You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


3
PAMAGAT NG ARALIN:
Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento

KUWARTER: 2 MELC NO.: 1


MELC:
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento
(F3PB-Ih-14, FSPB-Iii-14, F3PB-IIIi-14, F3PB-IVf-14)

Pangalan ng Guro: Regieberto B. Laranang, T3


Elizabeth T. Adviento, T3
Paaralan: Mabilbila Integrated School
Distrito: Santa

Republic of the
Philippines
DEPARTMENT OF
EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur
Santa District

SELF LEARNING KIT-FILIPINO 3


QUARTER 2
Prepared by

REGIEBERTO B. LARANANG ELIZABETH T. ADVIENTO


Teacher III Teacher III
MABILBILA INTEGRATED SCHOOL MABILBILA INTEGRATED SCHOOL

Evaluated by:

ELSIE B. ALAMANI
Principal II/Chairman

DIANA A. SAMPILO LOUELLA B. SARAOS SEGUNDINA B. BITENG


Master Teacher I Teacher III Teacher III

LOURDES B. ARUCAN, Ed.D. ELSIE R. RIGUNAY, Ed. D.


Principal IV EPS I/Area Supervisor

MARIA TERESITA R. GAPATE Ed.D


EPS I-Filipino

Recommending Approval:
MARIA SALOME R. ABERO, Ed.D
Curriculum Implementation Division Chief

Approved:

JORGE M. REINANTE, CSEE, CEO VI, CESO V


Schools Division Superintendent
KUWARTER 2
GABAY NG MAG-
AARAL SA
1
PAGKATUTO
BILANG (MELC) #

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Maligayang pag-aaral! Ang Sariling Linangan Kit na ito ay sadyang


ginawa para sa iyo. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino. Sa
araling ito ikaw ay matututo na gumawa at sumagot sa iyong pansariling
pamamaraan. Maari ring humingi ng tulong sa iyong magulang, kapatid o
sinuman sa bahaging hindi mo maunawaan sa araling ito. Maari ka ring humingi
ng tulong sa iyong magulang, kapatid o sinuman sa bahaging hindi mo
maunawaan sa araling ito. Maghanda ng kuwaderno at dito isusulat ang sagot sa
mga pagsasanay. Tandaang ingatan ang kagamitang ito at iwasang ito ay sulatan
o mapunit.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento.


(F3PB-Ih-14, FSPB-Iii-14, F3PB-IIIi-14, F3PB-IVf-14)

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Naisasaayos ang wastong pagkasunudsunod ng mga


pangyayari sa isang kuwento.
2. Nakasusunod sa mga pangyayari sa isang kuwento.
3. Naiuugnay nang mabuti ang iyong talento sa pagbasa.

1
PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

Naobserbahan mo na ba kung paano


nagsasaing ng kanin ang nanay o ate mo?
Tingnan ko kung kaya mo pa itong
gawin.
Gawin mo ang sumusunod na gawain.
Galingan mo!

Panuto: Narito ang panuto sa pagsasaing. Pagsunud-sunurin at isulat ang mga


ito nang patalata. Gawin ito sa iyong kuwaderno

Nagsaing si Karen. Pagsunud-sunurin ang ginawa niya.


A. Hinugasan niya ang bigas
B. Hinintay niyang kumulo at maluto ang sinaing
C. Nilagyan niya ng sapat na bigas at tubig ang kaldero
D. Inilagay niya sa kalan at niluto

MAIKLING PAGTALAKAY

Ang kuwento ay maaring matapos ayon sa


kagustuhan ng manunulat ngunit maaaring magbigay ang
mambabasa ng sarili niyang wakas. Inaayos ito sa mga
pangyayari sa kuwento.
Sa pagbibigay ng wakas ng binasang kuwento, dapat
ay unawaing mabuti ang
binabasa at alamin kung ano ang huling sitwasyon na nangyari para makapag-
isip ng angkop na wakas.

