You are on page 1of 2

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Ayala District
TULUNGATUNG ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City

Petsa:Setyembre 29, 2023 (Biyernes)

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid

II. Paksang Aralin


A. Paggamit ng Pangngalan sa pagsasalaysay
B. tsart
C. Filipino 3 Patnubay ng guro at kagamitan ng mag-aaral

III. Pamamaraan

1. Panimula
-Pagbati
-ang guro ay magpabasa ng isang usapan.

2. Pagmomodelo
-Ang Pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan tao,bagay ,hayop,pook at pangyayari
Halimbawa:
1.Tao- Gng.Rosalie Somblingo,Jose Rizal,sundalo,
2.Bagay- halaman,bag,mesa
3.Hayop – pato,ibon,kalabaw
4.lugar - bayan, paaralan,Pilipinas, ospital
5.Pangyayari-pandemic, karawan, pasko,
-Ginagamit ang Pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao ,lugar at bagay sa paligid.
 Ang bawat tao ay dapat pangalagaan ang ating kapaligiran.

3. Gabayang Pagsasanay
-Sasabayan ng guro ang pagsagot sa Gawain.
Panuto: Gumamit ng tamang pangngalan upang mabuo ang diwa ng pangungusap na nagsasalaysay tungkol sa
tao,lugar,at bagay sa paligid. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ating____ ay nangangailangan ng mga taong mangangalaga at


magmamalasakit .Tahanan ito ng lahat kaya dapat lang mapangalagaan
A. guro C. palasyo
B. mundo D. ilog
2. Ang bawat ____ ay dapat tumulong para ang ating likas na yaman ay mapag-ingatan
A. tao C. guro
B. hayop D. pulis

3. kapag inayos natin ang kapaligiran ay matutulungan din natin ang mga ____ at
halaman sa ating paligid.
A. tao C. hayop
B. Pook D. bagay

4. Magtanim din tayo ng mga puno at _____ para gumanda ang ating kapaligiran.
A. tao C. hayop
B. halaman D. ilog

5. Ang mga _____ sa bawat paaralan sa ating bansa ay dapat maturuang magmahal at kumalinga sa kalikasan
A. Punongguro C. mag-aaral
B. guro D. hardinero
4. Malayang Pagsasanay
Sukatin ang iyong natutuhan!
Panuto: Sumulat nang talatang nagsasalaysay tungkol sa sumusunod na Pangngalan. Sundin ang rubrics sa
pagsasalaysay

1. Ang Paborito kong hayop 2. Ang Aking Pamilya

IV. Pagninilay
___Lesson carried. Move on to the next objective.
___Lesson not carried._______________________________________
(Write the reason why)
Note: ______________________________________________________

V. Talaan
___Pupils did not find difficulties in answering their lesson.
___Pupils found difficulties in answering their lesson.
___Pupils did not enjoy the lesson because of lack of knowledge, skills and interest about the lesson.
___Pupils were interested on the lesson, despite of some difficulties encountered in answering the
questions asked by the teacher.
___Pupils mastered the lesson despite of limited resources used by the teacher.

You might also like