-abay na panlunan. Sumasagot naman ito sa tanong na Saan.

Halimbawa

1. Ipinagdasa ko sa simbahan ang mga biktima ng kalamidad.


2. Sa paaralan ko natutunan ang pagiging mapagbigay.
3. Kinuha ko sa kabinet ang aking mga lumang damit at laruan.

Hindi ba’t inilalarawan ng mga salitang may salungguhit kung saan ginawa ang kanilang mga
ikinilos? Ang palatandaang sa ay makatutulong din sa pagtukoy kung ang mga salita ay isang
pang-abay na panlunan.

May mga salitang palaging naglalarawan sa kung paano isinasagawa ng isang tao ang
kaniyang ikinikilos. Basahin ang mga halimbawang pangungusap.

Halimbawa

1. Biglang nagulat ang lahat sa pagdating ng bagyo.


2. Nagdasal nang tahimik si Icah para sa mga biktima ng lindol.
3. Nagmamadaling kinuha ni Issa ang kaniyang mga lumang gamit para ibigay sa mga
nangangailangan.

Hindi ba’t inilalarawan ng mga salitang nakasalungguhit ang mga ginawa ng mga tauhan sa
pangungusap? Ang tawag sa mga ito ay mga pang-abay na pamaraan. Sinasagot ng pang-abay
na pamaraan kung paano isinasagawa ang mga kilos. Sumasagot ito sa tanong na “paano
isinasagawa ang kilos?”

Paglalapat o Gawain:

Panuto: Isulat ang PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang-abay na


pamaraan, PN,kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL, kung ito ay pang-abay na
panlunan.
1. Naglalaba ng damit si aling maria araw-araw.
2. Si ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
3. Pumunta si allen kina jack dahil may hihiramin siya aklat.
4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
5. Bukas na gaganapin ang kaarawan ni rose.

e. Paglalahat:
Ano ang Pang-abay?
Ano ang tatlong uri ng Pang-abay?
IV. Pagtataya

Salungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.


2. Babalik na sila sa isang linggo.
3. Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran.
4. Masayang ikinukwento ni Lisa ang kanyang mga naging karanasan.
5. Tahimik naman akong nakikinig sa kanyang mga kwento.

V. Takdang Aralin:

Magsalaysay ng isang karanasan na isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng pasko,


kaarawan, pista, at iba pa. Gumamit ng mga pang-abay at mga uri ng pang-abay sa
pagsasalaysay.

Inihanda ni:

Lyka N. Catangogan
BEEd IV
Department of Education
Republic of the Philippines
Region 1
Colegio de San Juan de Letran - Manaoag
Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino 5

Abril 3, 2023

I. Layunin:

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Matukoy ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat;

b. Mabigyan ng kaalaman tungkol sa magkaiba at magkaparehas na mga salita; at

c. Nagagamit ang salitang magkasalungat at magkasingkahulugan sa pangungusap

II. Paksang Aralin:

Paksa: Mga salitang magkasalungat at magkasingkahulugan

Sanggunian: MELCs

Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain:
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtatala ng mga liban at di-liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
b. Balik-aral:
Ang Pinag-aralan natin noong nakaraang linggo ay Paggamit ng Pang-angkop

c. Pagganyak:

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga sumusunod.

Pumasok Banyaga Palamuti Pasya Takot Mali


Mahina Malungkot Matigas Tuwid

1. Dayuhan-
2. Malambot-
3. Dekorasyon-
4. Lumabas-
5. Desisyon-
6. Malakas-
7. Duwag-
8. Tama-
9. Deretso-
10. Masaya-
d. Pagtatalakay:

Ang salitang Magkasingkahulugan

Ay mga salitang magkatulad ang kahulugan o pareho ang ibig sabihin.

Halimbawa:

masaya-maligaya maganda-marikit mayaman-masalapi

masarap-malinamnam mataas-matangkad

Si Carlo ay masaya sa kanyang nakuhang parangal

Si Kitty ay maganda sa kanilang lugar

Si Henry Sy ay mayaman sa buong pilipinas


Nagluto si nanay ng malinamnam na gulay

Matangkad ang mga basketbolista

Ang salitang Magkasalungat

Ay mga salitang magkaiba o magkabaliktad ang kahulugan.