Mga Halimbawa:

2
Basahin mo ang kuwento sa ibaba.

Ang Batang si Aldrin


Si Aldrin ay isang salbahe na bata kaya wala siyang masyadong kaibigan
sa klase. Marami siyang kalokohan gaya ng pagtago ng gamit o pera ng
kaniyang mga kaklase.
Isang araw, kinuha niya ang pera ng kaniyang kaklase. Umiiyak ang kaniyang
kaklase dahil wala itong pambili ng makakain. Nakita ni Nilo ang ginawa ni
Aldrin at sinumbong sa guro.

Sa pagbibigay ng wakas ng isang kuwento, dapat alam mo kung ano ang


magkakasunod na pangyayari para alam mo ang angkop na wakas nito.

Alamin kung ano ang una, sumunod at huling nangyari sa kuwento.

Ang mga pangyayari sa kuwento ay;

Kinuha ni Aldrin ang pera ng kaniyang kaklase.


Umiyak ang kaniyang kaklase.
Nakita ni Nilo ang ginawa ni Aldrin at sinumbong niya ito sa
kanilang guro.

Kapag alam mo ang mga pangyayari sa kuwnto ay makakabuo lka ng


posibleng wakas na angkop sa kuwentong iyong binasa.

Ang angkop na wakas sa kuwento ay;

Pinagalitan ng guro si Aldrin at nangakong hindi na mauulit.

PAGSASANAY:

Gawain 1
Panuto: Piliin ang angkop na wakas ng sumusunod na kalagayan. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

3
1. Gabi na nang umuwi si Jenny mula sa salusalong dinaluhan. A. Nagalit
ang nanay.
B. Nagkasakit si Jenny.
C. Hindi pumasok si Jenny.
D. Masaya si Jenny.

2. Maraming basura sa kanal at daan. Bumuhos ang malakas na ulan.


Bumara ang basura sa lagusan ng tubig sa kanal. A. Tinangay ng tubig
ang mga basura.
B. Bumaha at lumaki ang tubig sa daan.
C. Nanatili sa kanal ang mga basura.
D. Dumaloy nang maayos ang tubig sa kanal.

3. Mahilig sa pagkaing matamis si Lea. Isang araw, kumain siya ng


tsokolate, kendi at bukayo. A. Sumakit ang ngipin ni Lea.
B. Sumakit ang ulo ni Lea.
C. Nahimatay si Lea.
D. Nabusog si Lea.

4. Nagkalat ang papel sa silid. Dumating ang guro. A. Masaya ang guro.
B. Hindi umimik ang guro.
C. Nagalit ang guro.
D. Tumawa ang guro.

5. Naglaro sa ulan si Jerome. A. Nagkasakit s Jerome.


B. Masaya si Jerome.
C. Lumaki si Jerome.
D. Nagtampisaw si Jerome.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

4
Isinilang na mataba si Gio. Lagi siyang tinutukso ng kaniyang
kaklase dahil makupad siyang kumilos. Lagi siyang nahuhuli sa
pagtakbo kapag sila ay naglalaro. Ikinuwento niya sa kaniyang
nanay ang nangyari. Narinig siya ng kaniyang tatay at sinabihang
mag ehersisyo. Sinunod ni Gio ang sinabi ng tatay niya.

Sagutin: 1. Ano ang unang pangyayari?


_________________________________________________

2. Alin ang kasunod?


_________________________________________________

3. Alin ang huling pangyayari?


_________________________________________________

4. Ano ang maaaring maging wakas ng kuwento?


_________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Basahin ang pabula sa ibaba at gawin ang sumusunod na gawain.

Ang Madaldal na Pagong


https://www.scribd.com/document/350902400/Ang-Pangarap-Ni-Pagong
Matagal nang pangarap ni pagong ang maranasan ang makalipad at
makarating sa kalangitan kapantay ng mga ulap.
Isang araw, kinausap niya ang kaniyang mga kaibigang ibon.
“Maaari ba ninyo akong tulungan na makarating sa kalangitan at
matanaw ang magaganadang tanawin sa kalupaan?, gusto ko lang
maranasan ang inyong nararanasan.”ang sabi ni pagong sa mga ibon.
“Sige, tutulungan ka naming matupad ang matagal mo nang
pangarap.”sagot ng mga ibon.
“Paano naman ako makkalipad at makakarating sa itaas?”tanong ni
pagong.

