You are on page 1of 2

Magandang umaga mga bata. Narito na naman tayo upang matututo.

Tayo ay nasa Ikalawang kwarter


na ng inyong pag-aaral. Kunin ang MODYUL sa Filipino 2. Unang Linggo.

Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan.

1. Papel
2. Lapis
3. Module

Magsisimula na tayo. Tandaan ang mga sumusunod na RULES.

1. Mag react sa aking mga messages.


2. Walang magsesend ng kahit anong mensahe hanggat wala akong pahintulot.

Mayroon tayong mga karanasan na maihahalintulad natin sa tekstong ating napakinggan o nababasa.

Ang pagbibigay ng HINUHA o PALAGAY ay PAGBIBIGAY ng MAAARING MANGYARI sa nakitang larawan,


nabasa o napakinggang teksto.

Halimbawa: Masakit ang Tiyan ni Tonyo.

Larawan:

Bakit kaya masakit ang tiyan ni tonyo? Ano sa palagay ninyo?

Sagot: siguro hindi siya kumain o gutom na siya.

O kaya baka nakakain siya ng panis na pagkain.

Sa pagpapahayag ng hinuha ginagamit ang mga panandang: baka, siguro, marahil, tila at wari.

Basahin ng mabuti at pang unawa ang mga sumusunod:

Ano ang hinuha mo sa kalalabasan ng pangyayari sa bawat bilang?

Maagang nakatulog si lando dahil masakit ang kaniyang ulo. Hindi siya tuloy nakagawa ng mga takdang
aralin niya.

Ano kaya ang maaaring mangyari kay lando kinabukasan?

Dumaan muna ang mga barkada ni Rosy sa mall bago pumasok sa paaralan. Nahuli sila sa klase at
nagsisimula na ang guro sa pagtuturo.

Ano kaya ang hinuha mo sa sitwasyon nila Rosy?

Magaling mga bata!

Dumako na tayo sa GAWAIN 1.

BASAHIN ANG PANUTO:

Ano ang inaasahang mangyayari sa kuwento?


Kulayan ng dilaw ang kahon ng tamang sagot.

Nagsaing ng kanin si Ana. Binuksan ni Ana ang TV sa

sala at nanood siya. Nalimutan ni Ana ang sinalang na

kanin. Ano kaya ang nangyari sa niluto?

Alin sa dalawa ang kukulayan ninyo ng dilaw?

a. Masarap ang nakain nilang kanin.


b. Nasunog ang kanin na sinaing.

Tama ang sagot ay Nasunog ang kanin na sinaing.

Sumunod ang GAWAIN 2.

Basahin ang PANUTO: Piliin ang angkop sa bawat sitwasyon. Isulat ang

letra ng wastong sagot sa patlang.

May makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Maya-maya, lumakas ang hangin.

A. uulan B. aaraw C. kukulimlim

Ang tamang sagot ay A. UULAN

At ang panghuli. Basahin ang PANUTO NG GAWAIN 3.

PANUTO: Bigyan ng hinuha ang bawat sitwasyon. Isulat ang

sagot sa patlang.

MAGBIBIGAY kayo ng sarili ninyong hinuha.

Ang mga tao ay patuloy na nagtatapon ng basura sa

Ilog.

Ano kaya ang mangyayari kapag nagbara ang daluyan ng tubig sa ilog?

Mahusay ang inyong mga sagot.

Ngayon naman ay ibibigay ko na sa inyo ang natitirang oras upang magsagot sa inyong Modyul.

Paalala sa inyong mga magulang: LAGING SUNDAN ANG WHAT GUIDE. Tayo po ay mga silbing gabay ng
ating mga anak. Maraming salamat po. Sa uulitin muli. Paalam.

Huwag mahihiyang magbigay ng mensahe sa akin kung may tanong.

You might also like