You are on page 1of 8

Limay Polytechnic College

Limay, Bataan

Detalyadong Banghay Aralin sa EPP V

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, 100% ng mga bata na may 75% na antas ng kakayahan ay
inaasahang;

1. Matukoy ang kahulugan ng lupa at tatlong uri nito; 2.


Mahawakan at ibahagi ang tekstura ng tatlong uri ng lupa; 3.
Ingatan at pangalagaan ang lupang taniman.

II. Paksang Aralin Paksa : Ang Lupa


Kasanayan : Pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagiintindi
Sanggunian : Kaalaman at kasanayan tungo sa kaunlaran 5, Aralin 2 p.68
Mga kagamitan : Mga larawan, lupa at visual aids
Pagpapahalaga : Kooperasyon, pangangalaga at interes
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
i. Pangunahan mo ang ating Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng
panalangin ____. Espirito ...
2. Pagbati Amen.
i. Magandang umaga mga bata!
ii. Maaari na kayong magsiupo. Magandang umaga din po guro!
Salamat po!
3. Pagtatala ng Lumiban
i. Maaari bang sabihin ng mga
taga panguna ng bawat
pangkat kung may lumiban sa
ating klase ngayon?
Lider; Ikinagagalak ko pong iulat sa
inyo na wala pong lumiban sa aming
ii. Mahusay! pangkat.

4. Pagpapasa ng Takdang Aralin


i. Mga bata maaari niyo nang
ipasa ang inyong mga
takdang aralin.

(Sumunod ang mga bata).


5. Pagbabalik Aral

Sa nakalipas nating aralin, maaari ba


ninyong ibahagi ang ating tinalakay?
Ang wastong pangangalaga sa iba’t
ibang gulay.
Magaling! Lubos nga ninyong naintindihan
at natandaan ang tinalakay!
B. Paggaganyak
Ngayon naman bago tayo magsimula sa
ating panibagong aralin, may mga
inihanda akong larawan. Tignan at ibigay
ang inyong ideya sa mga larawan na aking
ipapakita.

Ano ang inyong napansin sa mga larawan?


(Sagot ng mga bata)

Magaling mga bata!

C. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayong araw
ay ang lupa at tatlong uri nito.

May ideya ba kayo kung ano ang


lupa? (Sagot ng mga bata)

Mahusay!

Ang lupa ay ang nagsisilbing tahanan


ng mga maliliit na hayop gaya ng
bulateng lupa at iba pang
mikroorganismo. Ang pangunahing
sangkap sa paghahalaman ay ang
lupa o lupang taniman.

Nararapaat ba na pahalagahan natin


ang lupang taniman? Opo! (sabay sabay na sagot ng mga
bata)
Tama! Mahalaga ito upang matiyak
ang pinakaangkop na halamang
itatanim at upang mabigyan ng sapat
na pangangalaga.

Ang mga tinatawag na tatlong uri ng


Lupa ay ang mga:

1. Banlik o Loam- Buhaghag Ito at


karaniwang nakukuha sa gilid ng
ilog. Tumataba Ito kapag
nahahaluan ng compost o mga
binulok na dumi ng hayop, dahon
at basurang kusina. Pinakaangkop
sa paghahalaman ang lupang ito.
2. Luwad o clay- Malagkit kapag basa
at nalulunod ang mga halaman sa
ganitong uri ng lupi. Bitak bitak
naman Ito kung tuyong-tuyo.

3. Mabuhanging lupa o Sandy- May


halong buhangin at maliit na bato ang
lupang Ito. Hindi lahat ng halaman ay
nabubuhay dito dahil bumababa
kaagad ang tubig.
Ito ang mga uri ng lupa na maaari at
hindi maaaring angkop sa pag
hahalaman.

Ngayon ay nalaman na ninyo ang


kahalagahan ng lupang taniman at
mga uri nito.

D. Paglalahat
May mga katanungan pa ba mga bata?
O may mga hindi naintindihan?
Wala na po!
Mahusay!

Ano nga ulit ang kahalagahan ng lupa?


Ang lupa ay ang nagsisilbing tahanan
ng mga maliliit na hayop gaya ng
bulateng lupa at iba pang
mikroorganismo
Magaling!

Ano naman ang iba't iba o tatlong uri


ng Lupa? Ang Banlik o Loam, Luwad o clay at
mabuhanging lupa o sandy.
Mahusay mga Bata!

E. Paglalapat

Ngayon naman ay may mga


inihanda akong larawan at ang
kailangan nyo lamang gawin ay
alamin kung anong uri ito ng Lupa.

Handa naba mga Bata?


Opo!

(Sagot ng mga bata)

Magaling!

Maghanda ang lahat at hahatiin ko


ang klase sa dalawang grupo.
Ipahahawak ko ang mga Lupa sa
bawat grupo at isulat sa pisara ang
mga katangian o tekstura ng mga
ito.

Banlik o Lumad o Mabuhanging


Loam Clay Lupa o sandy

Tignan natin kung tama ang inyong mga


sagot.
(Isinulat ng mga bata ang katangian at
tekstura ng tatlong uri ng lupa)
Magaling mga bata!

IV. Pagtataya

Basahin at unawain ang mga kahulugan


upang malaman ang sagot at makumpleto
ang mga nawawalang titik.

1. Ang nagsisilbing tahanan ng mga


maliliit na hayop gaya ng bulateng lupa at 1. LUPA
iba pang mikroorganismo
L A

2. Ang pangunahing sangkap


sa
2. LUPANG TANIMAN
paghahalaman
L A G
A N M N

3.Pinakaangkop sa paghahalaman ang


lupang ito.

O A 3. BANLIK / LOAM
B A K

4.Malagkit kapag basa at nalulunod


ang mga halaman sa ganitong uri ng
lupi.

A Y
L W D

5.Hindi lahat ng halaman ay nabubuhay


dito dahil bumababa kaagad ang tubig.

N D

V. Takdang Aralin

Maghanap ng tatlong uri ng lupa na


tinalakay natin at magkakahiwalay na
plastic bottles. ilagay ito sa

Hanggang dito na lamang ang ating aralin.

Paalam mga bata! Paalam din po!

Inihanda ni:
ROSALINDA P. SAMONG
BEED-III

You might also like