5
“Madali lang, gagamit tayo ng isang patpat. Kakagatin naming ang
magkabilang dulo ng patpat. Kagatin mo naman ang gitnang bahagi nito.
Madadala ka naming sa aming paglipad. Huwag mo lang ibubuka ang iyong
bibig para hindi ka mahulog.”
Kinagat nila pareho ang dulo at pinakagat si pagong sa gitna ng patpat.
Umakyat sila paitaas. Pataas ng pataas.Tuwangtuwa si pagong dahil naabot na
niya ang kaniyang pangarap.
Maya-maya pa’y nakita sila ng mga tao at sinisigaw ang kanilang
pagkamangha sa nakikita.
“Ang galing ng Pagong! Siya’y lumilipad! Ang galing!” sigaw ng mga
bata.
Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.
“Ako ang Dakilang Pago—“
Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya
mula sa pagkakakagat sa kahoy.
Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa pagmamayabang ay nahulog siya
at di nakasama sa mag-asawang gansa.

Gawain:
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pabulang “Ang Madaldal na
Pagong”. Isulat ito sa iyong kuwaderno sa anyong patalata.

1. Nahulog ang pagong.


2. Pumayag ang dalawa.
3. Sinabi ng dalawang ibon sa pagong na huwag ibuka ang bibig nito.
4. Nakiusap si Pagong sa dalawang ibon na isama siya sa paglipad.
5. Nagyabang ang pagong sa mga tao at naibuka niya ang kaniyang bibig.

6
PAGLALAGOM

Upang makapagbigay ng angkop na wakas sa


binasang kuwento , dapat na:
 unawain ang binabasa
 humanap ng detalye na maaaring gamiting
batayan ng wakas nito

APLIKASYON

Panuto: Basahin ang san aysay at sagutin ang mga


tanong sa iyong kuwaderno.

Ang Pagsasaing
(Sanaysay)

Ang pagsasaing ay isa sa mga unang natututuhang gawain ng mga


bata sa bahay. Narito ang mga hakbang sa pagsasaing ng bigas.

Ihanda ang kaldero. Linisin itong mabuti. Magtakal ng bigas. Alisin ang
ipa, palay, o bato na napahalo rito ibuhos sa kaldero ang malinis na bigas.
Hugasan ang bigas ng dalawang beses. Lagyan ng tamang dami ng tubig.
Isalang ang kaldero sa kalan. Hayaang kumulo at mainin.
1. Ano ang una mong gagawin kung ikaw ay magsasaing?
________________________________________________________
2. Ano ang susunod mong gagawin pagkalinis mo ng kaldero?
________________________________________________________
3. Ano ang isusunod mong gagawin pagkatakal ng bigas?
________________________________________________________
4. Pagkatapos mong linisin ang bigas ano ang susunod mong gagawin?

7
________________________________________________________
5. Ano ang gagawin mo pagkabuhos mo ng bigas sa kaldero?
________________________________________________________
6. Pagkatapos mong mahugasan ang bigas ano ang gagawin mo?
________________________________________________________
7. Ano ang huling gagawin sa pagsasaing?
________________________________________________________

PAGTATAYA

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang talata o kuwento. Lagyan ng angkop na wakas ang
bawat isa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Si Reyna ay may halamanan sa harap ng bahay. Alagang alaga niya ito.


Dinidiligan niya ang mga halaman arawaraw. Inaalis niya ang tuyong
dahon at mga kulisap na naninirahan sa mga halaman. Kung minsan,
binubungkal niya ang paligid ng mga halaman. Nilalagyan din niya ng
pataba ang lupa.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Si Aris ay nakapulot ng isang pusang gusgusin. Iniuwi niya ito at


inalagaan. Inis na inis naman ang kuya niya kay Muning.
Isang gabi, ngumiyaw nang malakas si Muning. Nagising ang kuya ni
Aris. Nang lumabas siya sa silid ay nakita niyang nagliliyab ang bahay sa
tapat nila.
“Sunog! Gising kayo!”sigaw ni kuya. Nagkagulo ang maganak. Agad
silang bumaba at tumulong sa pagsugpo ng apoy. Nang matapos ang
pangyayari nilapitan ni kuya si Muning.
___________________________________________________________