Halimbawa:

maliit-malaki masaya-malungkot mainit-malamig

mataba-payat mabango-mabaho

Si renz ay malaki

malungkot ang kanyang kaarawan

mainit ang panahon ngayon

Si jane ay mapayat na babae

mabango ang mga bulaklak

e. Paglalapat o Gawain:
A. Ibigay ang kasingkahulugan ng may salungguhit na mula sa pagpipiliang sagot.
1. Si bernard ay may busilak na puso dahil tinulungan niya ang mga nasalanta ng
bagyo.
a. makasarili b. masama c. mabuti
2. Hindi sapat ang katiting na kahoy upang makabuo ng mesa.
a. marami b. kaunti c. sobra
3. Ang galing ni Isko tumalon ng matayog dahil naabot niya ang bunga ng bayabas.
a. mataas b. mababa c. malalim
4. Magandang tumira sa isang maaliwalas na kapaligiran kung saan walang mga
basura at dumi.
a. marumi b. malinis c. madungis
5. Si maria ay may kutob na hindi pumapasok sa eskwelahan ang kanyang anak.
a. hinala b. nalaman c. alam
B. Panuto: Ibigay ang kasalungat ng bawat salita.
1. malambot-
2. pumasok-
3. matulin-
4. umiiyak-
5. maliit-
f. Paglalahat:
Ano ang natutunan niyo sa tinalakay natin ngayong araw?
Ano ang salitang Magkasalungat?
Ano ang salitang Magkasingkahulugan?

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang masayang mukha kung ang pangkat ng mga salita ay

magkasingkahulugan at malungkot na mukha kung magkasalungat. Isulat sa patlang ang


iyong sagot.

_______1. Malinis-dalisay

_______2. Masaya-maligaya

_______3. Maliwanag-madilim

_______4. Maluwang-malawak

_______5. magaspang-makinis

_______6. Marami-sagana

_______7. Maganda-pangit

_______8. Matamis-maasim

_______9. Matigas-malambot

_______10. Mabilis-matulin

V. Takdang Aralin:
Magbigay ng tig limang halimbawa ng magkasalungat at magkasingkahulugan na salita isulat ito
sa iyong kwaderno.

Inihanda ni:

Lyka N. Catangogan
BEEd IV
Department of Education
Republic of the Philippines
Region 1
Colegio de San Juan de Letran - Manaoag
Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino 5

Marso 12, 2023

I. Layunin:

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Nakapag-uulat tungkol sa napanood;

b. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula

c. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood

II. Paksang Aralin:

Paksa: Pag-uulat at Pagsusuri sa Tauhan o Tagpuan sa Maikling Pelikulang Napanood

Sanggunian: MELCs

Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain:
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtatala ng mga liban at di-liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
b. Balik-aral:
Napag-aralan natin ang Pagsusunod-sunod na mga pangyayari sa tekstong napakinggan
(Kronolohikal na pagsusunod-sunod)

c. Pagganyak:

Pagpapanuod ng Maikling Pelikula “Ang kwento ni Rizal”

d. Pagtatalakay:

Ano ang Panonood

Ang Panonood ay isang proseso ng pagmamasid sa mga palabas upang magkaroon ng


pang-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.

Maaaring maibahagi o maiulat ang palabas na napanood sa pamamagitan ng mapanuring


panonood, isang kasanayang nagpapamalas ng lubusang pagkaunawa sa nilalaman ng palabas.

Sa pagsusuri ng pelikula dapat maisaalang-alang ang malinaw na paglalarawan sa mga


sumusunod:

● Tauhan- malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga


katangian ng tauhan upang makilala ang bida at kontrabida.
● Tagpuan- angkop ba ang lugar na pinangyarihan ng istorya?

Kinakailangang unawain nang mabuti ang isang pelikula o palabas na pinanonood upang maging
madali ang pagsusuri nito. Makatutulong ito upang makabuo nang isang mahusay at kapaki-
pakinabang na ulat.

e. Paglalapat o Gawain:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
dapat isa-alang alang sa tuwing magsasagawa ng pagsusuri at MALI naman kung hindi.
________1. Magkaroon ng bukas na isipan sa panonood o pagbabasa upang maging mas
malawak ang pang-unawa dito.
________2. Sa tuwing magsusuri, kinakailangan magpokus lamang sa ginagawa
________3. Huwag unawain ang iyong pinanonood o binabasa dahil ito ay sagabal
lamang sa pagsusuri.
________4. Hulaan lamang ang mga impormasyon na ilalagay sa gawaing pagsusuri.
________5. Ang pagbasa ng buod ng isang kuwento o palabas ay makatutulong din
upang maging madali ang pagsusuring gawain.

f. Paglalahat:
Ano naman ang Panonood?
Paano mo maiuulat o maibabahagi ang palabas na iyong napanood?

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng palabas ang mga sumusunod na larawan . Tukuyin kung ito
ba ay Komedya, Katatakutan, Drama, Aksyon, Pantasya
V. Takdang Aralin:

Magbigay ng dalawang halimbawa na pelikulang Komedya, Katatakutan, Drama, Aksyon,


Pantasya.

