You are on page 1of 2

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Cawit District
TULUNGATUNG ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City

Petsa: September 1, 2022 (Huwebes)

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento

II. Paksang Aralin


A. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento.
B. tsart
C. Filipino, Quarter 1, week 2 CAPSLET

III. Pamamaraan

1. Panimula
-Pagbati
-ang guro ay magpabasa ng isang usapan.

- Tungkol saan ang kuwentong binasa? Sino-sino ang bumubuo sa kanilang Pamilya ?
- Ano-ano ang masasayang sandali para sa kanila? Ganito rin ba kayo sa inyong pamilya? Paano mo nasagot ang
mga tanong sa kuwento?

2. Pagmomodelo
Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasakutan ng isa o
ilang tauhan at may mensahe o aral.
Sa pagsagot sa mga katungan sa isang kuwento kinakailangan natin:
•Basahin nang marahan ang mga nakasulat
•Unawin nang mabuti ang kuwentong binabasa
•Isaisip ang mga mahahalagang detalye o impormasyon na napapaloob dito.

Sa ganitong pamamaraan ay madali nating masasagot ang bawat katanungan sa ating mga binabasa.

3. Gabayang Pagsasanay
-Sasabayan ng guro ang pagsagot sa Gawain.
Panuto: Batay sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
_____1. Saan nakatira ang mag-anak?
A. sa isang kastilyo C. sa isang kuweba
B. sa isang eskuwelahan D. sa isang simpleng bahay
_____2. Sino ang guro sa pamilya?

A. Ate Dolly C. Mang Ador


B. Tatay Pio D. Nanay Conching

_____3. Paano nagiging madali ang mga gawaiin ng pamilya araw-araw?


A. sila ay nag-aaway C. sila ay nagbabangaya
B. sila ay nagtutulungan D. sila ay walang pakilam sa isa’t isa

_____4. Kapag may libreng oras at may sobrang pera, ano ang ginagawa ng mag-anak?
A. namamasyal C. nagsisimba
B. kumakain D. natutulog

_____5. Sino ang nilalapitan ng mag-anak kapag may problema o suliranin?


A. kapitan C. nars
B. guro D. Poong Maykapal

4. Malayang Pagsasanay
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot

Pagsasaranggola

Maraming bata ang nagtatakbuhan paakyat ng bundok. Ang saya-saya nilang lahat. Maaliwalas ang langit at
hindi mainit ang sikat ng araw. Katamtaman lamang ang ihip ng hangin at bagay na bagay para sa papalipad ng
saranggola.
Higit na mababa ang paglipad ng malaking saranggolang pula ni Luis kaysa sa saranggolang dilaw ni Albert.
Tila naman eroplano ang saranggola ni Samuel. Iyon ang pinakamataas sa lahat ng saranggola na lumilipad sa
himpapawaid.
“Kuya”, tawag ni Ana, ang maliit na kapatid ni Samuel. “Tulungan mop o akong paliparin ang aking
saranggola.” Hawak ni Ana ang isang saranggolang kulay lila at gawa sa makapal na papel. “Sige, halika at tuturuan
kita,” ang sagot ng kanyang kuya. Masayang nagpatuloy sa paglalaro ang mga bata

1. Ano ang ginagawa ng mga bata?


A. Nagpipiknik sa parke C. Naliligo sa ilog
B. Naglalaro ng taguan D. Nagpapalipad ng saranggola

2. Alin sa mga salita ang naglalarawan sa mga bata sa kuwento?


A. malikot B. masaya C. maingay D. malungkot
3. Kaninong saranggola ang pinakamataas ang lipad?
A. kay Samuel B. kay Albert C. kay Luis D. Kay Ana
4. Sino ang nagpatulong na magpalipad ng kanyang saranggola?
A. si Albert B. si Ana C. si Samuel D. si Luis
5. Saan yari ang mga saranggola?
A. sa plastic B. sa tela C. sa makapal na papel D. sa dahon ng saging

IV. Pagninilay
___Lesson carried. Move on to the next objective.
___Lesson not carried._______________________________________
(Write the reason why)
Note: ______________________________________________________

V. Talaan
___Pupils did not find difficulties in answering their lesson.
___Pupils found difficulties in answering their lesson.
___Pupils did not enjoy the lesson because of lack of knowledge, skills and interest about the lesson.
___Pupils were interested on the lesson, despite of some difficulties encountered in answering the questions asked by the teacher.
___Pupils mastered the lesson despite of limited resources used by the teacher.

You might also like