8
___________________________________________________________

3. Mahilig kumain ng matatamis na pagkain ang batang si Arlene. Walang


araw na hindi siya kumain. Pagkalipas ng mga araw, tumaba siya nang
husto at nakaramdam na rin siya ng pananakit ng kaniyang ngipin. Isang
araw, masakit na masakit ang kaniyang ngipin. Umiyak siya ng umiyak.
Hindi na siya nakatiis at lumapit na siya sa kaniyang ina.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa hanggang
tatlong pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Masayang-masaya si Mang Kardo. Sarap na sarap siya sa pagkain ng


adobong manok na linuto ng kaniyang tatay. Hinimas-himas pa niya ang
kaniyang tiyan sa kabusugan. Ngunit natigilan siya nang makita niyang
wala sa kulungan ang alaga niyang tandang.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Si Julius ay isang masipag at matalinong mag-aaral. Nakikinig siyang


mabuti sa kaniyang guro kapag ito ay nagtuturo. Ginagawa niya lahat ng
kaniyang takdang-aralin at proyekto at ipinapasa niya ito sa tamang oras.
Matataas ang mga marka niya sa lahat ng pagsusulit. Madalas siyang
lumalahok sa mga paligsahan sa kanilang paaralan. Sa susunod na lingo
ay ang kanilang pagtatapos.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9
Gawain 3
Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa hanggang
tatlong pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Palaging naglalaro ng gadgets si Ian. Hindi na siya mautusan sa bahay dahil


palagi siyang nakatutok sa kaniyang cellphone. Isang gabi, nagpuyat siya sa
kakalaro. Hindi naniya namalayan ang oras. Mayroon pa siyang pagsusulit
sa kanilang paaralan kinaumagahan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Matalik na magkaibigan at magkapitbahay sina Alice at Sophie.


Magkababata sila at malapit na malapit sila sa isa’tisa. Nagbanasasabihan
nila ng problema at sikreto ang isa’t isa. Isang araw, nagkaroon ng bagong
kaibigan si Alice na kaedad rin nila. Isang araw, natuklasan ni Sophie na
sinabi ni Alice ang isang pinakatatago niyang sikreto sab ago nitong
kaibigan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

SA NGGUNIAN

• Bagong Pilipino sa Salita at Gawa , 84-86


• https://www.scribd.com/document/350902400/AngPangarap-Ni-
Pagong

MGA SAGOT

10
11
Balik-Aral: 2. Magtakal ng bigas.
C -A-D-B 3. Alisin ang ipa, palay, o bato
na napahalo rito
4. ibuhos sa kaldero ang malinis
Pagsasanay:
na bigas.
Gawain 1
5. Hugasan ang bigas ng
1 .A dalawang beses.
2 .B 6. Lagyan ng tamang dami ng
3 .A tubig. Isalang ang kaldero sa
4 .C kalan.
5 .A 7. Hayaang kumulo at mainin.
Gawain 2
Pagtataya:
1. Laging tinutukso si Gio dahil
siya ay mataba. I.1. Malulusog ang pananim ni
2. Pinayuhan siya ng tatay niya Reyna.
2na mag -ehersisyo . Pinasalamatan ni kuya si
3. Nag -ehersisyo si Gio. Muning.
4. Pumayat si Gio at hindi na
3muling tinukso pa ng . Pinatingin sa dentist ang
kaniyang mga kaklase. ngipin ni Arlene.
Gawain 3 II.1. Nagalit si Kardo dahil ang
Nakiusap si Pagong sa alaga niyang tandang ay
dalawang ibon na isama siya sa nilutong ulam ng kaniyang
paglipad.Pumayag ang dalawa tatay.
ibon.Sinabi
2 ng dalawang ibon sa . Maraming natanggap na
pagong na huwag ibuka ang karangalan si Julius.
bibig nito. Nagyabang ang
pagong sa mga tao at naibuka
niya ang kaniyang bibig. III. 1. Mababa ang nakuhang
Nahulog ang pagong. marka ni Ian sa kanilang
pagsusulit.
Aplikasyon:
2 . Nagalit si Sophie kay Alice.
1. Ihanda ang kaldero at Linisin
itong mabuti.
12

You might also like