Inihanda ni:

Lyka N. Catangogan

BEEd IV
Department of Education
Republic of the Philippines
Region 1
Colegio de San Juan de Letran - Manaoag
Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Mala-Masusing Banghay Aralin sa

Filipino 5

Marso 17, 2023

I. Layunin:

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Maibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan;

b. Matutukoy o masasabi ang isang pangyayaring nasaksihan o naring; at

c. Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasa o nasaksihang pangyayari

II. Paksang Aralin:

Paksa: Pagbabahagi ng Pangyayaring nasaksihan at Paggawa ng Timeline batay sa


pangyayaring nasaksihan o narinig

Sanggunian: MELCs

Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain:
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtatala ng mga liban at di-liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
b. Balik-aral:

Pag-uulat at Pagsusuri sa Tauhan o Tagpuan sa Maikling Pelikulang Napanood

c. Pagganyak:

Pagbabahagi ng isang kuwento

d. Pagtatalakay:

Ano nga ba ang pagsasalaysay o pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan?

Ang pagsasalaysay o pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan ay isa sa mga paraan


ng pagpapahayag. Layunin nito ang mga ulat o magbigay ng impormasyon na magkakaugnay at
sunod-sunod na mga pangyayaring hango sa anumang tunay na nasaksihan o nakita. Ang mga
pangyayaring nasaksihan ay maaaring isa-timeline.

Ano nga ba ang Timeline?

Ang Timeline ay isang listahan ng mga kaganapan sa pagkakasunod-sunod na nangyari sa


isang mahalagang petsa at oras ng kasaysayan. Mahalaga ang timeline ng isang kasaysayan dahil
dito natin mas madaling malilinang ang mga nagdaang pangyayari sa ating bansa o maaaring sa
ibang bansa.

e. Paglalapat o Gawain:
“ANG HAGUPIT NI 2020”
Ni: Jesbelle DS. Tolentino
Marami ang sumalubong sa taong 2020 na punong pag-asa ngunit unang buwang pa
lamang ng panibagong dekada ay napakarami ng pangyayaring tumatak at talagang nagbibigay
takot at pangamba sa taumbayan dahil sa sunod-sunod na pangyayari.
Iba’t-ibang kalamidad din ang ating naranasan habang tayo ay sumasailalaim sa
nationwide lockdown. Sinimulan ito ng sunog sa Australia kung saan maraming tahanan ang
nawasak at mga hayop na namatay.
Ito ay sinundan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 12 na naging dahilan ng
paglikas ng mga taga Batangas.
Enero 26 ng taon ay binigla ang buong mundo sa balitang namatay ang sikat na
basketbolistang si Kobe Bryant kasama ang anak at 7 pang kasamahan.
Buwan pa rin ng Enero 28, pumalo sa 100 katao ang namatay sa kontrobersyal na Novel
Corona Virus na pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan City, China. Kasabay nito ay kinumpirma
ng Department of Health ang unang kaso sa Pilipinas ng kinatatakutang Corona Virus.
Pagdating ng Marso nagsimula na ang pagdami ng mga kaso ng Covid-19 sa mundo.
Matatandaang Marso 15 ay isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa Enhanced
Community Quarantine. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, tumigil ang mundo at ilang
milyong tao na ang nahawaan ng sakit.
Kaugnay naman sa Edukasyon, inanunsyo ng Department of Education ang pagbubukas
ng klase sa pribado at pampublikong paaralan sa bansa noong Oktubre 5 sa tinatawag na blended
learning.
Unang araw ng Nobyembre, naitala ang pananalasa ng Bagyong Rolly kung saan ang
pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas sa taong 2020 sa Karagatang Pasipiko na nag-
iwan ng matinding pinsala sa mga naninirahan lalo na sa tabing-dagat.
Matapos pananalasa ng Bagyong Rolly, Buwan pa rin ng Nobyembre, di pa man
nakababangon ang taumbayan, isa na namang bagyo ang humagupit sa bansa. Ito ang Bagyong
Ulysses. Malakas na pag-ulan at matinding pagbaha ang idinulot ng bagyong ito na nagpalubog
sa maraming lugar sa Metro Manila.
Panuto: Kumpletuhin ang nawawalang detalye base sa pangyayaring nabasa o napakinggan.
Nawawalang detalye, Kumpletuhin Mo!
Ang Hagupit ni 2020

ENERO 12 ENERO 26 OKTUBRE 5

Isinailalim ni Pananalasa ng
1. Pangulong 4. Bagyong Rolly
Duterte ang at Ulysses sa
Buong Luzon sa bansa.
Enhanced
Community
Quarantine

f. Paglalahat:
Ano ang natutunan niyo sa tinalakay natin ngayong araw?
Ano ang pagsasalaysay o pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan?

Ano ang Timeline?

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa bawat petsa. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon.

PEBRERO 25 ABRIL 9 HUNYO 12 IKA-APAT NA DISYEMBRE


LUNES NG 30
AGOSTO
A. Araw ng kagitingan
B. Pambansang Araw ng mga Bayani
C. Edsa Revolution
D. Pagdiriwang ng Buhay, mga gawa ni Dr. Jose Rizal at kanyang pagkamatay
E. Araw ng Kagitingan

V. Takdang Aralin:

Gumawa ng isang timeline magbase sa mga pinanood o binasang pangyayari gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Inihanda ni:

Lyka N. Catangogan
BEEd IV

You might also like